Chapter 3
Royal
Banayad na tunog na nanggagaling sa gitara. Naglakad ako at hinanap sa dilim ang malamyos na musikang iyon pero puro kadiliman pa rin ang naririnig ko hanggang sa unti-unting lumalakas at humihina ang tunog nito. Gusto kong makita kung sino at saan nanggagaling ang tugtog na iyon. Tinaas ko pa ang kamay ko, hindi ko iyon nakikita pero sa pakiramdam ko ay may inaabot ako..hanggang sa lumabo na ang paningin ko pero ang gitara ay patuloy at may kasama ng boses. Kumakanta. Para akong dinuduyan sa kanyang boses..minulat ko ang mga mata. Nagrambulan yata ang dibdib ko nang mapagtantong ibang kwarto ang nagisnan ko.
Nandito pa rin ako. Sa hasyenda Esperanza, pero patuloy ko pa ring naririnig ang tugtug mula sa gitara ang kasabay na kanta niyon. Dahan-dahan akong bumangon at tumayo. Sinundan ko kung saan nanggagaling boses, nilingon ko ang balkonahe. Lumapit ako doon at humawak sa barandilya. Sinuyuran ko ng tingin ang magandang lupain, ang boses ay mas malakas dito. Mula sa ibaba, nakita ko ang lalaking Altamirano sa tapat ng balkonahe nakaupo sa pang isahan na upuan at may yakap na gitara. Sa kanyang tainga ay may nakasuksok na lapis sa taas nito at notebook sa ibabaw ng babasaging lamensa. Napako na lang ang mga mata ko sa kanya ng kumanta siya ulit, iyong kanta na nangangapa dahil hinahanap ang tamang titik at lapat sa musika.
Ito ang unang boses na makita ng isang taong gumagawa ng sarili nitong musika at kanta.
“Sana’y hindi pa huli..sana’y may oras pang nalalabi sa atin..”
Nakatingin siya sa strings ng gitara, nakayuko at alam kong walang tawag ang makakahikayat dito na tumigil sa ginagawa.
“Pikit-mata na nanalangin na ’wag sana muling agawin sa atin ang mga sandali na ngayon pa lang bumabalik. Kasabay ng tamis ng iyong mga halik..sana’y ’di pa huli..sana’y may oras pang nalalabi sa atin..sana’y ’di pa huli..sana’y makita pang muli..ang iyong mga ngiti..”
“Mangangarap na lamang ba na mahagkan ka..o may pag-asa pa na bumalik tayo sa umpisa..”
Tinitigan at pinagkinggan kong maigi ang huling linyang paulit-ulit niyang kinakanta. Nalungkot ako. Sa tingin ko ay malungkot ang pinaggagalingan ng linyang iyon at kumirot ang puso ko habang kinakanta niya. Maganda ang boses niya. Bagay na bagay sa lyrics na ginagawa niya. Wala sa kanyang itsura.
Huminto siya sa pagtugtog at natigilan. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko pa siyang udyukan na ipagpatuloy ang ginagawa at tapusin ang lyrics nito nang nag-angat siya ng tingin sa akin! Napaubo ako at nasamid nang deretsong tumama ang paningin niya sa mga mata ko! Napahawak ako sa dibdib dahil sa pag-ubo ko. Akala mo ba ay may kung anong pwersang mayroon doon sa tingin niya. Para akong napaso nang mauwi iyon sa pagtitig sa akin. Kung kaya ay umatras ako at pumasok na ulit sa loob ng kwarto. Umupo ako sa gilid ng kama at pumikit, pinapakalma ang malakas na t***k ng puso ko. “Relax Royal..relax Royal..relax Royal..” walang-tigil kong pag-amo sa sarili. Bakit ganoon? Isang tingin pa lang niya para na akong nabibilaukan sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko naman siyang gustong tao.
Isa siyang Altamirano at kahit kailan ay hinding-hindi ko siya magugustuhan.
***
Sinubukan kong lumabas ng kwarto. Nagbabakasakaling makatakas ako dahil sa may ginagawa naman siya. Hindi niya siguro ako mapapansin kung dadahan-dahanin ko ang paglakad palabas ng hasyenda.
Pagdating ko sa hagdanan ay nagpalinga-linga ako kung may taong makakakita sa akin. Pero kagabi pa lang ay wala akong nakita. O baka maaga lang natutulong? Napalunok ako. Hindi ako gumagawa ng ingay habang humahakbang sa bawat baitang. Pagtapak ko sa marmol na sahig ay tumitingkayad pa ako at hindi na humihinga para dahil kahit ang paghinga ko ay naririnig na yata sa sala nila. Ang mga huni ng ibon ay masarap pakinggan pero kung ang pagkakalagak ko dito ay siyang paraan para marinig sila ay hindi bale na. Mas gusto kong makauwi sa amin!
Marahan kong pinihit ang seradora ng malaking pintuan. Napangiwi pa ako kapag lumalangitngit ang lock nito. Maglilikha iyon ng ingay at maririnig ako. Kaya kapag lumalangitngit ay hihinto ako at magbibilang ng ilang segundo bago tangkaing buksan ulit.
“Yes! Thank you, Lord!” bulong kong tagumpay na hiyaw sa sarili nang mabuksan ko ng tuluyan ang lock ng pintuan. Maingat at dahan-dahan ko pa ring binuksan ang pinto kahit na maliit pa lang ang siwang ay lumabas na ako sa sobrang excited ko. Bawat hakbang ay kay sarap sa pakiramdam dahil sa wakas ay makakauwi na ako.
“And where do you think you’re going, My lady?”
Malakas akong napasinghap at tumigil sa paghakbang. Pumihit ako sa likuran ko at nakita ko ang lalaking Altamirano na nakasandal sa nakarasadong pintuan, nakahalukipkip at parang kanina pa doon nakatayo. Nakatitig siya sa akin. Walang halong iritasyon o galit o kahit pagkamangha o bigla dahil sa nakita niyang pagtakas ko. Tumuwid ako sa pagkakatayo. “U-uuwi na ako..” tapang-tapangan kong sagot. Nanunuyot ang lalamunan ko.
Kumibot ang mga makakapal niyang kilay. Ang suot niyang puting t-shirt ay humahakab sa kanyang matipunong braso, sa kanyang balikat at sa malapad na dibdib. Naramdaman ko ang mas lalong panunuyot ng lalamunan ng tumama ang mga mata ko sa kanyang baywang..at mahahabang hita. Katulad ng kanyang pang-itaas ay humahakab din sa kanyang mga hita ang kanyang suot na pantalon. Para bang pinasadya ang maong na iyon sa kanya.
At sa kabila ng pagkahuli sa akin, nagagawa ko pang i-eksamin ang suot at katawan ng lalaking ito?
Pero kinilabutan ako nang umayos siya ng tayo. Inahon ang likuran sa pagkakasandal sa nakasaradong pintuan. Hindi pinuputol ang pagtitig sa akin. Halos mapaawang ang labi ko nang lapitan niya ako. Unti-unti akong napapatingala sa kanya. Naalala ko sa kanya iyong dating kinukwento sa akin ni Lelet patungkol sa mga lalaking may hindi magandang imahe at tinatawag niyang bad boy. Ang isang ito, parang ganoon. Bad boy. At hindi pa man ako nakakabawi sa paglapit niya at hinapit niya ako kung kaya malakas kong tinungkod ang mga braso sa kanyang dibdib!
Napakalapit niya sa akin. Yinuyuko niya ang mukha para magpantay sa akin. Iniwas ko ang sariling mukha, humahakbang paatras pero mas nilalapit niya pa rin ang sarili sa akin. Dahil sa sagot, hinapit pa niya ako ulit sa baywang. Masyadong mahigpit. Tiningnan ko siya ng masama.
“Ano ba?” angil ko. Sinundan ko iyon ng isang malakas na tulak. Pero ni hindi niya iyon kinaatras man lang.
Nginisihan niya ako. Naiwan naman ang mga mata kong nakatitig din sa malalalim niyang mga mata.
“At sino ang nagbigay sa iyo ng permiso na makakauwi ka na?”
“Hindi ko kailangang humingi ng permiso sa kahit na sino! Illegal ang ginagawa mo sa’king pagkulong dito!”
Nginitian niya ako. Ang mga brasong nakapulupot ay bahagyang ginalaw at hinigpitan pa lalo ang pagyakap sa baywang ko.
“Talaga bang ganyan kang magsalita, nakasigaw palagi? Kaunti na lang maririndi na ang tainga ko sa’yo, my lady..”
Napangiwi ako—kasabay ng pag-init ng mga pisngi ko sa tinawag niya ulit sa akin. “Bi-bitawan mo sabi ako! Uuwi na ako sa’men!” pagalit kong utos.
Bumaba ang mga mata niya sa labi ko at saka binalik sa mga mata ko. “If I were you, mananahimik na lang ako at maghihintay sa kung anong susunod na mangyayari. Hindi kita sasaktan, maniwala ka.”
“Walang naniniwala sa isang Altamirano’ng katulad mo.”
Napawi ang ngisi. Nalusaw. Kinabahan ako sa pagbabago niyang iyon. Agad niya akong binitawan, bahagya pang nanulak. Tiningnan niya ako ng mariin na habang tumatagal ay nagiging madilim ang kanyang mga mata. Naglaho iyong kaninang payapa siyang tumutugtog ng gitara, nagsusulat ng nota at salita. Nawala ang pigurang nagpabilis ng t***k ng puso ko. Napalitan ng humahangos na pintig.
Inisang hakbang niya ako, napaatras ako sa takot at akmang duduruin nang—
“Quinn!”
Mabilis akong napalingon sa baritonong boses na nagsalita. Halos makahinga ako ng maluwag nang may dumating na ibang tao bukod sa Altamirano’ng ito. Pero paano kung kapatid niya pala? Kamag-anak din? Isa ring Altamirano?
Ang lalaking iyon ay matangkad din. Magkasunuran niya kaming sinulyapan ng lalaking tinawag niyang Quinn habang lumalapit sa amin mula sa kung saan. Natawag ng pansin ko ang ilang tuyong sugat at pasa sa kanyang mukha. Hindi rin mamahalin ang mga damit na suot pero binabagayan. Napatitig tuloy ako sa kanya. Gwapo siya. Malinis tingnan kahit puro sugat ang mukha. Maamo ang mukha. Hindi ako nakaramdam ng takot hindi katulad sa lalaking panay ang yakap sa akin.
Umakyat siya sa hagdanan, sa kinaroroonan namin. Nagulat pa ako nang matipid niya akong nginitian.
Bakit niya ako nginingitian?
“May bisita ka pala..” tukoy noong lalaking kararating lang. Hindi ako nakapagsalita kaagad.
“Yeah. Ang aga mo namang lumabas?”
Kumunot ang noo noong lalaki. “Hindi pa dapat?” balik-tanong nito.
Namaywang iyong Quinn at isang beses akong sinulyapan. Sinulyapan na rin ako noong lalaki.
“Breakfast is ready. Tara na.” Sabay talikod pero agad ding pumihit at walang-salita’y kinuha ang isang braso ko at hinila papasok sa loob ng hasyenda! Sinubukan kong hatakin ang braso ko, huminto siya at tiningnan ako ng mariin. “Papakain lang kita. ’Wag kang maarte.”
Napanganga ako sa sinabi niya sa akin. Nang lingunin ko ang iyong isa pang lalaki ay nakakunot pa rin ang noo niya.
