Chapter 17
Royal
Alas-dyis na ng umaga. Nasa kwarto pa rin ako at ang pakiramdam ko ay walang gana. Sinubukan akong palabasin nina Tatay para mag-almusal pero tumanggi ako. Ginugutom ba ako? Ni hindi ko iyon maramdaman. Katulad nang hindi ko na maramdaman ang paglandas ng luha ko sa aking pisngi. Namamanhid na at maga na ang mga mata ko. Kung iiyak man, wala na akong maramdaman.
Natatakot akong lumabas at makita ng mga magulang ko ang itsura ko. Buong magdamag..buong magdamag akong umiyak. Naninikip ang dibdib. Basang-basa ang aking unan dahil sa luha ko. Patuloy akong umuusal ng tanong sa maykapal..paulit-ulit na ‘bakit’. Hanggang sa maubusan ako ng idudugtong at niramdam na lamang ang hapdi dito sa puso ko.
Bakit si Quinn? Bakit ako? Bakit nangyari ito? Bakit ang pamilya ko ang biktima ng tadhana?
Pero wala naman akong makuhang sagot sa Kanya. Na para bang kapag tinanong ko ay agad Niyang masasagot iyon. Hindi naman, ’di ba?
Bumangon ako at tiniklop ang aking tuhod. Niyakap ko ang mga binti at pinatong ang mukha sa ibabaw ng tuhod ko. Marami akong ginawang mali. At gustong-gusto kong ipagsigawan ang sakit na nararamdaman ko. Gustong kong ilabas pero..hindi ba ay mapapahiya at masasaktan lang din ako?
Sina Tatay, Nanay at lalo na ang Lola Mila.
Muli ko na namang naramdaman ang pagsisikip ng lalamunan ko at pagbalong ng luha sa mga mata ko. Agad na lumabo at umalpas ang masaganang luha sa akin. Tahimik akong humikbi. Sinasanay ang sarili sa pag-iyak ng walang maingay na hikbi.
Naisan ako. Nalamangan. Nagpakamang-mang sa isang lalaki. Sa isang lalaking una kong minahal na tunay. Sa isang lalaki na pinag-alayan ko ng puso ko at buong pagkatao ko. Sa isang lalaking pinangarap kong makasama habangbuhay..iyon pala ay malaking kasalanan lang ang lahat.
Magkadugo kaming kami. Iisang angkan ang pinanggalingan. Iisang pangalan.
Napasinghap ako at nag-ipon ng hangin sa aking dibdib. Ito ang unang beses na umiyak ako ng ganito. Na para bang wala nang bukas na darating. My greatest heartbreak sa ingles. Ang tingin ko tuloy sa paligid ko ay kinakaawaan ako. Kung nagsasalita lang ang kumot, unan, bentilador at maging ang dingding siguro lahat sila ay kinakawaan ako. Minsan ka na lang magmahal, Royal. Naisahan ka pa.
Iyon ang palaging pumapalo sa isipan ko. Naisahan ako. Parang isang dayuhan na pumukaw sa isang mang-mang at nakaisa. Pero ang sabi niya ay mahal niya raw ako. Dahil mahal niya ako kaya ginawa niya iyon? Kaya hindi niya sinabing natuklasan niyang magpinsan kami? Kaya hinalikan at inangkin niya ako? Kaya pinakasalan niya ako?
Ang makasarili nun. Hindi niya man lang inisip ang mararamdaman ko. Kung ano ang mararamdaman ko kapag nalaman kong inasawa ko ang pinsan ko!
Muling nalukot ang mukha ko at humikbi ng iyak. Tinakpan ko ang mukha gamit ang kumot. Baluktot din ang pag-iisip kung ganoon. Dahil isang malaking kasalanan iyon. Sa mata ng batas at sa Diyos.
Ang sobra kong naramdaman noong magkasama kami..doble ang sakit na pinataw sa akin. At huwag na sanang malaman pa ng buong pamilya. At kung sakali mang malaman ng mga Altamirano..meron silang kapangyarihan na itago at ibaon sa limot ang lahat.
Hindi na nagtaka pa ulit na gambalin ako nina Tatay kanina bago sila umalis. Ang Lola ay nasa kanya lamang kwarto.
“Royal..”
Napalingon ako sa nakasarado kong bintana. Agad na sinalakay ang dibdib ko nang makarinig ng boses mula sa labas ng bintana.
Boses ng isang babae..
“Royal nand’yan ka ba?” ulit niya.
Napaawang ang labi ko nang makilala ang boses na iyon. “Lelet..” bukangbibig ko.
Mabilis akong tumayo at binuksan ang bintana. Nasilaw pa ako nang salubungin ng sinag ng araw ang loob ng kwarto ko. Humapdi pa nga ang mga mata ko.
Nang masanay ko sa liwanag ay saka ko lang naaninag si Lelet. Nakatayo sa harap ng bintana suot ang usual nitong pambahay na palda at T-shirt. Ang pampaa ay gomang tsinelas. Ang buhok ay nakalugay. Ngumingiti pero ramdam ko ang alanganin sa kanyang mukha nang makita ako. At may hawak siyang isang mangkok na may takip na plato.
Nahihiya niyang tinaas ang isang kamay at kawayan ako. Halos hindi na nga niya naitaas sa hiya. “H-hello, Royal..ah..a-ano..” tumikhim siya at tumuwid ng tayo. “N-nagluto kasi si nanay ng sinigang na hipon..marami siyang niluto kaya dinalhan kita. A-alam ko kasing paborito mo ’to kaya..d-dinalhan kita.” Mautal-utal niyang sabi sa akin.
Tiningnan ko ang hawak niya. Ginagalaw-galaw ang mga daliri, halatang mainit pa iyon. Kaya tumango ako at itinuro ang harap na pinto ng bahay.
Pinagbuksan ko siya at pinapasok na rin. Binaba niya ang mangkok sa ibaba ng lamesa namin. Ako naman ay tahimik na kumuha ng pagsasalinan sa ulam. Binalik ko sa kanya ang mangkok niya at nagpasalamat.
“S-sige, Royal. Uuwi na rin ako..pakisabi na lang sa Lola Mila na dumaan ako dito. Sige.” Agad niyang paalam.
Lumabas kami ng bahay at tahimik ko siyang hinatid hanggang sa mababa naming bakuran. “Lelet..” basag na boses kong tawag sa kanya.
Mabilis siyang lumingon sa akin. “Mmm?”
Kumawala na naman ang luha sa mga mata ko kaya namilog ang mga mata niya.
“Royal bakit ka umiiyak?” hintatakot niyang tanong sa akin.
At bago pa ako tuluyang umiyak ay mabilis akong humakbang palapit sa kanya at niyakap ang matalik kong kaibigan. Binuhos ko ang luha sa kanyang balikat na parang umiiyak sa lumisan kong kaibigan.
Hinagod niya ako sa aking likuran. Hindi na siya nagsalita pa. Alam ko naman..ramdam niyang may pinagdadaanan ako.
Pumunta kami sa mataas na bahagi ng lupa ng hasyenda Rosemarie. Sa paborito naming puntahan tuwing magkasama. Ang parte ng Rosemarie na bihirang puntahan ng mga tao.
Umupo kami sa tuyong damo at pinagmasdan ang tubuhan at ang malayong hasyenda.
Malungkot akong ngumiti. “Kahit papa’no nabawasan ang nararamdaman ko nang makita kita ulit.” Putol ko sa pagmumuni-muni namin.
Nilingon ako ni Lelet. Tinitigan ako. O mas maiging sabihing sinusuri niya ako. At ramdam ko pa rin ang hiya niya sa akin. “Royal..I’m sorry.” Imbes ay sagot niya.
Nilingon ko siya. Paano ko ba sisimulan?
Nagbaba siya ng tingin. Tinungo ang damuhan at pinaglaruan ng mga daliri. “Malaki ang kasalanan ko sa ’yo, Royal.” Lumunok siya at suminghap. “Yung kay G-garett—”
Agad ko siyang hinawakan sa kanyang kamay kaya nahinto siya sa ginagawa niya. “Tanga kasi ’yang si Garett. Ikaw pala ang mahal pero ako ang niligawan. Dapat ay matagal na niya iyong ginawa..ang puntahan ka.” putol ko sa kanya.
Napaawang ang kanyang labi. Nginitian ko naman siya kahit nahihirapan. “Pero Royal—”
“Hindi mo kasalanan, Lelet. Alam kong nagmamahalan kayong dalawa. Sa katunayan, pinuntahan pa niya ako sa bahay para sabihin ko sa iyong kausapin mo raw siya. Hindi para makipagbati sa akin. Kita mo? Mas concern siya sa iyo ng higit sa akin. Kung ’di ko nga lang hinamon ng itak ay hindi ’yun aalis ng bahay. Sana ay magkaroon na siya ng mukha para ipaglaban ka..”
At ang pait ay kumatas sa aking lalamunan. Natilihan ako sa sarili. Ako pa rin ang natamaan sa huli.
Iyong sa akin..handa naman siyang ipaglaban ako pero hindi pwede..
“Salamat, Royal. Hindi ko pa rin hinaharap si Garett..natatakot ako sa Lola Josefina niya at...sa ’yo.”
“Wala kang dapat na katakutan sa akin, Lelet. Alam mo, kung ’di ginawa iyon ni Garett ay hindi ko rin matatanto na hindi ko pala siya minahal talaga. Siguro ay paghanga lang. Pero malayo sa pag-iibigan iyon. Katulad ng kay..” hindi ko naituloy na banggit.
Dahil tila pinipiga ang dibdib ko. Walang katapusang sakit. Napasinghap ako. Nang bumalong ang luha ko ay hindi ko pinigilan ang pag-alpas nito.
“Ang sabi ni tatay ay dinala raw ni Mang Ricky ang mga magulang mo sa kabilang hasyenda. Balitang-balita ’yon kahapon..may kinalaman ba du’n kaya ka nasasaktan ngayon, Royal?” banayad na tanong sa akin ni Lelet.
Pinunasan ko ang aking pisngi. “Mahal ko si Quinn Altamirano, Lelet..” simula ko.
Suminghap siya at natigilan. “Altamirano? ’Yung binatang nagpapalakad ngayon sa hasyenda Esperanza?”
Dahan-dahan akong tumango sa kanya. Kumuyom ang aking mga kamao. Nahiya ako sa kaibigan ko. Pakiramdam ko sa mga hasyendero lang ako nauugnay. Na totoo naman.
“Ang sabi niya ay..mahal niya rin ako. Kaya..nagpakasal kami kahapon..”
Napatakip sa kanyang bibig si Lelet. Nasa kanyang mukha ang dalawang emosyon. Kung mangingiti ba o mangangamba sa akin. “Nag-asawa ka na! Masaya ako para sa ’yo, Royal.”
“Kung sana ay gano’n nga kadali,”
“Kung ang iniisip mo ay ang mga Santiaguel, mas maimpluwensya naman ang mga Altamirano dito sa atin. Kukunin ka niya, ’di ba? Wala nang magagawa sina Garett o ang Senyora Josefina pagdating dyan.”
Umiling ako. “Hindi pa rin kami pwede..”
Kumunot ang noo niya. “Bakit?”
“Anak ng Don Eugenio Altamirano ang tatay, Lelet. Magpinsan kami ni Quinn..” masakit na katotohanan. Humigpit ang aking lalamunan. Kinagat ko ang ibabang labi para hindi umiyak. Pero ang hirap.
Natigilan pa lalo ang kaibigan ko. Titig na titig sa akin. Hanggang sa ilang segundo ay kinabig ako at niyakap ng mahigpit. Sa kanyang balikat ay muli kong binuhos ang sakit na nararamdaman.
“B-bakit gano’n, Lelet? Gusto ko pa rin siya..” umiiyak kong sumbong sa kanya.
Tumango-tango siya. Naramdaman ko na rin ang mahina niyang paghikbi. At nagpunas ng sariling luha. “Hindi ko rin alam ang sagot, Royal. May mga tanong tayong walang makukuhanan ng sagot. Hanggang sa makuntento na lang sa kung anong meron tayo sa mundong ito.”
Napatakip ako sa aking mukha. Tinago sa iyak ang nararamdaman. Pero si Lelet ay patuloy akong hinagod sa aking likod.
Siguro nga..kailangan ko nang tanggapin. Kailangan na.
“Pero alam kong malalagpasan mo rin ito. Balang-araw..” nanginginig na boses niyang sabi.
Sa harap ng mga nililipad na dahon, halaman at puno. Saksi ang lahat ng ito sa pighating nararamdaman ko. Si Lelet ay dinama ang sakit. Ang matalik kong kaibigan ay hindi ako iniwan at inalu hanggang sa unti-unti akong tumahan. Humigop ako ng hangin at may pait na ngumiti.
Pinunasan niya ang luha sa mga pisngi ko at nginitian. Kung wala siya ay baka mabaliw na ako sa pag-iisa ng problema kong ito. Kahit papaano ay may nasasabihan ako.
***
“S-sir Carlos..!” nagulat kong sambit nang sa pagbukas ng pinto ng bahay ay nabungaran ko si Carlos Altamirano na kumakatok sa labas.
Tipid siyang nakangiti sa akin. Ang dala niyang sasakyan ay nakaparada sa tapat din ng bahay namin. At sa labas ng sasakyan niya ay nakabantay doon ang kasamang dalawa pang lalaki.
Agad akong napalingon kina tatay na nasa hapagkainan. Naantala sa pagsubo nang marinig ang nasambit ko.
“Nasa loob ba ang tatay mo, Royal? Pwede bang pumasok..” ang mababa niyang boses ay nakakakilabot.
“O-opo..opo! Pasok po kayo, Sir Carlos,” mabilis kong nilakihan ang bukas ng pinto.
Tumawa siya at kung hindi lang butas-butas ang bahay namin ay dumagundong na iyon sa loob.
“You shouldn’t called me like that. I’m your uncle, hija. You should call me ‘Tito’..” nakangisi niyang turan sa akin.
Tila sumikdo ang puso ko nang makita ko ang ngisi niyang iyon. Iisang mukha ang nakikita ko pagngisi niya. Kaya hindi na ako nakasagot at tipid na lang na ngumiti.
Pumasok sa loob si Sir Carlos. Sina ay tatay ay nagsitayuan na rin at nilapitan ang hindi inasahang bisita.
“Ikaw pala..kumain ka ba na? Sumabay ka na sa amin..” ang sabi ng tatay. Naghanap pa siya ng bimpo para maipunas sa bibig at mga kamay. Kitang-kita ko sa tatay ang mangha at galak nang makita si Sir Carlos.
“Carlos..” tawag sa kanya ng Lola Mila.
Nilapitan siya ng bisita at nagmanong. “Good evening po, Mrs. Mauricio. Pasensya na kayo sa biglaan kong pagdating sa bahay niyo, I hope you don’t mind,”
“Naku hindi, hijo. Halika at sumabay ka sa hapunan namin. Apo, ikuha mo ng bagong plato ang bisita natin,” utos sa akin ni Lola.
“Opo, Lola.” Tumalima ako at kumuha ng panibagong plato mula sa tauban namin.
Ang tatay naman ay kumuha pa ng plastic na upuan mula sa sala. Mabilis na pinunasan ay binaba sa tabi ni Sir Carlos.
“Salamat, Fonso.” Nangiting sabi niya.
Bumalik kaming lahat sa hapagkainan. Inasikaso ni Lola ang bisita namin. Ang ulam lang ay pritong isda, sabaw ng sinigang at kamatis na dinurog sa patis. Pero balewala iyon kay Sir Carlos at naging magana pa itong kumain na para bang sanay na sanay sa ganoong uri ng pagkain.
“Maraming salamat sa hapunan, Mrs. Mauricio, Fonso, Cari..” binigyan niya ako ng isang sulyap.
Kinabahan ako. Tumingin siya ulit kina tatay.
“Nanay Mila na lang, Carlos. ’Wag ka nang masyadong pormal, hijo.” Banayad na sabi sa kanya ng Lola.
Ngumiti naman si Sir Carlos sa Lola. “Salamat po, nanay Mila. But..I’m here to talk with you all..” bumuntong hininga siya at tumikhim, “Pumunta ako rito para sana..ayain kayong tumira na sa hasyenda.”
Natigilan ako. Maging sina tatay at nanay. Tiningnan ng tatay si Lola na patuloy pa ring nakatingin sa bisita.
Umayos ng upo si Sir Carlos mula sa silyang plastic. “Request ito ng Papa, Fonso. Gusto niya kayong makasama ng matagal. Nabanggit na rin niya sa inyo ang kagustuhang ipakilala kayo sa angkan natin. Ang mga kamag-anak natin mula sa kapatid ng Lolo Tomas ay gusto na rin kayong makilala.”
Tumikhim ang tatay. “Pero Sir Carlos—”
“Kuya Carlos, Fonso. Kapatid kita.”
Napalunok ako. Gustong manghina sa mga naririnig.
Hindi kaagad na nakapagsalita ulit ang tatay.
“Hindi ba at masyado pang maaga? Kahapon lang tayo nagkakilanlan na lahat. At saka..nagtatrabaho pa kami sa Senyora Josefina. Dapat pa naming ipaalam ang nangyari.”
Tumango si Sir Carlos. “I understand. Nasabi ko na rin ’yan sa Papa nang maalala ang estado ninyo rito. At handa kaming makipag-usap sa mga Santiaguel kung kakailanganin at kung aakusahan nila kayo. Pero duda akong mangyayari iyon dahil matagal na kayong nagtatrabaho sa kanila.” Nilingon niya ang Lola.
Walang nagsalita sa amin kaya nagpatuloy si Sir Carlos.
“Ang Papa ay matanda na at may kumplikasyon ang kalusugan..”
Nag-angat ng tingin ang Lola sa kanya.
“Ang hiling niya ay makasama pa kayong anak at apo niyang matagal na hindi nakasama mula pa noon. May mga kahilingan siyang gustong iparating sa inyo. Kaya sana ay lumipat na kayo sa hasyenda kahit pansamantala lang..I want my father to fulfill his wishes. Sana ay mapagbigyan ninyo ang Papa.”
Nag-angat ako ng tingin kay tatay. Kahit ang Lola ay sa kanya rin nakatingin. Sa ganitong estado ay alam kong na kay tatay ang desisyon.
“Bukod sa anak kong si Quinn ay si Royal na lang ang matatawag na apo niya. Nagkataon pang isa lang ang mga anak natin kaya medyo nalulungkot ang Papa. Ang mga apo sa pinsan ay hindi malapit sa Papa, maliban na lang kung kakausapin patungkol sa kumpanya sa manila..Kaya sana ay paluguran ninyo ni Quinn ang Lolo ninyo, Royal. Gawin ninyo ang lahat para mapasaya ulit ang Papa.” Derekta niyang hiling sa akin.
Narinig ko lang ang pangalan niya ay nagwala na ang sistema ko. Tila ako nawala sa sarili. Ang puso ko..madaling nakilala ang nakarating sa utak ko.
Hindi ko alam kung anong isasagot kaya tipid na lang din akong ngumiti. Mayroon siyang kakaibang titig sa akin. Yumuko ako at nag-iwas na lamang ng tingin.
“Magpapadala ako ng susundo sa inyo kung kailan ninyo gusto. Pero sana ay makalipat kayo kaagad. Fonso, Nanay Mila, Cari..” tiningnan niya ako ulit. “Royal, hija..”
Tumikhim ako. “S-sige po..” nalito na naman ako kung anong itatawag ko sa kanya.
“Tito Carlos, hija,” dugtong niya sa sasabihin ko.
“T-tito Carlos..” tila patalim sa lalamunan ko.
“Ilang taon din ang age gap ninyo ni Quinn. Kaya pwede mo siyang tawagin na ‘Kuya’ kung gusto mo, hija.”
Gusto ko sanang isagot, ayoko po. Pero pinigilan ko ang sarili. Naalala ko pa ang wedding ring ko. Nilagay ko pa lang iyon sa kahon ng sapatos. Mukhang kailangan ko rin iyong itago o..itapon.
Hindi na ako kumibo sa kanya. Ilang sandali pa ay tumayo na rin si Sir Carlos at nagpaalam.
Sa labas ay masinsinan pa silang nag-usap ni tatay. At kahit sa malayo ay nakita ko ang paglambot sa mukha ng tatay ko. Kinakabahan ako at natatakot.
***
Makalipas lamang ang dalawang araw ay pinasundo kami ni Sir Carlos sa bahay. Hindi na ako nagulat nang sabihan kami ni tatay na ihanda ang mga gamit namin. Una kong inintindi ang kagustuhan niyang makasama ang ama kahit sa sandaling panahon.
Isang araw bago kami umalis ay tumungo muna kaming lahat sa sementeryo upang madalaw ang Lolo Pepe. Tahimik kaming lahat sa harap ng puntod. Ang Lola ay hinaplos ang lumalabong lapida ng asawa.
Ang mga alaala ng Lolo ko sa akin ay kung paano niya alagaan at mahalin ang Lola Mila ko. Ang bawat tingin at titig ng Lolo Pepe ay palaging may kalakip na pagmamahal sa asawa. Hindi madaling magalit ang Lolo pagdating kay Lola. Lahat ay sinusunod nang walang pagtutol. Kaya nga sobrang mahal na mahal ni tatay ang Lolo. Ang katotohanang hindi siya anak nito ay masakit din para sa amin. Dahil hindi namin naramdaman na iba kami sa kanya. Ginawa niya kaming Mauricio.
Nang makarating kami sa hasyenda Esperanza ay nasa labas ng bahay at naghihintay na sa amin si Don Eugenio. Nakaupo pa sa kanyang wheelchair. Katabi ang kanyang personal nurse na lalaki.
Naroon din ang mag-asawang Carlos at Andrea. Si Sir Carlos ay sa malayo pa lang ay nakangiti na, pero ang asawa niyang si Ma’am Andrea ay walang reaksyon ang mukha.
Hinagod ko ng tingin ang labas ng hasyenda. Napalunok ako sa malakas na pintig ng puso ko. Wala siya sa labas.
Agad na ngumiti ang Don nang huminto ang sasakyan sa tapat ng hasyenda. Nang bumaba ang tatay ay tingala niya ang ama. Tinaas ng Don ang kanyang mga kamay sa kanya. Lumapit si tatay at sinalubong ng yakap ang kanyang ama.
Bago bumaba ng sasakyan ay nagpunas ng namuong luha si nanay. Sabay naming tinulungan na makababa ng sasakyan ang Lola Mila.
“Welcome home, Fonso!” maligayang bati ni Sir Carlos.
Naiiyak man ay pinigilan ng tatay na bumigay sa harap namin. Nagkamayan at nagtapikan sila ng balikat ng kapatid. Si Ma’am Andrea ay tumango lamang sa amin at saka nagpunta sa kusina para tingnan daw ang niluluto.
Pinasamahan kami sa aming mga kwarto sa katulong at sa mayordomang si Nimpha. Ang edad niya ay hindi nalalayo sa edad ng Lola ko o marahil mas bata lamang ng ilang taon..naka-french twist ang kanyang buhok at kulay gray na iyon. Nakasalamin na makapal. Maayos ang pananamit na tila ayaw nagugusot. Matipid lamang siya kung ngumiti.
Pinagbuksan niya ako pintong kulay barnis.
“Ito ang magiging kwarto mo, Senyorita Royal.” Sabi niya sa akin.
Pinasok ng kanilang tauhan ang dala kong bag. Nang makapasok naman ako ay napaawang ang aking labi. Napa-wow ako sa aking isip.
“Pinalinis na ito ni Don Eugenio at nagpalagay ng mga kaukulang gamit. May sarili ka na ring banyo. Kumpleto sa toiletries pero kung may gusto pa ay magsabi ka lang sa akin. Magpapabili ako.”
Agad akong napaharap sa kanya. “Naku, sobra-sobra na po ito, Mam! Napakalaki nga po nitong kwarto para sa akin. Okay lang naman po kahit sa iisang kwarto na lang kami ng Lola ko, Mam.”
Itong kwarto ay mas malaki pa sa pinagsamang sala at kusina sa bahay namin. Parang nakakalula kung mag-isa lang ako.
Tumaas ang mga kilay niya. “Hindi pwede ’yan, Senyorita. Ang kwartong ito ay para sa ’yo at may sarili ring silid ang Lola mo. At saka..” tumikhim siya at inayos ang suot na salamin, “’Wag mo na akong tawaging ‘Ma’am’. Hindi nababagay na itawag mo iyon sa akin gayung apo ka ng amo ko. Nimpha na lang.”
Napanguso ako. “Mas lalo po akong maiilang kung first name ko lang po kayong tawagin, Nanay Nimpha na lang po. Okay lang po ba?”
Umawang ng bahagya ang labi niya. Tumikhim at inayos ang kwelyo ng damit. “Kayo ang bahala, senyorita. Maiwan na kita.”
“Ay teka lang po, Nanay Nimpha!”
Huminto siya at hinarap ulit ako. “May kailangan ka pa, senyorita?”
Napahinto ako. Itatanong ko ba? Pero baka magtaka siya kung itatanong ko. Gusto ko sanang hanapin si Rita. Kaya lang ay baka magtaka siya kung bakit kilala ko ang isa sa kasambahay nila. Mauungkat pa iyong kay..
“W-wala po. Ingat po!” imbes ay sagot ko na lang.
Tinitigan pa niya ako at kumunot ang noo. Pero tinalikuran na rin ako at sinarado ang pinto.
Inikot ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Noong nandito ako ay hindi ko narating ang parteng ito ng hasyenda. Sabagay, bihag ako no’n ni..Quinn. At si Rita lang talaga ang kumakausap sa akin. Wala noon si Nanay Nimpha. Kasama lang kaya siyang dumating ng Don?
Napalaki ng kama. Kulay peach ang kulay. Ang makakapal na kurtina ay halik ng peach din ang kulay. Nilingon ko ang kanan ko, at nakita ang isang malaking flat-screen TV. Sa ilalim ay naroon ang isang DVD player. May drawer pa ilalim. Siguro naroon ang mga bala ng pelikula. Ngunit wala roon ang atensyon ko.
Nilakad ko ang carpeted na sahig. Halos lumubog ang mga paa ko. At nakakahiya dahil lumang-luma na ang suot kong sandals. Mumurahin pa.
Ang bango ng kwarto. Parang pinaikutan ng may halimuyak ng prutas. Matamis ang amoy. Masarap sa ilong. Ang dingding ay pinatungan ng wallpaper. Kulay gray iyon. Ang mga ilaw ay maliliit na pinaloob sa binutas na kisame. Marami iyon. Akala mo ba ay nagsasayang ng kuryente.
May isang malaking painting sa tapat ng kama. Tinitigan ko iyon ng matagal. Ang mga kulay ay nagkakagulo. Iba’t-ibang linya. Ang namumuong larawan ay isang mukha. Pero hindi ko alam kung babae o lalaki.
Tinungo ko ang banyo. Namangha ako nang makakita ng bathtub! Ang ganda. May mat sa tabi ng inodoro. Malinis na malinis at napakabango rin. May bote ng shampoo, conditioner, rolyo ng tissue at kahon-kahong sabon panligo. Sa malaking cabinet ay merong puting roba at tuwalya. Sa laki ng cabinet mahihiya ang mga dala kong damit. Ilang piraso lang kasi iyon.
Inanyayahan na ako ni Nanay Nimpha para magmeryenda. Napupuna ko ang malaking ngiti at malakas na pagtawa ni Don Eugenio habang kausap ang dalawang anak. Ang Lola naman ay nakangiting nakatingin din sa kanya. Nasa teresa sila at nagtsatsaa.
Kinagabihan ay nagtulong sa paghahain sina nanay at Ma’am Andrea. Mabait naman siya pero hindi nga lang palangiti.
Sa maghapon ay palaging magkakausap ang mag-aama. Kung minsan naman ay sina tatay at ang Don lang. Ipapasyal niya raw kami sa buong hasyenda. Nakita ko na ang iba rito kaya tumahimik na lang din ako.
Kamusta na kaya si William? Siguro naman masaya na siya sa piling ng mag-iina niya.
Namilog ang mga mata ko nang sa wakas ay nakita ko si Rita! Pero hindi niya ako nilapitan maliban na lang nang salinan niya ng juice ang baso ko. Tipid niya lang ako na nginitian.
Bumagsak ang mga balikat ko. Bukas na lang siguro kami mag-usap.
Nasaan kaya siya?
Wala siya pero walang bumabanggit sa pangalan niya.
Maagang nagpahinga si Don Eugenio. Kaya nagsipasukan na rin kami sa aming mga kwarto. Nagpalit lang ako ng damit. Pinatay ko ang ilaw at pumwesto na sa malaki kong kama. Si nanay Nimpha ang nagbukas ng aircon at tahimik akong iniwan pagkatapos.
Pinatong ko ang makapal na kumot sa aking katawan. Tumingala sa kisame.
Ganito rin kaya siya kapag mag-isa? Tumitingala sa kama bago matulog.
Mabilis akong umiling. Hindi. Hindi pwede, Royal! Tanggalin mo siya sa isipan mo! Kalaswaan na ’yan!
Bumuntong hininga ako. At sinikap na patulugin ang sarili. Pero namamahay ako. Kaya ang babaw din ng tulog ko.
Naalimpungatan ako nang makarinig ng paglapat ng pinto at pag-lock nito. Nakabukas ng kaunti ang mga mata ko pero hindi ako gumalaw. Iniisip kung anong oras na. Pumikit ako ulit. Pero—lumundoy ang kama!
Tila may gumuhit sa puso ko at mabilis nang tumibok. May nagtaas sa kumot at dumikit pa sa akin! Amoy..amoy alak pa!
Nang mabunggo ako ay malutong na nagmura si...Quinn!
Agad akong tumayo at binuhay ang ilaw. Pareho kaming nagulat nang makita ang isa’t-isa. Ang mukha niya..pulang-pula maging ang mga mata. Halatang lasing na lasing at tila babagsak anumang oras. At..at..nakahubad pa siya!!
Mabilis akong tumalikod. Wala siyang kahit na anong suot! “Mag..magbihis ka nga!” sigaw ko sa kanya.
“B-babe..nandito ka..” hindi makapaniwalang tono niya.
Kabadong-kabado ako. Bakit siya pumasok dito?!
Gusto kong lumingon sa kanya pero lasing siya at nakahubad pa! At nasa paanan ko pa ang hinubad niyang pantalon. Sinipa ko pa iyon patalikod para makuha niya.
“Babe..” tawag na naman niya sa akin.
Napapikit ako. “Magbihis ka, Quinn. Utang na loob—” nanigas ako nang yakapin niya ako mula sa likuran. Mahigpit na yakap. Siniksik ang mukha sa aking leeg. At ramdam na ramdam ko pa rin ang hubad niyang katawan!
“I missed you so much, babe. Are you here for me? Sabi ko na nga ba, babalikan mo ako.” bulong niya sa leeg ko.
Mariin kong nilapat ang aking labi. Tila isang bahay ang init ng yakap niya sa akin. Gusto kang iduyan pero alam mo sa sarili mong hindi pwede.
At nang dumadampi na ang labi niya, naghahanap sa akin ay kinalas ko ang mga braso niya. “Quinn! Tumigil ka!” pigil ko sa kanya.
Nilayo ko ang sariling mukha. Hinahabol ng labi niya ang mukha at labi ko.
“Tigilan mo, Quinn! Utang na loob.” madiin kong sabi sa kanya. Pero nagulat ako nang magbago ang expression ng kanyang mukha. Nagagalit. At hinawakan ako sa magkabila kong pulsuhan nang mahigpit. Nagdidilim ang kanyang mukha. “Q-quinn..ano ba..!” ginapangan ako ng takot dahil sa kanyang itsura.
Nagtaas-baba ang kanyang dibdib. “Sa akin ka lang.” may diin niyang sabi sa akin.
Mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang determinasyon sa kanyang mukha at mga nakakatakot na mga mata. Wala na ang kilala kong Quinn. Iyong masaya at palaging nanunukso sa akin. Ang nakikita ko na lang ay..galit at determinasyon.
“Q-quinn..”
“Sa akin ka lang. Akin lang, Royal.” Ang makakapal niyang kilay ay halos magdungtungan. Nagsasaboy ng apoy ang mga mata.
Ang sunod niyang ginawa ang nagpatili sa akin. Tinulak niya ako sa kama at agad na pinatungan. Nilagay ang mga kamay ko sa aking ulunan at marahas akong hinalikan sa labi!
Ang sigaw ko ay naipit na lamang sa aking lalamunan. Ang katawan ko ay pumapalag pero hindi sapat ang lakas. Mabigat ang kanyang katawan at malaki.
Madiin at masakit ang uri ng halik niya sa akin. Iniwas ko ang mukha pero mabilis niyang sinusundan. Walang takas at muling sasakupin ng kanyang labi ang akin.
“Hmmp!” impit kong daing. Tiyak kong mangangapal ang labi ko sa malupit niyang halik.
Hindi siya tumigil hanggang sa mapagod ako at ang labi niya ay naging mabagal. Mabagal na nang-aakit.
Bumaba ang kanyang labi sa aking panga at leeg. Nanginig ang aking labi. “Quinn please..tumigil ka na..” pakiusap ko sa kanya.
Ang katawan ko ay pumapalag. Pero ang puso ko..siya ang hinahanap.
Pumikit ako. Lumandas ang luha ko. Gusto kong haplusin ang kanyang mukha.
Binaba niya ang panjama ko hanggang sa aking tuhod. Pumwesto sa aking gitna at mabilis na ipinasok ang kanya. Umungol siya sa aking tainga at nagsimulang gumalaw sa aking ibabaw.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Nahihilam sa aking luha ang mga mata. Binitawan niya ang mga kamay ko at agad kong niyakap sa kanyang likuran. Walang bisa ang aircon dahil basang-pawis na agad ang likod niya.
Sa mga sandaling iyon ay mas nanaig ang kanyang ungol laban sa mga bulong sa isip ko. Yakap niya ako ng mahigpit at pinuno ng halik ang aking mukha at leeg. At mas bumilis ang galaw sa loob ko.
Inangkin niya ulit ang labi ko. Mas nakakaliyo. Mas nakakamiss.
Sinuklay ko ang buhok niya. Nalasan ko ang pait ng alak na ininom niya. Amoy sigarilyo rin. At saka ko lang din napansin ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata. Tila hirap na hirap nitong mga nakaraang araw na hindi ko siya nakita.
Kinulong ko ang kanyang mukha sa aking mga kamay at mariing pumikit. Hinalikan niya ako at nagwala sa ibabaw ko.
At nang matapos siya..hinalikan niya ako ng mariin. Minulat ko ang mga mata. Hinihintay na bumalik sa normal ang t***k ng mga puso namin. Tinitigan niya ako na tila naghahanap ng kalinga sa akin. Pero..
“Ito na ang huli. Tama na.” mahina kong sabi sa kanya.
Natigilan siya. Mali ang kanyang inaasahan.
Inaamin kong natakot ulit ako nang muling bumalik ang galit sa kanyang mga mata. Nagtagis ang kanyang bagang. Parang mananapak ng kung sino.
Bahagya siyang umangat at pinasadahan ako ng tingin. “Pinagbigyan mo lang ako, ganon ba?!” nagagalit niyang tanong.
Mariin kong nilapat ang tila wala nang pakiramdam kong labi. “Lasing ka. Wala ka sa katinuan. Hindi ka titigil hangga’t ’di mo nakukuha ang gusto. At ayokong mabulabog ang mga taong nandito sa hasyenda.”
Parang hinihiwa ang puso ko nang masaktan siya sa sinabi ko. Hindi ako pumikit o kumurap man lang habang nakatingin din sa kanya. Dapat na malaman niyang..hindi na ito mauulit pa.
Walang sabing umalis siya sa ibabaw ko..binitawan ako. Nang hugutin niya ang kanya ay lihim akong napasinghap sa paggalaw niyon at agad kong pinagdikit ang mga tuhod at tumagilid. Hinila ko pataas ang panjama at binalik sa dating ayos. Hindi na ako nagtakang bumangon pa. Alam kong sinuot na niya ang pantalon niya.
Pumikit ko. “Lumabas ka na..K-kuya..” halos gumaralgal ang boses ko sa huling sinambit. Agad akong napahikbi at tinakpan ng kamay upang hindi niya marinig.
Alam kong natigilan siya. Mararahas ang kanyang pagbunga ng hininga at mas rumahas pa. Ayoko siyang tingnan.
Hindi siya nagsalita. At ilang sandali pa ay ang paglapat ng pinto ang narinig ko. Nagpasalamat na lang ako at hindi niya iyon malakas na sinara. Kung hindi maraming katanungan ang ibabato sa akin bukas ng umaga.
Ang sakit ngayon ay sapat na para sa isang linggong iyak.