Chapter 6

2083 Words
Chapter 6 Royal Tinulak ni Lelet si Garett paalis sa ibabaw niya. Pareho pa rin silang may suot na mga damit maliban sa nakalihis ang pang-itaas ng kaibigan—dating kaibigan ko. Mabilis akong tumalikod at nagmamadaling umalis sa bahay na iyon. Nanlabo ang mga mata ko. Bago ko pa marating ang sasakyan ay naunahan na ako ni Quinn at binuksan ang pinto para sa akin. Walang tutol akong sumakay at sinuot ang seatbelt ng may nanginginig na mga kamay. Sumakay na rin siya at pinaandar ang sasakyan. Sa labas ay narinig ko pa ang umiiyak na tawag sa akin ni Lelet. Nang lumandas ang luha ko ay agad ko iyong pinunasan. Kumikirot ang dibdib ko. Naninigas ang lalamunan ko. Nahihiya akong umiyak dahil maririnig niya. At mas gusto kong umiyak mag-isa. Tiningnan ko na lang labas ng bintana at nanatiling tahimik. Hanggang sa marinig ko siyang tumikhim. “Iyon na ba ’yon?” Napalingon ako sa kanya. Nangunot ang noo sa hindi ko maintindihang tanong niya. Hindi naman ako nagtanong pero dinugtungan niya ang sinabi. “Wala man lang, ‘Mga hayop kayo’ na linya? Masyado ka namang mabait na kaibigan at girlfriend.” Sandali ko siyang tinitigan bago bumuntong hininga. Binalik ko na lang ang tingin sa labas ng bintana. “Hindi ko naisip iyon.” Simple kong sagot. “Damn. You’re too kind..” bulong niya. Hindi na ako sumagot at mas pinili na lang tumingin sa labas. Nagpasalamat na rin ako at hindi na siya nagsalita pa. Parang hangin ang lumipas. Walang nagsasalita hanggang sa namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng maliit naming tirahan. Nagtaka ako noong una kung paano niya nalamang ito ang bahay namin, pero kailangan pa ba? Sa tingin ko may alam na siya tungkol sa akin. “Salamat..” alanganin kong sabi sa kanya. Walang-buhay kong tinanggal ang seatbelt at saka binuksan ang pinto. “This will be not our last time, my lady.” Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakatitig na naman siya sa akin. Sa kabila ng pagkirot sa dibdib ko ay tinamaan pa rin ako ng mga tinging iyon. Nagbabaga at nagmamarka sa akin. Pagkababa ko ay siya namang andar ng sasakyan niya paalis. Tinanaw ko kahit sa malayo ang sasakyang iyon hanggang sa tuluyang mawala sa paningin ko. Hindi ako kaagad nakagalaw sa kinatatayuan ko at tinitigan sa kawalan ang umalis na sasakyan ng isang Altamirano. “Royal?” Para akong bumalik sa katinuan nang marinig ang malamyos na boses ng Lola Mila ko. “L-lola!” nanubig ang mga mata nang makita ang Lola kong nakatayo sa pintuan at may ngiti sa labing nakatanaw sa akin. Halos patakbo na akong lumapit sa kanya para yakapin siya. Pero bago pa lang ako makarating sa kanya ay siyang pahangos na paglapit din ng Nanay ko mula sa loob ng bahay. “Nand’yan na po ang anak ko? Royal!” nanginginig na boses ng Nanay ko. Mula sa naghihintay na mga bisig ay niyakap ako ni Lola Mila ng mahigpit. Binagsak ko ang mukha sa kanyang dibdib at tuluyang pinakawalana ng mga luhang naipon sa akin. Para bang plastik na punong-puno ng tubig, tinusok at kumawala ang likido. “Salamat sa Diyos at ligtas kang nakauwi! Saan ka bang nanggaling na bata ha? Alam mo bang nag-aalala kami sa’yo dito? Ang Tatay mo ay halos na ayaw nang umuwi kakahanap sa iyo. Pinag-alala mo kaming lahat.” Pasermon at pag-aalala ng Nanay Caridad ko. Gusto ko mang iangat ang mukha at sagutin ang Nanay ko ay hindi ko kaya. Sa init ng yakap ng Lola ko ay hindi ko naramdaman ang pag-aalala na mapagalitan ng mga magulang ko. Hindi na ako nakaramdam ng takot. Mas gusto ko na lang ihinga ang kirot sa dibdib ko. Hinaplos ni Lola Mila ang tuktok ng buhok ko. “Sssh..hayaan na muna nating makapagpahinga ang apo ko, Caridad. Ang mahalaga ngayon ay nakauwi siya ng ligtas at buo sa atin.” Walang kasing lamyos at bahayad na sagot ng Lola ko sa Nanay ko. Kaya naman hindi na rin nakasagot pa ang Nanay ko. Pinapasok nila ako sa loob ng bahay at hinayaang umiyak. Sinunod ni Nanay ang utos ng Lola na huwag muna akong tanungin ng tanungin. Pinaghain pa nila ako ng pagkain at pinapahinga sa kwarto ko. Narinig ko na lang ang boses ni Tatay sa labas ng kwarto. Panay ang tanong at gusto akong kausapin. Pero tulad rin ng utos ng Lola ay pabayaan muna akong makapagpahinga. Nang kinagabihan ay hindi rin naman ako nakatulog kaagad. Nakaupo lang sa ibabaw ng manipis na kutson at yakap-yakap ang mga tuhod. Hindi na ako umiiyak dahil pakiramdam ko ay nailabas ko ang lahat noong kayakap ko si Lola. Hindi ako makapaniwala. Si Garett at Lelet..pumikit ako ng mariin at pilit na binubura sa isip ang tagpong nasaksihan ko. Ang akala ko pa naman ay si Herbert ang gusto niya. Bakit nasa bahay ni Lelet si Garett? Hinanap niya rin ba ako dahil hindi ako dumating doon sa usapan namin at naisipan niyang hanapin ako sa kaibigan ko? Tapos ay nagandahan siya kay Lelet kaya nauwi sa ganoon? Sumakit na naman ang lalamunan ako sa mga dahilang pumasok sa isipan ko. Nai-imagine ko pa ang eksenang pwedeng nangyari o mangyayari pa lang. Ang sakit pala nito. Isang kaibigan at nobyong pinakatiwalaan ko ay pareho akong pinagtaksilan. Halos sa buong magdamag ay silang dalawa ang umikot sa utak ko. Naririnig ko na ang tilaok ng manok nang hilahin ako ng antok. *** Naalimpungatan ako sa maingay na pag-uusap sa labas. Bumaling pa ako at nagtakip ng manipis na kumot pero nawawala na rin ang antok dahil sa ingay na daldalan na iyon. Kinusot-kusot ko ang mga mata, tumitig sa bubong walang kisame. Mainit na rin kaya malamang hindi na rin ako makakatulog nito. At isa pa..nakauwi na ako! Napabalikwas ako at nagmamadaling tiniklop ang kumot at inayos ang higaan ko. Pinatay ko ang bentilador. Hindi na ako nagsuklay pa at lumabas na lang. Sa pagbukas na pagbukas ng pinto ay agad bumungad sa akin si Tatay Ildefonso kausap ang bisitang hindi ko inaasahan! Namamalikmata ba ako? Sabay nila akong tiningnan dahil sa maingay na langitngit ng kinakalawang na bisagra ng pinto. Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang nakikita ko na naman siya. “Q-quinn..” bulong ko sa sarili. Kinunotan niya akong noo. Iyon bang parang pinaparating niya bakit pa ako nagugulat? “Oh? Royal gising ka na pala. Halika dito at dinadalaw ka ni Quinn.” Tawag sa akin ni Tatay. Nagtatanong akong tumingin sa kanya. Tama ba iyong narinig ko? “P-po?” “Halika rito at may bisita ka. Hindi kita nakausap kagabi at ayaw ka nang paistorbohin ng Lola mo. Sinabi na sa akin ni Quinn ang lahat at kung paanong hindi ka nakauwi.” Nagsalubong na ang mga kilay ko. “Po?” “Pambihira naman itong batang ito oh, halika na sabi dito..” Ang sarap bumalik sa kwarto at magkulong na lang. Pero bakit ba siya nandito ng ganito pa kaaga? Hindi naman ganoong kaaga na pero—bakit siya nandito? Isa siyang Altamirano! Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto nila. Sa maliit naming lamesita ay mayroon pang nakahandang dalawang tasa ng kapeng itim na itim. Napangiwi agad ako nang makita iyon. Biglang tumayo si Tatay at hinila ako pa ako palapit kay Quinn na kanina pa ako tinitigan. “Maiwan ko muna kayong dalawa, Quinn. Titingnan ko kung anong pwedeng lutuin para sa pananghalian. Royal..” huling tawag sa akin. Tumango na lang ako. Pasimple kong binasa ang labi bago muling binalingan si Quinn. “Ano’ng ginagawa mo rito?” malamig kong tanong sa kanya. Hindi niya ako agad binigyan ng kahit na anong reaksyon—maliban ang titigan ako. Kaya bago pa ako tuluyang ma-conscious sa ginagawa niyang paninitig ay pinagtabuyan ko na siya. “Umalis ka na. Hindi ka dapat nagpunta rito.” Hinila ko siya sa palapulsuhan niya. Tumayo naman siya at nagpahila sa akin. “’Wag ka nang bumalik dito!” bulong kong angil sa kanya. Pero nang nasa pintuan na kami ay ako naman ang hinila niya at tinulak sa pintuan namin. Buong akala ko ay matitisod ako sa ginawa niya pero sinalo naman niya ako at hinapit sa baywang. Napasinghap ako at agad na tiningnan ang paligid namin. Baka—baka halikan na naman niya ako at mahuli kami ng mga magulang ko. “Ano ka ba!“galit kong sabi sa kanya. Walang-hiya niyang nilapit ang sarili sa akin. Niyuko at pilit na hinuhuli ang mga mata ko. “Are you okay? Did you manage to sleep last night?” malambing niyang mga tanong sa akin. Bahagya akong nagulat sa boses niyang iyon. Hindi ko iyon inaasahan na maririnig sa kanya. Nasanay na yata ako na pagalit at masungit niya akong kinakausap. “O-okay lang ako. Lumayo ka nga!” “No. Not until you tell me you’re not hurt anymore.” Masama ko siyang tinitigan. “At handa akong tulungan kang makalimot.” Napalunok ako. Tinitigan na naman niya ako na para bang nakikiusap sa akin. Inilapit pa niya ang mukha sa akin. Halos magdikit ang labi naming dalawa. Ang dasal ko na lang ay hindi niya maramadaman ang sipa na nanggagaling sa dibdib ko. “Ikaw lang ang nasa isip ko sa buong magdamag. Na sana pala ay hindi na lang kita inuwi. Para hindi ko rin nakitang nasaktan ka.” Mas lalong lumambot ang mukha niya habang nakatitig sa akin. Namamalikmata lang ba ako? Talaga bang ganito na niya akong kausapin ngayon? Pero isa siyang Altamirano.. “Quinn..” huminto ako sa pagsasalita nang ikulong niya ang mga palad sa magkabila kong pisngi at pinakatitigan ako. Ramdam ko ang pagpipigil niya sa sarili. Ramdam na ramdam ko. “This is so f**k, Royal. I couldn’t—I couldn’t stop myself from thinking of you. The kissed we shared, it lifted me up and you don’t know how it changed me. Hindi ko matanggap na may iba ka na, pero ngayon..hindi ko na pipigilan ang sarili ko.” “Quinn..ano bang sinasabi mo?” pati ako ay kinakabahan na rin sa kung patungo ang sinasabi niya sa akin. Sa pwesto namin, sa lapit niya at sa paraan ng pagsasalita niya. Pinagpantay niya ang mga paningin namin. “I want more of you.” “Ano’ng ibig sabihin no’n?” Nginitian niya ako. “I want you to be my girlfriend, Royal. Be mine.” Natigilan ako. Huminto ang oras. Hindi ko kaagad na naramdaman ang pag-ihip ng hangin. Ang pagtirik ng araw at ang pagdaan ng ilan naming mga kapitbahay. Nakalimutan ko kung nasaan kami. Nakalimutan ko sina Garett at Lelet. Nakalimutan kong hindi pwede ito. Pero bakit parang iba. Bakita parang sarap no’ng pakinggan? Bakit parang sa kabila ng lahat ay nag-init ang mukha ko at kiniliti ako? Ang babaw ko na ba pagdating sa pakikipagrelasyon? Ganito ba talaga ako? Bumaba ang tingin ko sa kanyang lalamunan ng gumalaw ito. napalunok siya. Halatang kinakabahan din. “Alam kong hindi pa madali sa ngayon pero handa akong maghintay hanggang sa maging pwede na.” Hinawakan niya ang mga kamay ko. Hindi na ako makapagsalita pa. Hindi ako makasagot sa kanya. Sa isang banda ng isip ko, alam kong hindi pa ito tama. Kailan ba ang tama? Isang halik sa pisngi, saka siya nagpaalam at umalis. Hindi ako kumibo at pinanood ko na lang ang pagsakay niya sa sasakyan. kaya nang bumalik si Tatay at hinanap siya, sinabi ko na lang na umalis na. Lihim na lang akong nagpasalamat at hindi na iyon nasundan pa ng isa pang tanong. *** Binagabag ako sa sinabi iyon ni Quinn. Hindi pa alam ng pamilya ko na isa siyang Altamirano, hindi rin naman niya sinabi. Sa buong maghapon ay binalik ko na lang din sa normal kong buhay maliban sa pagdalaw sa akin ni Lelet. Hindi rin naman akong aasa na maliligaw dito si Garett para suyuin ako. Pero pagsapit ng gabi ay nagulantang ako nang bumalik si Quinn sa bahay. Ang Nanay ko ay natulala sa gulat. Sa pagbalik niya ay mas pormal na siya. Suot ang itim na pantalon, puting polo, mamahaling relos, kumikintab na itim na sapatos..at isang pulumpon na pulang rosas sa mga kamay habang nakatingin sa akin. Binalingan ako ni Lola na may pilyang ngiti sa labi. Ang Tatay ko naman ay parang nagbago ang timpla nang mas pagmasdang maigi si Quinn. “Bakit ka bumalik?” masungit kong tanong sa kanya. Pero imbes na sagutin ako ay hinarap niya ang mga magulang ko, pati na rin si Lola. Tumikhim ito. “Good evening po Sir, Ma’am, Grandma..” Nanlaki ang mga butas ng ilong ko sa panimula niya. Halos humagalpak ako sa tawa dahil sa kabang nakikita ko sa itsura niya. “Gusto ko po sanang pormal na ipakilala ang sarili ko,” “Ay ano ba ’yan? Kilala ka namin, hijo. Hindi mo na kailangang maging pormal, teka kumain ka na ba? Kanina kasi ay bigla ka na lang nawala.” Pag-aaya ni Tatay. “Sir gusto ko pong umakyat ng ligaw sa anak ninyo.” Nanlamig ako. Nalusaw ang ngisi ko sa sinabi niya sa Tatay ko. Ligaw? Liligawan niya ako?! Pati ang Tatay ko ay tila ang umurong ang sasabihin dito. Ang mukha naman ni Quinn ay namula. “Kaya gusto ko pong pormal na ipakilala ang sarili ko. Taga-Esperanza po ako, ako si Quentin Nicco Altamirano.” Natahimik ang lahat kaya ang pagsinghap ng Lola ko ang siyang bukod tangi kong narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD