Chapter 1
Royal
Napalingon ako sa likuran nang marinig ang pagtawag sa akin ng kaibigan kong si Lelet. Natawa agad ako dahil sa hindi mapintang mukha niya pagkatapos lapitan kanina ang sinasabi niyang matagal na niyang crush na si Herbert Villanueva. Ang sabi ko kasi ay lapitan na niya iyong lalaki habang ang lahat ng tao ay busy sa panonood ng dance contest, dito sa bayan. Dahil kung isasangtabi pa ay mauungusan niya ni Bea, iyong kapitbahay naming alam ng lahat ay may gusto rin kay Herbert. Aba, kung papatay-patay ang kaibigan ko ay baka mawalan na siya ng tsansa! Iilan lang kaya ang nakakalapit sa lalaking iyon dahil napakailap sa tao. Palaging nakakulong sa bahay at kung hindi naman ay sa paaralan. Nagtuturo ito ng English subject sa Elementarya. At ang matalik kong kaibigan na si Lelet ay pinagtulakan ko na! Kaya lang nang makita ko ang nakasimangot niyang mukha ay parang..ligwak-ganern ang natanggap nitong sagot. Patay tayo diyan. Lihim akong napailing.
Sinulyapan ko saglit ang mga nagsasayaw na mga kabataan sa kalsada dahil sa biglang pagsigaw ng mga nanonood. Pagkatapos ay sinalubong ko si Lelet. “Ano nangyari sa’yo? Bakit nakasimangot ka?” sinamahan ko na ng kaunting sigla ang boses para naman kahit papano ay hindi siya malugmok sa kalungkutan. Ang sabi nga ng Lola ko ay, huwag alagan ang lungkot kung ayaw mong mapanot.
Humalukipkip siya at pinahaba ang nguso niyang medyo makapal. Kung tutuusin ay may itsura naman si Lelet. Kayumanggi ang kutis, katamtaman ang lapad ng katawan. Hindi siya sobrang payat na nahahawakan na ang buto, payat pero kaayusan lang. May iilan rin namang nakakapansin ng ka-sexy-han niya sa amin sa tuwing magsusuot ito ng pantalong maong at simpleng t-shirt kapag nasa simbahan kami. Aba, labas na labas kaya ang hugis ng katawan niya kapag ganoon ang suot. Kaya lang, may oras din na biglang eentra si Bea at sasapawan ang mga pumupuri kay Lelet. Magsusuot ito ng mas maiksing shorts at damit na nakalabas ng pusod. Mahilig mang-agaw ng eksena gayong hindi naman namin alam kung bakit kailangang may ganoon ugali. Hindi namin siya inaano.
“Hindi niya ako pinansin.” Bulong niya. Hindi himutok iyon pero halatang malungkot pa rin.
Kaya lumapit ako sa tabi niya at inakbayan ang kaibigan. Bumuntong hininga ako nang hindi niya ako tiningnan pabalik. “Wag kang malungkot dyan! Buti nga at hindi ka binasted nu’n. May pag-asa pa! Kaya laban!” tinaas ko ang isang kamao at ginawang simbolo ng ‘laban’ ko.
Nilingon niya ako. Mas lalo akong napangiti dahil nakuha ko ang maliit na usling ngisi sa gilid ng labi niya. Hindi man ako masyadong makasabay sa kabiguan niya sa puso, sasabayan ko siya sa masayang bagay at puro positive na vibes. Kaya pagkatapos ng ilang sandaling muni-muni sa kabiguan niya, hinintay naming matapos ang dance contest. Sinunod naming ikutin ay ang mga iba’t-ibang lamesa ng pagkain. Ito ang gustong-gusto ko kapag sumasapit ang Malatarlak Festival. Ang ganda ng kalsada dahil sa makukulay na banderitas. May mga palaro at maingay sa kalsada. Nailalabas ang mga natatagong talento ng mga kabataan, lalo na ang pagsayaw sa kultura ng mga Aeta. Napapabilib pa rin ako dahil kanilang naiibang uri ng sayaw at damit dala ng kanilang kultura. Tumikim din kami ng mga tinitindang pagkain at kung kaya pa ng bulsa ko ay bibili ako at iuuwi sa bahay. Lalong-lalo na kay Lola Mila ko. Palagi niyang naikukwento sa akin ang mga paborito niyang pagkain noong araw na bihira na niyang matikman ngayon. Mahina na ang mga tuhod niya kaya naman hindi ko maisama rito sa pyesta. Hindi tulad dati siya ang nagdadala sa akin dito para manood ng contest. Nakaka-miss iyong mga ganoong panahon, iyong kami lang ni Lola ang magkasama para makipyesta. Pinapabauan kami ng Lolo Pepe ng kaunting pera at pilit pinagkakasya iyon ni Lola para sa pag-uwi namin ay mayroon ding pagkain na pagsasaluhan.
