Chapter 11
Royal
Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Inalalayan at halos ayaw akong mabasa o mapatakan ng ulan sa pagprotekta niya sa akin. Hinawakan niya ang pinto sa passenger seat, nang makapasok naman ako ay kinuha niya ang payong ko at siya na rin ang nagsara niyon. Binuksan niya ang pinto sa likuran ko at doon nilagak ang payong ko, ang basket na dala niya at ang namumutik na kumot. Nilingon ko iyon, nilagay niya sa ibabaw ng upuan ang kumot, inabot ko na lang at binagsak sa sahig. Sayang iyong malinis na upuan at mababasa.
Umayos ako ng upo nang binuksan niya ang pinto ng driver’s seat at pumasok. Pagkasara ay nilagay niya rin sa likuran ang dala niyang payong.
Pinagmasdan ko siya. Halos basang-basa na ang damit niya. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at sinunod ang pag-ayos ng aircon. Lumaganap ang panlalaking amoy sa loob nito. Dinaluhan ko siya at dinama ang likuran niya. “Basa ang likod mo, ’wag mong itapat ang aircon sa’yo.” Babala ko. Hindi siya kaagad na nakakibo sa akin. Nilingon niya lang ako at tinitigan ng ilang segundo. “Narinig mo ba ko?” sarkastiko kong tanong sa kanya.
Tumango siya sa akin. “Oo.” Tipid niyang sagot sa akin. Sinunod naman niya ako at nilihis ang aircon.
Pinasadahan ko ng tingin ang loob ng sasakyan niya. Kahit inaalapin ako ng mabango nitong amoy at naghanap ako ng malinis na bimpo o tuwalya. Wala akong makita kaya nilingon ko siya—sakto namang hinubad niya ang pang-itaas at iyon ang ginamit na pampunas sa leeg, braso at likuran niya.
Halos marinig ko ang sariling singhap sa ginawa niyang paghubad sa harapan ko. Nang makita ko ng buo ang hubad niyang katawan at mabilis akong nag-iwas ng tingin. Pero imahe niya ang naglalaro sa isip ko habang nakatingin sa papadilim na kagubatan. Napakamot ako sa aking leeg. Obvious na obvious akong umiiwas at nao-awkwardan sa kanya.
“Here,” untag niya sa akin. Napaigtad pa ako sa mababa niyang boses.
Hindi ko siya tiningnan. “Ano ba ’yan?”
“Towel. Halika dito pupunasan kita,”
Nanlaki ang butas ng ilong at nilingon siya. Sumipa na naman ang puso ko nang bumadha sa mga mata ko ang hubad-baro pa niyang katawan habang nakaangkla ang isang puting tuwalya sa kamay niya. Ambang pupunasan na ako.
“Ipunas mo na lang ’yan sa sarili mo, ayos lang ako. Hindi ako basang-basa!” hindi ko naman sinasadya pero napalakas yata ang boses ko.
Kumunot ang noo niya. Tiningnan lang ako na para bang may mali sa sinabi ko. “Are you sure? Baka ikaw din ang magkasakit..”
Inirapan ko siya at dinuro. Pinasadahan ko pa ng isang beses na tingin ang katawan niyang may six-pack abs. “Ipunas mo sa katawan ko. Nagbabad ka sa ulanan kanina, para kang baliw d’yan.” Pasermon kong sabi sa kanya.
Pero imbes na sundin ako ay lumapit siya sa akin at marahan na pinunas ang buhok sa tuwalyang hawak. Kaya tinabig ko ang kamay niya.
“Ang tigas-tigas ng ulo mo, Altamirano! Isang lapit pa susuntukin na kita.” Pagalit kong sabi sa kanya. Nasobrahan yata sa lapit at tumatama na ang mainit niyang hininga sa mukha ko. “Lumayo ka nang kaunti.”
Lumayo nga siya sa akin. Pero umupo lang siya at binaba ang kamay na may hawak ng tuwalya.
Tinaasan ko siya ng kilay. Bubulyawan ko sana pero nagbago ang isip ko. Tumikhim ako.
“Magdamit ka na. Malalamigan ka.” sa mababang boses kong paalala dito.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Walang reaksyon ang mukha na may inabot sa likuran niya. Isang puting T-shirt, maayos na nakatiklop at naaamoy ko pa ang fabric con na ginamit sa damit. Swabe niya iyong sinuot. Nagulo ang buhok niya at hindi na niya inayos. Nilingon niya ako. Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil pagkukulong niya sa kamay ko sa kanyang kandungan.
“I thought..you’re not coming.” Mababang boses niyang salita.
Napalunok ako. Hindi ko magawang hatakin pabalik ang kamay ko. Humigpit kasi ang pagkakahawak niya. “Kung hindi kita tinext at malaman na nandito ka pa rin, hindi talaga ako pupunta. Pero ang tigas-tigas ng mukha mo. Umulan na at lahat, nabasa ka na at lahat, nandito ka pa rin. Paano kung hindi ako nag-text sa’yo? Hindi ka talaga aalis?”
Tiningnan niya ako at tinanguan. “Hindi ako aalis hangga’t walang ikaw na dumarating. But you did come. You want to see me too.”
“Kung hindi umulan nang ganito kalakas, hindi rin kita maaalala.”
“Sana bumagyo.” Sabay tingin sa langit na para bang may kausap doon.
“Hoy masamang hiling ’yan. Tumigil ka.”
“If a storm will make you stay with me tonight, that would be my selfished wish.” Tinaas niya ang mga kamay namin at dinampian ng halik ang mga daliri ko.
Uminit ang mukha ko nang makita ko iyon. Ang init ng kanyang labi ay walang sinabi sa lamig ng aircon na umiikot sa loob ng sasakyan. Napalunok ako. Ang hirap takasan ng magagandang mga mata niya. Para bang magnet na hinihigop ako sa tuwing tumitingin sa mga mata ko.
Bumaba ang tingin sa labi ko. Nakita ko ang pagpungay ng mga mata na para bang biglang inatok kaya lumusob ang kaba sa dibdib ko.
Tumikhim ako. “B-bakit ka ba tumuloy pa? Saka bakit may dala ka pang basket?” naiilang na ako sa titig niya.
Lumiwanag ang mukha niya. “I was planning a date, picnic style but that f*****g thunderstorm ruined it. I prepared snacks for us. I planned but forget to check the weather update. So f****d up at our first date.” Nainis niyang sabi sa huli. Inabot niya iyong basket at nilagay paanan niya.
Natawa ako ng bahagya dahil sa itsura niya. Kanina lang nagwi-wish pa siya, pero tingnan mo ngayon ang bilis nagbago ng emosyon niya. Inis na inis habang nagkukwento. Nilabas pa niya iyong laman ng basket.
“I have here chicken sandwiches, french fries, sliced cakes, pasta, orange and pineapple juice, bottled water..masrhmallow and chocolates,”
“Ang dami mo namang dala?” kaya pala ang bigat noong basket nang buhatin. Katakot-takot na pagkain ang dala ng may sumpong na hari.
Nag-angat siya ng tingin sa akin, kunot na kunot ang noo.
“Do you eat smores? Maghahanda rin sana ako ang bonfire pero tang-nang ulan ’yan sumakto pa ngayong araw.”
Natawa ako ulit. Ang cute niya doon. Kahit nagmumura ang cute pa rin. Tingninan niya ako. Napanguso na lang ako. “Hindi pa ko nakakatikim no’ng smores.” Sabi ko.
“I hope you haven’t eating atleast your dinner yet, kain tayo?” aya niya.
Pinagmasdan ko at nagdalawang-isip sa alok niya. Hindi pa naman ako naghahapunan dahil nagmamadali akong pumunta dito. At ayoko ring masayang iyong mga pagkain na dala niya. “Penge ako,” sagot ko.
Masaya naman niya akong inabutan no’ng mapusyaw na tupperware na pinaglalagyan ng pasta. Carbonara yata iyon. Mas natakam ako nang makita ko.
“Thank you.” Inabot niya sa akin ang isang tinidor. Binuksan ko iyong takip at hinalo-halo ang pasta. Mukha ring masarap. Na hindi naman ako nagkamali nang sumayad na sa dila ko. “Masarap ah.” Puri ko pa.
Nilingon niya ako. Binaba ang kinakain na tinapay sa kandungan niya at may kinuhang tissue sa loob na rin ng basket. Muntik pa akong mapaatras nang punasan niya ang gilid ng labi. Sa natural na pagtama ng balat niya sa akin ang nagpadagundong sa dibdib ko.
“Rita cooked it. Kumain ka pa,” nilabas pa niya iyong isang lalagyan ng french fries.
“Ang dami mo namang dala. Ni hindi naman natin ’to mauubos.” Itong pasta pa lang mabigat na sa tyan. Tapos ay marami pa siyang sweets na dala.
“That’s fine. Gusto kong magpa-impress e.”
Kumunot ang noo ko. Imbes na sumagot ay hinayaan ko na lang ang huling sinabi niya. Hanggang sa ilang minuto kaming naging tahimik na dalawa habang kumakain. Kinain niya iyong natirang pasta. Hindi ko na rin napigilan nang ang gamitin niyang tinidor ay iyong ginamit ko rin. Pati iyong bottled water na ininuman ko ay doon na rin siya uminom. “Nalawayan ko na ’yan.” Sabi ko. Pero tinuloy pa rin niya ang pag-inom.
“Nag-kiss na tayo kaya okay lang.” walang preno niyang sagot sa akin.
“Nanliligaw ka pa lang ng lagay na ’yan ah.”
“Nag-advanced lang ako. Pero sa akin ka rin babagsak, babe.”
“Hoy, kabahan ka naman kahit kaunti.”
“Ibang kaba ba ang ibig mong sabihin?”
Natahimik ako at napaisip. Anong kaba ang sinasabi niya? Tinawaman niya ako.
“You’re so cute. I wanna munch you.” Tudyo niya.
“Munch mo mukha mo.” Sabay talim ng tingin ko sa kanya. “Uuwi na ko, baka mag-alala pa ang mga magulang ko sa akin.” sabi ko nang mapagtantong madilim na madilim na sa labas. Akma kong bubuksan iyong pinto ng sasakyan pero pinigilan niya ako.
“Wait. Ihahatid kita.” Niligpit niya ang tupperware at binalik sa loob ng basket.
“Wag na. Kaya kong lakarin.”
Seryoso niya akong tiningnan. “No. Masyadong madilim at mag-isa ka lang maglalakad. Babae ka pa at akin ka kaya ihahatid kita.” Determinado niyang sabi.
Nagulantang ako. Grabe siya. Kung makaangkin parang kami na. “Baliw ka na.”
“Oo. Binabaliw mo.” At deretsong tingin sa mga mata ko.
Nag-init ang magkabila kong pisngi. Ano ba ’yan. Bakit ganyan?
“Pinapaalala ko lang, Altamirano ka.” at singlabo ng maruming tubig ang gusto niyang mangyari.
“So?”
Napaawang ang labi ko. “Quinn..”
Bumuntong hininga siya at humarap sa akin. “You know what? Habang inuulan ako kanina, I realised..hindi na lang ’to isang simpleng pagkagusto na lang, Royal. Hindi ako iyong tipo ng tao na magpapakadrama sa ilalim ng ulan para maghintay sa isang babaeng hindi ko alam kung sisiputin ba ako. Basta ayokong umuwi nang hindi kita nakikita, nang hindi ko naririnig ang boses mo kahit pagalit pa ’yan. Kahit parang hinihiwa ako ng mga mata mo okay lang basta sa akin ka nakatingin. Kahit napipilitan o naaawa ka lang sa akin kaya mo ko pinuntahan okay lang basta nandito ka ngayon sa tabi ko.”
Tiningnan niya ako nang hindi kumukurap ang mga mata.
“Ano’ng ginawa mo sa akin?” bigla niyang tanong sa akin.
Natigilan ako at nakipagpalitan ng titigan sa kanya. Anong ginawa ko sa kanya? Siya nga ang may ginawa sa akin. “Wala.” Simple kong sagot. Nag-iwas na rin ako ng tingin sa kanya.
Hindi siya natinag. Pinilit ko na lang ang sariling tingnan ang pagbagsak ng ulan sa salamin ng sasakyan. Hanggang sa maramdaman kong may kinuha siya sa likuran. Malaki iyon kaya napalingon ako sa kanya. May hawak siyang gitara. Inayos niya iyon ng patong sa kandungan at ang sinubukang tugtugin. Nang maayos na ang porma at saka niya ako binalingan.
“I planned to sing a song for you too, in the middle of the woods but then since this f*****g thunderstorm came, dito ko na lang kita kakantahan.”
Tumibok ng malakas ang puso ko. Iyong thought na tutugtog siya at kakantahan ako ay nagpapasipa sa puso ko.
He smiled, “But this is only a cover song though. Saka na ’yung ginawa kong kanta.”
Ano raw?
Tumikhim siya at sinimulan ang pagtugtog sa gitara. ”Di na kayang dalhin ng puso ko. Sana’y marinig sigaw nito. Nagsisikip aking dibdib ’di na makatulog..”
Narinig ko na siyang kumanta pero, mas maganda pala ang boses niya sa ganito kalinaw. Ganitong kalapit. Para bang napakakinis. Ang lamig. Nang sulyapan niya pagkatapos ng isang linya ay nagrambulan na ang puso ko.
“Sana’y dinggin mo. Kahit ikaw na sa’king tabi parang ako’y ’di naririnig, oh kay sakit. Bakit sa’yo’y parang balewala?”
Uminit ang mukha ko. Pata patama iyong lyrics niya sa akin. Pero may parte sa akin na para bang may mainit na kamay ang dumantay sa puso ko.
“Nais kong malaman mo. Nais kong sabihin sa’yo. Ngunit parang ’di ko masabi, nandito lang ’di mabigkas sa’king labi. Ako ba ay iyong nakikita? Ba’t parang hindi mo naman marinig. Ika’y iibigin ’di na lang sasabihin. Mararamdaman mo sa bawat sulyap at tingin ko sa’yo..” sabay tingin ng deretso sa aking mga mata.
Sumabay sa patak ng ulan ang bawat tipa niya sa strings ng gitara at ang boses niyang dumagdag sa lamig hangin.
***
Oh may hangganan ba ang kailanman
Ang paghihintay hanggang saan? Hanggang kailan?
Ang pag-ibig ko sana’y maramdaman
Nais kong malaman mo, nais kong sabihin sa’yo
Ngunit parang ’di ko masabi, nandito lang ’di mabigkas sa’king labi
Ako ba ay iyong nakikita? Ba’t parang hindi mo naman marinig
Ika’y iibigin, ’di na lang sasabihin
Mararamdaman mo sa bawat sulyap at tingin ko sa’yo
Di ko alam ang gagawin
Kailan mo kaya ako papansinin
Sanay ay dumating
Na ikaw ay aking nang makapiling
Matawag kang akin..
Nilubog ko ang mukha sa unan habang paulit-ulit kong pinapakinggan iyong kantang kinanta sa akin ni Quinn kanina. Bago ako bumaba sa sasakyan niya at sinabi niya sa aking mayroon siya no’ng kanta, naka-save sa cellphone niya. Binanggit niya rin iyong title at singer ng original version. Kaya inabot na ako ng hatinggabi kakaintindi sa bawat letra ng kanta.
“That song voice out of what I feel about you.”
Ewan ko. Pero kinikilig ako. Sa kanta at sa..kanya.
***
Song used: “Nais kong malaman mo” - Daryl Ong