Chapter 12
Royal
Hindi iyon ang naging una at huling pagkikita ni Quinn Altamirano. Nagkita ulit kami sa pangalawang beses. Masaya siya kasi hindi na umuulan at nakisama raw ang langit sa amin. Destiny daw. Hinayaan ko na lang tutal ay mukhang kaligayahan niya yata ang pagkikita namin sa malaking puno. Nasabi ko sa kanya na bumalik na sa dating sigla ang Lola Mila ko. Nag-request siyang pumunta sa bahay ulit pero hindi ko muna pinagbigyan at mas gusto kong sabihan muna ang mga magulang ko bago iyon mangyari.
Yes. Pinayagan ko ang manligaw sa akin si Quinn. Feeling ko, kahit ulit-ulitin kong huwag na siyang manligaw ay hindi niya pa rin iyon siseryosuhin. Altamirano iyon, talagang walang pinakikinggan. At sa usaping puso, hindi ko na rin maikakaila na gusto ko siyang nakikita. Kahit sa video call namin gabi-gabi ay hindi ko mahindian. Gusto ko siyang nakakausap dahil walang segundo na hindi ako napapangiti at napapatawa sa tuwing kausap ko siya. Walang dull moment sa kanya. Lahat, may halaga. Hindi ko na nga binabalik sa kahon ng sapatos ang cellphone niya at pirme nang nasa ilalim ng unan ko. Araw man o gabi. Naka-silent mode palagi para hindi marinig nina Nanay.
Dalawang linggo ang lumipas ay inaya niya ulit ako na makapagkita. Pero ngayon ay susunduin niya na lang daw ako sa dati naming tagpuan. Nagtaka at nagtanong sa kanya. Ang sagot lang sa akin ay ‘You’ll see’.
Inipit ko ang cellphone niya sa tainga ko at balikat habang nagwawalis sa loob ng kwarto ko. Nagsisiyesta na Lola at nasa tubuhan naman ang mga magulang ko. Pagkatapos ko dito ay aayusin ko ang mga paninda ko bukas.
“Saan mo ba dadalin ah? Wala pa naman ako katiwala-tiwala sa mukha mo.” Hindi ko napigilang tumawa sa biniro sa kanya.
“Ay grabe siya sa’kin. Bakit ba kayong mga babae palagi na lang akong pinag-iinitan? Iyong iba maiintindihan ko kasi mga buntis, e ikaw? Hindi pa kita nabubuntis..” humina ang boses niya sa huli.
Napatigil ako sa pagwawalis. Uminit ang mukha ko. Iyong init na pwede ka nang magluto ng itlog sa tindi. “Hoy Quentin Nicco Valdez-Altamirano tumigil ka ah. Makakatikim ka sa akin ’pag nakita tayo,” banta ko.
“Ayun oh. May patitikim na siya sa akin oh. Exciting!”
Napahilot ako sa sintido habang pinipigilan na sigawan siya sa linya. “Tinotopak ka na naman.”
Tumawa siya ulit bago tumikhim. “Sorry na po. Ito na, titigil na. I miss you po.” Malambing niyang sabi.
Tumibok ng malakas ang puso ko. Kaya naman hindi na ako nakasagot ulit.
“I miss you so much.” Ulit niya.
Napakagat ako sa ibabang labi. Grabe na ang rambol sa dibdib ko. “Quinn.” Warning ko sa kanya. Ramdam kong ngumingiti siya sa linya.
“I am just stating what I really feel right now, babe. What about you? Don’t you miss me? Kahit konti?”
Natahimik na naman ako. Iyong t***k ng puso ko nakakasakit na kasi hindi na normal. Para bang sasabog na sa sakit. Gusto kong sumagot pero parang ayoko rin. Basta malabo na malinaw. Ang gulo!
“I don’t want to force you. It’s okay. I can still wait..”
Mas dumiin pa ang kagat ko sa ibabang labi. Na halos magdugo na yata sa diin ng ngipin ko. Ang mga salita ay naipit sa lalamunan.
“See you later then?”
Tumikhim ako sa pagtatapos niya sa tawag. “S-Sige.”
“Okay.”
Binaba niya ang tawag at natahimik akong nakatitig pa rin sa cellphone niya. Boses malungkot na iyong boses niya sa huli.
Pinagkibit-balikat ko na lang at pinagpatuloy ang ginagawa.
***
Nagbaon ako ng niluto kong suman sa paghihintay kay Quinn. Nagpaalam lang ako kay Lola na pupunta sa kaibigan at ipapatikim ang niluto naming suman. Iyong recipe ay galing kay Lola, nagpaturo lang ako kung paano gumawa para gawin kong negosyo. Ang balak ko sana ay labas na lang ng bahay magtinda para nababantayan ko pa rin ang Lola. Pero ang sabi ni Lola ay wala naman daw akong kikitain dito sa may palengke na lang daw ako magtinda at sasamahan niya na lang daw ako. Pinaalam ko na iyon kina Tatay. Noong una ay hindi ko sila mapapayag at mapapagod daw doon si Lola pero syempre walang nagagawa ang Tatay ko kapag si Lola na ang nagsabi. Iyong kontra niya may kontra din ang Lola Mila. Mas mapapdali daw ang buhay niya kung nasa bahay lang daw siya. Mas maigi nang nasa labas at mas nakakagalaw pa raw siya. Quite na lang doon si Tatay.
Hawak ang maliit kong basket ay dumating ang sasakyan ni Quinn. Tumibok na naman ang puso ko pagkakita ko sa kanya. Lumapit ako at bumaba siya. Pinasadahan ko siya ng tingin. Bakit ganoon, itim na maong jeans at itim na t-shirt lang ang suot pero ang lakas ng dating. Kulay itim din ang relos na suot niya na tanging palamuti sa katawan..dalang-dala niya ang sarili. Hindi pa nga maayos na nasusuklay ang buhok sa lagay na ’yan ah. Nginitian niya ako at sinalubong. Inabot ang dala ko at ang isang kamay ko. Nakuryente ako sa pagdapo ng kamay niya sa akin. Naramdaman niya rin kaya kumunot ang noo niyang tiningnan ako.
“Did you feel it?”
Ngumuso ako at umiling. Ang lakas na talaga ng t***k ng puso ko. “H-hindi.”
“You’re no good at lying, babe.” Sabay ngisi niya at hila sa akin sa sasakyan.
Hindi na ako makatingin sa kanya habang nagmamaneho siya. Panaka-naka niya akong kinakausap at kung hindi oo, hindi, tango ay ungol lang ang nasasagot ko sa kanya. Sumasagi pa rin sa isip ko iyong pinag-usapan namin sa telepono. Tapos dumagdag pa iyong dumaloy na kuryente sa amin. Tapos napagtanto ko kung gaano talaga kalayo ang agwat namin sa buhay. Nahiya akong tumabi man lang sa kanya.
Nahihiya ako dahil ang suot ko ay lumang kamiseta lang. ilang taon ko na rin ginagamit itong sandals na gawa sa balat. Buti na lang at matibay. Wala akong suot na kahit na anong kolorete sa mukha, ni mag lipstick ay hindi ko afford. Basa-basa na lang ng labi para medyo moist. Wala rin akong hikaw, kwintas o singsing. Maliban sa bracelet na bigay sa akin ni Lola. Wala sa sariling napasuklay ako sa sariling buhok. Inamoy ko pa nga kung effective iyong unang gamit ko sa conditioner. Hindi kasi gumagamit no’n, ngayon pa lang. at buti na lang ay mabango sa halagang syete pesos.
Bumuntong hininga ako. Naiinis ako dahil nagsisimula ko nang punain ang mga bagay na dati ay wala naman akong pakielam. Ni hindi nga ako naging ganitong ka-conscious dati kay Garett. At ngayon ko na lang siya ulit naalala.
Napalingon ako sa kanya nang makita ang tinutumbok namin. “Saan ba tayo pupunta?” nasabi niya na hindi kami sa hasyenda Esperenza pupunta.
Isang beses niya akong nilingon at lumabas ang nakakatunaw niyang ngisi. “Malapit na tayo.”
Hindi niya na iyon sinundan pa ng sagot hanggang sa pinarada niya ang sasakyan sa tapat ng isang maliit na bahay. Gawa iyon sa mga kawayan pero ang bubong ay gawa sa yero. May hagdanan tapat ng pintuan. Pero bukas ang bintana na may kurtinang nililipad ng hangin.
Umikot siya sa gilid ko at pinagbuksan ako ng pinto. Sa paglabas ko ay saka ko naririnig ang nakakahalinang nililikhang tunog ng wind chimes na nakasabit din sa bintana.
“Welcome to our little home.” Bulong niya sa akin.
Namimilog ang mga matang nilingon ko siya. Sa sobrang sabog ng utak ko ni hindi ko na pinakaelaman iyong paghawak niya sa kamay ko. Sinakop ng palad niya ang palad ko. Pumagitna ang mga daliri niya sa bawat puwang ng mga daliri ko habang nakangising nakatingin sa akin at pinapanood ang reaksyon ko. “A-Ano kamo?” kulang na lang yata ay masindak ako sa reaksyon na lumabas sa akin.
Lumapad ang ngiti niya. Tinitigan niya lang ako. Habang ako ay gulong-gulo na.
Bumukas ang harapang pinto ng bahay at niluwa ang nangingiting si Rita. Bumaba at sinalubong kami.
“Hello, Mam Royal!” bati niya sa akin. Nang tingnan niya si Quinn ay bahagya siyang nagbaba ng tingin. Halatang-halata na nahihiya sa amo niya. “Ser nakaayos na po ang hihigan ninyo.”
Nang marinig ko iyon ay ramdam ko ang panlalaki ng butas ng ilong ko. “Ano’ng hihigan?! Ano’ng ibig sabihin nito?” isa-isa ko silang tiningnan ay parehong tinatanong. Si Rita ay nagulat sa akin pero itong boss niya, napakamot pa sa batok.
“Okay salamat, Rita. Nakaluto ka na ba?”
“Opo, Ser. Nakahain na rin po. Kayo na lang ni Mam ang kulang.” Sabay hagikgik niya.
Hinatak ko ang kamay ni Quinn. “Ano ba ’to?” tanong ko pa ulit.
“Sige na, Rita. Bago pa tuluyang mag-amok itong Mam mo. Thank you.”
Tumango siya. “Sige po, Ser. Enjoy po, Mam Royal!” huling sabi niya sa akin bago umalis.
Aapila pa sana ako pero hinatak na ako ni Quinn paakyat sa munting bahay.
Tiningnan ko ang paligid. Para ba kaming nasa puso ng gubat at tinayuan ng isang maliit na bahay pahingahan. Ang mga huni ng mga nagliliparang ibon ay nakakadagdag ng ginhawa sa kapaligiran.
Pumasok kami at sinalubong ng masarap na amoy ng pagkain. Amoy na amoy dahil kitang-kita rin naman ang hapag mula dito sa sala. Maliit ang bahay pero ang mga gamit sa loob hindi maikakailang mamahalin din. Pagtingala ko pa ay may flourescent na nakasabit. May kuryente. May stand fan at flatscreen TV na nakapatong sa lamesitang gawa rin sa kawayan. Ang upuan ay nilagyan ng mga unan na nasa iba’t-ibang kulay. Binagayan ang mga kagamitan sa simpleng itsura ng bahay.
Binitawan niya lang ako nang puntahan at tingnan niya ang mga nakahain sa maliit ding lamensa. Pinatong niya rin doon ang dala kong maliit na basket.
Nang matingnan kong maigi ang sala ay sinundan ko siya sa kusina.
“Kaninong bahay ’to, Quinn?” tanong ko.
Nag-angat siya ng tingin sa akin bago kumuha ng mga kutsara at tinidor sa isang pamingganan. Halos kumpleto rin ang gamit doon ah. May maliit ding fridge sa isang sulok. Iyong isang nakasarang pintuan ang hindi ko na lang nakikita.
“Bahay natin.”
Natigilan ako at nag-angat ng tingin sa kanya habang naghahanda ng makakain.
“Natin?” hindi ko makapaniwalang tanong ulit.
Kumunot ang noo niya. May naglalarong ngiti sa mga labi. Tinanguan niya ako. “You heard it right, babe.”
Napaawang ang labi ko. at sa huli ay kumalabog na lang ang dibdib ko. “Bakit natin? Bakit?”
Tumigil siya ginagawa. Pinatong ang mga kamay sa edge ng lamensa. Nilagay niya ang bigat niya doon habang nakatingin sa akin. Napalunok ako. Iyong mga braso niya namumutok nang gawin niya iyon.
“This is our temporary home since, I can’t get in to your house, yet. So..” bumaba ang tingin niya at sinuyuran ang mga nakahain sa lamesa.
Sandali akong hindi nakapagsalita at ina-absorb ang sinagot niya sa akin.
Our temporary home. Our temporary..home?
Napasinghap ako.
“Bakit hindi mo sinabi ang tungkol dito?”
Tumigil siya ulit.
“Hindi mo man lang ako tinanong kung papayag ako sa ganitong set up? Sa tingin mo ba ay papayag ako na palaging makipagkita sa’yo dito?” naiinis kong mga tanong sa kanya.
Mas lalo siyang natigilan. Nang hindi nakasagot ay tinalikuran siya at lumabas ng bahay.
“Babe!” tawag niya sa akin.
Hindi ko siya nilingon pero naabutan niya ako at niyakap mula sa likuran ko.
“Babe sandali lang,” mas lumapit ang mukha niya kaya halos tumapat ang labi niya sa tainga ko.
“Ano ba,” sinubukan kong makaalis sa yakap niya pero mas hinigpitan niya iyon.
“No. You’re mine.”
Huminto ang mundo ko. Pakiramdam ko tumigil ang pag-ikot ng mundo nang ibulong niya iyon sa akin. Mas lalong humigpit ang mga braso niyang nagkukulong sa akin.
Hindi rin nakapagsalita ulit. Ang yakap niyang iyon ay nagtagal ng ilang segundo. Ang kalabog ng dibdib ko ay ramdam na ramdam ko na.
“Don’t you want to be with me alone? I didn’t ask you about this because this was my surprise for you but you didn’t like it obviously,”
Naramdaman ko ang ibig niyang iparating sa akin. Pero mas nangingibaw iyong dagundong ng puso sa ganitong kalapit niya sa akin.
“I really wanted to be alone with you so badly. Hindi ko naman gustong palaging sa tabi tayo ng puno magkita, I’d rather build our own house than letting you in the woods and seeing me. I’d rather want to keep you here safe than letting those damned ants bit your skin. I have so much respect for you, your opinion matters to me. So please, don’t walk away from me like that..”
Napalunok ako. Kahit alam kong may karapatan akong tumanggi o ipaglaban ang nasa looban ko, nakaramdam pa rin ako ng guilty sa tono ng boses niya. Ayoko lang iyong gumagawa siya ng desisyon na may kinalaman sa akin.
Hindi ako nakakilos nang ilubog niya ang mukha sa leeg ko.
“Don’t walk away from me like that..please..” mainit niyang bulong sa akin.
Bahagya ko siyang nilingon. Hindi ko naabot ang mukha niya dahil nilubog niya iyon sa balat ko.
“Hindi ko lang gusto na gumagawa ka ng desisyon nang hindi mo kinukonsulta sa akin, lalo na at may kinalaman din sa akin.” mahina kong sagot sa kanya.
Humigpit ang yakap niya sa akin at mas nilubog ang mukha.
“Sorry..” ang boses niya nalulunod sa balat ko. Ang init ng kanyang hininga ay tumatama din.
Napalunok ako. Halos manigas ang lalamunan ko sa kanyang boses.
“Alam kong gusto mong pumunta sa bahay namin pero ayokong malungkot na naman ang Lola ko. A-Altamirano ka..at kapag nalaman ng mga Santiaguel na pumapasok ka sa lupa nila ay mapapahamak din ang mga magulang ko. Mahalaga ang trabaho sa amin,”
Bahagya niyang inangat ang mukha sa akin kaya nakita ko ang mga mata niyang para nang inaantok.
“I will provide for your parents. Lumipat na lang kayo sa akin.”
Napaawang ang labi ko.
“Kukunin ko kayo if something bad happens.”
Umiling ako. “’Wag kang magsalita ng gan’yan,”
Natahimik siya ulit. Alam kong nakatitig siya sa akin.
“Hindi sa lahat ng bagay ay nagagawan mo ng paraan. Ayokong dumepende sa’yo o sa kahit kanino.” Madali sa kanya ang sabihin iyon, pero malaki na rin ang utang na loob namin sa mga Santiaguel.
“That’s not what I meant,”
“Kahit na ano pa ’yan, hindi pa rin ang sagot ko.”
Bumuntong hininga siya. “Okay. Ikaw ang masusunod.”
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi na ako makahinga. Ang bilis magbago ng emosyon kapag ganito siya. Naninibago at nahihirapang i-handle ang sarili. “Tungkol dito sa bahay..”
“Let’s keep this house please..I promise I will behave whenever we’re together not unless you want me to do it. But please, keep this as our own.” Malambing niyang pakiusap sa akin.
Binalik ko ang tingin sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa labi ko na kamuntikan ko nang kagatin.
“Please?”
Tinitigan ko siya na parang pinag-aaralan ko. Hanggang sa dahan-dahan akong tumango na kinangiti niya. Pagkatapos ay tinitigan na lang din ako.
“Pwede bang makahingi ng isang kiss?”
Pinanliitan ko siya ng mga mata ko. “Katatapos lang natin mag-usap..” banta ko.
“Isa lang naman,” ungot niya.
Nangiti na rin ako nang makita ang itsura niya. Humahaba ang nguso at sumimangot. Nakiliti na ako nang subukang ilubog ulit mukha sa leeg ko.
“Quinn! Bumitaw ka na nga,” tinatanggal ko ang mga braso pero hinigpitan niya lang ang yakap sa akin. “Quinn! Isa..”
Tumawa siya ng malakas at saka ako binitawan pero hindi ang kamay ko.
“Naglalambing lang sa’yo..” sabi niya nang kunwari ay nakasimangot.
“’Yang lambing mo nananakal.” Irap ko sa kanya.
“Nananakal sa sarap.” Sinabayan niya iyon ng tawa. Kaya imbes na mainis ako ay nahawa pa ako ng pagtawa sa kanya.
Pagkatapos ay hinila ako pabalik sa loob ng bahay. Siguro naman ay walang masama sa desisyon ko.
***
Papadilim na nang papauwi na ako sa bahay. Sa malaking puno na lang ako nagpahatid kay Quinn. Pinagbigyan niya ako kahit na ayaw niya sa gusto ko. Kaya lang kasi baka matyempuhan kami ng mga kapitbahay at makarating sa hasyenda. Gusto pa niyang sumama sa akin sa paglalakad pero pinagtulakan ko ulit siya. I-text ko raw siya pagkauwi na pagkauwi ko.
Habang naglalakad ay napaigtad ako nang may biglang humawak sa siko.
“Oh hija gabing-gabi na at naglalakad ka pa mag-isa..”
Rumehistro ang kilabot sa kaibuturan ko nang makita si Mang Ricky. Kahit sa papalubog na araw ay kitang-kita ang pamumula ng mga mata niya. Ang ngising ay nakakatindig ng balahibo ko.
“P-Pauwi na po ako.” Umiwas na ako at mas binilisan ang paglalakad. Pero sa gilid ng mga mata ko ay tinitingnan ko siyang nilakihan ang mga hakbang palapit sa akin.
“Gusto mo ihatid na kita, iisa lang naman ang daraanan natin,”
Kinabahan ako. Umiling ako. “Hindi na po. Kaya ko na po saka malapit na ang sa amin.” tanggi ko. Sana ay may makasalubong kaming ibang tao.
Isang tawa ang pinakawalan niya.