Chapter 13

2681 Words
Chapter 13 Royal Nang matanaw ko na ang bakuran ng bahay namin ay halos takbuhin ko na iyon para lamang makalayo kay Mang Ricky. Ang amoy ng alak mula sa kanyang hininga ay nililipad ng malamig na hangin. Bakit walang dumaraan ngayon? Bakit walang tao sa labas? Gabi na rin. Tila gusto kong pagsisihan na hindi ako nagpahatid kay Quinn. Pero hindi ko rin naman akalain na masasalubong ko siya rito. “Hija! Bakit ka nagmamadali?” sigaw niya. Hindi ko na siya nilingon pa at takot na pumasok sa aming munting bakod. Tinakbo ko na rin ang aming pintuan at kinakapos ang hangin na sumandal sa pinto. Nakauwi na ako ng ligtas. Pumikit ako. Ngunit sa pagsalubong sa akin ng dilim ay nanginiting mukha ni Quinn ang nakita ko. Binuksan kong muli ang mga mata. Sa kaunting sandali ay nawala ang takot at panganib sa aking dibdib. Ang pag-isip ko sa kanya ang nagpahinahon sa akin. Tiningnan ako ang kabuuan ng aming sala..mas ligtas na ako rito. Wala nang dapat pang alalahanin. Lumipas pa ang ilang araw ay unti-unti ko na ring nalimutan ang insidenteng iyon. Napalitan ni Quinn. Ilang araw na akong palaging magaan ang pakiramdam sa tuwing nakakausap ko siya. Gumawa na nga kami ng schedule kung kailan kami pupunta sa bahay para magkita. Inaamin kong nabigla ako sa pagpapagawa niya ng bahay na iyon. Sa tingin ko para na niya akong inangkin ng tunay. Nanliligaw pa lamang siya..nanliligaw pa nga ba, Royal Briseis? Ilang beses na ba kayong naghalikan na dalawa? Ligaw pa ba iyon? Napabuntong hininga ako habang kumukuha ng mga itlog sa kulungan ng mga manok. Nilagay ko iyon sa basket ko. Marami naman akong ginagawa rito sa bahay pero si Quinn palaging sumisingit sa isip ko. Kung dati ay palagi siyang tumatawag para kamustahin at i-check ako, ngayon naman ay dumalang na. Ni hindi na ako makapaghintay na magkita ulit kami. Nalilito na ako. Gustong maglabas ng nararamdaman at una kong naalala si Lelet. Nami-miss ko na siya. Iyong mga kwentuhan namin at gala. Pero may Garett na siya. Hindi ko na nga iniinda iyong tungkol sa kanilang dalawa nitong nakalipas na mga araw. Hindi kaya, tama rin si Quinn. Na hindi ko naman talaga siya minahal. E, kung ganoon, ano ang naramdaman ko sa kanya? Pagkakaibigan lang? Mababaw lang? Crush lang? Hays! Nakakainis kapag mag-isa! Puntahan ko kaya si Lelet sa kanila? Kaya lang baka..ewan! E paano naman ang nararamdaman ko kay Quinn? Mas malakas kasi ito kaysa noong kay Garett. Ano naman ito? Kainis naman. Wala akong makuhang sagot. Sa huli ay nagdadabog akong pumasok sa loob ng bahay. Nasa sala si Tatay at nagbabasa ng pahayagan. Papasok na ako sa kusina nang may tumawag mula sa labas ng bahay. Nakilala ko ang boses, si Aling Imelda. “Oh, Imelda, naparito ka?” tanong ni Tatay nang salubungin siya sa pintuan. “Magandang araw po!” bati ko sa kanya. Nginitian niya ako at kinawayan. “Magandang araw din, Royal.” Binalingan niya ulit si tatay, nawala na ang ngiti niya. Nagkibit-balikat na lang ako at tumuloy na lang sa kusina. “Narinig mo na ba ang nangyari sa kabilang hasyenda, Fonso?!” Natigilan ako at huminto sa paghakbang. Tumalim ang bilis ng puso ko. Agad akong napalingon kay Aling Imelda. Napansin niya ako at bahagyang tumaas ang mga kilay. Kabilang hasyenda? Sa Esperanza? “Wala akong nabalitaan. Bakit?” tanong ni Tatay. Napapadyak pa sa sahig si Aling Imelda. Na para bang kay laking kakulangan iyon sa amin na wala kaming balita. “Nako! May barilan na nangyari kagabi! Ang bali-balita ay nabaril daw ’yong apo ni Don Eugenio sa loob ng hasyenda nila. Kamuntik na yata mamatay ’yong binata niya.” Malakas akong napasinghap. Sabay na napalingon sa akin ang dalawa. Ngunit hindi ko na kayang itago ang takot na naramdaman ng buong sistema ko. Si Quinn..nabaril si Quinn.. Tila ako sinasaksak sa dibdib at may mabibigat na bakal sa aking mga paa habang humahakbang palapit sa pintuan. Nagtataka na tinititigan ako ni Tatay at nagpatuloy naman si Aling Imelda. “Nagdagdag ng bantay sa paligid ng hasyenda Esperanza pagkatapos na may nakapasok kagabi. Mukhang puntirya iyong apo..” Nilingon siya ni Tatay. “Kamusta na kaya siya? ’Yung nabaril?” Nanlamig ako. “Nadala naman daw sa ospital. Ang siste ay lumaban daw ng barilan. Pero nakatakas pa rin iyong nanloob,” Agad akong tumalikod at nagtakip ng bibig. Binaba ko ang basket sa upuan at malalaking hakbang tinungo ko ang aking kwarto. Pakiramdam ko buong katawan ko na ang nanlamig. Nanginginig pati ang aking mga kamay. Madali kong hinanap ang cellphone at dinayal ang numero niya. Para akong nauubusan ng hangin. At mga imahe ni Quinn ang lumulutang sa isipan ko. “Sagutin mo, please..sagutin mo, Quinn..” bulong ko sa sarili. Napatakip ako ulit sa aking bibig nang kamuntik nang umalpas ang hikbi. Pero nakailang tawag na ako ay hindi niya sinasagot ang linya. Nanlulumo akong napaupo sa gilid ng kama. Anong nangyari sa kanya? Malala ba? Maayos na ba siya, ligtas na ba siya? Hindi ko kaya..kung sakaling mawala siya sa akin. Kumawala ang luha sa aking mga mata. Agad ko iyong pinunasan. “Quinn..” sambit ko sa pangalan. Gusto kong umalis at puntahan siya pero alam kong may limitasyon ako. Ang isang katulad ko ay hindi siya basta pwedeng sugurin. Nakatira ako sa hasyendang kakumpitensya niya. Ang gagawin ko ay isang suicidal. Pero gusto ko siyang makita! Ang hirap ng ganito. Hanggang sa makakaya ko ay hindi pinakita sa mga magulang ko at kay Lola ang sakit na nararamdaman. Ang pasulyap-sulyap sa akin ni Tatay ay nilalabanan ko ng normal kong pakikitungo sa kanila. Na parang walang nangyari. Ginawa ko ang makakaya ko. “Bukas pala ay maaga kaming aalis ng Nanay mo, Royal. May meeting kami sa bahay ni Ricky,” sabi ni Tatay habang nasa hapagkainan pa kami. Sinulyapan niya ako. “Ikaw na muna ang bahala sa Lola mo ah? Siguro pagdating ng tanghali ay narito na rin kami.” Ani Nanay. “Bakit nagpatawag ng meeting si Ricky, Fonso?” tanong ng Lola. Hindi naman ako kumibo. Nagkibit-balikat ang Tatay. “Hindi ko rin po alam, Nay. May pinapasabi lang siguro ang mga Santiaguel.” “O siya, kung ganoon ay pwede ba akong sumama na lang sa inyo? Gusto ko ring malaman.” Napalingon ako kay Lola. Bahagya rin akong nagulat sa kagustuhan niyang pumunta sa meeting na iyon. “Dumito na kayo, Nay at baka sumakit pa ang mga tuhod ninyo. Sasamahan na lang kayo ni Royal.” Tanggi ng Tatay. “Tama po, Nay. Hayaan niyo at ipapaalam ko po sa inyo ang mapag-uusapan doon.” Bigay panatag ni Nanay. Bumuntong hininga si Lola. Nang matitigan ko ay nakita ko ang kalungkutan sa kanyang mukha. Na hindi na napansin ng mga magulang ko. Siguro ay nalulungkot lang ang Lola dahil sa minsan na lamang makalabas ng bahay. Hindi ko naman masisisi si Tatay kung hindi na isama pa ang