#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 31 Kasalukuyang nasa loob na ng bus si Khievo at nasa byahe na pauwi sa kanila. Nakaupo ito sa pinakadulong bahagi na upuan ng bus. Tulala habang nakatingin ang mga mata sa labas ng bintana. Hindi maalis sa isipan niya ang lahat ng nangyari. Ang nangyari sa kanila ni Kameon at ang naging konprontasyon nilang dalawa. Ngayon niya naramdaman ang konsensya niya. Nakokonsensya siya dahil sa mga nagawa habang malayo siya sa asawang si Cheska. Sinisisi niya ang sarili kung bakit nakagawa siya ng kasalanan sa likod nito. Hindi rin niya maiwasang isipin si Kameon. Sa tuwing maaalala niya ang mga mata nitong kitang-kita niya na puno ng sakit sa mga sinabi niya, hindi rin niya maiwasang hindi makaramdam ng sakit. Oo, nasasaktan rin naman siya pero ala