Chapter 8

2442 Words
Chapter 8 Royal Napaigtad ako sa aking pagkakatayo nang bigla na lang akong tawagin ni Nanay mula sa labas ng kwarto ko. Sa lapit ng boses niya, akala ko tuloy ay dere-deretso pa ito sa pagpasok dito sa kwarto kaya mabilis kong tinago ang pangalawang sulat sa akin ni Quinn. Sa ilalim ng unan ko iyon agad na siniksik sa takot na makita ng Nanay ko. “Po?” sagot ko at saka lumabas na lang sa kwarto. Tiningnan pa ako ng ilang segundo ng Nanay bago ako utusan. Pagkabalik ko sa kwarto ay kinuha ko ulit ang sulat ni Quinn. Umalis na ulit ang mga magulang ko kaya malaya ko nang mababasa ang sulat na iyon. Sa likod bahay pa inabot sa akin itong sulat niya dahil nagtatago sa mga magulang ko. Napakahirap ng pinapagawa ng lalaking iyon kay Rita. Kawawa naman siya at halos papakin ng mga langgam dahil sa mahinang pagkatok sa bintana ko. My lady, The angry that I felt about you is not the way you’re thinking. Tell me, is it wrong for me to want you the way I’m thinking? See me so I can finally tell you what I’m feeling about you. I’m not angry to everyone but to myself. I’m sorry babe if I scare you. I didn’t mean to do that but I just did. You’re confused. But I do know what you’re feelings about me. I cannot just let you go like that. See me. Please? Your Quinn. ------- Quinn, Tigilan mo na ito. Nakikiusap ako. Hindi naging maganda ang naging reaksyon sa iyo ng Lola Mila ko. Taga Esperanza ka at sa oras na malaman ng iba naming mga kasama na nanggaling ka dito ay baka kami ang mapag-initan at mapalayas kami sa hasyendang pinagtatrabahuan namin. Pakiusap. Royal. Sumilip ako sa bintana. Mabilis akong nilingon ni Rita at nginitian na para bang matatapos ang paghihirap niya sa mga langgam dahil nakita na niya ako. Inabot ko sa kanya ang sagot ko sa sulat ni Quinn. Tinago niya agad iyon sa bulsa ng suot na palda at nagpaalam na sa akin. Malayo rito ang pinagparadahan ng sasakyan mula sa hasyenda nila. Kaya alam kong malayo-layo rin ang nilalakaran niya bago makasakay. Hindi rin marunong makinig iyang amo niya e. “Royal.” Napaigtad ako sa gulat at sabay lingon sa pintuan. “P-po, ’tay?” ang bilis ng t***k ng puso ko. Wala sa sariling nilingon ko pa ang labas ng bintana. Sinundan ng tingin ni Tatay ang labas ng bintana. Mas lalo lumakas ng kalabog sa dibdib ko na para bang nahuli akong may ginagawang kalokohan. Napalunok ako. “May kinakausap ka ba d’yan?” kunot-noo niyang tanong sa akin. Humakbang palapit sa bintana at sinuyod ng tingin. “W-wala, wala po, ’Tay.” Nang walang makitang tao sa labas ay saka niya lang ako binalingan ulit at tumango. “Aalis na muna kami ng Nanay mo. Ikaw na ang bahala sa Nanay at baka umiyak na naman iyon.” Bilin niya sa akin. hindi ko rin alam kung bakit naging ganoon ang Lola. Sa oras ng hapon ay nauupo na lang siya sa kama at pagmamasdan ang labas ng bintana. Walang kibo at parang kay lalim ng iniisip. Nang minsang tanungin ni Tatay ay sinagot lang na may naalala lang siyang tao. ang iniisip na lang namin na baka nami-miss lang ng Lola ang Lolo Pepe. Matagal-tagal na rin mula ng pumanaw ito. Nagbalak kaming dalhin sa bayan si Lola para mapatingin sa klinika pero tumanggi ito. wala naman daw siyang nararamdam na hindi maganda. May naalala lang daw. *** “Rita?” hindi ko makapaniwalang sambit sa pangalan niya nang bumalik na naman sa bahay ang kasambahay ng mga Altamirano. Umaasa akong hindi na siya babalik dito pero hindi pa natatapos ang hapon ay nandito ulit siya. Napakamot siya sa kanyang batok at tila nahihiya dahil sa nakita ko siya ulit. “Ano’ng ginagawa dito? May pinabibigay na naman ba ang amo mo?” Umiling siya sa akin. “E Mam, kasama ko na po si Ser Quinn. Hihintayin niya daw kayo doon..” Halos marinig niya ang singhap ko. Gumuhit ang init sa dibdib ko. Nagrambol ang t***k ng puso ko na para bang nagkabuhol-buhol na. “A-ano kamo? Kasama mo si Quinn?” ulit ko. Tinanguan niya ako at tumingin sa dereksyon kung siya galing. “Doon po sa may malaking puno. Naghihintay po siya.” Sabi niya sa akin. Alam ko na kaagad ang malaking punong sinasabi niya. Kaya lang..walang kasama ang Lola ko. At bakit ba siya nagpunta rito? Bumuntong hininga ako at umiling. “Hindi ako pwedeng umalis ng bahay. Hindi ko pwedeng iwan ang Lola ko. Pakisabi na lang na ’wag na siyang bumalik.” “Pero Mam—” “Pakiusap, Rita.” Hindi siya nakasagot kaagad at napakamot sa batok niya. Ramdam ko ang hirap na nararamdaman niya. Ayoko mang maging katulad ng amo niya ay hindi ko talaga pwedeng iwan mag-isa rito ang Lola. At ayokong makita siya. Nakakagulo lang. “Sige po, Mam. Sasabihin ko kay Ser.” Iyon lang at umalis na rin si Rita. Pagsarado ng pinto ay hindi kaagad ako nakaalis sa harap nito. Hindi pa rin nawawala ang mabilis na t***k ng puso ko nang malaman na nasa malapit lang siya. Pumikit ako at humugot ng hangin, baka sakaling masawata ang mabilis na t***k ng puso ko. Bumalik ako sa kwarto at naglinis na lang habang natutulog pa ang Lola. Mayamaya ay ipaghahanda ko siya ng paborito niya ulit na meryenda. Pero ang malakas na t***k ng puso ko ay kasa-kasama ko habang gumagawa ng gawain. Nilabas ko ang ilang naiwang maruming damit sa kwarto nang may kumatok ulit sa pintuan. Napahinto ako. Ito na naman ang mabilis na t***k ng puso ko. Bihira ang may pumunpunta rito sa amin lalo na sa ganitong oras. Lumapit ako at pinihit ang lock para mapagbuksan si—napasinghap ako nang mapagsino ang nasa likod ng pinto. “Ano’ng ginagawa mo dito?” gulat na gulat kong tanong sa kanya. Isang beses niyang tiningnan ang loob ng bahay bago ako muling tiningnan. “Royal let’s talk.” Hindi pakiusap iyon. Kundi pautos. Nag-init ang mga mata ko dahil sa uri ng pananalita niya sa akin. ito ang unang beses na tumapak siya sa bahay namin tapos ay ganito pa niya ako kakausapin. At ang kapal ng mukha, nagawa pang magpakita at magmataas. “Wala na tayong dapat na pag-usapan, Garett. Tapos na tayo. Umalis ka na bago pa may makakita sa iyo dito.” “We have to talk, atleast. Ipapaliwanag ko ang nakita mo..” Sarkastiko akong bumuntong hininga. “Wala na akong balak na malaman. Kaya maluwag ang bakuran namin at makakaalis ka na.” “Hindi mo ko pwedeng basta paalisin na lang dito. Baka nakakalimutan mo, kami ang may-ari ng lupa na kinatitirikan ng bahay ninyo.” Natigilan ako. Nagbago ang ihip ng hangin. Nalusaw ang ngisi ko at unti-unting napalitan ng gigil at inis sa kanya. Kailanman ay hindi niya pinagmalaki sa akin ang tinitirhan namin. Alam kong nakikiusap siya sa aming mga tauhan nila at hindi ko rin naringgan ng pagmamataas. Pero ano itong narinig ko? Ang galit ko ang nagpabalong ng luha sa mga mata ko. Nagtaas-baba ang aking dibdib sa namuong galit. “Hindi ko inaangkin ang lupa ninyo. Pero hindi ko gusto na makausap ka kahit kailan.” Mariin kong sagot sa kanya. Nginisihan niya ako. “I’m not here to reconcile with you. I want you to talk to Lelet and let her see me.” Sandali ko siyang tinitigan. Sa huli ay pagak akong tumawa. “Wala pa lang kasing kapal ’yang mukha mo ’no?” “What?” arte na para bang hindi naintindihan ang sinabi ko. “Pumunta ka dito para ipakausap sa akin ang kaibigan ko na para bang wala kayong ginawang masama sa akin? Hindi naman ako umaasa, pero sana man lang nagawang humingi ng ‘sorry’ sa akin, Garett. Naging nobyo kita at nahuli ko kayong naghahalikan sa ibabaw ng kama ng matalik kong kaibigan tapos pupunta ka dito sa tinitirhan namin para sabihing kausapin ko si Lelet para makipagkita sa iyo?” “Okay, if it’s too much to ask you—” “Alam mo ba kung anong gusto kong gawin sa iyo ngayon?” tinitigan ko siyang mabuti sa kabila ng paglandas ng luha ko sa aking pisngi. “Gusto kitang ibaon sa ilalim ng lupa. Tusuktusukin ng kalaykay at pala para mas lalo ka pang bumaon sa pinakailalim at tarakan ng punong-kahoy para hindi ka na mahukay pa. Sa sobrang kapal ng mukha mo pwede na ’yang pataba sa lupa at napakinabangan ka pa kahit kahibla.” “O..kay. That’s too much..” “Umalis ka na dito. Nasa likod lang ng pinto namin ang itak ng Tatay ko.” “Hey! That’s violence. Hindi ko akalain na may ganyan ka pa lang ugali.” “At hindi ko rin akalain na kasing kapal pala ng buhok mo ’yang apog mo!” Nagtaas siya ng dalawang kamay na para bang inaawat ako. “Okay. I’m leaving. You stoop so low.” Masama ko siyang tinitigan habang pinapanood siyang umalis sa bakuran ng bahay. Hindi ko rin naman siya magagawang saktan dahil isa siyang Santiaguel. Sila ang nagpapasweldo sa amin. At totoo ring nasa lupa nila ang kinatitirikan ng bahay namin. Hindi pa ako ganoong kawala sa sarili para hayaang magpatalo ako sa galit sa kanya. Sadya lang makapal ang mukha niya at nasasagi ako. Nang tuluyan na siyang nakaalis ay saka ko pa lang sinarado ang pintuan. Pinunasan ko ang lumandas na luha, sayang lang ang pag-iyak sa lalaking iyong walang kakwenta-kwenta. Kung gusto niya si Lelet, hindi ko sila pipigilan na dalawa. Pero huwag lang nila akong kausapin pa. Akala ko ay hindi ako maglalabas ng ganitong galit sa kanya. Noong una ko silang nakita na dalawa ay nasaktan lang ako. Siguro minsan ganito talaga ang totoong nasasaktan, hindi mo iyon agad na nari-realise kasi nasa mababaw pa lang. Pero sa paglipas ng oras, araw saka mo mararamdam iyong ugat ng galit kasi nasa umabot na ang reyalidad hanggang sa kasuluk-sulukan ng katawan mo. Kaya lang, minsan din hindi mo kailangang maglabas ng galit kasi may nagpakumbaba. Pero itong apog ni Garett Santiaguel talaga ang nagpakulo sa dugo. Minahal ko ba talaga ang lalaking iyon? Humakbang ako pabalik sa kwarto nang may marinig na naman akong katok sa pintuan. Nabwisit na ako. Ilang sandali pa bago ko binuksan ang pinto dahil nagpababa muna ako ng galit. At nang buksan ko ay tinakasan naman ako ng kulay sa mukha nang makita ang nasa harapan ko ngayon. “My lady.” Malambing niyang tawag sa akin. Hindi kaagad ako nakapagsalita. Napatitig ako sa kanya tulad ng pagtitig niya sa akin. Magkaiba kasi naramdaman ko no’ng tumambad sa akin ang mukha ni Garett sa naramdaman ko ngayon kay Quinn. Kumabig ang puso ko at nagparamdam ito ng mabilis na t***k sa dibdib ko. Biglang sumagi sa isip ko, iyong eksenang umiiyak ako at inaway pagkatapos ay lalapit siya sa akin at patatahanin ako. Magsusumbong ako sa kanya at yayakapin siya—nahihibang ka na, Royal! Paano mo naiisip ang ganyan sa kabila ng naramdaman mo kanina kay Garett? Para akong nahimasmasan at umiling. Pagbalik ko ng tingin sa kanya ay malambing at nakikiusap ang uri ng mga matang iyon sa akin. “Wala akong lakas na makipagtalo sa iyo ngayon, Quinn. Umalis ka na.” Sinubukan kong isarado ang pinto pero mabilis niya rin itong pinigilan. “My lady..kaunting oras lang.” pakiusap niya sa akin. Nairita ako. “Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko sa iyo sa sulat? Nakikiusap na ako sa iyo, Quinn. Tigilan mo na ’to. Wala kang mapapala sa akin!” bigla kong sinarado ang pinto. “Hey wait!” Agad ko iyong ni-lock at siniguradong hindi mabubuksan. “Royal. Royal.” Tawag niya sa akin. Nagtaas-baba ang aking dibdib na para bang tumakbo ako ng ilang kilometro. “Ser bukas pa iyong bintana sa kwarto ni Mam..” Napatda ako. Boses iyon ni Rita! Kaya mabilis akong tumakbo pabalik sa kwarto para isarado ang bintana ko. Pero kapapasok pa lang ay nandoon na si Quinn at nakasampa na sa hamba ng bintana ko! “Ano ka ba—lumabas ka nga! Trespassing ’yang ginagawa mo!” Hindi niya ako pinakinggan. Pumasok lang siya at nagpagpag ng mga kamay. Nang tingnan ako ay masama na ang tingin sa akin. Napaatras ako. “Trespassing na kung Trespassing, wala akong pakielam basta makalapit lang ako sa’yo.” Napalunok ako. Iyong titig niya..para akong iniihaw ng buhay. “A-ano bang gusto mong sabihin? Alam mo namang hindi ka na pwedeng bumalik dito, ’di ba? Bakit mo pa pinipilit iyang sarili mo?” “Why? Dahil isa akong Altamirano? My name has nothing to do with what I feel for you! Ikaw lang ’tong nagsasabi na hindi pwede-hindi pwede. What’s wrong with me?” “Ikaw! Ikaw ang mali! Mula pa lang sa umpisa—mali na! Iba ang tingin ng mga tao dito sa mga taong taga-Esperanza. Kaya ’wag kang umasa na may mapapala ka pa sa akin.” Tinitigan niya lang ako. Hindi kaagad sumagot sa sinabi. Minsan pa akong napaisip na baka nasaktan siya sa lumabas sa bibig ko. Pero..iyon naman talaga ang totoo. Nasa lupa ng hasyenda Rosemarie at isa siyang mortal na kalaban sa negosyo ng mga Santiaguel. Ang mga p*****n sa hasyenda nila, hinding-hindi iyon babalewalain ng mga taga-rito. Yumuko siya at bumuntong hininga. Bakit..bakit naging ganito siya? Hanggang sa..bigla siyang nag-angat ng tingin sa akin na halos ikapatid ng paghinga ko. Hindi ko kaagad napaghandaan ang malalaki niyang hakbang palapit sa akin. hinapit ako sa aking baywang at siniil ako ng marubdob na halik sa labi. Napasinghap ako at namilog ang mga mata ko. Nang sa ilang segundo niyang pag-angkin sa labi ko, nakulong sa mundong siya pa lang nagdala sa akin. Binitawan niya ang labi ko. Hindi binibitawan ang baywang ko. Ang isang kamay niya ay ginamit para haplusin ang aking pisngi. Ang labi niya at naiwang nakabukas pa rin. “I wanted you to know that I missed you.” Bulong niya sa akin. Mariin kong pinaglapat ang aking labi. Sobrang lapit. Ang t***k ng puso ko, hindi na pumirmi. Sinubukan kong lumayo pero hindi niya hinayaan. “Quinn.” Banta ko. Ang sinunod niyang ginawa ay halos magpahina na sa akin. Isang beses niyang pinagbunggo ang mga tungki ng aming ilong. pagkatapos ay pinagpahinga ang mukha sa aking kanang pisngi. Tumatama ang mainit at mabango niyang hininga sa mukha ko. “Just give me a chance.” Bulong niyang halos hindi ko na narinig. Nahihirapan ako sa hinihingi niya. “Bakit mo ’to ginagawa?” Tiningnan niya ako nang hindi pa rin ako binibitawan. “Because I like you.” Hindi kaagad ako nakasagot sa kanya. “I’m falling for you, Briseis Royal Mauricio. So please give me a chance to court you. Hindi talaga kita tantanan hanggang sa pumayag ka..” Napakagat ako sa aking ibabang labi. Nalilito na ako. Hindi ko malaman kung sinong pagtutuunan ko ng pansin, siya ba o ang pagwawala ng puso ko? Sumasakit na sa bilis. “Alam mong imposible. Hindi pwede.” “Then let’s try. Let me introduce to you the real Altamirano babe. The real us, the real me.” Napayuko ako. “Ewan ko..” “Babe please?” Tiningnan ko siya ulit. “Kakahiwalay ko lang din kay Garett, Quinn. Ang pangit tingnan.” “You didn’t love that f**k. You’re just too young and he’s old.” “Matanda ka na rin.” Napaawang ang labi niya. “I’m more matured than him. My feelings are only for you and not for your friend or even to anyone. Only for you, babe.” Hindi ako natakot na titigan siya. Ang mga mata niya..parang nagsasabi ng totoo. Kumikinang iyon at nang-aakit na titigan pa ng matagal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD