#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 43 Nagising si Kameon mula sa pakiramdam niya’y mahabang pagtulog. Hindi na muna niya imulat ang kanyang mga mata sa halip ay napahilot siya sa kanyang sentido dahil sa p*******t ng ulo. Marahil ay dahil iyon sa hang-over. Hang-over… Iminulat na niya ang kanyang mga mata. Natatandaan niya na uminom siya kagabi at kasama niya si Vallance. Kaagad na inilibot ni Kameon ang kanyang mga paningin sa lugar kung nasaan siya ngayon. Nangunot ang noo at nagsalubong ang magkabilang kilay nito ng makitang hindi pamilyar sa kanya ang lugar. Sa tingin niya, nasa isang condo unit siya, particular sa kwarto, namamayani ang puti at itim na kulay ng mga pader. Kumpleto sa gamit ang kwarto dahil nakakita siya ng tv, dvd, mini ref, study table at kung an
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books