Chapter 19

3170 Words
Chapter 19 Royal Mula noong na araw na iyon ay sinubukan kong kalimutan ang isang Quentin Nicco Altamirano sa buhay ko. Sinubukan kong burahin siya sa puso ko sa pamamagitan nang pag-aalaga sa aking Lolo Eugenio. Binuhos ko ang oras at mga araw na ang pakikipag-bonding sa kanya at kay Lola Mila ang inatupag ko. Mahirap..sa umpisa..pero kalaunan ay naging manhid na rin ako sa sakit. Mahirap tanggapin. Kaya lang, kung hindi ko tutulungan ang sariling makaahon..sino pa ang gagawa no’n para sa akin? Ginawa ko lang na katawa-tawa ang sarili ko. Dahil sa pag-ibig na hindi para sa akin o sa amin. Bawat parte ng bahay ay may bakas niya. Kahit si Rita ay munting paalala rin niya sa akin. Sinubukan ni tatay na magpaalam kay Lolo para bumalik sa kabilang hasyenda pero hindi na kami pinayagan at tuluyan na kaming pinatitira sa bahay. Kung aalis kami, walang nang kasama ang Lolo. Iyon din ang pakiusap ni Tito Carlos nang tumawag at kausapin si tatay. Lalo pa nang nagpatawag ng doktor ang Lolo sa hasyenda. Ni hindi makuhang makausap si tatay dahil sa labis na pag-aalala sa ama. At iyon na ang naging dahilan kung kaya namalagi na kami sa hasyenda Esperanza. Nagbalik sa pagtatrabaho ang mga magulang ko pero pinamahalaan ng Lolo sa kanila ang Azucarera. Mula sa pag-aani hanggang sa produksyon ng asukal. Ang Lola at ako ay kay Lolo Eugenio nakatoka pero kailangan ko ring alagaan ang Lola ko. Ako ang naghahanda ng kanilang pagkain at iinuming maintenance na gamot. Inabisuhan ako ni Lolo na bumalik sa pag-aaral. Nagpatawag siya ng magtyu-tutor sa akin sa hasyenda dahil hindi ko sila pwedeng iwan ng Lola. At sa nakalipas na tatlong linggo..malaki na ang pinagbago ng buhay namin. Pinalitan na ang apelyido namin at ginawa na kaming tunay na Altamirano sa batas. Mabilis ang lahat. Sa proseso. Pero ang pagtanggap na hindi na ako isang Mauricio..mukhang matatagalan. Hinipan ko at saka unti-unting tinikman ang niluto kong sopas. Katulong ko pa sa paggawa no’n si Nanay Nimpha at Rita kasi hindi ako kumportableng sa akin lang nakaatang ang pagluluto no’n. Request din kasi ni Lolo na ipagluto ko naman daw siya. Sinipsip ko ang dila at nilasahan ang sabaw. Nilingon ko sina Rita. Nasa mukha nila iyong gustong makarinig ng magandang balita. “Kamusta, mam Royal? Masarap po ba?” excited na tanong sa akin ni Rita. Nilingon ko si Nanay Nimpha at nagkunwaring naglungkot-lungkutan sa kanya. “Hala..wala pa rin pong lasa?!” Nawala bigla ang lungkot ko. “Grabe ka naman sa akin. Nawala tuloy ’yung excitement ko,” nag-improve kaya. Tinapik ni Nanay Nimpha si Rita sa balikat. “Ikaw kasi, Rita. Anong tingin mo kay Royal, hindi marunong magluto?” Napasimangot na ako. “Nanay Nimpha naman e!” Ngumiti ang mayordoma at kumuha na rin ng sariling kutsara. Tinikman niya ang sabaw at nilasahan. Ilang sandali pa ay namilog ang mga mata niya at hindi makapaniwala akong tiningnan. “Masarap, hija! Luto mo talaga ’to?” “Nanay Nimpha..” may warning sa boses ko. At saka siya tumawa ng malakas. Maging si Rita ay tinikman na rin ang niluto kong sopas. Magkaparehas din sila ng reaksyon pagkatapos. “O siya, dalhin mo na ito sa Lolo mo at kanina niya pa ’to inaantabayanan.” Sabi ni Nanay Nimpha. Siya na ang nagsandok at naglagay sa tray ng sopas. Naglagay na rin ng isang baso ng tubig na hindi malamig. Nagpasalamat ako at tinungo ang malaking library ng hasyenda. Nasa ibaba lang iyon at napansin kong kapag hapon ay madalas na nagpupunta roon ang Lolo. Pinaaalis ang nurse niya. Katulad ngayon araw. Nasa kusina si Lance at nagkakape. Pinaalis daw siya ulit ng Lolo. Kumatok ako at saka dahan-dahan na binuksan ang pinto ng library. Naroon sa loob ang matataas na book shelves. Puno ng mga libro. Iyong ibang papel nga nu’n halos mapupunit na sa luma. Naabutan ko si Lolo na nasa harap ng lamesa, nakayuko at may hawak na ballpen. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nginitian ako at binaba ang ballpen sa suksukan nito. Ang puting papel na pinagsusulatan ay sinilid sa isang puting folder. “Naluto mo ba ang sopas ko, hija..” bumakas ang excitement sa kanyang boses. Malaking ngiti ang ginawa ko at nilapat kong banayad ang pintuan. “Syempre naman, Lolo. Katulong ko po kaya sina Nanay Nimpha at Rita.” pagmamalaki ko. “Magiging proud kayo sa akin ni Lola kapag natikman niyo ’to.” Biro ko. Sumandal ang lolo sa wheelchair niya at tumawa. Pero kahit ganun ay nababakas pa rin ang malaki nitong pinayat. Mas lalong kumulubot ang mga linya sa kanyang mukha. Nag-aalala kami nina tatay sa pagbagsak ng kalusugan ni Lolo Eugenio. “Kahit na anong lasa pa niyan, apo, sobrang proud ako sa ’yo.” Binaba ko ang tray sa lamesa. Tiningnan ko ang Lolo. Nakatitig siya sa akin. Hindi ko mawari kung anong titig iyon at nakakapag-init ng puso ko. “Kain na po, ’lo.” Aya ko. Umupo ako sa sofa’ng naroon at hinintay ang verdict niya. At sa kanyang ikalawang tikim ay nagtaas na siya ng kamay at nag-thumbs up sa akin. “Ito ang pinakamasarap na sopas na natikman ko, apo. Pwede ka nang mag-asawa.” Sabay pihit ng tawa. Napasimangot ako kunwari. Nagpunas siya ng kanyang bibig at may tinuro sa akin. “Kunin mo iyong kahon, hija..” turo niya. Sinundan ko ng tingin ang dereksyong tinuro niya. At mula sa itaas na bahagi ng shelf, nakita ko ang tinutukoy niyang kahon. Tumayo ako at tumuntong sa isang silya para maabot ang kahon. Maitim na iyon at halatang luma na. Mabuti na lang at alaga sa paglilinis kundi ay aanayin ito. “Pakibaba mo na lang dyan sa lamesita, hija. Ito ang susi..” binuksan ni Lolo ang drawer sa lamesa at nilabas ang isang kwintas. Ang palamuti ng kwintas ay ang susing tinutukoy niya. Kunot noo kong inabot ang susi at sinuksok iyon sa kandado ng kahon. Nang mabuksan ko na ay nilingon ko ulit ang Lolo. Humihingi sa kanya ng hudyat kung pwede nang tuluyang buksan. Tinanguan niya ako, “Sige hija buksan mo.” Utos niya ulit sa akin. Inangat ko ang takip at binaba sa kabilang gilid. Natatakpan pa iyon ng isang itim na telang pinaglumaan ng mga taon. Hinawakan ko ito at inalis sa ibabaw. Bumungad sa akin ang maayos na pagkakalagay ng mga kulay dilaw ng sobre. Napaawang ang labi ko. Kung hindi ako nagkakamali ay mga lumang sulat iyon. Namamanghang nilingon ko ulit si Lolo. Nakangiti na siya sa akin at may kislap sa kanyang mga mata nang makita ang laman. “Iyan ang gantimpala ko sa ’yo, apo. Para sa masarap mong sopas. Ayoko pang mag-asawa ka kaya binabawi ko iyong una kong sinabi. Ayan na lang ang regalo ko sa ’yo..” seryoso niyang sabi sa akin. “P-pero Lolo..sa inyo po ito.” ayaw ko namang tumanggi. Pero batid ko ang malaking value nito sa kanya. Umiling siya sa akin. “Isa iyan sa pinakamahalagang kayamanan na mayroon ako, hija. Ang gusto ko ay ikaw na ang magtago niyan at pangalagaan mo. Munting regalo mula sa iyong Lolo Eugenio..” at sumilay ang kanyang ngiti. “Bakit po ako? Itong mga sobre..” “Iyan ang mga sulat sa akin ni Milagros noong nobya ko pa siya. Tinago ko. Pati ang mga sulat ko sa kanyang hindi ko na napadala pa. Nagpakasal na siya noon kay Pepe. Hindi ko magawang itapon dahil..alam kong darating ang panahon na may iba akong pagpapasahan niyan. I’m sure your father would like to read those..and I want you to keep it.” Mahina akong napasinghap. Noong umpisa ay hindi ko alam kung mabigat ba iyong tungkulin. Itatago ko ang mga sulat na matagal na tinago ng Lolo. Ilang dekada na ito? Ayokong tumanggi at baka magtampo ang Lolo. Tumango na lang ako at bahagyang sinilip ang mga sobre. Namilog ang mga mata ko nang makitang hindi pa nga pinapanganak ang tatay sa mga petsang nakasulat doon. Matagal na matagal nang panahon. Nakita kaya ni Donya Demetria itong mga sulat? Napabuntong hininga na lang ako. Ang tadhana yata ay malupit talaga kung minsan. Lumipas pa ang mga araw ay hindi ko namamalayang mas nagiging close na ako kay Lolo Eugenio. Pinakita niya sa akin ang kanilang lumang photo album, lalo na noong binata pa lamang siya at ang taong nakilala niya ang Lolo Mila. 1955. Black and white ang mga litrato. At lumang-luma na rin. Magandang lalaki ang Lolo Eugenio. At kamukhang-kamukha nga ng tatay. “Mayroon pa akong isang solong litrato pero binigay ko kay Milagros. Natago mo ba, Milagros?” Nag-angat ako ng tingin kay Lola. At napangiti ako nang makitang may naitatago itong ngiti sa labi. “Hindi ko maalala, Eugenio.” Pag-iwas niya ng tingin kay Lolo. Natawa ang Lolo. “Ay sus. Alam kong itatago mo iyon. Patay na patay ka kaya sa akin noon. Panay nga ang hintay mo sa akin sa sayawan..” tukso niya sa lolo. Nanlaki ng bahagya ang mga mata ni Lola. Akala mo ba ay naiskandalo sa narinig. “Magtigil ka nga, Eugenio! Baka maniwala sa ’yo ang apo mo,” pagalit niyang sabi sa kanya. “Eh kung hindi ko pa alam, titig na titig ka sa akin noong unang beses mo kong nakita. Na-love at first sight sa akin ang Lola mo, hija.” Napangiti ako. “Kayo po, ’lo? Na-love at first sight din kay Lola?” tukso ko. Nilingon ni Lolo Eugenio ang Lola at tila napaisip. “Huminto yata ang ikot ng mundo ko noong nakita ko ang Lola mo. Siya ang pinakamagandang dalagang nakita ko noon. Hindi ba, Milagros? Ano nga bang tawagan natin noon, mmm?” “Naku, Eugenio!” sabay ng Lola at inayos na lamang ang mga tasa ng tsaa sa lamesita. Kinuha niya iyon at binitbit papuntang kusina. Nagkibit-balikat naman ang Lolo. Pero may panunukso pa rin sa kanyang ngiti. “Ganyan na ’yang Lola mo kahit noon. Pikunin pero kinikilig naman,” “Eugenio narinig ko ’yan!” sigaw ng Lola. Napatakip ako ng bibig at sabay kaming natawa ng Lolo. Binilhan ako ng Lolo ng bagong laptop at mga librong kailangan ko sa pag-aaral. Sinabihan niya pa ang Tito Carlos na asikasuhin ang pag-eenrol ko sa university. Hindi pa naman daw huli para kumuha ako ng kurso. Kakailangan ko rin daw iyon sa pagpasok ko sa Altamirano Corporation. Iyon ang lubos na nagpapakaba sa akin. Wala akong kaide-ideya sa kumpanya. Saan nila ako ilalagay? Wala akong confident sa ganoong trabaho. Kung sana ay pumayag na lang sila na sa tubuhan ako mamalagi. Mas gamay ko iyon. Pero ayaw ng Lolo. Nagsimula kami sa pag-aral-aral muna sa hasyenda at tila pinapakilala sa akin ang iba’t-ibang business terms. Basic Management. Pinapabasa nila ako ng mga libro. Mga libro. Pati ang tamang attitude at pagkilos. Ni hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa iyon. Pero para mapanatag ang Lolo, sinunod ko na lang din. Binilhan nila ako ng mga bagong damit, bagong cellphone at pati sa pagpapagupit ng buhok. “You should put some make up on, Miss Royal.” Istriktong sabi sa akin ng guro ko. Kumunot ang noo ko. “Po?” Inangat niya ang baba ko at sinuri ang mukha ko. “You’re pretty even without make up but I will suggest na kapag nakaharap ka na sa board of directors ay maglagay ka kahit kaunting eyeshadow, blush on at lipstick. Your brows are thick but indeed need a trim.” Napatingin ako sa salamin. Iti-trim daw ang kilay ko? Pero ayos lang naman ah. Napanguso ako sa harap ng salamin. Maging sina tatay ay pinaayusan din. Nang dumating ang gabing ipapakilala kami sa buong angkan ng Altamirano, inatake ako ng sobrang kaba. Lahat ng Altamirano ay pupunta sa hasyenda Esperanza. Nagpahanda ang Lolo ng salu-salo. Pero tanging ang buong angkan lamang ang inimbitahan. Pinasuot nila sa akin ang isang itim na bestida. A black knee-length dress. Simple lamang iyon na may manipis na spaghetti strap. Mas namangha ako ng ipasuot sa akin ng Lolo ang isang pearl necklace. Ang nag-iisang pearl ay tila tanda ng isang Altamirano. Mula pa raw iyon sa asawa ng kanyang Papa Tomas. Dumadagundong ang dibdib ko nang papunta na kami sa hardin. Kung saan nagpahanda ang Lolo ng lamesa. May naririnig na akong ingay doon. Dahil sa inokupang mga musikero. Pinailawan ang mga bombilya. Katabi ko ang mga magulang ko. Habang nasa tabi ni Lolo ang Lola Mila. Ang lahat ay napalingon sa aming pagdating. Napasinghap ako nang agad kong nakita ang nakangiting si Tito Carlos. Siya na rin ang unang lumapit sa amin at binati. “Welcome home!” masaya niyang bati. Katulad kung paano niya kami binati noong unang dating sa hasyenda. Una nilang nilapitan sina tatay. Nang lapitan ako ni Tita Andrea ay mas lalo akong kinabahan. Pinipigil ko ang sariling lingunin ang mesa. Pero natakpan iyon nang lapitan ako ng ibang Altamirano. “Welcome to the family, hija! I’m your Auntie Rose..” pakilala sa akin ng isang magandang ginang. “Salamat po..” nahihiya kong sagot. Tiningnan niya akong maigi. “No doubt. Altamirano ka nga..maganda ka.” nangingiti niyang sambit. Uminit ang mukha ko. Mayroon pang nagpakilala sa akin at mayroon ding isang matandang lalaking inaalalayan sa pagtayo. Ang pangalan niya ay Eduardo Altamirano. Pinsan ng Lolo. Si Auntie Rose ay ang panganay nitong anak. Ang pangalawa ay si Auntie Anastacia. Pinakilala nila ako sa kani-kanilang anak. Kay Finnix Altamirano, ang binata ni Auntie Rose. Matangkad na lalaki. Iyong ibang mga kapatid ay nasa ibang bansa pa. Sina Ramona at Venice ay mga anak naman ni Auntie Anastacia. Ang ilang kamag-anak ay malalayo na. Ang ilan sa kumpanya nagtatrabaho ang ilan naman ay may sariling negosyo. Sina tatay ang madalas nilang kausap. Si Finnix ay minsan na rin akong kinausap pero sandali lamang dahil hinatak na siya ng ilang kamag-anak namin. “Where’s kuya Quinn pala, Tito?” tanong ni Venice matapos sumimsim sa wine nito. “He said he’s coming over but now..” sinilip nito ang wrist watch at nagkibit-balikat. “I’m not sure now. Kanina ay nasa board meeting siya..” “Speaking of Quinn..” sambit ni Finnix. Nakatingin na ito sa gate. Lahat kami ay sinundan na rin ng tingin ang dereksyon na iyon—tumahip ang kaba sa aking dibdib nang may pumasok na sasakyan. “That’s my son’s car.” Ani Tita Andrea. Pumarada ang sasakyan. “Oh-oh.” Mahinang sambit ni Venice. Ang ilan ay napasinghap dahil nang lumabas ang driver nito ay halos mangudngod sa sementong sahig! Napatakip ako sa aking bibig. Nagsitayuan sina Tito Carlos at tatay. Si Finnix ay tumayo rin. “Is he drunk?!” hintatakot na litanya ni Ramona. Nagtinginan ang magpinsan kina Tita Andrea. Kinabahan ako nang umigting ang panga ni Tito Carlos habang nakatunghay sa anak. At ang Lolo..tahimik at kalmadong nakatingin lamang sa apong lalaki. “Oh f**k!” malutong na mura ni Quinn. Agad niya kaming nakita at nakangiting tinaas ang isang bote ng alak sa kanyang kamay. “Oh! Hello everyone! Am I late??” Napahawak sa kanyang noo ang Tita Andrea. Lasing na dumating si Quinn at susuray-suray na lumapit sa aming mesa. Nagbaba ako ng tingin ay halos madurog ang mga daliri ko sa pagkurot dito. Pumunta siya rito ng lasing! At nagmaneho pa! Paano kung nadisgrasya siya. Nasaktan? Ito na naman kami.. “I hope I was not late..my dear family!” “You—” “Let him, Carlos.” Madiing putol ng Lolo sa anak. “This is too much, Pa! Sa tingin ko ay may problema na ’tong batang ito!” giit ni Tito Carlos. Napalunok ako. Nang makalapit si Quinn ay hinatak niya ang upuan ni Finnix at walang-sabing umupo roon. Ako ang nasa harapan niya. Kaya hindi ko maiwasang manlamig. At kahit hindi ako mag-angat ng tingin..nasa akin ang titig niya. Dahil nanunuot iyon sa aking kamalayan. Pumipintig ng napakabilis ang aking puso. Maingay niyang binaba ang boteng hawak. Kinuha ang tinidor sa plato ni Finnix at tumusok ang steak. “Mmm. I must say..it’s good! Sinong nagluto? Si Nimpha? Where is she?” litanya niya. At ang lahat ay nakatingin lang sa kanya. Mahinahong lumapit sa kanya si Finnix. “Quinn..nakainom ka. Baka gusto mo munang pumasok sa hasyenda para magpahinga—” “Oh shut up! I need to be here..” at tiningnan ulit ako. “Son, please..not here,” pakiusap ni Tita Andrea. Binagsak niya ang tinidor sa plato. Naglikha iyon ng nakakatakot na tunog. “I was wondering, why can we make sure that..they are really a Altamirano? You know..I am suggesting a blood testing..” “What do you exactly mean?” galit na tanong ni Tito Carlos. Nag-angat ng tingin sa kanya si Quinn at ngumisi. “A DNA test perhaps.” Ang lahat ay napasinghap. “You sonofabitch!!” “Carlos!” Inilang hakbang ni Tito Carlos si Quinn at kinuwelyuhan. Huminto ang musika at nagtayuan ang mga miyembro ng pamilya. Si nanay ay napahawak sa braso ng tatay. “Wala ka na bang gagawing matino ha?! Paano mo nasasabi ’yan sa harap ng Papa?!” galit na galit na tanong ni Tito Carlos. Pero si Quinn..ni hindi naalarma sa apoy ng galit sa kanya ng ama. “I didn’t do anything good to you, Dad—” “Oh my!” singhap ni Vernice. Napakapit ako sa edge ng lamesa nang suntukin niya si Quinn. At dala ng kalasingan ay sumalampakn siya sa damuhan. Pinigilan nina Finnix si Tito Carlos. Si Tita Andrea ay agad na dinaluhan ang anak. “Hinding-hindi ka na talaga magbabago!” sigaw niya sa anak. “Carlos please..” naiiyak nang pakisap ni Tita Andrea. “I will not going to tolerate that behavior, Andrea,” “But he is your only son!” “I didn’t raise a son like him.” Tila kinurot ang puso ko sa sinabi ni Tito Carlos. Umupo si Quinn at pinunasan ang labing dumugo. Kinagat ko ang ibabang labi. This is too much for him. Gusto ko siyang takbuhin at yakapin. Pero alam kong nakatali rin ang mga kamay ko. Nginisihan niya ang kanyang ama at tiningala. “I don’t need your name. I don’t even like it. Bakit ba kasi naging anak niyo pa ako!” “Wala kang utang na loob!” nanggagalaiting sambit ni Tito Carlos. Napayuko ako. Nasasaktan pa rin siya. Hanggang ngayon..nasasaktan pa rin at pilit lumalaban. Tumayo si Quinn at pinasadahan ng tingin ang mga kamag-anak. “What about you guys? Hindi ba kayo payag na ipa-DNA test si Mr. Ildefonso Mauricio? I don’t want to be mean but..gusto ko lang makasiguro.” Nilingon niya ako. Madilim ang mga mata. “Ako lang ba ang may gusto nito? Ako lang ba?” Sa pagkakataong iyon ay hindi ako umiwas ng tingin sa kanya. Hinayaan kong tingnan siya ng malaya. Ang kamay kong nananabik na haplusin siya ay walang lakas na gawin iyon. “Or do you want me to stop?” dugtong niya. Wala ni isa ang nagsalita sa amin. Namayani ang katahimikan. Nagpakiramdaman at napaisip. Hanggang sa magsalita ang Lolo Eugenio. “Tumigil ka na, Quinn. Walang patutunguhan ang gusto mo ngayon.” Kalmadong sagot ng Lolo. Napatingin ako sa kanya. “Lance, gusto ko nang magpahinga. Magsiuwi na kayo at tapos na ang hapunang ito.” tinawag niya ang nurse at nagpahatid na sa loob ng bahay. Nakatitig pa rin siya sa akin. Hinila ako ni Nanay para papasukin na rin sa loob. “Alright. I will stop right here.” Narinig ko pang sambit ni Quinn. “Tama na, pare. Relax ka na.” boses ni Finnix. Bago pa man din ako makapasok sa kwarto ko ay umagos na ang luha ko. Halos hindi ako makahinga. Umupos ako sa gilid ng kama at tinakpan ang mukha ng mga palad. Naglalaro sa isipan ko ang anyo ni Quinn habang ang lahat ay laban sa kanya. Walang sumang-ayon. At nasaktan pa ni Tito Carlos. Alright. I will stop right here. Paulit-ulit iyong nag-play sa utak ko. Inalala nang inalala ang mga panahong hindi pa kami ganito. Noong bago pa lamang at masaya. Darating pa kaya na magiging normal ang lahat? Siguro. Pero hindi na kapareho ng dati. Nakatulugan ko na ang pag-iyak at dala na rin ng hilo. Kinabukasan ay tanghali na naman ako nagising. Agad akong naligo at nag-ayos ng sarili. Pagkalabas ko ng kwarto ay halos nagkagulatan pa kami ni Rita nang may pagmamadali huminto sa tapat ng pinto. Tila humahangos. “M-mam Royal!” namumutla pa yata siya. “Bakit ka humahangos, Rita?” kuryoso kong tanong sa kanya. “Ang Don Eugenio niyo po..” natatakot niyang sambit at tinuro sa akin ang kwarto ng Lolo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD