#BYAHBook3_ThisTime
EPISODE 1
Hapon ng mga panahong iyon. Nakaupo sa sofa si Khievo habang nakapatong naman sa gitnang mesang nasa harapan niya ang laptop kung saan busy-ing-busy ito sa kakatingin at kakataype. Napapangiti kapag may nakikita ang kanyang mga mata na nagugustuhan.
Nakapatong rin sa gitnang mesa at nakapaligid sa laptop nito ang iba’t-ibang unit ng cellphone. May original, may clone, may second hand pero mas maraming bagong unit.
“Marami ba tayong customers ngayon?” tanong ni Cheska sa asawa na hindi naman namalayan ng huli na nakaupo na pala sa tabi niya. Napatingin siya rito.
“Oo… medyo…” sabi ni Khievo sabay silay sa labi nito ng isang tipid na ngiti. Muling tumingin sa laptop.
Negosyo ng mag-asawa ang online business. Mga gadgets ang karaniwan nilang tinitinda at sa nakalipas na apat na taon ay so far so good naman ang business nilang ito. Hindi man ganun kalaki ang kita dahil malaki ang kapital sa ganitong negosyo ay masasabi nilang kahit papaano’y nakakabawi sila at nakakatulong rin ito sa pang araw-araw nilang pamumuhay.
“Oo nga pala, si Migo? Napatulog mo na ba? Alam mo naman na kailangang matulog nun tuwing hapon…” sabi ni Khievo kay Cheska ng hindi tumitingin sa asawa. Nanatiling nakatutok ang mga mata nitong nakasuot ng eyeglass sa laptop.
“Opo…” nangingiting sabi ni Cheska. Bigla nitong ipinulupot ang kaliwang braso sa kanang braso ng asawa at naglambing.
Si Migo o ang buong pangalan ay Michael Angelo Hernandez, Three years old. Gwapong bata, may pagkamoreno gaya ng ina na si Cheska na may pagkamorena ang balat. Bibbo at masayahin. Dumating si Migo sa buhay nila dalawang taon matapos silang maikasal sa huwes. Simple lamang ang naging kasal nilang iyon pero masasabi nilang ito ang pinaka-unforgettable moment para sa dalawa.
Simple lamang ang pamumuhay nila Khievo at Cheska. Hindi sila mayaman pero hindi naman sila masyadong naghihirap. Sa madaling salita, sapat lamang ang pamumuhay. Masaya at kontento.
Nakatayo ang bahay nila Khievo at Cheska sa bayan ng Tanay Rizal. Oo, sa probinsya sila nakatira. Rent to own ang bahay na kanilang tinitirhan at hanggang ngayon ay binabayaran pa rin nila ito. Simple lamang ang bahay. Kumbaga, apartment type. May dalawang palapag ito na may dalawang kwarto. Ang isang kwarto ay para sa kanilang mag-asawa at ang isa naman ay para kay Migo pero madalas na sa kwarto nila natutulog si Migo dahil natatakot raw itong mag-isa.
Nagsimula ang kwento ng pag-iibigan ni Cheska at Khievo sa isang bahay ampunan na matatagpuan sa isang liblib na probinsya. Parehong ulilang lubos ang dalawa. Parehong namatay ng sabay ang kanilang mga magulang, sa magkaibang sitwasyon pero parehong dahilan: vehicular accident. Sa simula, para silang aso’t-pusa kung magbangayan at hindi nila alam kung bakit inis na inis sila noon sa isa’t-isa. Ganun naman siguro kapag bata pa talaga. Pitong taong gulang noon si Khievo habang 5 years old naman si Cheska.
Hanggang sa magbago ang lahat at naging matalik silang magkaibigan. Nakita kasi noon ni Khievo na binubully ng ibang bata si Cheska. Nakaramdam siya nun ng inis kaya naman todo tanggol siya sa batang kaaway. Gusto niya kasi, siya lang ang nang-iinis kay Cheska. Todo ang pasalamat sa kanya ni Cheska dahil malalaki kayang bulas ang mga batang umaaway sa kanya. At simula nun, nagkabati sila at naging magkalaro na humantong sa pagiging matalik na kaibigan.
Hindi na nun mapaghiwalay ang dalawa. Silang dalawa lamang ang laging magkalaro sa lahat ng oras. Laging magkasama sa lahat ng gagawin. Inaasar pa nga sila nun na baka magboyfriend-girlfriend na sila. Tatawa lang naman ang dalawa sa asar na iyon ng mga madre at iba pang kalaro dahil hindi pa naman nila alam nung mga panahong iyon kung ano ang ibig sabihin ng boyfriend at girlfriend.
Kapwa sila nangangarap nung una na magkaroon muli sila ng mga magulang na mag-aalaga at magmamahal sa kanila. Pero kalaunan, hindi na ito ang pangarap nila dahil sa isa’t-isa, nahanap naman nila ang kalinga na makukuha rin sa isang pamilya. Ang isa’t-isa ang naging pamilya nila. Kaya naman sa tuwing may magtatangkang mag-ampon sa kanila ay todo tanggi sila to the point na magtatago pa sila o di kaya ay gagawa ng kabulastugan para lamang hindi sila magustuhan ng mga taong nagbabalak na mag-ampon. Ayaw na rin kasi nilang mahiwalay pa sa isa’t-isa. Kaya iyon, hindi na nga sila na-ampon.
Hanggang sa sila’y magdalaga at magbinata. Matalik pa rin silang magkaibigan pero sa paglipas pa ng panahon ay may nagbago. May umusbong sa kanilang mga damdamin na hindi nila maipaliwanag. Hanggang sa mapagtanto nila na ang mga kakaibang umuusbong sa kanilang mga damdamin ay ang tinatawag na pag-ibig. Inibig nila ang isa’t-isa.
Nagkaaminan sila sa tunay na nadarama. May pangako kasi sila nung mga bata pa sila na wala silang lihiman kaya naman hanggang sa tumanda sila’y tanda nila ang pangakong iyon.
Nang magkaaminan, marami ang natuwa pero hindi mawawala ang mga naiinggit. Gwapo at maganda rin naman kasi sila Khievo at Cheska kaya hindi maiiwasan na may mga iba ring humanga sa kanila.
Hanggang sa maging opisyal na sila na. Walang kasing saya ang naging relasyon ng dalawa. Walang masyadong problemang dumating. Puro saya lamang ang namayani sa kanilang dalawa. Kapwa ipinaramdam sa isa’t-isa ang pagmamahal na una nilang natutunan at naramdaman para sa isa’t-isa.
Kahit na magkarelasyon sila, hindi naman ito naging hadlang sa kanilang pag-aaral. Top students ang dalawa pero dahil sa kakulangan ng budget o pera, Napilitang tumigil sa pag-aaral ang dalawa kagaya ng iba pang mga kasing edad nila na nag-aaral na noon sa kolehiyo. Second year college lamang ang natapos nun ni Khievo sa kursong IT habang si Cheska naman ay isang taon na lang sana ay matatapos na sa kursong BSED.
18 noon si Cheska at 20 naman si Khievo ng magdesisyon ang dalawa na umalis sa bahay ampunan para sabay na makipagsapalaran sa Maynila. At sa pakikipagsapalaran nilang iyon, namulat sila sa kahirapan ng buhay. Kung ano-ano at saan-saan silang mahirap pero marangal na trabaho napunta at nagtrabaho pero nakayanan naman nila at nakayanan rin nilang lagpasan ang lahat dahil magkasama sila.
Edad 25 noon si Cheska at 27 naman si Khievo ng magpasya ng magpakasal ang dalawa. Kahit papaano nama’y nakaipon na sila at may sapat ng pera para magkaroon ng sariling pamilya. Simple nga lamang ang naging kasal nila sa huwes pero napakasaya nila ng araw na iyon. Walang kasing-saya. Nagdesisyon sila na sa Tanay, Rizal sila magpakasal at doon na rin manirahan.
After nilang magpakasal ay umupa sila ng bahay na ngayon ay mahigit limang taon na nilang tinitirhan, rent to own kung saan ito ang naging saksi sa masasayang mga alaala nila Khievo at Cheska.
Dalawang taon na silang kasal ng biyayaan sila ng anak, Si Migo. Walang kasing-saya ang naramdaman nila nung mga panahong iyon.
Sa loob ng mga taon na sila’y nagsasama, naging masaya ang dalawa lalo na nung dumating si Migo. May mga problema o tampuhan man na hindi naman maiiwasang dumating at mangyari ay nasosulusyunan at naaayos naman nila ito.
Naging masaya sila sa mga panahong iyon pero matinding sinubok ang kanilang pagsasama ng dahil sa isang aksidente na nagbunga ng pagkawala ng alaala ni Khievo.
Ilang buwan pa lamang ang nakakalipas matapos ipanganak ni Cheska si Migo ay naakasidente ang sinasakyang jeep ni Khievo. Papunta sana kasi ito sa bayan para makipag-meet dahil may bumili ng kanilang panindang cellphone. Naging matindi ang aksidenteng iyon na halos sampung katao ang kinitil ang buhay. Maswerte na nga lamang si Khievo at hindi siya namatay ‘yun nga lang, nawala ang lahat ng alaala niya tungkol sa sarili niya at sa pamilya niya. Nawala ang lahat.
Sa mahabang panahon sa ospital, nasa tabi lamang ni Khievo si Cheska. Si Migo ay pinaalaga muna niya sa isang kaibigan dahil gustuhin man niyang dalhin ang bata sa ospital, hindi naman pwede dahil baka magkasakit ito.
Ilang buwan rin ang lumipas bago magising si Khievo. Maraming sugat sa katawan at sa ulo ang natamo nito.
At sa paggising nito, wala na itong maalala. Pati si Cheska noon ay nagulat at humagulgol ng iyak. Sino ba naman kasing hindi masasaktan kung malalaman mong nakalimutan ka na ng sarili mong asawa? Sinong hindi masasaktan kung nakalimutan na nito ang lahat ng pinagsamahan ninyo?
Pero hindi sumuko noon si Cheska. Ipinakilala niya muli ang sarili kay Khievo. Pati si Migo. Araw-araw siyang nagkwento tungkol sa pagkatao at buhay ni Khievo na nakalimutan rin nito hanggang sa naging kwento ng buhay at pag-iibigan nila ni Cheska.
Mahirap man kay Cheska ang lahat pero nakayanan niya. Tama lamang na hindi siya sumuko dahil ilang araw lang rin ang nakalipas, hindi pa man maalala ni Khievo ang lahat, natanggap na nito ang lahat at pati siya at si Migo.
At simula rin noon, wala mang maalala si Khievo, masasabing naging masaya muli ang kanilang pamilya.
-END OF EPISODE 1-
#BYAHBook3_ThisTime
EPISODE 2
Nakatayo sa malawak na damuhan si Kameon habang malungkot ang ekspresyon ng mga mata na nakatingin sa isang lapida na nasa kaliwa at gawa sa marmol na may mga nakaukit na pangalan at iba pa. May katabi rin itong isa pang lapida na pawang gawa rin sa marmol. Nakikisabay sa kanyang kalungkutan ang kalangitan na animo’y parang iiyak na rin anytime soon. Makulimlim kasi at parang uulan.
“It’s been three long years…” malungkot na sabi ni Kameon. Napabuntong-hininga ito. “At sa loob ng three years na iyon… pakiramdam ko… kasabay ng pagbaon ng katawan mo diyan sa lupa ay ang pagbaon rin ng buong puso ko… ng buong buhay ko…” malungkot pang sabi nito.
Muling napabuntong-hininga si Kameon. Kitang-kita rito ang sakit at pighati na nararamdaman.
“Ang sabi nila… masakit na mamatayan ng mahal sa buhay… pero para sa akin… mas matindi ang sakit kapag namatayan ka ng taong mahal ng puso mo… dahil ito ang kahati ng puso mo… kapag namatay ang kahati, parang namatay na rin ang natitira pang hati...” naluluhang sabi ni Kameon.
Sandaling natahimik si Kameon. Umihip ang medyo may kalakasan na simoy ng malamig na hangin. Napapikit si Kameon. Pakiramdam niya, parang yumayakap ito sa kanya ngayon.
“How I miss you so much… Khiro...” madamdaming sabi ni Kameon.
Marami ang nagulantang at nalungkot sa mga nangyari. Marami ang nagdalamhati sa biglaang pagpanaw nila Howard at Khiro.
Si Gale at Yohan, sobrang nalungkot sa kanilang nabalitaan. Nasa US sila nung mga panahon iyon at tahimik na namumuhay mag-ina ng biglang parang bombing sumabog sa kanila ang balita. Labis na naapektuhan si Yohan. Naging sobrang malungkutin nito dahil kahit sa sandaling panahon lamang sila nagkasama ng kanyang ama na si Howard, mahal na mahal niya ito. Hindi rin nito maiwasan na malungkot sa sinapit ni Khiro. Nalungkot rin si Gale at hindi maiwasang hindi maawa sa sinapit nila Khiro at Howard. Mga naging kaibigan niya ang mga ito kaya mahirap rin sa kanya na hindi maapektuhan. Pero pilit niyang tinatatagan ang sarili dahil ayaw niyang makita ng kanyang anak na si Yohan na naaapektuhan siya. Kailangan niyang maging malakas para rito dahil alam niyang sobrang apektado ang anak sa mga nangyari kaya hangga’t maaari, hindi siya umaalis sa tabi nito at binibigyan niya ito ng lakas para makayanang lagpasan ang mga kalungkutan na dala ng pagsubok.
Si Tristan na naging matalik ring kaibigan ng dalawa. Sobra ring nalungkot sa nangyari. Hindi nga niya inaasahan na hahantong sa ganito ang lahat. Hindi man kasi sabihin sa kanya nila Howard o Khiro ang problema sa pagsasama, ramdam niyang meron. Minsan nga, hindi niya maiwasang hindi sisihin ang sarili dahil naturingan pa naman siyang kaibigan ng mga ito, wala man lang siyang nagawa para matulungan ang mga ito.
Pati rin sila Gabriel at Kristian ay labis ring nalungkot. Pero malungkot man ang dalawa, hindi naman sila nagkulang sa pagdamay kay Kameon na labis na nasaktan. Hindi nila ito hinayaan.
Oo, sabay na pumanaw sila Howard at Khiro. Natagpuan ng mga otoridad ang nasusunog pa nilang sasakyan na kanilang sinasakyan nun. Pinilit nilang apulahin pa ang sunog sa pagbabakasakaling maililigtas pa ang mga taong sakay nun pero dahil sa matindi na ang sunog na tumutupok sa buong sasakyan, wala ng nagawa pa ang mga otoridad para maapula ito. Sabay na nasunog sa loob ng sasakyang iyon ang mga katawan nila Howard at Khiro na kanilang natagpuan. Sabay na binawian ng buhay ang mga ito.
Hindi napigilan ni Kameon na maluha. Nakatingin pa rin siya sa lapida ni Khiro.
“Miss na miss na kita… Walang araw na hindi kita na-miss…” sabi ni Kameon.
“Hindi ko nga alam kung paano pa ako nabuhay pagkatapos ng mga nangyari… Hindi ko alam kung paano ko naharap ang buhay na wala ka na… Ewan ko pero kasi… pakiramdam ko… buhay ka pa… buhay na buhay at nagmamasid lang sa akin ngayon…” sabi pa nito. “Baliw man kung baliw… pero alam mo, hindi ko mapigilan na patuloy na umasa na babalik ka… na babalik ka para sa akin… Wala eh, hindi ko matanggap ang lahat… Hindi ko matanggap na wala ka na…” napapahagulgol na sabi ni Kameon. Napahilamos ito ng mukha.
Napaupo si Kameon sa damuhan at doon patuloy na humagulgol. Napakasakit pa rin sa kanya hanggang ngayon ang lahat at hindi pa rin niya kayang tanggapin sa sarili na wala na ang minamahal na si Khiro. Ang sobrang minamahal niya na si Khiro.
“Ang sabi mo… ikaw ang kryptonite ko na nagbibigay sa akin ng lakas… pero paano na ngayon? Sobrang hina ko na at kailangang-kailangan na kita para mapalakas ako pero wala ka na… Paano na ako? Paano akong muling lalakas?” sabi ni Kameon sa gitna ng pagluha. “Napakadaya mo eh… Sa tuwing nanghihina ka, lagi akong nasa tabi mo… lagi mong nagagamit ang kryptonite ko pero ikaw… ikaw…” sabi pa nito at muli na namang humagulgol.
Patuloy na umiyak si Kameon. Nakakabawas man raw sa p*********i ang pag-iyak pero wala siyang pakiealam.
“Mahal na mahal kita… Pasensya ka na kung hindi pa kita mapakawalan dito sa puso ko… pasensya ka na kung hindi ko pa matanggap ang lahat at patuloy pa rin akong umaasa na babalik ka… Alam kong nakikita mo ako mula diyan at marahil ay naiinis ka na sa akin at gusto mong sabihin na maghanap ako ng iba at huwag kong pigilan ang sarili ko na magmahal ng iba dahil kahit kailanman, hindi ka na babalik pero kasi… hindi ko kaya… mahal na mahal kita at marahil… habambuhay mo na akong kaiinisan dahil habambuhay kong hindi matatanggap ang lahat at habambuhay kitang hindi mapapakawalan at habambuhay akong aasa na babalik ka sa piling ko dahil mahal na mahal kita… Pasensya ka na… sobra kitang mahal at habambuhay na sobra ang pagmamahal ko para sayo…”
-END OF EPISODE 2-