Chapter 7

1922 Words
Chapter 7 Royal Tinitigan ni Quinn ang mga magulang ko, naghihintay ng ibibigay nilang sagot, pero tulad ko ay wala din akong maibigay na reaksyon maliban sa tumahimik at lasapin ang tensyong unti-unting bumabalot sa hangin. Nahihiya ako. Nanlalamig at parang ayoko nang makita ang uri ng magiging tingin sa akin ng Tatay at Nanay ko. Napatingin ako sa Lola kong malakas na suminghap kanina. “I-sa kang Altamirano, hijo?” Nangunot ang noo ko nang madinig ang nanginginig na boses ng Lola ko. Nagbago rin ang reaskyon ng mukha niya. Naging malamlam na ito at ang mga mata ay nanubig. Nilapitan ko siya at hinawakan sa kanyang braso. Saka ko lang nakita ang pagkapit niya sa likod ng upuan. “La..” mahina kong tawag sa kanya pero hindi niya ako tiningnan. Ang atensyon ay na kay Quinn pa rin. marahil dahil sa sinabi na niyang isa siyang Altamirano. At ang pangalan na iyon ang nagpabago ng ihip ng hangin. Marahan na tumango si Quinn sa Lola ko. Tiningnan niya ang mga magulang ko. “Opo.” “Kaano-ano mo si..Eugenio?” halos pabulong na niyang tanong sa kanya. Nilapitan na rin kami ng Nanay ko at hinawakan sa kabilang braso ang Lola. Napatitig si Quinn sa kanya. “Lolo ko po.” Lumambot ang mukha ko ng Lola ko. Kasabay ng malamyos nitong pagtitig sa kanya. Tinitigan ko ang mga mata ng Lola. Binulungan siya ng Nanay at pinapasok na muna sa kwarto pero umiling lang ito sa kanya. Indikasyon na gusto niya pang makausap si Quinn. At iyon din ang naging dahilan para pauwiin na lang ni Tatay si Quinn. “Sandali lang, Ildefonso..” pigil ng Lola. Binalingan siya ni Tatay. “Mas mabuti pa yatang sa ibang araw na lang kayo mag-usap, Nay. Kailangan niyo ng magpahinga. Alalayan mo ang Lola mo, Royal.” Utos niya sa akin. “O-opo..” agad akong kumilos para alalayan ang Lola ko pero inabot pa niya ang isang kamay kay Quinn. Inilang hakbang niya si Lola at kinuha ang kamay niya. Nang lingunin ko’y malambot ang mga mata nitong nakatunghay sa Lola ko. “Nay.” Tawag ni Tatay pero hindi pa rin siya pinansin ni Lola. “Nasaan na ngayon ang Lolo mo, hijo?” nanginginig pa ring tanong niya rito. Naglakad ang Tatay ko at binuksan ang pinto ng kwarto ng Lola. “Nasa Maynila na po, Grandma.” Magalang nitong. Hindi ko na napigilin ang sariling tingnan siya sa malapit. “Royal ipasok mo na dito ang Lola mo.” Ngayon ay mas may diin na utos sa akin ni Tatay. Tumalima na ako. “Tara na po, La.” Pero muli na namang hinatak ni Lola ang kamay ni Quinn. “Hijo..” hindi na nga lang natuloy ang sasabihin dahil tinulungan na kami ni Tatay na ipasok sa loob ng kwarto ang Lola. Pagkapasok ay pinagtulungan naming pinahinahon si Lola. Nagsisimula na siya umiyak kung kaya nabahala kami ni Nanay. Si Tatay naman ay nagboluntaryong kumuha ng tubig sa labas, pinagbawalan na niya akong lumabas pa. Pagbalik ay inabot lang niya ang isang baso ng tubig at lumabas ulit ng kwarto. Alam kong si Quinn ang kakausapin niya. Gusto ko sanang lumabas pero pati si Nanay ay pinagbawalan na rin ako. *** Natulog ako sa tabi ng Lola para mabantayan ko na rin siya. Ilang minuto pa siyang naging madamdamin bago tuluyang huminahon at nakatulog din kalaunan. Madaling nang magising ako. Malinis na sa sala pero naiwan sa ibabaw ng maliit naming lamesita ang pulumpon ng rosas na dala kanina ni Quinn. Kinuha ko iyon at pinagmasdan sa mga kamay ko. Dinala ko na rin iyon hanggang sa maliit naming kusina para ilipat ng lalagyan nang hindi malanta kaagad. Pero pagkalapag na pagkalapag sa mga bulaklak sa lamensa ay siyang pagkarinig ko sa isang mahinang kaluskos. Nilingon ko ang bintana. Maliit na siwang doon kaya sumilip ako at tiningnan kung may tao ba sa labas. Kahit dis-oras na ng gabi. Sinuyod ng tingin ang labas ng bahay, wala naman akong nakitang ibang tao. Madilim na ang tanging mga kuliglig ang sumunod kong narinig. Nagkibit-balikat na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa. *** Kinabukasan ay naiwan pa rin ako sa bahay dahil pinabantayan sa akin si Lola. Hindi na rin lumalabas ng kwarto si Lola at nagpasabing hindi maganda ang pakiramdam niya. Kaya ang mga magulang ko na lang nagpunta sa tubuhan. At parang gusto ko ring umiwas na pumunta roon at baka magkita pa kami ni Lelet. Hindi ko gusto na makita at makausap siya. Lalo na at hindi pa alam ng pamilya ko ang tungkol kay Garett. Baka dumagdag pa iyon sa mga iniisip ko. Baka atakihin na sa puso ang Lola kapag nalaman na dati kong nobyo ang isang Santiaguel. Pagkaluto ko ng tanghalian ay dinalan ko ng pagkain ang Lola sa kwarto niya. Dinala ko na rin ang akin at doon na lang din kumain. Napansin ang hindi pagkibo ng Lola ko habang kumakain. Hindi kami ganito dati. Palagi akong kinukwentuhan ng Lola habang kumakain kami, minsan nga ay sinasaway na kami ni Tatay dahil madalas ay nauuwi iyon sa malakas kong pagtawa. Pero ngayon, nanibago ako. Dahil pa rin ito kay Quinn Altamirano? O baka dahil nagdala ako ng isang Altamirano kaya ganito na ngayon ng Lola. Ang isang Altamirano ay talagang hindi welcome sa pamilya namin. Hindi naubos ng Lola ko ang pagkain. Paborito niya ang niluto ko pero parang hindi niya napansin iyon. Bago lumabas ng kwarto ay sinulyapan ko muna siya. Nakatanaw sa labas ng bintana habang nakasandal ang likuran sa dingding at nakaupo sa kama. Tahimik at parang may malalim na iniisip. Tumikhim ako. “La ano pong gusto ninyong meryenda? Gusto niyo bang magluto ako ng nilagang kamote?” paborito niya rin iyon. Pero hindi niya ako nilingon at umiling na lang din. Napabuntong hininga ako. Nag-aalala ko siyang tiningnan bago tuluyang lumabas ng kwarto para hugasan ang pinagkainan namin. Pagkatapos ko sa gawaing bahay ay nagpahinga lang ako sandali at binalikan si Lola sa kwarto niya. Nagse-siesta na siya pagsilip ko. Dahan-dahan kong sinarado ulit ang pintuan para hindi ko maistorbo. Pagbalik ko sa sala ay wala na akong gagawin na kahit ano. Mamaya ko pa naman huhugasan iyong mga kamote para masalang ko sa gatong. Ayoko rin naman matulog at baka bigla na pang magising si Lola. Ilang sandali pa akong naiwan sa sala bago ko naisipang bumalik na lang ulit sa kwarto ng Lola ko. Doon na lang ako makikiidlip. Pero bago pa ako makaikot pabalik ay may kumatok sa pintuan namin. Nilapitan ko iyon at binuksan. Namilog ang mga mata ko nang makita siya. “Rita!” tumahip agad ang kaba sa dibdib ko. Nakaramdam ako ng pagbilis ng t***k ng puso ko sa pagkakita sa kasambahay ng mga Altamirano. Kinawayan pa niya ako at ngumiti. “Magandang hapon, Mam Royal.” Pinasadahan ko muna ng tingin ang labas at baka.. “Sinong kasama mong nagpunta rito?” “Naku ako lang, Mam. Pinahatid lang ako ni Ser at may pinabibigay sa iyong sulat. Ito po..” mula sa kanyang bulsa ng palda at inabot niya sa akin ang isang puting sobreng hindi na nilagyan pa ng pandikit. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Uminit ang mukha ko. Binalik ko ang tingin sa kanya. “Bakit nasaan ba siya?” “Sa hasyenda pa po. Sige po, Mam Royal mauuna na ako.” “Salamat sa paghatid, Rita.” Nginitian niya na lang ako at saka umalis. Ang dagdag pa niya ay marami pa raw siyang gagawin sa bahay. Tumango na lang din ako sa bumalik sa loob ng bahay. Hindi na ako pumunta pa muna sa kwato ni Lola at binasa ang laman ng sulat ni Quinn. Napangiti ako. Binubuksan ko pa lang ang sobre ay para na akong timang na napapangiti, nanginginig ang kamay at napakabilis na t***k ng puso ko. May sulat ako. Pinadalhan ako ng sulat ni Quinn Altamirano. My Lady, I miss you... Sa unang linya pa lang ay dumagundong na ang kaba sa dibdib ko. Pambungad pa lang niya, nirarambol na ang sistema ko. I miss you. I tried to stay longer in your house but you father didn’t let me. I hope I didn’t cause trouble in your family, especially to your Grandma. I asked your father’s approval about my intention to court you but he dismissed me. I told you before, I want more of you. I will do everything to get your heart, my lady. Regardless of my last name. I want you. I want to see you now. You were in my head all night. Wish I had the chance to talk to you last night but that didn’t happen. What am I going to do? I’m going insane, My lady. Please see me. I’ll be waiting. Quinn. Sa ibaba ng papel ay nakasulat ang lugar kung saan niya ako hihintayin at ang oras. Napahawak ako sa aking dibdib ko. Para nang nagwawala ang puso ko sa bawat sipa at padyak nito. Ilang ulit binasa ulit ang sulat-kamay niyang mensahe sa akin. At sa pangalawang pagbasa ay para mas naintindihan ko ang nasa saloobin ng bawat titik at napapangiti ako. Pagkatapos mapangiti ay bigla na “Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko.” Bulong ko sa sarili. Hindi ako pwedeng umalis dahil walang makakasama ang Lola at hindi rin pupwede. Pwede kong balewalain ang sulat niya dahil ramdam kong hindi ko pa siya mapagkakatiwalaan. Pero iyong naganap na halikan namin..biglang rumehistro sa isip ko. Ang bawat hagod ng kanyang labi sa akin. Ang mainit niyang haplos sa akin at ang bulong niyang tawag sa akin—tumigil ka, Royal! Taga-Esperanza iyan! Isa pa iyang Altamirano. Hinding-hindi pupwede iyan! Sumandal ako sa upuan at halos malukot ang mukha sa pagtatalo ng isip. Hindi ako aalis. Iyon ang matigas kong desisyon. Kung maghintay man siya sa wala, hindi ko na kasalanan iyon. Makalipas ng lagpas trenta minutos ay may kumatok ulit sa pinto namin. Napaigtad ako at mabilis na tinago ang sobre sa shorts na suot ko. Lukot-lukot na nga yata sa pagkabalisa ko. At pagbukas ng pinto ay si Rita ulit ang nabungaran ko. “Oh, Rita. Bakit bumalik ka?” hinihingal pa yata at naghahabol ng hangin. “E Mam, nakalimutan ko..pinapahintay din pala ni Ser iyong sagot mo sa sulat niya. ’Wag daw akong babalik sa hasyenda nang hindi ko dala ang sagot mo sa kanya.” Napaawang ang labi ko. Kinawawa na naman niya si Rita. “Teka sandali, ikukuha kita ng tubig. Pasok ka muna..” niluwagan ko na ang pinto para makapasok siya. “Naku salamat, Mam Royal.” Hingal niyang sagot sa akin. Pumunta muna ako sa kusina para ikuha ng tubig si Rita. Pagkaabot ko sa kanya ay pumunta ako sa kwarto para maghanap ng papel at ballpen. Wala pa akong makitang maayos na yellow pad kaya pumitas na lang ako ng papel sa notebook na may kaunting sulat. Bago lumabas ay sinulat ko na ang sagot ko kay Quinn. Quinn, Hindi ako pwedeng umalis ng bahay. Binabantayan ko si Lola at hindi maganda ang pakiramdam niya. Inaamin ko, hindi ako sigurado kung bakit mo ito ginagawa sa akin. Basta ang alam ko lang ay galit ka sa aming mga magsasaka. Kinulong mo ako hasyenda mo tapos ngayon ay para kang tupang inaamo kami? Bakit? Huwag mo akong lokohin, isa kang Altamirano. Siguro kaya nagbago ang pakiramdam ng Lola ko ay dahil sa nalaman niyang isa kang Altamirano. Kung ano man ang binabalak mo, huwag mo nang ituloy. Wala na rin akong balak bumalik o tumuntong man lang sa hasyenda mo. At isa pa, pwede bang wag mong pahirapan masyado si Rita. Maawa ka sa kanya. P.S. Ang lupit mong amo. Royal. Isang beses ko pang binasa ang sulat ko. Pagkatapos ay saka ko kinuha ang sobre niya at iyon na rin ang ginamit para mapaglagyan ng sulat ko. Tinabi ko naman ang kanya, nilagay sa kahon ng sapatos at tinago sa ilalim ng kama. Lumabas ako at iniabot ang sobre kay Rita. “Sige po, Mam Royal.” Paalam niya sa akin. “Mag-ingat ka.” Bilin ko at nginitian siya. Nang makaalis ay hindi ko napigilang kagatin ang ibabang labi dahil sa pagmamalabis ng emosyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD