#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 29 Hanggang sa… Unti-unti muling lumapit ang mukha ni Kameon sa mukha ni Khievo. Hanggang sa muling naglapat ang kanilang mga labi. Napapikit ng mga mata si Kameon habang ninamnam ang malambot na labi ng kanyang pinakamamahal. Pamaya-maya, hindi man gusto ng isipan ni Khievo pero nasunod ang gusto ng kanyang puso, napapikit na rin siya ng mga mata at tumugon sa halik. Ninamnam na rin ang lambot, tamis at sarap ng labi ni Kameon na parang pakiramdam niya, ilang beses na niyang natikman. Kapwa rinig na rinig ng bawat isa ang t***k ng kanilang mga puso kasabay ng paghihinang ng kanilang mga labi. Damang-dama sa kanilang bawat halik ang kakaibang sensasyon at pagmamahal. Nagsusumigaw ang isipan ni Khievo na hindi tama ang kanyang ginaga