Chapter 5
Royal
Ang paghagod ng labi niya sa akin ay tila nananantya. Malamyos at matagal na lumapat sa labi ko. Bahagya niya akong tinulak at diniin pa sa katawan ng puno pero nilagay ko sa kanyang dibdib ang mga kamay para pigilan siya. Inangat niya ang mukha at hinanap ang mga mata ko. Nakita ko kung paano nag-ulap ang kanyang mga mata habang nakalinang sa akin. Naiwang may puwang sa labi at lumulunok na para bang kinakabahan. Akmang yuyuko ulit at huhulihin ang labi ko—mabilis ko siyang pinigilan at tinulak pa.
“M-may nobyo ako..” agad kong sagot.
Natigilan siya. Tila natauhan sa sinuwalat ko. Unti-unti siyang lumayo sa akin. Nag-iba ang tingin niya. Tinalikuran ako at napahilamos ng mukha.
Sinundan ko lang siya ng tingin ng hindi tumitinag sa pagkakasandal ko sa puno. Hindi ko rin naintindihan ang sarili. Pero noong tumama ang labi niya sa akin at nagtagal ng ilang segundo ay hindi ko kaagad naisip si Garett. At nang nakita ko ang mga mata niya, saka ko lang naalala ang nobyo.
Lumapit siya sa akin at tumabi para hindi mabasa ng ulan. Nagpatila kami nang hindi na niya ako kinakausap. Napaigtad na lang ako nang bigla siyang nagsalita.
“Let’s go.” Simple at walang-buhay niyang sabi sa akin. Halos pautos na tono.
Nauna na siyang naglakad at sumunod na lang ako.
***
Kasabay ng pag-ihip ng hangin at kaba ay nanginig ako. Sa labas ng pinto ay nakita kong nakaabang na sa amin si Rita at may hawak na puting tuwalya. Nang makita kami ay namilog ang mga mata at sinalubong na kami. Nahihiyang inabutan ng tuwalya si Quinn pero dinaanan lang niya si Rita at hindi pinansin. Nadismaya ako sa ugaling pinakita niya. Tinawag niya iyong isa sa mga tauhan niya at kinausap sandali. Nagmadaling nilapitan ako ni Rita at agad na nilagay sa balikat ko ang tuwalya. Nginitian ako siya at nagpasalamat.
“Naku mam, baka sipunin kayo niyan. Maligo na po kayo kaagad. Tapos ay dadalhan ko kayo ng mainit na tsokolate sa kwarto ninyo.” Nag-aalalang sabi niya sa akin.
“Maraming salamat, Rita..” namamalat kong sagot sa kanya. Tumikhim ako para iayos ang lalamunan.
Nang makapasok ako sa kwarto ay dumeretso na ako sa banyo para maligo na kaagad. Giniginaw na ako at nanginginig.
Mabilis kong hinubad ang lahat ng suot at tinungo ang shower. Tumingala ako hinayaang deretsong mabasa ng tubig ang mukha ko. Pero sa pagpikit ko ay agad na bumaha sa isip ang malagkit na paglapat ng labi ni Quinn sa akin. Agad akong dumilat at gulat sa sarili. Bumilis ang t***k ng puso at nag-init ang buong mukha ko na parang nakakapaso na kung hahawakan pa.
Napalunok ako.
Gusto kong isawata sa isipan ang nagawang pagkakamali. Pero..pero bakit hindi ko maramdaman ang mali roon? Na para bang kung mangyayari ulit ay..
Unti-unting umangat ang isang kamay ko at dahan-dahang nilapat ang daliri sa ibabang labi. Ilang segundong niramdam ang lambot at imahe ng halik niya sa akin. Nang bumugso ang mala-rapidong t***k ng puso ay napapaso ko rin iyong binitiwan at sinawata sa isipan. Sa isip ay nagkakasala rin ako.
Suot ang kulay rosas na roba ay lumabas ako ng banyo at pinatuyo ang sariling buhok. Nang makita ang kama ay saka ko lang napagtantong wala nga pala akong damit na isusuot pa. Basa na iyong pinahiram sa akin at marumi pa iyong damit ko.
Napatingin ako sa pintuan ng may dalawang beses na kumatok at pinihit ang seradora. Sa maliit na siwang ay sumilip si Rita. “Mam Royal, dala ko na po itong tsokolate niyo at bagong pares ng damit.” Nakangiting sabi niya sa akin.
“Pasok ka..”
Nilakihan niya ang siwang sa pinto at pumasok. Nilapat niya rin iyon pagkatapos at lumapit sa lamesita, pinatong ang umuusok pang tasa ng tsokolate. Ang damit na dala ay nakasampay sa kanyang braso.
“Ito po, damit na pamalit niyo raw po sabi ni Ser,” nilapitan niya ako at iniabot ang dala.
Nginitian ko siya. “Salamat dito.” Kinuha ko iyon at tinungo ang banyo para makapagbihis.
Sa loob ay tiningnan ko muna ang damit na pinabigay niya. Tumahip na naman ang kaba sa dibdib ko. Naaamoy ko siya sa damit na ito. Malaki ang T-shirt at sigurado akong siya pa rin ang may-ari. Kulay abong may isang salitang nakataktak sa bandang dibdib. Pabilog ang kwelyo at medyo mahaba ang manggas. “Magmumukha na naman akong bulilit neto..” bulong ko sa sarili.
Hinubad ko ang roba at sinampay. Una kong sinuot ang T-shirt niya, sinunod ang itim na shorts. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Napahilot ako sa batok. Bigla akong nahiyang harapin siya, suot pa ang damit niya. Kung sana ay..madali lang ang lumimot..iyong walang naiiwang marka.
Ilang sandali kong sinipat muna ang sarili bago lumabas ng banyo. Si Rita ay naabutan ko pa rin sa labas at parang hinihintay pa rin ako. Kumunot ang noo ko.
Nang makita ang reaksyon ko ay nagkamot siya sa kanyang buhok at nahiya.
“Mam Royal, gusto raw po kayong makausap ni Ser sa opisina niya,”
Dinumog ako ng kalabog sa dibdib. Makausap? E, bakit?
Hinimas ko ang kaliwang siko ko at pilit na hindi pinapakita ang kaba sa akin. “O? Bakit daw ba?”
Ngumiwi siya. “Hindi ko rin po alam e. Basta masungit ngayon.”
Muntik na rin akong mapangiwi sa sinabi niya.
Kaya pagkaubos ko noong isang tasa ng tsokolateng inabot pa yata ako ng halos isang oras para mas humaba pa ang paghihintay dahil sa kabang nararamdaman. Matyaga rin akong hinintay ni Rita kahit na ilang beses ko siyang nahuling panay ang sulyap sa pintuan.
Ayoko mang lumabas at kausapin si Quinn, hindi naman pwedeng hindi ko siya harapin. Mainit pa raw ang ulo. Baka mamaya ay maging kargo de konsensya ko kung mapagalitan si Rita.
Hinatid pa ako ni Rit hanggang sa labas ng pinto ng opisina ni Quinn. Pagkatapos ay umalis na rin bago ko pa makuhang kumatok, natataranta pa yata. Dalawang beses kong kinatok ang pinto at hinintay ang sagot niya.
“Come in.” Malamig at maawtorisado niyang sagot.
Napalunok ako habang pinipihit ang seradora. Pakiramdam ko ay numinipis ang hangin habang unti-unti kong tinutulak pabukas ang pintuan. Lumabas ang malamig na hangin mula sa loob, nakabukas ng aircon niya at para bang nasa pinakamababang temperatura ang lamig. Una ko siyang nakitang nakadungaw sa nakaradong bintana at nakabukas ng bahagya ang malaking kurtina. Ang suot niya ay iyong nabasa kami.
Hindi pa siya nagpapalit ng damit?
Nang lingunin niya ako ay muntik pa akong mapaigtad. Hindi nga ako nagpakita ng reaksyon, ramdam na ramdam ko naman sa dibdib ko ang epekto ng paglingon niyang iyon. Para binaril ako sa isang lingon pa lang iyon.
“B-Bakit mo ko pinapatawag?” tanong ko nang hindi pa sinarado ang pinto.
“Pumasok ka at isarado mo ang pintuan.”
Ang talim ng pananalita niya. Kaya bago pa ako makakita ng pagbulusok sa ilong niya at sinarado ko na lang pinto. Pagharap ko ay siya namang pagpihit niya papunta sa akin. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Deretsong nakatingin siya sa mga mata ko. Napaawang ang labi ko. Kung kaya ilang malalaking hakbang—hinapit niya ako sa baywang at siniil ng maalab na halik!
Narinig ko ang inis sa hininga niya. Namilog ang mga mata ko at agad na sanang itutulak pero hinuli niya ang mga kamay ko, tinulak ako sa pintuan, tinaas ang mga kamay ko’t diniin ang katawan ko sa matigas na pinto.
Rumagasa ang alab sa buong mukha ko—sa buong sistema ko! Ang klase ng kanyang halik ay iba sa unang beses. Parang hindi pwedeng pigilin. Hindi pwedeng galitin.