Kaya nag-ipon din ako para may mauwi sa Lola kong maganda.
Inaya ko si Lelet na umupo sandali sa nabakanteng bangkito. Tumingala ako sa langit.
“Sa tingin mo Royal magugustuhan ako ni Herbert?” biglang tanong ni Lelet.
Nagbaba ako ng tingin at nilingon siya. Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa ibang iniisip. Nginitian ko siya. “Bakit hindi? May tinatago ka namang ganda, Lelet. Nahihiya ka lang ilabas.” Tudyo ko.
Bumagsak ang mga balikat niya. “Ayoko namang dahil lang doon ay mapansin ako ni Herbert. Ayoko no’ng panlabas lang.”
Kiniling ko ang ulo ko. “Inaalala mo ba ay ’yung pagiging teacher niya at ikaw ay hindi nakatapos sa college?”
Tiningnan niya ako at tumango. “Baka hindi ako magustuhan ng mga magulang niya ’pag nagkataon. Hindi kami bagay. Wala siyang mapapala sa akin dahil sa Tubo lang ako kumikita ng pera, kumpara sa kanya, may diploma. Talagang hindi niya ako pag-aaksayahan ng oras ’di ba?”
Sumimangot ako at pinahaba ang nguso. Bahagya ko siyang siniko. “Wag ka ngang ganyan. Wala sa antas ng edukasyon nasusukat ng pagmamahal, Lelet. Alam mo ba ang Lola at Lolo ko ay magkaibigan lang din dati pero, hala ka—nagka-inlaban iyong dalawa! Ang ibig sabihin ay ’wag kang mawalan ng pag-asa at ’wag kang mag-attract ng negative vibes. Hindi ’yan nakakatulong my friend.” Ako nga ay pinipilit kong maging positibo lang pagdating sa amin ni Garett.
Pagkaisip ko pa lang sa pangalan niya ay bumagsak na rin ang mga balikat ko.
Kailan na ba iyong huling nagkita kami? Matagal na rin. Isang buwan ng mahigit. Matagal naman kaming nagkausap noong huli pero pagkatapos no’n ay hindi na siya nagparamdam pa. Binigay ko na nga sa kanya iyong cellphone number ni Lelet para madali niya akong matawagan kaso..wala pa rin. Pero sa tuwing itatanong ko naman sa kanya kung bakit ganoon, ang palagi niyang sagot ay marami siyang gawain sa kompanya nila. Gusto niya kasing mahawakan ang kompanya ng pamilya nila. At siya lang ang nag-iisang lalaking Santiaguel na pwedeng magmana noon. Ang hasyenda nila ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng kanyang Lola at sa oras na yumao raw ay sa kanya rin iyon iiwan.
Tinitingnan ko lang siya kapag sinasabi niya iyon sa akin. Punong-puno siya ng pangarap at madalas na nagniningning ang mga mata sa tuwing ang lumalabas sa labi niya ay ang hasyenda at kompanya. Parang walang katapusang pagkukwento. Doon na nga nauubos ang oras namin na patago pa.
Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito ng banayad. Napangiti ako. Hindi matapos-tapos ang mabilis na pintig ng puso ko sa tuwing hahawakan niya ang kamay ko at hahalikan. At sa tuwing ganoon, bigla ay lumalabas sa akin ang matagal ko nang kinikipkip na tanong para sa kanya. “Sana matanggap ako ng Lola Josefina mo balang-araw.” Halos pabulong kong sabi sa kanya.
Tumayo siya ng tuwid at binitawan ang kamay ko. Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ang disgusto niyang reaksyon ng sabihin ko iyon. Nagsisi ako. Sana pala ay hindi ko na binanggit. Maingay siyang bumuntong hininga at napamaywang. Nang gumilid siya ay gumuhit ang kirot sa dibdib ko.
Gwapo si Garett Santiaguel. Matangkad, matikas ang katawan, maputi. Mahaba ang buhok niya na ginogoma niya lang kapag may lakad o naiinitan. Noong unang beses ko siyang nakita ay hindi ko nagustuhan ang mahaba niyang buhok, lagpas balikat iyon at nakalugay pa. Hindi ko talaga siya noon nagustuhan kaagad kahit pa halos hindi niya ako nilubayan ng titig sa Tubuhan. Umiwas ako nang tangkain niya akong lapitan. Pero noong ikatlong bisita niya sa tubuhan..pinaiksian niya ang buhok at inamin kong umiwalas ang mukha niya.
Mula sa trabaho ay inabangan niya ako at binigyan ng mga bulaklak. Niligawan niya ako at nagkaroon ng lihim na ugnayan. Siya ang una kong nobyo. Unang pag-ibig. Kaya inaalagan ko ang mga bagay na binibigay niya sa akin, maliit man o malaki. Noon pa man ay pinagtapat na niya sa akin na hindi pa siya handang ipakilala ako sa Lola Josefina niya dahil ako ay isa mga trabahador nila. Pumayag ako dahil ako man ay nahihiyang makilala ang Lola niya. Kaya lang habang nagtatagal ay nagkakaroon ako ng tapang na ipakilala ang sarili sa Lola niya lalo na sa tuwing nakikita namin ito sa tubuhan man o sa loob ng hasyenda. Gusto ko siyang abutin pero hindi pwede. “Pasensya na..” dagdag ko sa sinabi.
“Sana ay ’wag mo nang ulitin.” Seryoso niyang sagot sa akin.
Ilang sandali kaming natahimik. At hindi rin nagtagal ay pinauwi na niya ako.
Bumalik ako sa kasalakuyan nang kalibitin ako ni Lelet. Hindi niya rin alam ang relasyon namin ni Garett.
“Matutuloy kaya ang fireworks mamaya? Makulimlim pa naman..”
Tiningala ko ang kalangitan. Tama siya, makulimlim nga. Noong nakaraang linggo pa naman ay may dumaang malakas na bagyo kaya ang akala namin ay hindi matutuloy ang pyesta pero parang pinahintulutan ng langit at nagpakita ang haring araw. “Matutuloy na siguro..hindi na naman umulan maghapon.” Sagot ko.
Tumango-tango siya at nilabas ang cellphone sa bulsa ng palda. “Siya nga pala may nag-text dito kanina hinahanap ka..”
Namilog ang mga mata ko at agad na inagaw sa kanya ang cellphone. Wala nang iba pang maghahanap sa akin sa numero niya kundi si Garett!
“Hindi ka halatang excited,”
Nakagat ko ang ibabang labi. Nahihiya man ay mas excited pa rin ko. Agad kong hinalukay ang inbox ng cellphone at hinanap ang kabisado kong number ni Garett—at hinahanap niya ako! Kanina lang umaga lang itong text message niya. Natutop ko ang bibig nang mabasa ang mensaheng pinadala niya para sa akin. Nakasulat ang pangalan ko pero hindi niya nilagay ang pangalan niya.
Darating ako sa sabado, Royal.
Maikling mensahe pero libo-libong excitement ang dinulot noon sa akin. Uuwi na siya! Uuwi na si Garett!
At sa sobrang tuwa ay hindi ko na pinansin pa ang mapanuring titig sa akin ni Lelet. Kulang na lang ay magtatalon ako sa sobrang tuwa.
Natigil lang ako nang may narinig kaming maingay na sirena ng ambulansya, kasunod ang sasakyan ng mga pulis.
“Ano ’yon?” takang tanong ni Lelet. Pareho kaming napaatras dahil humawi ang mga tao para bigyan ng madadaan ang dalawang nagmamadaling sasakyan. Ang mga nanonood pati ang mga performer ay doon na rin nakatunghay. Nagbubulungan at gumuguhit ang kaba sa kanilang mga reaksyon. Nawala lang ang bulungan nang magsalita ang emcee at tinuloy ang sayawan.
“Ate Lelet! Ate Royal!”
Magkasabay naming nilingon ang tumawag sa amin. Ang kapatid ni Lelet na si Ysidra. Hingal na hingal na huminto sa pagtakbo pagkarating sa amin.
“Bakit nandito ka?” tanong ni Lelet sa kapatid.
Humugot ito ng hangin at tinipon sa dibdib bago tinuro ang daan pauwi sa amin. “Tawag na kayo ni Tatay. Umuwi na raw kayo kaagad at ’wag nang tapusin ang sayawan..”
Napakamot ako sa buhok. Hindi pa ako nakakabili ng pasalubong para sa Lola Mila ko. “Teka, mamaya na. Meron pa akong bibilhin bago umuwi,”
Napahawak pa ito sa dibdib at pilit pinapatag ang paghinga. “’Wag na Ate Royal. Maaga kayong pinapauwi dahil may nakita na namang bangkay ng dalagita sa hasyenda—at ginahasa pa araw!” takot na takot niyang sabi sa amin.
Nagkatinginan kami ni Lelet. Kahit siya ay gumuhit ang takot sa mukha pagkarinig noon. Naulit na naman.
Napalunok ako. “Saang hasyenda nakita, Ysidra?”
“Sa Esperanza..pero taga sa atin ang dalagita, iyong bunsong anak ni Aling Virginia.” Sagot niya.
Kilala ko iyon! Nanlamig ako at inaya na ang dalawang kaibigan. Tumabi muna kami sa gilid dahil may dadaang magarang sasakyan. Pagkadaan ay malalaking hakbang na tinungo namin ang daan pauwi sa amin habang kinukwento pa sa amin ni Ysidra ang pangyayari.
***
Quinn
Pagkadaan ko sa mga nagsasayawan ay saka pa lang ako nakapagmaneho ng maayos-ayos. Dahil sa traffic ay inabutan na ko ng mga activity sa festival. My phone rang. Kinuha ko dashboard, I smirked. “Yes, William? Miss mo na ako kaagad? Eto na malapit na ako.” Inis kong bungad dito.
“Siraulo! ’asan ka na ba? You need to be home immediately.”
Kumunot ang noo ko. Binagalan ako ang pagmamaneho dahil may tatlong babaeng naglalakad sa kalsada at napupunta na sa gitna. I wanted to shoo them away but it’s Malatarlak Fiest, I might ruined their festival. “I’m on my way. Natakasan ko nga si Paula, ikaw naman ang haharapin ko. Nakakapagod kayong dalawa ah. You must compensate me after this.”
William is in Hacienda Esperanza and he’s on the healing stage of his so-called punishment. Malapit na naman matapos ang pagpaparusa niya sa sarili dahil nasa huling yugto na raw siya. Nagpapagaling ng mga sugat dahil ang siraulo nagpabugbog sa amin. With the mighty help from Lennox, Dale and I, ayun bugbog-sarado ang baliw na si William Sullivan. I might say it was one of the worst option he could get from hurting his girl. Hindi ko rin nagutushan ang pananakit niya kay Paula. She’s still a woman with a tigress attitude when she’s pregnant—and she’s pregnant kaya halos ako naman ang mabugbog para mapaamin niya kung nasaan ang dyowa niya. Love sick.
I drove back and forth if I need to. Dinadalaw ko si William at kinukwento sa kanya ang nangyayari sa mag-iina niya. It was tiring but aside from him, I knew I have to take care of my Lolo Eugenio’s hacienda.
From the very beginning, hindi talaga ako interisado sa hasyenda. My other cousins are free to take care of it but my father and my grandfather wanted me to take over the hacienda and the Azucarera. But there’s alot of it . At iyon ang kailangan kong pag-aralan at pinapaaral sa akin ni Lolo. He can’t come home yet dahil nasa ospital pa ito sa Manila. I only knew that there is unsolved dispute between the farmers decades ago and Lolo wanted to settle it once and for all. He wants to clear our name. Kaya ako pumayag. And maybe in this way I could stay in my record label company. Nitong mga nakalipas na buwan ay palaging nasa balita ang hasyenda dahil sa sunod-sunod na p*****n at bangkay na nakikita sa loob ng hasyenda Esperanza. It could ruin my recording company in the market at magmamarka ang balitang iyon sa kompanya. Either way, I have no choice but to come home and solve the dispute if there is.
**
Dalawang araw na ang lumipas mula nang makarating ako sa hasyenda. I was so tired from driving and a new case were filled against one of my employee. He’s being accused of rape and murder of a young woman who was found inside the hacienda’s land. Kaya rin pala ako minamadali ni William dahil doon. He was staying in the clubhouse when the police came to see me.
Umupo ako sofa, sa loob ng study room ng Lolo ko. Hindi ko na binuksan pa ang ilaw at hinayaang ang lampshade ang kuminang sa buong silid. I am dead tired. Hindi ko nagawang kumain. Hinubad ko ang pang-itaas na damit, hinagis sa single sofa at sinandal ang likuran. I looked at the ceiling. Everything in this room are so dark. From the dark brown paint to furnitures. Ang dalawang lumang shelves ay kasing tanda na yata ng Lolo niya sa tuhod. Isang beses pa lang napa-renovate ang hasyenda at ang alam ko ay minimal pa iyon dahil ayaw pabaguhin ng Lolo ang buong bahay.
He said, kung mag-aasawa raw ako ay dito ko patirahin ang asawa at magiging mga anak ko para tumao sa bahay. Wala daw magkakainteres na tumira rito dahil sa away. Ang mga kamag-anak na gustong hawakan ito ay sa Maynila pa rin maninirahan. And I’m not even interested, anong gagawin ko rito?
And a wife? The only girl I thought of marrying is already married. I scoffed. Napatitig ako sa kisame. Ilang sandali pa ay tinanggal ko ang sinturon at binaba sa sofa. I took off my shoes. Ang gusto ko na lang ay matulog at baka ano pa ang magawa ko sa kakaisip kay Zarene. She’s gone. Wala na akong magagawa pa. She loves him and not me.
Binuksan ko ang butones ng pantalon ko, napatingin ako sa bintana nang makarinig ng kaluskos. Tiningnan ko ang malaking wall clock at saka binalik sa bintana ang mga mata. Sa ganitong oras ay wala nang tao sa labas. Si William ay kanina pa bumalik sa clubhouse. Ang mga trabahador ay nagsiuwi na rin. Kaya sino ang magtatangka pang pumasok dito?
Might be the..culprit! “Fuck.” Bulalas ko sa sarili. Nagmadali akong tumayo at nagtago sa gilid ng bintana para hindi maaninag sa labas. I slowly peek in and see for myself kung sino ang nagtatakang pumasok.
Sa labas ay nakita ang isang pigurang may dala-dalang lamp. Babae? Hindi pa ako sigurado dahil madilim, hindi pa naiaayos ang mga ilaw na hindi nabigyan ng pansin dahil sa problemang hinarap ko.
But I am certain that it is a woman. Sa hindi kalayuan ay isa na namang pigura ang nakita ko mula sa likod ng damuhan. Tiningnan ko ulit ang babae, isang malakas na kalabog ang dumapo sa akin. Kumuyom ang kamao ko. Mabilis akong lumabas ng silid at lumabas ng hasyenda. Kailangan kong maunahan ang kung sino mang gustong lumapit sa babaeng iyon bago pa siya ang sumunod na biktima kung sakali!
Hindi ko na nagawang magdamit at lumapit sa babaeng nakatalikod pa sa akin. Naiinis akong isipin na sa kabila ng krimeng naganap dito ay may maglalakas-loob pang pumunta rito ng dis-oras ng gabi at isa pang babae! Sa tingin ko ay dalaga pa ito base sa mahinhin na kilos ay makinis na kayumangging balat sa kanyang braso.
Matalim kong tiningnan ang kumaluskos sa damuhan. Pagkalapit sa babae ay agad kong inikot ang mga braso sa baywang at inangat sa lupa, napasinghap ito sa gulat. But I am surprised too. This is the sweetest scent I ever smelled in my whole. The softest skin I ever touched. And the finest voice I ever heard. Ang pagtama ng kanyang mahaba at itim na buhok sa mukha ko, kakaibang pakiramdam ang dinulot noon sa akin. Damn! “Huli ka!” I only muttered. Ramdam na ramdam ko ang pagwawala ng dibdib niya. Sa kaba o sa takot, maybe both. But I don’t care, man. Binuhat ko siya at dinala sa loob ng hasyenda.