***
Pailalim kong hinili ang dulo ng damit noong nagsalin ng orange juice sa mga baso namin. “Ate..” pabulong kong tawag sa kanya. Pero nang tingnan ako ay para bang may hindi niya maintindihan ang binubulong ko. “Tulungan niyo po ako..” dagdag ko sa kuryosidad niya. Napahinto siya ginagawa.
“Okay na, Rita. Bumalik ka na sa kusina.” Biglang utos ni Quinn Altamirano.
“Opo, ser.” Magalang na sagot naman ng katulong.
Nang makaalis na napayuko na lang ako.
“What are you doing, Quinn? Is she your hostage?”
Mas lalo akong napayuko sa sinabi noong lalaki. Katapat ko siya sa lamensa habang nasa gitna naman namin si Quinn.
“I saved her.”
“You saved her? When?”
Inabot nito ang isang tinapay at dinala sa sariling plato. Nag-uusap na para bang hindi ako kasali sa hapag.
“Last night. Nasa labas siya ng hasyenda. Nasa bintana ako at nakita kong may isa pang tao na nagtatago sa talahib. Kung hindi ko siya nakita ay baka siya na ang sunod na makitang bangkay dito sa hasyenda ko.”
Nag-angat ako ng mukha at sinalubong ang titig niya sa akin. Parang sinuntok ang dibdib ko nang marinig ang salitang ‘bangkay’ sa kanya. “Malamang isa iyon sa mga tauhan mo!”
“Ibaba mo ang boses mo at nasa harap tayo ng pagkain.” Banta niya ulit sa akin.
“Kung gano’n edi pauwiin mo na ako para hindi na kita na peperwisyo!”
“Matagal na akong naperwisyo mula nang magkaroon ng sunod-sunod na p*****n sa loob ng hasyenda Esperanza. Nagkasakit ang Lolo ko dahil na rin doon. Kaya sa ayaw at sa gusto mo ay maiiwan ka dito hanggang may makuha akong impormasyon mula sa iyo.”
“Hey..you two..” saway noong lalaki.
Nagtitigan kaming dalawa. Dahil siguro sa pagalit niyang sagot sa akin ay sumakit ang lalamunan ko at namimintog ang luha sa mga mata ko.
“Ano’ng pangalan mo,miss?” ilang saglit ay banayad na tanong sa akin noong lalaki.
Pinapatag ko ang mabilis na paghinga. Pinunasan ko muna ang sipon bago ko siya sinagot.
“R-Royal po.”
Bumuntong hininga siya. “Buong pangalan.”
Lumunok ako bago sumagot. “Briseis Royal..Mauricio po..”
Tinabingi niya ang mukha. “Briseis? I knew someone na bagay sa ka-loveteam ng pangalan mo, ’di ba Quinn?”
“I don’t care.”
Tumawa iyong lalaki. “By the way, my name is William. Tumutuloy ako sa club house pansamantala. Hindi mo ba kilala itong si Quinn?”
Nahigit ko ang paghinga. Kagabi ko lang siya nakita. Isa siyang Altamirano. Bukod doon.. napailing na lang ako.
“Sigurado ka? Wala ba kayong T.V o radyo?”
“Meron po. Pero madalang gamitin.”
Tinuro niya si Quinn. “He was a popular singer. Nag-quit na nga lang ngayon dahil sa hiling Daddy niya, pero talaga bang hindi mo siya kilala? Kahit namumukhaan man lang, Royal?”
Sinulyapan ko si Quinn. Tumataas-taas ang gilid ng labi niya. Binalik ko ang tingin kay William. “Baka po bata pa ako noong kapanahunan niya. Hindi ko na siya naabutan.” Tapat kong sagot.
Bumagsak ang mga balikat ni Quinn kasabay ng pagbitaw nito sa hawak na kubyertos. Sumandal naman sa upuan si William at humagalpak ng tawa. Tiningnan ko lang sila pareho dahil sa magkaibang reaksyon.
***
SONG USED: “Umpisa” – Jensen Gomez & Tippy Dos Santos