Lola. Karaniwan nang mainit at masikip sa bahay ni Mang Ricky kapag nagpapatawag ito ng meeting ng mga magsasaka. Kung minsan pa nga nagsisigawan pa roon gawa ng palitan ng mga suhestyon at request para sa mga Santiaguel. Alam ko ring mapapagod lang din doon ang Lola. Kinagabihan ay sinubukan ko ulit na tawagan si Quinn..pero ganoon pa rin. Hindi pa rin sinasagot. Iniisip ko na lang na nagpapagaling pa siya. Paghiga ko ay nag-vibrate ang cellphone kaya agad akong napabalikwas ng bangon. Isang text mula kay Quinn! Nagmamadali kong binuksan ang message niya. Quinn: Magkita tayo sa bahay natin, babe. Hihintayin kita. Napaiyak ako. Halos sambahin ko ang mga salitang pinadala niya sa akin. Ngunit sa dulo ng isip ko ay hinahanap ko ang biro niya at pagpalipad-hangin. Nagtipa ako ng reply sa kanya. Ako: Pupunta ako. Kamusta ka na? Gusto kong paliparin ang oras. Gustong dumating iyong araw na magkikita kami. Gusto ko nang pumunta sa bahay namin at makita siya. Napapikit ako. Dinama ang bawat hampas ng puso ko. And I received a reply. Quinn: See you tomorrow. Bumagsak ang mga balikat ko. Ang iksi ng sagot niya sa akin at hindi pa niya sinagot ang tanong ko. May dapat ba akong ikabahala? Hindi na ako nag-reply dahil nararamdaman ko ang kawalan niya ng gana sa pakikipag-text. Naiintindihan ko iyon dahil baka may makirot pa sa kanya at nanghihina. Nanghihina?! Ako ang nanghina nang maglaro iyon sa isip ko. Maaga akong naghanda kinabukasan. Hindi pa sumisikat ang araw ay bumangon na ako. naunahan ko pa sa paggising sina Tatay. Ako na rin ang nag-init ng tubig at nagsaing para sa aming almusal. Nagulat pa sila nang makita ako pero sinabi ko na lang na maaga akong nakatulog. Pero kabaligtaran iyon. Madaling-araw na rin akong nakatulog sa pag-iyak at pag-aalala kay Quinn. Pagkaalis nina Tatay ay agad na akong nagluto ng lugaw. Ang Lola ay pinayagan naman akong kumuha ng isang piling ng saging na saba sa bakuran namin. Ang paalam ko ay gusto kong maglaga para meryenda namin. At nagtabi rin ako nang para kay Quinn. Sa isang thelmos ay tinapon ko ang laman na tubig at pinaglagyan ko ang nilutong lugaw. Naglagay din ako ng ilang pirasong nilagang saba sa plastic at pareho kong sinilid iyon sa bayong na nakasabit sa labas ng bahay. Para pag-alis ko mamaya ay hindi nila makitang may bitbit ako. Ilang beses akong tumanaw sa labas para tingnan kung nakauwi sina Tatay at Nanay. Ang Lola ay nagsiseyesta na sa kanyang kwarto. Hindi na ako mapakali. Tinext ko si Quinn na tanghali ako pupunta roon. Wala naman akong na-receive pang reply sa kanya. Agad akong napatayo sa bangkito nang matanaw kong paparating na ang mga magulang ko. Pumasok agad ako loob ng bahay at simpleng umupo. Pagkapasok nila ay agad akong nagpaalam na pupunta saglit sa bayan. Tiningnan ako ni Tatay pero si Nanay ay agad naman akong pinayagan. Kinakahaban ako. Ngunit nang palabas na naman ako ay tumungo na sa kwarto ng Lola si Tatay para tingnan ito. Tumingin muna ako sa loob at siniguradong wala na sa sala sina Nanay, at saka ko inabot ang nakasabit na bayong. Malalaking hakbang ang ginawa ko. Kung lalakarin ay may kalayuan ang bahay na iyon. Pero hindi ko na inalala pa ang distansya. “Mam Royal!” Nilingon ko ang taong tumawag sa akin. Nakarating na ako sa malaking puno at doon ay naghihintay si..Rita! Tumakbo siyang lumapit sa akin. “Anong ginagawa mo rito, Rita?” kinakabahan kong tanong sa kanya. Tinuro ang isang dereksyon. “Pinapasundo po kayo ni Ser, Mam. Nagpadala po siya ng masasakyan niyo papunta sa bahay,” Napaawang ang labi ko. “E..n-nasaan siya? ’Di niya kayang magmaneho?” “Nando’n na po siya sa bahay ninyo, Mam. Nagpapahinga pa po.” Mahina akong napasinghap. Nanginig na naman ang mga kamay at parang gustong umiyak sa narinig. Hindi na ako nagsalita pa at pinuntahan ang sasakyang pinadala niya sa akin. Yakap-yakap ko ang bayong sa aking kandungan. Tahimik din si Rita pati ang driver na kasama. Habang papalapit ay pabilis nang pabilis ang hampas ng puso ko. Iniisip ang hindi ko dapat isipin. Hindi ako kaagad na pinababa ni Rita, nagtaka ako. Iyon pala ay pagbubuksan pa ako ng pinto ng driver nila. “Salamat po.” Sabi ko. Papasok na ako nang mapansin kong hindi na nagtangka pang humakbang nina Rita. “Hindi ba kayo tutuloy sa loob?” Nakangiting umiling si Rita. Ang driver naman ay bumalik na ulit sa loob ng sasakyan. “Hindi na po, Mam Royal. Babalik na rin po kami sa hasyenda.” Kumunot ang noo ko. “Kung gano’n, pinasundo niya lang ako sa inyo?” Nakangiti siyang tumango. “Yes, Mam. Sige po, aalis na po kami.” Nginitian ako siya. “Sige. Mag-iingat kayo. At salamat, Rita. Babawi ako sa ’yo sa susunod.” “Naku, wala po ’yon, Mam Royal! Sige po.” Paalam niya ulit. Hinintay ko munang makaalis sila bago ako pumasok sa loob. Tahimik. Walang tao sa kusina nang ibaba ko roon ang dala kong bayong. Nilingon ko ang pinto ng nag-iisang kwarto. Siguro ay nandoon siya. Ang sabi ni Rita ay nagpapahinga. Inasikaso ko muna ang lugaw. Pero sa huli ay hindi muna ako nagsalin at tinungo ang kwarto. Para ng matatalim na talahib ang t***k ng puso ko habang dahan-dahan na binubuksan ang pinto. Kalat na liwanag mula sa bintana ang ilaw sa kwartong iyon. Nakabukas ang electric fan at umiikot. Malamig sa loob. Nilakihan ako ang bukas at nakita ko ang kama. Doon ay nakahiga si Quinn. Mukhang natutulog pa. Tahimik kong nilapat ang pinto at nilapitan siya. Nakatagilid siya at nakapikit nga. Nakasuot ng puting T-shirt at maong na jeans. May mga maliliit ng buhok sa kanyang panga. Ang matulis niyang ilong ay kay gandang pagmasdan. Pinasadahan ko siya ng tingin. Nasaan ang tama niya? Malala ba? Kinagat ko ang labi para hindi makagawa ng hikbi. Umupo ako sa gilid ng kama. Kahit nasa tabi ko na siya, parang sinasaksak pa rin ang puso ko. Nilingon ko ang bintana. Natatakpan iyon ng manipis na kurtinang kulay puti, nililipad ng hangin. Maraming salamat po at nakaligtas siya. Binalik ko ang paningin sa kanya—nagulat pa ako nang makita kong nakadilat na siya. “Quinn!” “Hi..” tila nanghihina niyang usal. Tinitigan ko siya. Pakiramdam ko ay pinipilit niyang maging malakas pero ang totoo ay nanghihina naman siya! Kaya napaiyak na ako. Tinakpan ko ang mukha at pinakawalan ang sakit ng dibdib ko. “Hey.. why are you crying, babe? Ganito mo ba ako na-miss?” hinaluan pa niya ng biro ang boses. Pilit niyang hinahatak ang mga kamay ko mula sa mukha ko. “Babe..” malambing niyang tawag sa akin. Ngunit nagpatuloy ako sa pag-iyak. “Babe..” ulit niya. Umusod na siya at pinaggitnaan ako sa kanyang mga hita. Mula sa likuran ay niyakap niya ako tulad ng ginagawa niya sa akin dati. Binagsak niya ako sa kanyang mapalad na dibdib. Napadaing siya at tila ay may iniindang sakit doon. Kaya agad akong tumingin sa kanya. “Bakit? Anong masakit?!” nag-aalala kong tanong sa kanya. Lukot ang noo niya. Nakalagay ang kanyang kanang kamay sa kanyang tagiliran. “Nothing..” Matalim ko siyang tiningnan. “Narinig ko ang nangyari, Quinn! Nabaril ka raw at dinala sa ospital!” asik ko. Nagawa pa niya akong ngisihan, “Daplis lang naman ’yun.” “Patingin ako,” “Wala ’to. Maliit na sugat lang.” Mabigat akong bumuntong hininga. Tiningnan ko ang bahagi ng tagiliran na tinatakpan niya. Tinanggal ko ang kamay at tinaas ang T-shirt niya. Napasinghap ako nang makita ang bendang nakabalot sa baywang niya. May tuldok pa ng dugo! Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Napapangiwi na naman ako dahil sa paparating na hikbi. “Oh..iiyak ka na naman, ’di naman ’to malala, babe. Tahan na..” “Sigurado ka ba? Dapat hindi ka muna pumunta rito. Dapat nagpapahinga ka. Hindi ’yong bumabayahe ka pa!” angil ko. Napanguso siya at hinaplos ako sa aking pisngi. Pinunasan ang nakawalang luha. “Miss na kita e.” Tinitigan niya ako habang malamyos na hinahaplos ang aking isang pisngi. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Dumaan at tila nagtatago. Ngumingiti siya pero malungkot ang mata. Inangat ko ang mukha at pinatakan ko siya ng halik sa kanyang labi. Bahagyang namilog ang kanyang mga mata at natigilan. Nagtitigan kami. Pinapadaan sa mga mata ko ang nilalaman ng puso ko. Tumikhim siya. Halatang kinabahan. “Kung..ito pala ang kapalit nang nabaril, e baka magpabaril pa ako ulit,” tumawa pa siya. Ngunit hinawakan ko ang mukha niya at muli siyang hinalikan sa labi. Naramdaman ko ang pagkagulat niya ulit. Ngayon ay mas dinama ko ang kanyang labi. Ang t***k ng puso ko ay nanganganib na. “B-babe..” he whispered. Hinagilap niya ang mga mata ko. Nagbaba ako ng tingin, umiwas pagkatapos ng ginawa ko. Nagisnan ng mga mata ko ang kamay niya. Inabot ko iyon at hinaplos ang mga daliri. Ramdam ko ang tensyon niya. Ilang sandali pa ay mas dumikit siya sa akin at kinulong ako. Inangat niya ang mukha ko gamit ang dalawang daliri. Napalunok siya. “Royal.. ’wag mo kong paasahin. Kung pinapasaya mo lang ako dahil sa nangyari..mas okay na ako na naiinis ka sa akin kaysa sa ganito..” Kinagat ko ang ibabang labi. Tiningnan ko siya nang may giliw. “Hindi kita pinapaasa..” mahinang boses kong sagot. Ang mga mata niya ay naging malamlam. “I-ibig sabihin..ta-tayo na..?” Isang ngiti ang binigay ko at tango. Nanlaki ang mga mata niya. “Tayo na?! Sinasagot mo na ko? Girlfriend na kita?!” sunod-sunod niyang tanong. Tumango ako ulit sa kanya. “Oh s**t!” bigla niya akong niyakap nang mahigpit. “Is this real?!” “Totoo.” “Oh s**t! I love you!” bulalas niya. Napasinghap ako. Tumigil yata ang ikot ng mundo nang sambitin niya iyon dala ng sobrang kasiyahan. Binitawan niya ako at pinakatitigan. “Ibig sabihin, mahal mo na rin ako?!” Tumango ako. “Oo.” Mas lumapad ang ngiti niya. “I think I could die right now!” Hinatak ko ang kwelyo ng damit niya. “Ayokong iwan mo ko.” madiin kong sabi. At binigyan niya ako isang napakagwapong ngiti. Ngiti na parang kasalanan kung hindi sasagutin. “Hindi kita iiwan. Ikaw lang ang nangyaring matino sa buhay ko, babe. I told you, ang nararamdaman ko sa ’yo ay totoo. Mahal kita, Royal. Mahal kita.” Bumaba ang mukha niya at inangkin ang labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD