Chapter 14
Royal
Tinabi ko ang tasang ginamit niya sa pagkain ng lugaw sa lalagyanan nito. Pero napapansin ko pa rin ang pagtitig sa akin ni Quinn mula sa aking gilid. Nakatunghay siya sa akin. Tinititigan ako habang nakangiti nang hindi nakalabas ang ngipin.
Inabot ko ang basahan at pinunasan ang lamesa. Ramdam ko ang pagsunod niya, tila bantay ko. Gwardya ko. Kaya bigla ko nang hininto ang ginagawa at nilingon siya. Kumunot naman ang noo niya at tuwang-tuwa pa nang tuluyan kong pansinin.
“Kanina ka pa naninitig..” tuya ko. Pinipigilan na mangiti sa kanya.
Tumawa siya at tumaas ang malapad na mga balikat. Doon ko lamang siya mas natitigan nang mainam.
Boyfriend ko na talaga ba siya? Ang tingin ko sa kabuuan niya ay masyadong perpekto. Siya iyong uri ng lalaki na ipagmamalaki mo. Uri ng lalaki na type na type ni Bea. Iyong lalaki na pinangangalandakan dahil sa tindig, kagwapuhan, ugali, pananalita, talino at lalo na ng estado sa buhay.
Napaawang ang labi ko. Nakaligtaan ko pala iyon. Quentin Nicco Valdez – Altamirano..ang tagapagmana ng hasyenda Esperanza. Sikat na mang-aawit sa Maynila. Pinangingilagan ng mga magsasaka lalo sa taga-Rosemarie at ngayon..boyfriend ko na. Nanlumo ako.
“I think I’m still in the cloud nine, you being in love with me.” humakbang pa siya at huminto sa harapan ko. Nakahalukipkip. Bahagya akong niyuko dahil sa tangkad niya.
Malungkot ko siyang nginitian. “Tingin ko nga ay tama ka,”
Kumunot ang noo niya. Tumaas ang isang kamay at hinaplos ang aking pinsgi. “Saan?” ang mababa pero buo niyang boses ay nakakapanindig ng balahibo. Para ba akong pagagalitan.
Bumuntong hininga ako. Hinihimay ang isipan. “Na baka hindi ko minahal talaga si Garett. Hindi ko inaasahan na mabilis ko siyang malilimutan..”
Nagdilim ang mukha niya. “Kalimutan mo na ’yon at tanggalin mo na sa isip mo. Ako lang dapat ang laman ng isip mo magmula ngayon.” Utos niya.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Ikaw lang ang iisipin ko?”
Tumango siya. “Syempre. Dapat pareho na tayo. Ikaw lang din naman ang iniisip ko palagi. That fucker—I mean that guy don’t deserve you, babe. Speaking of, kailan ko naman maririnig na tawagin mo kong ‘babe’ mmm?” nilapit niya ang mukha sa akin.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Uminit kasi ang mukha ko. At saka, hindi naman ako sanay sa ganoong tawagan. Kahit naman si Garett ay hindi ako tinawag ng ganoon.
Nang hindi ako sumagot at kiniliti ako ni Quinn sa aking tagiliran kaya parang kidlat ko siyang tiningnan. “Quinn!” gulat kong tawag sa kanya.
Ngunit ang ngiti ay maloko. “Iyon na lang ang tawagan natin ah..babe? Ha babe?” pinagpatuloy niya ang pangingiliti kaya lumayo na ako sa kanya. Sinundan naman niya ako kahit na noong nasa sala na kami.
“Isa! Tumigil ka na!” banta ko sa kanya. Napapagitnaan namin ang maliit na lamesita.
“Tawagin mo muna akong ‘babe’. Gusto kong marinig..” utos niya sa akin.
Natawa ako. “Ayoko ang pangit!”
Ngumisi siya. “Ah gano’n pangit pala..teka..humanda ka sa akin, babe.”
Tinangka niya akong lapitan pero nakalayo ako. “Ayoko na!” suko ko. Hindi ko kaya iyong kiliti niya. Para akong uod na binudburan ng asin!
Malakas siyang tumawa. Dumagundong sa bahay o maging sa buong kakahuyan.
Nakaikot ako at tumakbo papasok sa loob ng kwarto. Para akong hinabol ng aso sa bilis ng t***k ng puso ko. Agad kong sinarado ang pinto pero sa lakas niya ay nabuksan niya iyon at nakapasok din. Umatras ako at nasukol sa bintana. Sa likuran ko ay ang nililipad na kurtina. “Tama na, Quinn.” banta ko.
Pero ang ngisi niya..talagang nakakaloko. Iyong maiinis ka na lang sa sobra niyang kagwapuhan at kakisigan.
“Baka dumugo ang sugat mo,” dagdag paalala ko pa para makaiwas na sa kiliti niya.
Tumaas ang isang kilay niya. Dahan-dahan akong nilapitan. Nakasandal na ako sa bintana, siya naman ay halos ipitin na ako. Ang laki pa niya. Pakiramdam ko ay madudurog niya ako.
Kinagat niya ang ibabang labi habang nakatitig sa akin. Ibang klaseng titig iyon. Tila mayroong nagbabagang apoy. Sa bawat kislap ay tila pag-aalab.
“Q-quinn..” mahina kong sambit sa pangalan niya.
Nagtuloy-tuloy ang pagbaba ng mukha niya sa akin at walang sabing sinakop ang labi ko! Isang hagod ng labi niya—napasinghap ako. Pinirme niya ang labi sa akin. Matagal na para bang nilalasap ang akin.
Bahagya siyang lumayo at pinakatitigan ako. Ang mga braso ay umikot sa baywang ko. Napaangat ako nang kaunti sa sahig dahil sa kanyang hapit. Ang dalawang braso ko at nilagay ko lamang sa kanyang dibdib. Muling bumaba ang mukha niya at siniil ako ng malalim na halik. Pinikit ko na nang tuluyan ang mga mata ko.
Noong una ay nahihirapan ako sa pagsunod sa halik niya. Ang bilis at malapad ang sakop. Nang maramdaman ko ang dila ay sinubukan kong buksan ang labi ko.
Diniin niya ang yakap sa akin nang mangyari iyon. At tila binabagyo ang dibdib ko nang maramdaman ko ang dila niya sa loob ng bibig ko! A-ano ito..? Para niyang ginagalugad ang loob nito.
Bumaba ang mga kamay niya at tumapat sa puwet ko. Nang pisilin niya iyon ay malakas akong napasinghap at tumigil sa paghalik.
Mahina siyang tumawa. Pinagtatawanan niya ang naging reaksyon ko.
“You’re so cute, babe.” Bulong niya at inulit ang paghalik sa akin. Ang kamay ay halos humahakab na sa puwitan ko.
Awtomatiko akong napaliyad. Ang sensasyong nararamdaman ko ay hindi pamilyar sa akin. Tumatambol na ang t***k ng puso ko! At sobrang nag-iinit ang buong mukha ko! Ang paghinga ko ay tila abnormal na.
Ang labi niyang may maingay na halik ay iniwan ang labi kong parang nangapal at namanhid. Bumaba ang halik sa aking tainga kaya napakislot ako. Mainit na paghinga ang sinagot niya sa akin.
Bumaba pa hanggang sa magtagal sa leeg ko. Napaawang ang labi ko at napapikit ako na parang inaantok. Bumigat ang aking paghinga.
Ang pag-aapoy ko’y tila walang katapusan. Dumako siya sa laylayan ng blusa ko. Tiningnan ako..tinitigan habang unti-unting inaangat. Ngunit ang nakikita ko ay kislap sa kanyang mga mata.
Napalunok ako.
Nang maitaas niya iyon at tinanggal paalis sa akin..binuhat niya ako at dahan-dahan na hiniga sa kama. Naalarma ako. “’Yung s-sugat mo..!” paalala ko.
Pero hindi niya ako pinansin. Tila walang narinig. Nang pumwesto siya sa ibabaw ko ay hinalik-halikan niya ang kahubdan ko. Ang ibabaw ng dibdib ko. Para akong mapuputulan ng paghinga. Binaba niya ang strap ng bra ko..tinanggal ang kawit nito..at malayang hinaguran ng titig ang buong dibdib ko.
Napapikit ako sa kahihiyan. “Q-uinn ’wag..” awat ko sa kanya.
“They are mine, babe.” Maalab niyang sagot sa akin.
At bago pa ako makapagsalita ay sinakop na niya isa! Malakas akong napasinghap. Dumaing. Umiyak. Sinubukan ko siyang panoorin—pero mas lalo akong nag-apoy sa gawi ng galaw ng kanyang dila habang tinutuya ang tuktok nito. Ang isa naman ay sinakop ng isang kamay niya. Nilaro-laro na parang pinipisil.
Humawak ako sa kanyang buhok. Nakaawang ang aking labi. Nasasarapan ako sa ginagawa niya. Ang unang beses na makadama ako ng ganito.
“Ah..” ungol niya sa dibdib ko.
Pinilit kong idilat ang mga mata para makita siya. Ang mukha niya ay namumula na. Ang labi ay nangingislap sa basa. At nang sulyapan ko ang dibdib ko ay nangingintab na rin sa laway. Napakagat ako sa aking labi.
Kitang-kita ko ang mabilis niyang paghinga. Nagtatas-baba ang kanyang dibdib na parang tumakbo ng pagkalayo-layo. Ang mga tingin sa akin ay tila nahihirapan.
Pinunasan ko ang pawis niya sa kanyang noo. Pero nagulat ako nang bigla siyang bumangon at umalis sa ibabaw ko.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang siya umupo sa paanan ko. Patalikod sa akin.
Para akong kinurot sa dibdib sa ginawa niyang pagtalikod.
“I..I’m s-sorry, Royal.” Mahina niyang sambit.
Namilog ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay napahiya ako. Kalahati ng katawan ko ay nakita na niya. Nahawakan at nahalikan. Ang masakit ay hinayaan ko siya. Pinagkatiwalaan pagkatapos pala ay..magso-sorry siya?
Kahit nakatalikod ay nakita ko ang paghilamos niya sa kanyang mukha. Pagsisisi?
“I-I’m sorry. I had gone too far!” inis niyang sabi.
Dahan-dahan akong bumangon. Kahit na maliwanag pa sa kwarto ay hindi ko na ininda pa. Lumuhod ako sa kanyang likuran at niyakap siya. Ramdam ko ang pagtigas ng kalamnan niya. Pero pinagpatuloy ko pa rin ang ginawa ko.
Dinantay ko ang pisngi sa kanyang likuran. Ang dibdib ko sa kanyang likod.
“’Di mo kailangang mag-sorry..”
Nilingon niya ako. “Pero..baka matakot ka sa akin.”
Tila hinaplos ng mainit na kamay ang puso ko sa takot na nararamdaman niya para sa akin. Napangiti ako.
“Parang mas takot ka pa e.” Bahagya pa akong tumawa.
Nainis siya at mabigat na nagbuga ng hininga. “That’s a warning, Royal. If we got beyond that..you’ll get hurt!” Galit niyang sabi.
Napanguso ako. “Masakit naman daw talaga ’pag sa umpisa.” Biro ko.
“Royal.” Banta niya.
Tumawa ako. Inangat ko ang mukha at dinampian ng halik ang kanyang likod.
Mabigat siyang bumuntong hininga.
“Ano mang mangyari ngayon..handa akong panagutan ka.”
Natigilan ako. Nanibago ako sa kanyang boses. Sa kabila nito ay damang-dama ko pa rin ang kaba sa dibdib ko.
Umikot siya at sinalubong ako ng kanyang nagdidilim na mga mata.
“Hinding-hindi kita iiwan. Pangako ’yan.”
Napatitig ako sa kanya. Hinahaplos niya ang puso ko sa hindi ko malamang paraan. Umusod siya at inihinga ako ulit sa kama. Wala nang inhibisyon na nakita ko sa kanya kaya siya tumigil kanina.
Tumayo siya sa paanan ng kama. Magkahinang ang mga mata namin habang hinuhubad niya ang suot na T-shirt. Agad na bumaba ang mga mata ko sa bendang nakaikot sa kanyang baywang. Doon ko lamang naalala ulit ang sugat niya. “Quinn ’yung sugat mo baka..” napalunok ako nang dumako ang mga kamay niya sa butones ng kanyang pantalon.
Tumahip ang aking paghinga. Binaba niya ang zipper at tuluyang hinubad ang pantalon kasabay ng kanyang panloob. Natakot ako. Kinabahan. Dumagundong ang dibdib at nag-alab sa init ang mukha ko nang makita ang kanyang p*********i.
Napalunok ako. Buong buhay ko, ngayon pa lamang ako nakakita no’n. Parang buhay at matigas na matigas. Ang tuktok ay parang sumbrero. May mga litid o ugat pa akong nakikita. Mataba at mahaba.
Nanuyo ang lalamunan ko at napaatras ako nang magsimulang lumapit sa akin si Quinn. Ang titig niya ay madilim.
Tumikhim ako. Pinagpapawisan na ako ng malapot. Hindi ko akalain na iba ito sa inaasahan ko. Ibang-iba sa mga imaheng namuo sa isipan ko!
Umupo siya sa gitna ng kama. At hindi ko alam kung saan titingin—sa mukha ba niya o sa ibaba niya! Para bang magnet ’yon at hinihila ang paningin ko.
“Now you look scared, babe.”
Binuka ko ang labi ko pero walang lumabas na salita.
Hinawakan niya ang garter ng pang-ibaba ko. Kakawala na ang puso ko nang hinubad niya iyon sa akin. Halos hindi ko siya nakilala nang tingnan niya ako. Lumapit siya at dinikit ang kanya! Ginalaw niya ang kanyang balakang at kiniskis sa akin.
Ang sarili ko ay hindi ko na makilala. Inaalipin sa sarap na nararamdaman. Muli siyang dumagan sa akin at marubdob akong hinalikan sa labi. Pero pilit akong napapatingin sa mga ibaba namin dahil sa pagdikit nila.
Napadaing ako at tinawag siya.
“It’s okay, babe. It’s okay..” pawi niya. “I’m going to be gentle..” bulong niya.
Gusto ko ang mga halik niya. Inikot ng labi niya ang bawat bahagi ng katawan ko. Nalulunod ako sa init. Pinagparte niya ang mga hita ko at sinimulang ipasok ang kanya.
Napakislot ako nang maramdaman ko ang kirot. Tiningnan niya ako at siniil ng halik. Pero panandalian lamang at inulit niya ang pagpasok.
“M-masakit!” impit kong hiyaw.
Pinugpog niya ako ng halik sa mukha. Sa leeg. Nilagay niya ang mga braso ko sa kanyang balikat at inulit ang ginawa. Humiyaw na ako sa sakit. Parang may napilas sa akin. Diniinan pa niya at tuluyang pinasok ang lahat.
Pumikit ako at umiyak. Dinikit ko ang labi sa kanyang leeg habang siya ay hindi muna gumalaw sa loob ko.
“I’m sorry, I’m sorry, babe. I’m sorry..” paulit-ulit niyang bulong. Na para bang makakapawi iyon sa sakit na nararamdaman ko.
Kanina lang ay ang tapang ko. Tapos ngayon hihiyaw pala ako sa sakit.
Hinalikan niya ang pisngi ko, ang tainga ko. Pero ako ay humihikbi pa rin sa sakit. Pinunasan niya ang mukha ko at tinamnam ng kanyang matunog na halik.
Ngunit humihikbi ko pa ring sinabi sa kanyang, “M-mahal kita..” unti-unti kong pinahinahon ang sarili.
Tiningnan niya ako at buong suyong tinitigan. Napangiti ko siya. Niyakap ako ng mahigpit at pinagdikit ang tungki ng aming ilong.
“Mas mahal kita.” Sagot niya sa akin. At sinimulan na niyang gumalaw sa loob ko.
Napaawang ang labi ko. Ang sakit ay paunti-unting nababawasan. Tinititigan niya ako habang inaangkin ako. Napapangiwi pa rin ako pero sa paglaon..napalitan na ng masarap na sensasyon. Ang una ay maginoong galaw hanggang sa bumilis ng bumilis at sumasayaw na rin sa amin ang punda ng kama.
Nang napadaing akong malakas ay kinagat ko ang ibabang labi para hindi na maulit pa. Ngunit halos magsugat na ang labi ko sa diin ng kagat. Ang pagbilis niya parang buhawi. Ni hindi ko na malaman kung saan kakapit.
Para siyang nagagalit. Pulang-pula ang tainga niya at leeg. Ang pagtitig niya sa akin ay para ba akong sasaktan. Pumikit si Quinn at pinatulin ang kanyang balakang.
Pareho na kaming naliligo sa pawis ng isa’t-isa. Nilipat ko ang tingin sa kisame at hinayaan siyang abutin ang mga bituin. Nilagay ko ang isang kamay sa kanyang likod na puno na rin ng pawis.
Mahal kita. Mahal na mahal kita, Quinn Altamirano.
Kung nasambit ko ba iyon o hindi, ay hindi ko na mawari. Sinakop ng makamundong sarap ang huwisyo ko. Hinayaan ko ang katawan na sumama sa kanya.
Kinagat niya ang panga ko at impit na umungol doon habang inaabot ang kasukdulan.
Napagod na ako at ang huli ko na lang na naramdaman ay ang pagpisil niya sa dibdib ko at ang malagkit na pakiramdam sa pagitan ng mga hita ko.
***
Nagising ako sa malalambing niyang halik sa mukha ko. Antok na antok pa ako at masakit pa ang..pakiramdam ko nga ay namaga pa iyon. Ganoon ba talaga?
“Mmm..ba’t gising ka na agad..” inaantok ko pang tanong sa kanya. Alam kong wala pa siyang pang-itaas dahil nakayakap pa siya sa akin mula sa likuran ko. Maliwanag pa naman pero mas malamig na ang hangin.
“Hindi naman ako natulog, babe.” Malambing sagot sa akin.
Tumango-tango pa ako at pumikit ulit. “Mmm, okay.” Sinubukan ko pang matulog ulit. Pero agad ding napadilat at nilingon si Quinn, “Anong oras na?”
Kumunot ang noo niya sa pagbabago ng tono ko. Sinulyapan ang wrist watch na suot. “4:15 na..”
Patay!! Mabilis akong bumangon pero napahinto rin nang humapdi ang gitna ko. “Aww..” napahawak ako sa noo ko at napapikit. Naramdaman ko rin ang pagbangon niya.
“Bakit?” nag-aalala niyang tanong sa akin.
Dumilat ako at nilingon siya. “Kailangan ko nang umuwi, Quinn. Nagpaalam lang akong pupunta sa bayan at kanina pa iyong tanghali. Baka nag-aalala na sina Tatay nito.”
“Ihahatid kita. Ako ang magpapaliwanag sa parents mo at kay grandma,” pinulot niya ang kanyang damit sa sahig at walang hiya na nagbihis sa harapan ko. Tapos iyong ano niya..parang hindi nagbago ng tindig pagkatapos naming mag-ano..
Nag-iwas ako ng tingin at winaksi sa isip ang pormang iyon. “’Wag na, Quinn. ’Di ba, hindi ka pa okay sa kanila. Baka pagalitan ka ni Tatay.” sinubukan kong abutin ang panloob ko kahit pa sumasagitsit ang kirot sa ibaba ko.
“Okay lang. Basta hindi ka mapagalitan.” Sabi niya habang sinasara ang zipper ng pantalon.
Natulala ako sa buhok niyang magulo. Ang lambot no’n nang mahawakan ko kanina.
“’Wag na muna..” sabi ko.
Napahinto siya sa pagsuot ng T-shirt niya. Siguro ay mahihirapan siya sa pag-suot no’n dahil sa sugat niya, kaya dahan-dahan akong tumayo. Inipit ko sa kili-kili ang mga dulo ng kumot para hindi bumagsak sa sahig. Kinuha ko ang T-shirt niya at maingat kong nilusot sa ulo niya. Tinitigan niya ako.
Inayos ko na ang butas para sa braso at hinawakan ang kamay niya para ilusot doon. Sinunod ko rin ang kabila at iniwasan na masanggi ang kanyang sugat. Binaba ko nang maayos ang dulo ng damit niya. At saka ako nag-angat ng tingin sa kanya.
“Umuwi ka na lang at magpahinga sa inyo. Okay lang ako.” nakangiti kong sabi.
Pero siya, ang seryoso ang mukha.
“Hindi ako mapapakali kung alam kong mapapagalitan ka sa inyo. Tatawagan ko lang ang driver tapos— ”
“Babe.”
Natigilan siya at binuhos ang atensyon sa akin. Nginitian ko siya.
“Tsk..” nangingiti niyang sagot.
Natawa ako at pinisil ang matangos niyang ilong. Humilig ako sa kanyang dibdib. “’Wag nang matigas ang ulo ha? Magpahinga at magpagaling ka. Kaya ko na.” Lakas-loob kong sabi.
Mabigat siyang bumuntong hininga at niyakap ako. Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko. “Yes, my lady. Ikaw ang masusunod. Pero..kaya mo na bang maglakad?”
Tiningala ko siya at matalim na nginitian. “Kaya ko!”
Bahagya siyang tumawa. “Sabi ko nga po.”
Hindi na nawala ang ngiti sa labi ko. Gusto ko man magtagal sa kanya ay hindi pupwede. Kaya umahon din ako sa kanyang dibdib para makapagbihis.
Pero hindi na niya hinayaan na gumalaw ako. Siya na ang pumulot sa mga panloob ko at nagsuot sa akin. Isa-isa at maingat niya din iyong ginawa sa akin. Nahihiya pa rin ako nang makita niyang muli ang buong katawan ko. At nababasa ko pa rin sa mga mata niya ang desire. Kinukurot ko na lang kapag nagiging seryoso na siya. Pero bago pa niya masuot ang bra ko ay panakaw na halik ang ginawa niya sa isang dibdib ko, at pareho na lang namin na pinagtawanan iyon.
Kinabukasan ay nagkita ulit kami ni Quinn. Mas masigla na siya ulit pagkatapos ng nangyari sa hasyenda. Hindi ko pa iyon nauungkat sa kanya dahil mas natatabunan ng kilig sa tuwing magkasama kami.
At sa pangalawang pagkakataon, naulit ang nangyari kahapon. Sa maghapon ay ilang beses akong nagpaubaya sa kanya. Nahihirapan lamang kami kapag kailangan ko nang umuwi sa bahay dahil limitado lamang ang oras na mayroon kami. Ako.
Inaabangan niya ako sa malaking puno at isasabay sa kanyang sasakyan.
Sa ikatlong araw ay napansin ko ang pagiging balisa niya. Pinagmamasdan ko pa lamang ay ramdam ko nang para may gumugulo sa kanya.
Nang pumunta ako sa kusina para ipaghandan siya ng pagkain ay sinundan niya ako at niyakap mula sa likuran. Siniksik ang mukha sa aking leeg. Paulit-ulit na binubulong na ‘mahal niya ako’.
“Naniniwala naman ako..” nakangiti kong sagot sa kanya. Tinagilid ko ang mukha para bigyan pa siya ng espasyo.
“Patunayan mo sa akin.” bigla ay seryoso niyang sabi.
Natatawa pa rin ako at hindi pinapansin ang pagseseryoso niya. “Paano?”
Isang beses niya akong dinampian ng halik sa leeg ko. “Marry me.” bulong niya.
Natigilan ako. Nawala ang ngiti ko. Tama ba ang narinig ko?
“Marry me, babe. Let’s get this real. I love you and I’m f*****g serious! Let’s get married.” Mas seryoso niyang aya sa akin.
Kumawala ako sa yakap niya para humarap sa kanya. At agad niya pa rin akong niyakap pagkatapos.
“Seryoso ka ba? Baka naman..”
“I’m so damned serious, babe! Mahal mo rin ako, ’di ba?”
Tumango ako. “Oo. Pero masyado pang maaga para doon,”
“Now is the perfect time, Royal. I want you to be my wife. Please, marry me..”
Napatitig ako sa kanya. Mahal ko siya. Oo, mahal ko. Pero..bakit pakiramdam ko ay nagmamadali siya na mangyari iyon?
“Please do this for me, babe..” pagmamakaawa niya.
Hindi ko kaagad na nakapagsalita. Kinokonsidera ko ang bawat panig, ang sa pamilya ko at sa kanya. Ngunit sa isang panig ng puso ko, alam kong wala na akong mamahalin pa kung hindi si Quinn lang. Siya lang. Siya lang ang kaya kong pag-alayan ng sarili. Siya lang gusto kong makita sa paggising. At ang kaisipang iyon ang kumiliti sa isipan ko.
Ang makasama siya ng legal at araw-araw. Ang bumuo ng pamilya kasama ang taong pinakamamahal mo. Siya lang ang nais ko.
Humigop ako ng hangin at nginitian ko siya. “Sige..pero kailangan nating pagplanuhan muna ang lahat..”
Mabilis siyang umiling. “Hindi. Ngayon na. Ngayon na tayo magpapakasal. Kakausapin ko si Mayor para rito..” masigasig niyang sabi.
Napaawang ang labi ko. Sa tingin ko ay napaghandan na niya ito bago pa man ipaalam sa akin.