CHAPTER 1

1476 Words
MILES "Calm down, Jared."  Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na iyon sinabi sa kanya. Pagdating namin dito sa cafe, hindi na siya mapakali sa kinauupuan. Maya't-maya ang inom niya ng tubig at pabalik-balik sa banyo. Kapansin-pansin din ang pamumuo ng pawis sa noo niya. "I'll meet your friends today." My forehead creased. "So? It's not the first time that you'll meet them. You already met them countless times, remember?" "Today is different." "How come meeting them today is different from other meetings before?" I asked, frowning even more. He let out a deep sigh before turning his gaze at me. "Sa mga kaibigan mo pa nga lang ay kinakabahan na ako, paano pa kaya kapag sa parents mo na 'ko humarap?" "Baka himatayin ka na," sarkastikong sagot ko. "Though, you're cool and calm the first time you met my parents. You even had fun talking to my little brother as well. Nagkasundo agad kayo," dagdag ko pa. A soft smile formed on his lips. "Right. I had to look cool and calm in front of them. But deep inside, I was nervous as hell." "Really? Hindi halata. Seriously, bakit ka ba kinakabahan diyan? It's not a big deal to meet my friends today." "Of course, it's a big deal." I raised my eyebrow. "And why is that?" "Basta," aniya bago muling uminom ng tubig. Muli siyang tumingin sa 'kin. "Okay naman ang hitsura ko, 'di ba? Hindi naman nakakahiya? Guwapo pa rin?" Imbes na sagutin ang tanong niya, "You're acting weird," kunot-noong sabi ko. "I know. Minsan ang guwapo, nagiging weird din," nakangising sagot pa niya. "Now, you're really weird," I stated, shaking my head. Mahigit isang taon na rin nang maging magkaibigan kami ni Jared. I remember the day we first met. Kahit tinulungan niya 'ko no'n, medyo nainis at nayabangan ako sa kanya. Dalawang linggo pa lang ang nakakalipas pagkatapos ng graduation namin, naghanap at nag-apply na ako ng trabaho. Katatapos ko lang sa isang job interview at bago umuwi, may nadaanan akong bagong bukas na fast-food chain kaya doon ko na lang naisipang bumili ng pagkaing ipapasalubong ko sa mga magulang ko at kay Miller. Sa take-out counter ako pumila para mabilis. Babayaran ko na sana ang orders ko nang mapansing limang daan na lang ang nasa wallet ko. Hindi ko naman magawang maglabas ng card dahil may signage sila na cash pa lang ang tinatanggap nila. Bakit ba kasi hindi muna ako nag-withdraw bago pumunta dito? Akmang sasabihin ko na sana na babalikan ko na lang ang orders ko nang isang kamay na may hawak na pera ang sumulpot sa gilid ko. "Here. I'll pay for her orders. Pakisama na lang sa orders ko." Nilingon ko ang nagsalitang iyon. Isang guwapong lalaki ang nakatayo sa bandang likuran ko. I met his gaze and he smiled, showing a perfect set of white teeth and a cute dimple on his right cheek. This guy was handsome. Ilang sandali rin akong nakatitig lang sa kanya. Natauhan lang ako nang siya pa ang kumuha sa orders ko. "T-thank you," nauutal na sambit ko bago kuhanin ang mga binili ko mula sa kamay niya. "You know, you can thank me with just a date," he said, grinning widely. Tumaas-baba pa ang kilay niya nang sabihin iyon. "What?" "I'm not accepting words for thank you. Be my date and we're even." Ang kaunting paghanga na naramdaman ko sa kanya ay mabilis na naglahong parang bula. It was then replaced by annoyance. Hindi ko alam na may kapalit pala ang pagtulong niya sa 'kin. A help I didn't ask in the first place. Naglakad ako paalis sa lugar na iyon. "Your silence means yes, right?" aniya na nakasunod pala sa 'kin. Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong nagtungo sa ATM machine sa kabilang kalsada. Kahit hindi ako lumingon, alam kong sumusunod pa rin siya. I guess, he won't leave until he got a yes from me. Pagkatapos kong mag-withdraw, humarap ako sa kanya at kinuha ang isang kamay niya. Ipinatong ko roon ang dalawang libo na papel. Halatang nagulat siya, pero hindi ko iyon pinansin. "You're not accepting words, but I guess you're accepting cash. Now, we're even." Iyon lang at tinalikuran ko na siya. Hindi ko na hinintay ang anumang kayabangan na sasabihin pa niya. Akala ko ay iyon na rin ang huli naming pagkikita. But, we met again in the company where I was hired, Jimenez Technology and Architectural Firm. And it turned out he was also the son of the company's president. Naging magkatrabaho kami. Si Jared Jimenez ay isa sa mga kinikilalang architect dito sa bansa at siya rin ang Head ng Plan and Design Department ng kumpanya. I started working in the company as a programmer. After a year, I was already promoted in project manager position. Of course, marami ang nagtaas ng kilay at nainggit. Marami ring kumalat na tsismis na kesyo malapit ako kay Jared at nilalandi ko siya kaya nakuha ko agad ang mataas na posisyon sa loob lang ng isang taon. Lahat ng iyon ay ipinagsawalang-bahala namin ni Jared at hindi pinansin. Alam naman naming pareho na hindi iyon totoo. Para matahimik ang malilisyosong empleyado, ipinakita ko na lang sa skills and performance ko ang mga maling paratang nila. That I really deserved where I am right now. That I got the position because of my skills and not only because of Jared. I won't use him for my own benefit. He was a good friend of mine. Kahit na minsan ay may pagkamayabang siya, palagi naman siyang nandiyan kapag kailangan. Maaasahan siya sa lahat ng bagay. At first, I didn't pay attention to him. Inis pa rin ako sa kanya dahil sa first meeting namin. Umiwas ako kahit panay ang lapit at pangungulit niya. Pero, hindi siya sumuko. And little did I know, nasanay ako sa pagsulpot-sulpot niya at sa presensiya niya. Until I found myself talking, smiling, and even laughing with him. Right then and there, we became friends. Accidentally, naikuwento ko sa kanya ang past relationship ko nang minsang malasing ako. He didn't judge me. He was just there, silently listening to my whining and crying. And I'm glad he was there for me. Hindi ko kasi masabi ang mga iyon sa mga kaibigan ko. But with him, it was easy for me to say those things. Siguro dahil hindi niya rin kilala ang taong tinutukoy ko. Habang nakikilala ko siya, napatunayan kong hindi lang din pala siya basta yabang. He was a good guy and would always be there for me. I could always count on him. He became my guy best friend. After him, si Jared pa lang ang hinayaan kong makapasok sa buhay ko. Maybe they have similarities. Iyon siguro ang dahilan kaya naging palagay rin ang loob ko sa kanya at naging malapit kami sa isa't-isa. Jared reminded me of him. ----- Our meeting with my two best friends, Max and Sam, went well. Kumustahan at kwentuhan. Kahit panay ang bigay nila nang makahulugang tingin kay Jared, kahit parang uneasy at kinakabahan naman ang huli, nagawa pa rin nitong pakitunguhan nang maayos ang dalawa kong kaibigan. Ang kukulit pa rin nila. At na-miss ko talaga ang dalawa kong kaibigan. Madalang na rin kasi kaming magkita dahil na rin sa mga trabaho namin. And well, dahil may mga boyfriend din sila. Maxene Lalaine Fortalejo is now one of the most best-selling authors in the country. Ito rin ang Editor-in-Chief ng Love-Hate Romance, isang publishing company na pag-aari ng pamilya nila. We're not surprised, though. Noon pa man, alam na namin na passion na nito ang pagsusulat. While Samantha Nicole Samonte is a professional photographer in her boyfriend's modelling agency. Sideline na lang nito ang pagiging freelance programmer. Napag-usapan din namin ang gagawing birthday celebration ko sa isang bar kung saan kukuha kami ng private room para sa inuman at kantahan this coming Friday. I already invited the Blue Orions and hopefully, they will be free and be there on my birthday. Mahirap na rin kasing hagilapin ang iba sa kanila dahil busy na rin at may mga trabaho. Ang kumpirmado pa lang na pupunta ay sina Dave at Leonne, pati na rin ang mga kasintahan nina Max at Sam. Pagpasok ko sa kuwarto ko, agad na natuon ang atensiyon ko sa kalendaryong nakasabit sa pader malapit sa kama ko. Lumapit ako roon at kinuha ang marker. I marked an x for this day. Another day had passed without him. It's been more than three years since I started marking the days on my calendar. And today was the exact one thousand one hundredth day without him. Ipinatong ko ang kamay ko sa numero na nasa kalendaryo para sa araw na ito at malungkot na ngumiti. It's been a while, Nate. How are you? Naaalala mo pa ba ang mga kaibigan mong mayayabang at gago, pero guwapo na kagaya mo? Naaalala mo pa ba ako? Galit at nasasaktan ka pa rin ba dahil sa ginawa ko sa ýo noon? O nakalimutan mo na 'ko at tuluyang naka-move on?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD