CHAPTER 2

2833 Words
JARED It's Miles' birthday and I'm late, damn it! It was already nine in the evening and the celebration started at six. If the earlier meeting wasn't that important, I could just postponed and re-schedule it. But, it was. Kasama pa sa meeting na iyon ang Papa ko kaya hindi rin agad ako nakaalis. I already received tons of messages from her. Ang mga naunang messages niya ay natatanggap ko every fifteen minutes. Tinatanong niya kung tapos na ba ang meeting ko o on the way na ba ako. Pero bandang eight-thirty, kung anu-ano na ang natatanggap ko sa kanya at sunud-sunod pa ang mga iyon. Where the hell are you? Jared! Pupunta ka pa ba? Bago ka umuwi, gift ko muna! Give it to me! It's my birthday and you're ditching me? How dare you! Hindi ka pa kumakain. Kain ka muna bago biglang-liko. XD Jared! Nasaktan din ba kita? Aalis ka rin ba at iiwan ako? Inom tayo pagdating mo! I'm still not drunk, just so you know. Hahaha! "f**k. She's wasted," tanging nasambit ko na lang pagkabasa sa huling mensahe niya. Sigurado akong lasing na siya. Because if she wasn't and still sane, she wouldn't send me those messages. Hindi siya madaldal sa text. She would just text me with a simple K-word or no reply at all. Agad kong pinaharurot ang sasakyan nang mag-green light ang signal. Hindi ko muna pinansin ang muling pagtunog ng message alert tone ng phone ko. I drove as fast as I could just to get on her birthday venue. Few minutes later, I arrived at the bar. Mabilis kong tinungo ang VIP room kung saan ginaganap ang birthday party. At pagbukas ko pa lang ng steel door, bumungad na agad sa 'kin ang hiyawan ng mga bisita sa loob habang sumasayaw at sumasabay sa tugtog. They were already having fun. Wala sa kanila ang agad na nakapansin sa pagdating ko. Hinanap ng mga mata ko ang kinaroroonan ni Miles. And there, I saw her in the bar counter, holding her wine glass while talking to a guy sitting next to her. As I was staring at them, they looked somehow close to each other. When I took a glimpse of the guy, it was the first time I saw him. Because among her guy friends, sina Juice at Deus lang ang nakilala ko sa mga ito. While looking at them talking together, I felt something inside my chest. Is he the ex? hindi ko naiwasang itanong sa sarili ko. At isipin ko pa lang na iyon nga ang ex niya ay nakakaramdam na ako ng galit at inis sa lalaki. Despite the noisy and loud music, I found myself calling her name. "Miles! I'm here!" I shouted to get her attention. But I guess, it was a wrong move. Awtomatikong namatay ang music at huminto rin sa pagsasayaw ang mga tao sa loob. I got all of the visitors' attention. Even the guy sitting next to Miles looked at my direction. All of them except her. What a nice entrance, Jared Jimenez! Si Max ang unang bumati at kumaway sa 'kin. "Hi, Jared! Kanina ka pa hinihintay ni Bhest." Nilingon ni Max si Miles at tinawag. "Hey, Bhest! Your boyfriend is here!" Nagulat ako. At halatang nagulat din ang mga lalaki sa sinabing iyon ni Max. "Boyfriend?!" they exclaimed in unison. "Yes. Lalaking kaibigan. It's not as if he's a girl, right? Duh!" Max said, rolling her eyes. Makahulugang ngumiti sa 'kin si Sam. Alanganin naman akong gumanti ng ngiti. Alam kong hindi lingid kina Max at Sam ang nararamdaman ko kay Miles. Unang pagkikita at pagkakakilala pa lang namin, naramdaman na agad nila ang kakaiba kong pagtingin sa kaibigan nila. At hindi ko naman iyon itinanggi. Sadyang si Miles lang ang hindi pa nakakakita at nakakapansin. Lumapit sa 'kin ang mga kaibigan nila at nagpakilala isa-isa. Nang ang lalaking kausap na ni Miles kanina ang nagpakilala at nakipagkamay, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. "Are you the ex?" Noong una ko pa lang siyang makita pagpasok ko, iyon na agad ang gusto kong itanong sa kanya. Natahimik ang lahat. Bahagya ring natigilan ang nagpakilalang Dave, pero saglit lang iyon. Sumulyap siya sa kinaroroonan ni Miles kaya napatingin din ako roon. Nakapatong na ang braso ni Miles sa bar counter at nakasubsob doon ang mukha habang nakaupo sa high stool. "No," narinig kong sagot ng lalaking nakatayo sa harap ko kaya ibinalik ko ang tingin sa kanya. I met his cold gaze. "Kaibigan ako ng ex niya. All of us here." Ang tinutukoy niya ay ang iba pang mga lalaki na nagpakilalang Nic, Cyprus, Kent, Jaiden, Aaron at Leonne. "Did Miles tell you about her ex?" Nilingon ko ang nagtanong na iyon. If I wasn't mistaken, his name was Aaron. "A little bit. She was drunk when she mentioned about her ex." Ngumisi ang katabi nitong si Jaiden. "You look protective over her. May gusto ka ba sa kanya?" "So, what kung may gusto siya kay Bhest? He's single. And Bhest is single, too. They're both singles! Walang masama kung magligawan sila, right?" sabat ni Max. "Lemon Max, lasing ka na," saway ni Juice sa girlfriend nito. "What? Don't tell me umaasa pa rin kayo na babalik ang kaibigan n'yo?" "Stop it, Maxene Lalaine Fortalejo! Kumanta ka na lang." At hinatak na ni Juice sa mini stage si Max para pakantahin. "Wait! I'll sing, too." Pumunta rin sa stage si Sam. "Damn! Lasing na rin siya," naiiling na komento ni Deus bago sumunod sa girlfriend nito. "Puntahan mo na si Miles. Kanina ka pa niya hinihintay," narinig kong sabi ni Dave. "Sige. Puntahan ko lang siya." Nakayuko pa rin si Miles sa bar counter. Umupo ako sa bakanteng high stool sa tabi niya. Sumenyas ako sa bartender para humingi ng isang baso ng alak. Nang maiabot na sa 'kin, saka lang ulit ako bumaling ng tingin sa katabi ko. I poked her. "Hey, Miles. Tulog ka na ba?" She just moaned in response. Muli ko siyang kinulbit, pero hindi pa rin siya natinag sa pagkakasubsob sa mesa. Hindi ko siya tinigilan kaya maya-maya lang, "Ano ba?!" reklamo na niya. Bahagya akong natawa nang ipiksi niya ang balikat niya bago mag-angat ng tingin sa 'kin. Hindi ako naging handa nang masalubong ko ang namumungay at nangungusap niyang mga mata. My heart skipped a beat. And just like the first time I met her, I was really mesmerized by her beautiful eyes. Hindi ko rin tuloy maiwasang alalahanin ang una naming pagkikita mahigit isang taon na rin ang nakararaan... Nakapila ako sa take-out counter sa bagong bukas na fast-food chain. May babaeng nauuna sa 'kin at napansin ko agad na parang ang tagal niyang magbayad. Hindi sinasadyang sumilip ako at nakita ko ang laman ng wallet niya. Lihim akong napangisi nang makumpirma ang pinoproblema niya. She didn't have enough cash to pay for her orders. Hindi rin naman niya magagamit ang credit card niya dahil hindi pa tinatanggap iyon. So, being nice and a real gentleman, I helped her. Kahit hindi pa man kami magkakilala. Hindi ko akalain na may kakaiba akong mararamdaman sa pagtatama ng mga mata namin. Her eyes were beautiful. No. She was indeed beautiful. I don't want to freak her out, so I smiled at her. Para na rin maitago ang nararamdaman kong paghanga sa kanya. Hindi naman siya nagreklamo nang bayaran ko ang mga order niya. "T-thank you," sambit niya. I didn't know what happened to me, pero ayokong basta na lang matapos ang pag-uusap namin nang gano'n na lang. I have this strong urge to see and know her more. So, I took that chance to ask her out. But I guess, it was a wrong move. I saw how her soft expression turned into blank. Kahit wala siyang sabihin, ramdam ko ang pagkainis niya sa 'kin. Pero, hindi ko siya hinayaang makalayo. Sinundan ko pa rin siya at kinulit tungkol sa date kapalit ng ginawa kong pagtulong sa kanya. I was so sure that she won't say no to me until she placed money on my right hand. "You're not accepting words, but I guess you're accepting cash. Now, we're even." Her last words caught me off guard. It was unexpected. She was very honest and straight-forward for turning me down. At sa buong buhay ko, siya pa lang ang tanging babaeng tumanggi sa 'kin. Kahit tinanggihan niya 'ko, hindi naman no'n nabawasan ang paghanga ko sa kanya. Instead, I admire her even more. Dahil alam kong hindi siya ordinaryo at basta-bastang babae lang. Napakamot na lang ako sa batok ko habang sinusundan siya ng tingin papalayo. And I couldn't help but smile. Although, her refusal hurts a little. She crushed my ego. Big time! After that day, she didn't leave off my mind. May parte sa 'kin ang nanghinayang dahil hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Pero, mukhang kumakampi sa 'kin ang tadhana. Makalipas lang ang dalawang linggo, muli kaming nagkita. She was a newly hired employee in my parents' company, the Jimenez Technology and Architectural Firm. At doon na nagsimula ang lahat sa pagitan naming dalawa. Hindi rin naging madali ang pagkakalapit namin. Mailap siya at palaging umiiwas. Pero dahil pursigido akong makilala siya, I did my best to be friends with her. 'Di nagtagal, all of my efforts paid off. And it was all worth it. She was worth it. We became best of friends. Until what I feel for her had deepened. It was already beyond like and admiration. "Jared?" Naputol ang pagbabalik-tanaw ko nang marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko. And it was like a music to my ears when she called my name. At guwapung-guwapo ako sa sarili ko sa tuwing babanggitin niya ang pangalan ko. "Ikaw nga ba 'yan?" tanong pa ni Miles. Naniningkit ang mga mata niya na wari bang kinikilala niya ang taong nasa harap niya. Lasing na nga talaga siya. I nodded. "It's me. Happy Birthday, Miles," nakangiting bati ko sa kanya. "Thanks," sambit niya bago biglang sumimangot. "Kanina pa kita hinihintay. Bakit ngayon ka lang?" masungit niyang tanong, nanghahaba ang nguso. Ang cute lang. Alanganin akong ngumiti at bahagyang napakamot sa ulo. "Sorry to keep you waiting. But, I'm here na. Iyon naman ang importante, 'di ba?" She sighed. "Right. You're already here. Nasaan ang gift ko?" "Ah, right." Isinuksok ko ang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko at may kinapa roon. Ilang sandali pa, muli kong inilabas ang kamay ko, showing her a finger heart. Ito ang nakikita kong uso ngayong ginagawa ng mga tao kapag nagpapa-picture. At minsan ko na rin itong nakitang ginawa ng favorite Korean rock band niyang Five Treasure Island at ng favorite boy dance group niyang BTS. She frowned. "What's that?" "My gift for you. My heart," nakangising sagot ko. "Dug, dug, dug," sambit ko pa habang isinasabay ang kamay ko na parang tumitibok talagang puso. I winced in pain when she flicked my forehead. Napahawak ako at hinimas-himas ang nasaktang noo. Grabe siya! Pati ba naman ang simpleng pagpapakilig ko sa kanya, hindi niya sineseryoso? Tsk. May totoong gift naman ako sa kanya. Iniwan ko lang sa sasakyan ko dahil mamaya ko pa iyon balak ibigay. "Gago! Ang corny mo, Jared Jimenez," aniya. "Inom na lang tayo." At sumenyas siya sa bartender for another glass of wine. "Cheers!" sigaw ni Miles bago sabay naming tinungga ang laman ng baso. Sabay pa kaming tumingin sa mini stage nang marinig ang pagwawala sa pagkanta ng dalawang babaeng kaibigan niya. Habang sa kabilang side naman, mukhang nag-e-enjoy rin sa pag-uusap at pagtatawanan habang umiinom ang mga lalaki. They were really having fun, huh? Maya-maya pa, "Calling the attention of our birthday celebrant, Millicent Buencamino. Come up here on stage and sing for us," sabay na pagtawag nina Max at Sam. Sinundan iyon ng malakas na hiyawan ng mga lalaki, encouraging Miles to sing on stage. "Go, Miles! Wooohhh!" I joined them. Nakipalakpak na rin ako sa kanila. When she glanced at me, I motioned her to go up on stage. "Go! Fighting!" pagpapalakas ko pa sa loob niya. Nakangiting napailing na lang siya. Pero 'di rin nagtagal, tumayo siya. "Pampalakas ng loob nga po diyan!" hirit niya sa bartender. Binigyan naman siya ng isang baso ng alak at tinungga iyon. She asked for another glass before going up on stage, holding a glass of wine. "Because it's my birthday, pagbibigyan ko kayo. But before that, raise your glass, guys." Gaya ng utos niya, kinuha namin ang mga baso namin. "Cheers!" sigaw niya bago sabay-sabay kaming uminom at muli siyang binati ng isang malakas na 'happy birthday'. "I'll sing so, bear with me, guys. And sing with me. Let's all have fun!" Mas lalong lumakas ang sigawan at palakpakan ng lahat nang magsimula na siyang kumanta. The song was very familiar. I'm Yours by Jason Mraz. While she was singing, it was as if I was being hypnotized by her voice. And I couldn't take my eyes off her. Kahit wala masyado sa tono ang pagkanta niya dala ng kalasingan, hindi pa rin nakakasawang pakinggan ang pagkanta niya. And I don't know if it was just me o talagang may gumuguhit na lungkot at sakit sa mga mata niya sa tuwing babanggitin niya ang huling dalawang salita sa chorus - ang 'I'm yours'. Naaalala ba niya sa kanta ang ex niya? Or was the song really meant for her ex? tanong ko sa sarili ko. Naalis lang ang tingin ko kay Miles nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa ko. Kinuha ko iyon. When I looked at the screen, it was a long distance call from my best friend in New York City. Sinagot ko ang tawag bago muling ibinalik ang tingin sa babaeng patuloy pa ring kumakanta sa stage. "Hey, Red! Want to hear some good news?" bungad na pagbati sa 'kin ng kaibigan ko mula sa kabilang linya. "Sure. And your call was a good timing. I need some distractions right now," sagot ko bago nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "Why? Something happened?" "Oo. Nahulog ako." I'm really falling deep and hard for her, dugtong ko pa sa isip ko nang hindi inaalis ang pagkakatitig kay Miles. "Are you okay? Where did you fall?" "Hindi saan kundi kanino," pagtatama ko, binigyang-diin ang huling salita. "Gago ka! Akala ko seryoso ka talagang nahulog. Bumabanat ka lang palang hayop ka." Natawa na lang ako sa sinabi niya. "So, what's the good news, Ethan?" tanong ko. "Guess what? Mukhang mapapaaga pa sa sinabi ko sa 'yong scheduled date ang dating ko diyan sa 'Pinas. Hindi na kami sabay ni Zell." Tukoy niya sa isa pa naming kaibigan na nakabase rin sa New York. "Well, that's really good news. So, kailan na ang dating mo?" Ang sabi niya sa 'kin no'ng huli kaming mag-usap sa phone, sa July pa ang dating niya, which is three months away from now. "That's a surprise, Red. Dahil ayoko nang maulit pa ang ginawa mo noong minsang sunduin mo ako sa airport. That's not so manly, dude. And not so gorgeous." Natawa ako nang maalala ko ang tinutukoy niya. Nangyari iyon no'ng nag-aaral pa kami sa college three years ago. Nasa New York pa kami no'n tapos isang buwan din siyang nagbakasyon sa LA. Nang bumalik siya, sinundo ko siya sa airport dahil nagpasundo rin naman siya. Ang hindi niya alam, may banner akong dala na may nakasulat na 'Welcome back, babe!' at iwinawagayway ko iyon habang papalabas siya sa arrival area. His reaction was priceless, though. Ang sama ng tingin niya at hindi talaga siya lumapit sa'kin that time. Ni hindi nga siya lumingon kahit tinatawag ko na siya. Dire-diretso lang siyang naglakad palabas ng airport. Nang nasa sasakyan na kami at biyahe pauwi, inasar-asar ko pa siya. Halos lahat kasi ng tao sa airport, nakatingin sa 'min at kinikilig pa. May ibang babae pa ang mukhang nanghinayang. Akala kasi nila ay may relasyon kami ng kaibigan ko. That was totally epic! "By the way, where are you, Red? Parang ang ingay diyan," puna niya. "Ah, yeah. Birthday kasi ng babaeng kumakanta ngayon." Natahimik siya sa kabilang linya. Akala ko nga ay naputol na ang tawag, pero maya-maya lang, muli siyang nagsalita. "Is she the one?" "What?" "'Yung sinasabi mo kanina kung kanino ka nahulog. It was her, right?" Napangiti ako. Ang lakas ding makaramdam ng kaibigan ko. "When you get here, I'll introduce her to you. She's amazing, Ethan," sambit ko habang nakatitig pa rin kay Miles. Hindi siya nagsalita. Pero, natawa na lang ulit ako sa sunod niyang sinabi. "Mukha nga. She sounds amazing, too." I know he was being sarcastic when he made that comment. Sigurado kasing naririnig din niya na wala sa tono ang pagkanta ni Miles. Napadiretso ako ng upo nang biglang tumingin sa direksyon ko ang babaeng pinag-uusapan namin. "Hey, Jared! Come up here on stage. It's your turn," sabi ni Miles habang nakatapat ang mic sa bibig niya. Ginatungan pa iyon ng mga kaibigan ni Miles kaya hindi ko na nagawang tumanggi. "I gotta go, Ethan. Pinapakanta na nila ako." "Enjoy and have fun, Red." "Definitely. And see you soon, Ethan." Then, I hang up the call. Tumayo na 'ko at nagtungo sa kinaroroonan ni Miles. I requested for a duet na hindi naman niya tinanggihan. At sa buong kantang iyon, nakangiti at nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko na alintana ang malakas na kantiyawan ng mga kaibigan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD