Chapter 10

2071 Words
Chapter 10 Royal Hindi ako mapakali. Kahit sobrang late na akong nakatulog kagabi, maaga pa rin akong nagising. Kakaisip sa huling sinabi at pinangako ni Quinn noong kausap ko siya sa video call. Quinn: I’m coming to see you. Bukang-liwayway pa lang ay nag-text na siya ng ganyan. Hindi ako nag-reply sa sobrang tension agad na tumubo sa akin. Ano ba iyan! Napakaikling linya pero katakot-takot na kilabot ang inabot ko! Hindi ko siya pwedeng papasukin dito sa bahay syempre, malalagot ako sa Tatay ko at ayokong matulala na naman ang Lola Mila kapag bumalik siya rito. Pero..paano ko siya pakikiharapin? Sa labas ng bahay? Hindi rin pwede iyon. Makikita siya ng mga kapitbahay namin, tapos baka makarating sa mga Santiaguel. Mapalayas pa kami. Napahinto ako sa pagkain at may kalakasan kong naibaba ang kubyertos sa pinggan. “Hayst!” himutok ko. Pakiramdam ko ay may sariling mundo na ako. Kaya naman nang tumahimik sa hapag ay saka ko lang napansin na nasa akin na pala ang mga mata ng mga magulang ko at ni Lola Mila. Bigla akong natauhan sa ugaling nagawa. “May problema ka ba, Royal?” unang tanong sa akin ni Nanay. Mataman niya akong tinitigan na para bang may mali sa akin. Si Tatay naman ay nagtataka akong pinagmasdan. Habang si Lola ay nakatunghay lang sa akin. Hilaw akong ngumiti. Sa sobrang hilaw feeling ko, naaagnas na ngiti ang lumabas sa mukha ko. “Hindi po, wala po, ’Nay. May naalala lang po ako.” Nahihiya kong sagot. Nag-resume agad sa pagkain si Tatay. May tinanong siya kay Nanay kaya naman nalipat sa kanya ang atensyon niya. Humataw sa sipa ang puso ko. Akala ko, akala ko talaga ay mahuhuli na ako. Nag-volunteer na akong magligpit at maghugas ng pinagkainan namin pero nag-abiso na si Nanay na maglilinis. Puwesto na rin si Lola sa labas ng bahay, umupo sa bangko at nagpaypay. Si Tatay naman ay naggagayak na papunta sa tubuhan. Kaya naman bumalik na lang muna ako sa kwarto at hinugot ang cellphone ni Quinn sa ilalim ng unan ko. Nilagay ko na iyon sa silent mode para hindi marinig nina Nanay kung sakaling tumawag na naman siya. Nagtype ako ng text sa kanya. Me: Wag ka na lang pumunta. Binaba ko ang cellphone at napasuklay ng buhok gamit ang mga daliri. Kinakabahan talaga ako. Baka..baka kasi may mangyaring hindi maganda. Hindi rin nagtagal ay nakatanggap ako ng reply sa kanya. Quinn: I’m on my way. Napatayo ako. “Pambihirang lalaki ’to oh.” Napatingin ako sa bintana. Pakiramdam ko tuloy anumang oras ay bigla na lang siyang susulpot dito. Sa ganitong dilat na dilat ang araw. May mangilan-ngilan pang dumaraan sa labas. Me: Wag na nga sabi. __ Quinn: Why? Miss na miss na po kita. __ Natigilan ako. Para bang bala niya iyon para hindi ako makasagot sa kanya. Bakit ganito, feeling ko naririnig ko ang boses niya habang binabasa ang maikling salitang iyon. Me: Baka may makakita sayo dito. Makakarating iyon sa mga Santiaguel at mapapalayas kami. Utang na loob Quinn. Wag mo naman kaming ipahamak. Kalahati ng sinabi ko ay galing sa akin. Ewan ko. Totoong nag-aalala ako sa pamilya ko pero kapag naiisip kong makikita ko na siya ulit, may iba sa akin. Hindi ko mapangalanan. Hindi ako nakatanggap ng reply sa kanya. Patingin-tingin ako sa oras. Ilang minuto na rin ang lumipas. Hindi na ba siya natuloy? Bumagsak ang balikat ko. Ano ba ’yan. Bakit ako nalungkot ngayon? Part of me says, okay na iyon. Pero isa pang parte ng utak ko..salungat sa isa. Tinago ko ang cellphone sa ilalim ng unan nang katukin ako ni Nanay at nagpaalam na aalis na. Pinagbilin nila sa akin si Lola. Lumabas ako sandali para ihatid sila sa labas ng bahay. Pagkatapos ay sabay na kaming pumasok sa loob. Nagpaabiso rin na magpapahinga sa kwarto niya. Bumalik ako sa kwarto. Kinuha ko ulit ang cellphone at nangangating tingnan kung nagtext na siya ulit. At may isa nga akong natanggap. Quinn: I’m here. Sa malaking puno. Ang kaninang nawalang excitement ay napalitan ng rumaragsang kalabog sa dibdib ko. Napatakip sa bibig. Pumunta pa rin siya kahit na pinagbawalan ko. Napatingin ako sa kama. Sa tokador at sa cellphone niya. Nanginig ang mga kamay ko. Nag-compose ako reply pero hindi ko pa man natatapos ang tinatayp ay rumehistro na ang pangalan niya screen—he’s calling! Natakot pa akong sagutin iyon noong umpisa. Kaya sa ikalawang tawag niya ay sinagot ko na. “H-hello?” mas nanginig pa ang boses ko. Naringgan ko siya ng pagbuntong hininga sa linya. Naiinis na ito. “Bakit ’di mo sinasagot ang tawag ko?” inis na tanong niya. Napalunok ako. Mas mahirap yata kapag kausap ko na siya kaysa sa text lang. “Umuwi ka na lang.” utos ko. “Ayoko. Pumunta ka na dito.” Lumambot sa huli ang boses pero naroon pa rin ang determinasyon. I bit my lower lip. “Hindi ako pwedeng umalis dito sa bahay, walang kasama ang Lola ko.” “Ako na lang ang pupunta d’yan.” Mas lalo akong kinabahan. “Wag!” Natahimik siya sa linya. Akala ko nga ay nawala siya o binabaan niya ako, pero naririnig ko pa ang mahihina niyang paghinga. Kahit ako ay hindi rin nagawang sundan ang sinabi. He sighed. “Why are you making this hard?” Nag-init ang mukha ko. “Sinabi ko na sayo mula sa umpisa pa lang na hindi pupwede, Quinn. Hindi pupwede ang gusto mo.” “Ayaw mo rin ba?” Sasagot sana ako agad pero naiwan lang sa ere ang mga salitang parang kusang naglaho. Hindi ako nakasagot sa kanya. Hinintay niya pero walang lumabas sa akin. Oo o hindi lang naman. Pero..walang malinaw na lumutang sa isip ko. Natulala ako. Nagbabakasakaling may umapaw na sa salita sa naguguluhan kong utak. “Hihintayin kita dito. Hindi ako aalis hangga’t walang ikaw na dumarating.” Sabay patay ng tawag. Kumalabog ang dibdib nang tingnan na lang ang screen ng cellphone niya. Hindi ko na tinuloy ang pagtext. Binura ko iyon at saka nilapag ang cellphone sa kama. Humiga ako tumingin sa kawalan. Hihintayin kita dito. Hindi ako aalis hangga’t walang ikaw na dumarating. Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit ang huling sinabi. Pero hindi pa rin ako pupunta. ** Kinuha ko ang takip ng kaldero at tiningnan ang ini-steam na kamote. Tinusok-tusok ko ng tinidor, malambot na kaya pinatay ko ang apoy. Naghanda ako ng dalawang plato, iyong isa ay sinandukan ko ng isang kutsaritang asukal para sa sawsawan ko. Namili ako ng malalaki at nilagyan ang mga plato namin ng Lola ko. Pagkabalik ko sa sala ay naabutan ko pa siyang nagbabasa ng bibliya. Nang makita akong dala ang meryenda namin ay nginitian niya ako. Tinabi ko ang kanya at umupo na rin. “Meryenda po tayo, ’La.” Nginitian niya lang ako. Tahimik na lang akong kumain, ang Lola naman ay kumain na rin pero patuloy pa rin sa pagbabasa kaya hindi ko na rin siya inistorbo. Pagkatapos kong kumain ay binalik ko na lang ang pinggan sa kusina at bumalik sa kwarto. Naghanda ako para maligo nang mapansin ko ang cellphone na nakasilip sa ilalim ng unan ko. Nagdalawang-isip pa ko kung titingnan ko iyon. Inabot ko ang tuwalya at lumabas ng kwarto. ** Nagtatawanan at nagbibiruan kami ni Lola sa sala nang kumatok sa pinto ang isa sa mga kalapit-bahay namin. Inabutan kami ng papaitan at naparami raw ang niluto niya. Nakangiti kong binalik ang mangkok kay Aling Imelda. “Thank you, po. Sa uulitin.” Tinawanan niya lang ako. Sabay kaming napaigtad nang kumulog ng malakas. Napatingala siya langit at umiling. “Naku, mauuna na nga ako at baka maabutan pa ako ng ulan.” “Salamat po ulit, Aling Imelda. Ingat po kayo.” Nagpaalam rin siya kay Lola bago nagmamadaling umalis. Hindi ako umalis sa pintuan at tumingala sa langit. Nagdidilim iyon at nagtitipon-tipon ang kulay gray na ulap. Umihip din ng malakas at malamig na hangin. Ang mga puno ay nag-sway at nagliparan ang mga dahon. Para ngang babagsak ang malakas na ulan. “Apo isarado mo na ’yang pinto at baka bigla nang bumuhos ang malakas na ulan.” Sabi ni Lola. “Opo, ’la.” Sagot ko at sinunod ang utos niya. Nang makita kong naging busy si Lola sa pagsulsi ay agad akong bumalik sa kwarto ko. Bago pa ako makaupo sa gilid ng kama ay tinanggal ko kaagad ang unan at binuhay ang cellphone. Wala naman siyang text o kahit missed call. Nag-angat ako ng tingin sa labas ng bintana. “Hindi naman siguro siya magpapakabasa sa ulan.” Sabi ko sa sarili. Malaki na iyon. Binaba ko ulit ang cellphone. ** Papusyaw na ang langit, mahangin lang sa labas pero hindi naman umulan. Ilang oras na ang lumipas mula nang tumawag si Quinn. Hindi ko na nga binalikan pa ulit iyong cellphone niya kwarto. Nagsaing ako at nagluto ng hapunan namin. Naghain na rin ako para pagdating nina Tatay ay kakain na lang sila at para makapagpahinga na rin ng maaga. Pero tumubo ang konsensya sa akin nang makaranig ng malalaking patak sa bubong ng bahay. Naging sunod-sunod hanggang sa tuluyang bumuhos ang malakas na ulan. Nanlamig ako. Pasilip-silip na ako sa labas ng bintana sa kwarto habang hawak ang cellphone niya. Me: Nakauwi ka na ba? “Syempre. Malamang umuwi na ’yon.” Pagkumbinsi ko sa sarili. Inipit ko ang tumakas na buhok sa akin habang nakatunghay sa screen ng cellphone niya. Hindi pa rin humihina ang buhos ng ulan. At nang tumunog ang message alert tone ng cellphone niya, nagmamadali ko pa iyong binuksan. Quinn: I’m still here. Parang sinuntok ng malakas ang puso ko. Napaawang ang labi ko sa kabila ng malakas na kalabog nito. “Nabaliw na talaga!” naiinis kong sambit. Agad akong lumabas ng kwarto at kinuha ang nakasabit naming itim na payong. Nang makita ako ni Nanay nagtataka niya akong tinanong. “O sa’n ka pupunta, Royal? Ang lakas ng ulan sa labas ah.” “Sandali lang po ako, ’Nay. May titingnan lang, sa malapit lang po ako.” Sabi ko para hindi na siya mag-alala pa. Binuksan ko na ang pinto para hindi na niya ako pigilan. “Umuwi ka kaagad. Delikado d’yan.” Payo niya kahit nasa labas na ako. Madulas at maputik ang nilalakaran ko kaya hindi ako makatakbo. Malalaking hakbang na nga lang ang ginawa ko pero nadudulas pa ako. Muntik pa akong mag-split sa putikan kung hindi ko lang agad na naagapan. Palapit sa sinasabi niyang malaking puno ay tinatanaw ko na kahit sa malayo. Pero wala naman akong makitang pigura niya. Nang marating ko ang lugar, hindi ko malaman kung maiinis ba ako o makokonsensya. Nandito pa rin siya. Nakaupo sa tabi ng puno na nilatagan ng puting kumot, basang-basa na ang mga gilid at marumi na rin. May dala rin siyang isang basket at katabi niyang pinapayungan. Na-guilty ako. Nanuot ang kirot sa dibdib ko sa naabutan. Nangilid ang luha sa mga mata ko. Nagsikip ang lalamunan ko. “Baliw ka na talaga!” wala sa sariling sigaw na sambit ko sa kanya. Napalingon siya sa akin. Agad na tumayo at kamuntik pang madulas sa agad na pagkilos. “R-Royal.” Mas lalo akong nainis nang marinig ko ang boses niya. Nangangatog na siya sa lamig. Pati pagngiti niya panginig na rin. Nang mapansin niya iyon ay tumikhim siya. Matalim ko siyang tiningnan. “Umulan na at lahat nandito ka pa rin? Ano ka ba! Ang tanda-tanda mo na nagpapaulan ka pa ng ganyan!” hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha ko. Naiiyak ako sa sabrang inis. “Para kang tanga d’yan oh!” tinuro ko ang sasakyan niyang nakaparada sa hindi kalayuan. “May sasakyan ka bakit ’di ka doon naghintay?! May payong ka nga, nakaupo ka naman sa putikan!” inis na inis ako. Nagagalit ako. Sa sarili at sa kanya. Hindi ako sigurado pero parang paputla na ang mukha niya. Tiningnan niya ang inupuang kumot at saka ako binalingan. “I-I’m s-sorry..” “Sorry? Kapag nagkasakit ka at napulmunya ka—magagamot ba ’yan ng sorry mo? Ang lakas-lakas ng ulan bakit hindi ka pa umalis?!” Nilapitan niya ako. Para bang gusto akong hablutin pero nakaharang lang ang mga payong na hawak namin. “Sorry na.” Halos hindi na kumikibot ang labi niya. Pinunasan ko ang luha sa pisngi habang matalim ko siyang tinitingnan. Naglakad ako nilagpasan siya. Inabot ko ang basket na katabi niya sa sahig, bahagya pa akong nagulat na may kabigatan pala iyon. Sinubukan kong abutin iyong basang-basa na kumot pero agad niya akong tinulungan. “Ako na, babe.” Kinuha niya sa akin iyong basket at kumot. Pagharap ko ay tinuro ko ang sasakyan niya. “Sumakay ka na doon.” Utos ko. Hindi niya ako sinunod. Kaya nang tingnan ko siya ng galit ay nakita ko ang paglunok niya. Unti-unting nawala ang inis ko nang mapansin ang kawalan niya ng lakas. Hinahayaan niya lang akong singhalan siya kahit na isa siyang hasyendero. “Bilisan mo, Quinn. Nilalamig ka na oh.” Lumunok siya ulit. Ayaw talagang maglakad papunta sa sasakyan niya. “S-sasamahan mo ba ko?” Halos mapakagat ako sa ibabang labi. Nilaban ko ang pilit na lumalambot sa akin. at para hindi niya makita ay tinalikuran ko na siya at nauna paglalakad. “Bilisan mo.” Pagalit ko pa ring utos sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD