#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 41 Parehong nakatingin ang dalawa sa isa’t-isa habang magkatapat na nakaupo sa isang pang-apatang mesa na nasa bandang dulo sa loob ng isang restaurant kung saan dito napili ni Tristan na sila’y magkita at mag-usap. Parehong malaki ang ipinagbago ng bawat isa sa kanilang mga itsura. Mas lalong naging gwapo at makisig ang mga ito. “Ano bang gusto mong pag-usapan natin?” tanong ni Kameon na bumasag sa kanina pa’y nakakabinging katahimikan sa pagitan ng dalawa. Kapwa seryoso ang mga ito. Napabuntong-hininga si Tristan. “Pasensya ka na kung hanggang ngayon ay hindi pa rin tayo nagkakausap… Actually, ayoko munang magtanong kasi sa totoo lang, may isa pa tayong tao na hinihintay na dumating…” sabi ni Tristan pagkatapos ay humigop ito sa tasa n