Chapter 2
Royal
Nagpapadyak ako pero mas malakas ang lalaking bumuhat sa akin at pinasok ako sa loob ng hasyenda! Isang bugso ng sigaw ang pinakawalan ko pero agad niyang tinakpan ng palad niya ang bibig ko! Hindi ako sumasayad sa sahig, ang lakas ng lalaking ito ay doble o triple ng kaya kong ibigay. Maling hasyenda ang napuntahan ko..hindi ito ang hasyenda Rosemarie—kundi ang hasyenda Esperanza!
Takot na takot ako habang ang loob ng buong bahay ay madilim na at parang walang katao-tao. Dito nagaganap ang p*****n sa mga magsasaka at ang lapastangan sa mga kadalagahan..hindi kaya..ito na ang lalaking gumagawa noon? Ang pumapatay? Ang kriminal?
Sumabog ang kabado kong dibdib. Ako na..ako na ba ang susunod?
Naiyak na ako sa kalampag sa dibdib ko. Hinawakan ko ang mga brasong nakapulupot sa tiyan ko. Mahigpit ang yakap niya sa akin, kulang na lang ay ipako ako sa malapad niyang dibdbib, nararamdaman ko ang init ng kanyang balat—walang baro ang lalaking ito?
Binuksan niya ang pinto at pumasok kami. Isang kwarto na may malapad na puting kama ang unang bumungad sa akin. Walang ingat niya akong nilapag doon, napasinghap ako ng malakas dahil sa impact ng pagkabagsak ko. Pero aanhin ko ang sakit kung ang buhay ko naman nasa panganib kaya mabilis kong nilingon ang lalaking iyon na nahuli ko pang hinihingal at nakakatitig sa akin. Magsasalita sana ako pero naglaho ang sasabihin ko nang mapako ako sa hubad niyang dibdib. Nanunuyot ang lalamunan ko at nilukot ang tiyan ko. Wala nga siyang baro, malapad ang kanyang balikat at bahagyang may umbok ang magkabila nitong dibdib. May iilang buhok dito. At nang bumaba pa ang mga mata ko sa kanyang tiyan..mas lalo akong walang nasabi. Alam kong ‘abs’ ang tawag doon pero..ganito pala ang itsura nito sa malapitan. Nang bumaba pa ang paningin ko sa baywang niya ay namilog ang mga mata ko nang makitang wala na sa butas ang nag-iisang butones ng pantalon niya!
Tama ako! May balak siyang masama!
“Are you done scanning me, my lady?” narinig ko ang kapreskuhan sa nanunuya niyang tono ng boses.
Nagtipon ako ng lakas at buong tapang na tumayo at hinarap ang lalaki. “Ikaw ang killer ’no? Ikaw din ang rapist sa bayang ito?” abot-abot ang kaba sa akin. Kung sakaling malaman ko ngang siya ay anong gagawin ko?
Kumunot ang noo niya. Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. Tinitigan ko ang hulma ng kanyang mukha. Ang isip ko ay kinukumpara siya sa nobyo kong si Garett pero mas lamang kagwapuhan ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi malinis ang kanyang panga dahil may maliliit na doong buhok. Kahit sa dilim ay visible sa mga mata ko ang kaunting pamumula ng kanyang mga pisngi. Matangos ang kanyang ilong. Ang pares ng mga mata ay nakakakilabot kahit madilim iyon. Ang labi ay maninipis at mapula na parang pinahiran ng dugo. Ang buhok niya ay malinis ang pagkakagupit kung kaya ang panlalaking hulma ng mukha ay maaliwalas sa kabila ng pagod, puyat at dilim kong nakikita sa kanya. Para siyang modelong kinuha mula sa magazine.
Nababaliw na ako. Bakit ko pinupuri ang kriminal na ito kung sakali?
“And what are you doing inside the premises of my land in late night? Alam mo pala ang tungkol sa p*****n at panghahalay sa mga babae, so bakit ka pumunta rito ng ganitong oras? What are you trying to do, woman?”
Napalunok ako. Pagmamay-ari niya ang lupaing ito? Siya ang may-ari ng hasyenda Esperanza! Ibig sabihin ay isa siyang Altamirano.
Kung ganoon pala ay mas nanganganib nga ang buhay ko rito.
At mas lalong nanganganib dahil sa paninitig niya sa akin at sa labi ko.
“N-naligaw ako. Hindi talaga rito ang tungo ko.” Dapat ko nang sabihin ang totoo.
Natigilan ito at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Paano kang maliligaw dito kung taga-rito ka? You’re lost in your own hometown? Nakakaloko..”
“Totoong naligaw ako! Nasira ng bagyo ang nagsisilbing poste ng ilaw sa bukana papunta rito at sa hasyenda Rosemarie, akala ko ay tama ang tinahak kong daan..”
“Taga Rosemarie ka?”
Natigilan ako at marahan na umiling. Tinitigan pa niya ako, bahagyang kumunot ang noo.
“Isa kang espiya.”
Natigalgal ako. “H-hindi ako isang espiya,”
Humakbang siya ng isa, hindi na ako nakagalaw ng bahagya siyang yumuko para ipantay ang mga mata sa akin. Siguro ay hanggang sa dibdib niya lang ako. Ang edad niya ay naglalaro sa trenta hanggang kuarenta.
“Your reason are too shallow and unbelievable. Kahit sa dilim ay hinding-hindi ako maliligaw sa lugar na kinalakihan ko maliban na lang kung hindi ako nagsasabi ng totoo. I’m not buying your alibi, my lady. Laganap ang p*****n at panghahalay sa buong hasyenda at ang makita ang isang babaeng tulad mo dito, hindi ba ay kahina-hinala ’yon?”
“N-nagsasabi ako t-totoo! Hindi ko ipapain ang sarili para sa mga hayok sa laman na katulad mo!” nabigla ako sa huling nasabi.
“Katulad ko?”
Tinuro ko siya at nilabas ang alam ko. “Kayong mga Altamirano ang may kagagawan ng mga krimen na nagaganap sa hasyenda. Kayo ang nagpapatay sa mga magsasaka at nagpapahalay sa mga kababaihan! Alam naming sa paglipas ng mga taon ay galit na galit pa rin kayo sa amin dahil sa lupang pilit ninyong inaangkin. Bakit hindi kayo sumunod na lang sa batas imbes na sinasalungat ninyo ang batas!”
“Ganito pala ang tingin ninyo sa mga Altamirano’ng tulad ko. How far do you know about us? about the land?” usisa niya sa akin.
“Bakit mo pa tinatanong? Alam ng lahat ang nangyari mula pa noong kapanahunan ng Lola Mila ko. Kayong mga Altamirano ang sakim sa lupa. Pinalaki niyo nga at pinayaman ang hasyenda pero nanghahamak at nanakit kayo ng mga taong may mas karapatan sa lupa. Siguro ay hindi ninyo maatim ang maghirap tulad namin kaya ganyan kayo kasakim.”
“You don’t know what are you saying.”
“Simpleng tao lang kami pero hindi kami tanga!”
Nag-iba ang timpla ng kanyang mukha. Parang naghahasik na leon ang nakita ko.
“Came from your looking sweet lips.” Bigla niya akong hinapit sa baywang kung kaya’t napasinghap ako. Tinitigan ako sa malapitan. “Kaya maiiwan ka dito sa hasyenda ko hanggang sa makuha ko ang dapat na makuha sa iyo.” Banta niya. Bumaba pa ang tingin niya sa labi ko. Mariin ang paglapat ng sa kanya bago ako tuluyang bitawan at iniwan sa loob ng silid.
Napalunok ako at tinakpan ang labi. Sumasakit ang dibdib ko sa marahas na t***k ng puso ko dahil sa paghapit niya sa akin. Lalo na sa binanta niya. Para kong nilagay ang sarili sa kalaban sa talim ng dila ko.
Sinundan ko siya palabas bago pa niya ako pagsarhan ng pintuan pero parang wala naman yata siyang balak na ikulong ako sa silid na iyon. Dapat kong tapangan ang sarili. Dapat akong makapunta sa kabilang hasyenda. Mas lalong dapat kong iligtas ang sarili laban sa isang mapagsamantalang hasyenderong Altamirano na ito!
Pero habang pinagmamasdan ko ang malapad na likuran niya, ang baywang niyang para nag-aanyayang damhin iyon. Nasasaid ang sasabihin ko at may kung anong pumipigil sa akin na magsalita. Nagtatagal kasi ang mga mata ko sa hubad-baro niyang katawan kaysa ang idaing ang nasa isip.
Kinuyom ko ang mga kamay at mariing pumikit. Hindi ako magiging pipi. Hindi ako magiging pipi! Pwede akong makakuha ng kasagutan sa kanya o sa lugar na ito para sa mga krimeng naganap sa hasyenda at sa mga magsasaka. Kaya kailangan kong tapangan ang sarili kahit..kaunti.
Pagbukas ng mga mata ko ay ilang hakbang na ang layo niya sa akin. Binabagtas niya ang ugat ng hagdanan.
“A-ano’ng kukunin mo sa akin?”
Huminto siya. Alam niyang sinusundan ko siya pero binabalewala niya. Nilingon niya ako. Pinagmasdan mula ulo hanggang paa, pabalik. Parang palasong may tumusok sa tiyan at dibdib ko nang gawin niya ang ganoong pagtingin sa kabuuan ko.
“You’ll know, my lady.” At tinitigan niya ako.
Lumutang ang isip ko. Iyong mababang baritono niyang boses ay nakakatayo ng balahibo ko sa batok. At natutunaw ang puso ko. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong magkaibang pakiramdam para sa isang tao. Kung kaya mas nakakadagdag sa misteryong nakabalot sa pamilya Altamirano.
Napalunok ako. Bumaba ang tingin niya sa nakabuka kong labi. Isang mahinang singhap ang pinakawalan ko nang sa ilang segundo ay nandoon lang ang mga mata niya. “K-kailangan kong umuwi sa amin. mag-aalala ang mga magulang ko, ang Lola ko.” Nasaid hanggang sa baga ang pagpigil ko sa paghinga kahit na malayo naman siya sa akin.
Hindi niya ako binigyan ng anumang reaksyon sa mukha.
“Dito ka lang.”
Ang diin ng pagkakasabi niya. Binubulabog ng t***k ng puso ko ang dibdib. Kasabay no’n ang pakikiramdam ko. At ilang saglit pa’y..umatras ako at mabilis na tumakbo palabas ng hasyenda!
“s**t!” bulalas niya.
Kamuntikan pa akong madulas papalapit sa malaking pintuan pero nang habulin niya ako ay napapatili na ako. Sumagitsit ulit ang takot sa akin. Para akong nakikipagkarera sa bilis ng tinakbo ko—pero bago pa lang ako makarating hamba ng pintuan ay nahuli na niya ako kaagad at muling binuhat mula sa baywang!
“I shouldn’t have trusted you!”
“Pakawalan mo ko!” pumapalag ako at binibigwasan siya sa mukha, naiilagan niya iyon. “P-pakawalan mo ko!”
Buhat ako ay sinarado at ni-lock pa niya ang malaking pintuan. Nasindak ako sa ginawa niya. Nalalagasan ako ng lakas nang tuluyang magsara ang pintuan. Ikukulong niya ako! Hindi niya ako pakakawalan!
“Bitiwan mo ko! Tulong! Tulong!” sigaw ko. Bumubulahaw ang boses ko sa loob ng bahay. Siguro naman ay may katulong siya rito? Hindi pwedeng walang ibang tao rito! May makakarinig sa akin.
At kung may makakarinig man..ay pipiliin nilang manahimik o hindi kaya ay maging kasabwat ng lalaking ’to!
“Nagsasayang ka lang ng laway mo. Walang makakarinig sa’yo rito.” Ganting sagot niya sa akin habang buhat ako paakyat sa hagdanan.
Nagpumiglas pa rin ako. Nagasgas na ang lalamunan ko ay wala pa ring nagpapakitang kahit anino man lang ng tao. Pinasok niya ako sa malamig na silid. Patay ang ilaw at kung hindi ako mag-iingay ay tanging ang ugong ng aircon ang pumapalibot na ingay sa loob. Maingay niyang sinarado ang pinto—kinalibutan ako. “Bitawan mo ko! ’wag kang magkakamaling pansamantalahan ako at tutusukin ko ang mga mata mo! Ipapapulis kita, ipapakulong kita, pananagutan mo itong ginagawa mo sa akin! Kidnapping ito!” sigaw ko.
Pero imbes na matakot o kahit ang kabahan man lang ay naringgan ko pa siya ng pagtawa.
Binagsak niya ako sa malaking kama at tumayo lang sa gilid nito. Matalim ko siyang tiningnan. “Akala mo ay biro itong ginagawa mo sa akin? Kapag nalaman ng mga magulang ko na wala ako sa bahay ay hahanapin nila ako at sinisugurado ko sayong paghihinalaan din nilang nandito ako.”
Nginisihan niya ako. Yumuko at tinungkod ang magkabilang braso sa mga gilid ko. Umatras ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
“Don’t worry, I’ll let them in. Pero paano kung hindi ka nila makita dito? Paghihinalaan pa ba nila ako? Hmm?” maingat niyang bulong sa akin.
“Makikita nila ako! Maririnig nila ako!”
Inangat niya ang kamay at hinawi ang humarang na hibla ng buhok sa mata ko. Nagtataas-baba ang dibdib ko pinagsamang hingal at takot.
“They won’t.”
Natigalgal ako. Anong ibig sabihin noon? “Ano’ng ibig mong sabihin? P-papatayin mo na ako?”
Tila bumagal ang binigay niyang reaksyon sa akin. Natanaw ko ang banayad na pagbuka ng labi niya. Ang pag-angat ng gilid nito hanggang sa bumagsak ang tingin sa labi ko. Napalunok ako. Hndi ko maawat ang magkasabayang mabilis na t***k ng puso ko at panginginig ng kalamnan ko. Kung ito na ang huling gabi ko sa mundo, sana pala man lang ay napasaya ko ang pamilya ko. Ang Lola kong mabait. Ang mga kaibigan ko. Lalo na si Lelet na hindi ko pa natutulungan kay Herbert. Matatapos pala ang buhay ko sa isang Altamirano.
Umayos siya ng tayo at akmang tatalikuran ako. “Hindi ako nananakit ng babae. Not unless, ibang klaseng pananakit.” makahulugan niyang sabi. Tinungo niya ang isa pang pintuan, ang banyo.
“Paano? Ililibing mo ko ng buhay?” iba’t-ibang klase ng pagbawi ng hininga ang umiikot sa isip ko.
Huminto ito, minasahe ang batok at tumingila. “Bakit ang morbid ng utak mo? Ano’ng pinapanood mo, Jumong?” bumaba ang mga kamay sa zipper ng pantalon at binaba iyon!
“Ahh! Pagsasamantalahan mo ko?!” sindak kong sabi. Nakatitig sa binaba niyang zipper ng pantalon niya.
At sa unang pagkakataon, sa kabila ng nakakatakot niyang mukha ay malakas siyang tumayo. “My lady, hindi kita kailangang pagsamantalahan, baka kapag nakita mo ’to e kusa kang magpakidnap sa akin.”
“Bastos ka! Ang baboy mo!”
“Ikaw ang may malisya, my lady. Kahit maghubad ka pa sa harapan ko ay hinding-hindi kita pagsasamantalahan.” Kininditan ako at nagtuloy na sa banyo.
Nang marinig ko na ang tunog ng shower ay doon lang ako kaunting natauhan. Naroroon pa rin ang takot pero parang hindi rin. Lalo na doon sa huli niyang sinabi na inaamin kong uminit ang mukha ko. Inimagine ko pang naghubad nga ako sa harapan niya..
Napahawak ako sa sariling damit. “Hindi ko gagawin ’yon!” impit kong saway sa sarili.
**