Nanghina ako. Bumaba ang pwersa ko at nagpatianod sa pangalawang bugso ng halik niya.
Namuo ang tubig sa mga mata ko habang nakapikit. Sinagot ko ang alab ng kanyang labi, ng kanyang halik.
Nang maramdaman niya marahil ang pagbagsak ko sa kanya, unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko hanggang sa tuluyan niya na iyong binaba at pinaikot sa kanyang balikat. Wala siyang balak na bitawan ang labi ko nang bumaba pa ang mga kamay niya at pinaikot sa baywang ko. Hinapit at diniin sa kanya.
Napasinghap ako nang maramdaman ang namumukol sa kanyang harapan. Tumigil ako sa paghalik, tangkang titingnan ang aming ibaba pero pinigilan niya ako, inawat sa pagyuko. Pareho kaming hingal sa halikan.
“Q-quinn..” hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil hinuli niya ulit ang labi ko. Doon ko naramdaman ang mas mainit pang halik niya. Mas matagal. Mas maalab. At mas malaya.
Bago iyon sa akin. Naguguluhan ako bawat hagod niya sa labi ko. Naiiyak ako sa intensidad. Alam kong dapat ko siyang pigilan..napakapit ako ng mahigpit sa kanyang malapad na balikat. Akala ko ay mabubuwal na ako sa panlalambot ng mga tuhod ko. Naramdaman ko na lang ang paghigpit ng mga kamay niya sa baywang ko.
Dumausdos pababa ang kamay niya. Napunta sa aking balakang, huminto roon. Napatingkayad ako. Napagod ako sa paghalik at tumigil para suminghap ng hangin, pinatong niya ang kanyang noo sa aking noo at ganoon din ang ginawa. Nakaawang ang labi. Nakapikit siya at patuloy na huminga. Nang umayos ako ng tayo ay para niya pa rin akong sinalo sa paglapat ng mga paa ko sa sahig.
“We should..we should..”
Napatingin ako sa kanya. Sa ganitong kalapit na mukha ay halos hindi ko mapirmi ang mga mata ko. Mas maganda siyang tingnan sa ganitong distansya. Ang namumula niyang mga pisngi. Ang makinis niyang balat. Ang mumunting mga buhok sa kanyang panga. Napakagandang tingnan sa ganitong kaliit na distansya. Ang pagbulong niya ay parang pampatulog din sa akin.
Sa pagpatak ng luha ko ay siyang pagyuko niya at pagsakop ulit sa labi ko. Sinalubong ko ang halik niya. Sa paraan ng paghalik ay kinopya ko. Hindi ko alam kung gaano katagal iyon pero naramdaman ko na lang ang pangangapal ng labi ko nang bitawan niya.
Halos sumalampak ako sa pinto nang mas diniinan niya ako roon at halikan ako sa aking panga..pababa sa aking leeg. Umakyat ang mga kamay niya sa loob ng T-shirt at dinama ang dibdib ko!
Hindi ko na napigilan ang pagsinghap na sa unang pagkakataon ay mayroong ibang kamay na dumama at humawak doon. Naramdaman niya ang pagkagulat kaya nag-angat niya ng tingin sa akin.
Napaawang lang ang labi ko, may sasabihin ako, pero hindi ko na nasambit pa. Halos ako sa tamang pag-iisip nang—hawakan niya ako ng buo! Nang yumuko ako at pagmasdan ang paggalaw ng mga kamay niya sa loob ng damit—pakiramdam ko ay nag-apoy ang mukha ko!
Mas bumigat ang paghinga ko. Sa bawat pisil..napapatid ang paghinga ko.
Naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang isang daliri ay narating ang tuktok nito. Napahawak ako ng mahigpit sa kanyang braso..pakiramdaman ko ay babagsak na ako ng tuluyan.
Ilang sandali pa ay tinanggal na niya ang mga kamay at kinulong ang mukha sa kanyang mga palad at siniil ng halik.
“T-tama na, Quinn..” huli man, ay nagawa ko pa ring sambatin.
Tumigil siya. Yinuko at hinuli ang mga mata ko.
“Can’t you feel it? We want each other, my lady.” Masuyo niyang bulong sa akin.
Ramdam ko! Ramdam na ramdam ko, Quinn!
Umiling ako. Pinunasan niya ang luha sa aking pisngi. “Tell me..”
“M-may..may nobyo a-ako..”
“I don’t care!” galit niyang sabi.
Mas lalo akong napayuko.
“Mali ito.”
“Breakup with him then.”
Umiling ako.
“Mahal mo?” parang panunuya niyang tanong sa akin.
Alam ko, nagdududa na siya dahil nangyari sa amin. Sino ba naman kasi ang makapagpapatunay niyan gayong nahalikan na niya ako at nahawakan pa. May dungis na ang sasabihin kong ‘mahal’ ko pa si Garett.
At kahit ako..maging sa sarili ay nagdududa rin. Kung bakit hinayaan kong gawin iyon.
“It is wrong, yes. But if you breakup with him and choose me..it will never be wrong anymore.”
“Bakit mo ba ito ginagawa? Kanina lang ay galit na galit ka sa akin, tapos ngayon..gusto mong iwan ko si Garett at piliin kita?”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nang nagtagal ay naglinsik ang mga mata niya sa akin. Kaya mas dinagdagan lang niya ang kaba sa dibdib ko.
“I want you.” Matigas niyang sabi.
Panandalian akong hindi nakapagsalita. Hanggang sa para bang may pumitik sa akin.
“Gusto mo lang akong iskoran.”
Kumibot ang mga kilay niya. At kung hindi ako namalik-mata ay nahuli ko ang pigil na pag-angat ng gilid ng kanyang labi.
Pero sa huli ay napabuntong hininga na lang siya at inayos ang damit ko. Para naman akong napapaso sa pagdampi ng balat niya sa akin.
“Gagawin ko ’yan. Pero kapag wala ka ng boyfriend.” Tila nag-iba ang ihip ng hangin. “Iuuwi na kita sa inyo ngayon.”
Natigilan ako.
“Bilisan mo bago pa magbago ang isip ko, my lady.” Tinalikuran niya ako at lumapit sa lamensa, may kinuha sa isa sa mga drawer nito. Susi.
Hindi ko alam kung paano nangyari pero..nanlamig ako at na-excite sa pag-uwi ko sa bahay.
***
Siya ang nagmaneho ng sasakyan sa paghatid sa akin. Hindi na ako nakapagpaalam kay William at pinasabi ko na lang kay Rita dahil baka magbago pa ang isip nitong si Quinn. Sa byahe ay hindi kami nag-uusap. Naglakas loob lang ako nang maalala ang gusto niya sa akin noo kaya niya ako ayaw pauwiin.
Nilingon ko siya. “Bakit mo ako iuuwi ngayon, hindi ba may gusto ka pang kunin o malaman sa akin? Tungkol sa nagaganap sa hasyenda?”
Isang beses niya akong sinulyapan. “Hindi naman ito ang huli nating pagkikita, ’wag kang mag-alala.”
Kumibot ang mga kilay ko. “Bakit mo ko iuuwi na ngayon? Dahil nahalikan mo na ako?”
Isang tawa ang pinakawalan niya. Kinabahan ako sa klase ng tawang iyon. Hindi malakas, hindi rin mahina, pero nakakakilabot sa pakiramdam ko.
“Makipaghiwalay muna ka sa boyfriend mo, ’pag binalikan kita hindi ka na makakauwi kahit kailan.”
Napaawang ang labi ko. Talagang nariringgan ko siya ng ganyan?
Hindi na ako nakabawi pa hanggang sa madaanan namin ang bahay nina Lelet. “Ihinto mo muna!” sabi ko. Tiningnan niya muna ako at sinundan ng tingin ang mga mata ko bago pinarada ang sasakyan. “Manghihiram muna ako ng damit sa kaibigan ko.” Ibabalik kon itong damit niya. Baka kung anong isipin ng Tatay ko at lalo na si Lola dahil panlalaki ang suot ko.
Pinatay niya ang makina ng sasakyan at bumaba rin. Nilakihan ko na ang mga hakbang ko. Nae-excite akong makita si Lelet. Alam kong marami iyang itatanong sa akin. At kailangan kong maging handa sa pag-uwi ko sa bahay.
“Lelet! Lelet!” sigaw ko. Nang makita kong bukas ang pinto ay tuluyan na akong pumasok at hinanap ang kaibigan. Hindi ko naman nakita ang mga magulang niya.
Naramdaman ko rin ang presensya ni Quinn sa likuran ko.
Dahil walang tao sa sala at kusina, dumeretso na ako sa kwarto niya. Pinihit ko ang seradora at binuksan..pero natigilan ako at napako na lang sa kinatatayuan nang makita ang dalawang tao sa ibabaw ng kama niya.
“R-royal!”
“Royal!”
Hindi ako maaaring magkamali..ang kaibigan ko..nakahiga sa kama at nasa ibabaw niya si Garett. “G-garett..” tila patalim ang bumayo sa dibdib ko.
“He’s your boyfriend.” Bulong ni Quinn sa likuran ko.