Chapter 16

2729 Words
Chapter 16 Royal Nalukot ang aking noo. Kung maaaring mapunit ito ay nangyari na sa akin. Pilit kong iniisip kung bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ito. At nasa tamang lugar pa ba ako? Panaginip lang hindi ba? Walang nangahas na magsalita pagkatapos ni Tatay. Nilingon ko ang asawa ko para humingi ng tulong. Ang sabi niya ay ipaglalaban niya ako. Pinangako niya iyon.. “Q-quinn..?” maingat kong tawag sa kanya. Nakatitig siya sa akin. Nagkatiim ang kanyang bagang. Anong nangyayari sa kanya? Tiningnan ko ulit ang mga magulang ko at si Lola. Ang Lola ko ay umiiyak na, inaalu ni Nanay. At si Tatay ay halos patayin na kami ng matalim niyang tingin sa amin ni Quinn. “P-paanong..?” nagsimulang manubig ang mga mata ko. Wala. Wala ni isa sa kanila ang gustong dugtungan ang sinabi ng Tatay ko. Wala ang gustong tumutol o tumawa man lang! “Apo..” banayad pero maawtorisadong tawag sa akin ni Don Eugenio Altamirano. Ito ang unang beses na nakita ko siya. Ang tanging alam ko sa kanya ay pinangingilagan ang kanilang pamilya at mahigpit na kalaban sa negosyo ng mga Santiaguel. Malupit. Iyon ang sabi nila. Pero ngayon..ni hindi ko makitaan ng kalupitan ang matandang ito. Tinaas niya ang kamay upang hikayatin akong lumapit sa kanya. Napaawang ang aking labi. Nang kumawala ang luha ay halos hindi ko na napansin pa. Lumapit ako sa kanya at inabot ang naghihintay niyang mga kamay. Ang bigat ng bigat ng pakiramdam ko. Nanginginig na mga kamay ko siyang tiningnan. Kinulong niya ang mga kamay ko sa kanyang palad. Ang ngiti ay tila nahihirapan. “Royal..ikaw ay aking apo rin. Ngayon ko lang din nalaman na nagkaroon kami ng anak ni Milagros bago kami nagkahiwalay. At iyon ay si Ildefonso..narito ang tiyuhin mo, si Carlos at ang maybahay niya, si Andrea. Ang mga magulang ni Quinn. May mga kamag-anak pa kaming naninirahan sa maynila. Ipapatawag ko sila para makilala ninyo at nang pormal ko na kayong ipakilala sa angkan natin.” Nakangiting sabi niya. Pero natulala lamang ako. Pakiramdam ko ay isa itong hampas ng delubyo. Tiyuhin ko ang ama ni Quinn.. pinakasalan ko si Quinn.. nanigas ang aking lalamunan nang ilang beses na pumarada sa isipan ang maiinit na gabing namagitan sa amin. Ilang beses at paulit-ulit namin iyong ginawa. Pagkatapos ay..sasabihin nilang..pinsan ko ang asawa ko? Panibagong luha ng kumawala sa akin. Binubugbog ang isipan ko at ang puso ko. Paano ba baliktarin ang lahat ng ito? Umaasa akong itatama ng asawa ko ang mga ito. Pero nanatili siyang walang kibo at umaktong tahimik na nagagalit. Nagpahanda ng marangyang salu-salo si Don Eugenio. Hindi gaanong masaya dahil sa hindi inaasahang rebelasyon at kahit na tumanggi ang Tatay ko ay pinigilan siya ni Carlos Altamirano. Ang Tatay ko..kahit na nagagalit ay nagpapakita pa rin ng respeto sa kanila. Umupo sa gitna ng mahabang lamesa ang matandang Altamirano. Sa kanyang mga gilid ay naroon si Carlos at ang Tatay ko. Katapat ng Nanay ko si Andrea, katabi ng Lola at naupo katapat si..Quinn. agad na sumakit ang dibdib ko at lalamunan nang masulyapan siyang titig na titig sa akin. Hindi siya kumikibo. Maraming nakahain sa mahabang lamesa. Ang mga pinggan at kubyertos ay nangingintab sa kinang. Nang magsimulang kumain ang matanda ay nagsunuran na rin ang lahat. Pero ako ay hindi makagalaw. Ang Nanay ko na ang naglagay ng kanin sa plato ko. “Anak kumain ka na.” bulong na udyok sa akin ni Nanay. Nagawa ko siyang sulyapan at hinawakan ang kutsara ko. Ngunit pinaikot-ikot ko lamang ang kanin sa kutsara ko. Hindi ko rin naman magagawang lunukin ito. Hindi ko kaya. Gaya nang kung paano ko mapapaniwalaan ang lahat ng ito. “Matagal na ba kayong magkakilala ni Royal, Quinn?” biglang tanong ng matanda sa kanya. Natigilan ako at nag-angat ng mukha sa asawa ko. Mula kanina ay hindi pa rin nagagalaw ang pagkaing sinandok ng Mama niya. Nagmistulan siyang patay na buhay sa hapagkainan at walang nangingielam. “Opo, ’lo.” Deretsa niyang sagot habang sa akin nakatingin. Bahagyang tumawa ang matanda. “Kung ganoon pala ay mas naunang nagkakilala ang magpinsan. Ang liit nga naman ng mundo..natagpuan ng isang Altamirano ang isa pang Altamirano. Sana ay nagkapalagayan kayo ng loob, hijo.” Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng labi ni Quinn. “I like her, Lolo.” Lihim akong napasinghap. Ngunit ang malakas na singhap ay nanggaling sa Nanay ko at kay Andrea. Habang ang mga lalaki ay natigilan. Hindi rin nakakibo ang matanda. Ang titig na binibigay sa akin ngayon ay humihiwa sa puso ko. Nanginig ang labi ko. Nang bumalong pa ang luha ko ay nagbaba na ako ng tingin sa kanya. Pero siya..ay nagpatuloy ng titig sa akin. Tumawa si Don Eugenio. “Mas maigi iyang nakasundo mo ang pinsan mo, hijo. Hindi na kayo mahihirapan pang hulihin ang isa’t-isa.” Napalunok ako. Hindi ko na kayang ipagpatuloy ang kinakain. Ngunit maingay na tumayo si Quinn at umikot sa pwesto ko. Kumalabog ang dibdib ko nang mapansin kong lalapitan niya ako! Kinuha niya ang braso ko at hinatak patayo sa kinauupuan. “Quentin!” matigas na tawag sa kanya ni Carlos. Ako naman ay natatakot sa paghatak sa akin ni Quinn. “Sorry, Lolo. I need to talk to her.” mariin niyang paalam sa matanda. Hindi na pinansin ang ama niyang galit na tinatawag siya. Nilingon ko ang mga magulang ko. Nasa mukha nila ang gulat. Tumayo ang ama ni Quinn. “Maupo ka, Carlos.” Maawtorisadong utos ng Don sa kanyang anak. “P-pero, Pa..” Hindi ko na narinig pa ang sinagot ng matanda at tuluyan na kaming nakalabas ng dining room ng hasyenda. Halos kaladkarin ako ni Quinn palabas ng bahay nila. Tinutumbok niya ang sasakyang gamit namin kanina. Tiningnan ko ang kamay niyang mahigpit ang hawak sa akin. Saan tayo dadalhin nito, Quinn? Pinatunog niya ang sasakyan at umilaw ito. Binuksan niya ang passenger seat para sa akin at tinakpan ang ulo ko habang pumapasok ako. Umikot siya sa driver’s seat nang umiigting ang mga panga pero walang balak na magsalita. Nang paandarin niya ang sasakyan ay hindi na ako kumibo. Nilalandas namin ang daan patungo sa bahay namin. Pinapakiramdaman ko lamang siya. Hanggang sa makarating kami sa bahay. Hinatak niya ako ulit at binitawan lang sa sala, “Dito ka lang. kukunin ko ang mga gamit natin sa kwarto.” Utos niya sa akin. Napaawang ang labi ko. Tila siya nagmamadali? Sinundan ko siya sa kwarto. Binuhay niya ang lampshade at binuksan ang maliit na cabinet doon. Nilabas niya ang duffel bag at binuksan. Kinuha niya ang ilang T-shirt at pantalon niya sa cabinet at pinasok sa loob ng bag. Nagmamadali ang bawat kilos. Napatda ako nang isilid niya rin ang bestida ko, ilang pambahay at maging ang jewelry box ko. “Quinn..” halos pabulong kong tawag sa kanya. “Get ready, babe. Aalis tayo!” Napaawang ang labi ko. “Aalis? Saan tayo pupunta?” Tumigil siya sa ginagawa at hinarap ako. “Sa Manila. I have a house there. Or pwede rin tayo sa isla ng kaibigan ko--anywhere! Basta makalayo lang tayo dito!” pinagpatuloy niya ang ginagawa. Natigilan ako. Manila. Isla? Lalayo kami..dahil.. “Aalis tayo kasi..t-totoo ang s-sinabi ng Lolo mo..?” Halos ikutin niya ang buong kwarto at naghanap ng maaaring ilagay sa bag niyang lumuluwa na ang laman. Wala naman siya sa sarili. “Wala akong pakielam sa sinabi ng Lolo! Basta aalis tayo dito!” halos isigaw niya sa mukha ko. Ibig sabihin..naniniwala siya..na magpinsan kami..! Napatakip ako sa aking bibig. Tuluyang kumuwala ang luhang kanina pang nakaantabay sa mga mata ko. Totoo..totoo ang sinabi nila.. Unti-unti akong napailing. Sumasakit na ang aking dibdib na tila sinasaksak ng punyal. “Hindi..hindi..Quinn..” awat ko sa kanya. Agad siyang tumigil sa ginagawa at nilingon. Umiling ako sa kanya. Umiiyak. “Hindi pwede..” Napaawang ang labi niya. Hindi makapaniwala sa nakikitang reaksyon ko. “Hindi pwede..” Inilang hakbang niya ako at kinulong ang mukha ko sa kanyang palad. Umamo ang kanyang mukha ngunit naroon din ang takot. “Ssh..babe..it’s okay, it’s alright..I said trust me, right? You can trust me..babe..” bulong niya sa akin. Umiling ulit ako. “M-magkadugo tayo..” kahit na nasasaktan ay nagawa ko pa ring sabihin sa kanya. “I don’t f*****g care! Dammit! They can’t ruin us! If I have to abduct you just get away from here—I’ll do it!” tinadyakan niya ang kama at nalikha ito ng ingay. Napaigtad ako sa gulat at takot sa kanya. Galit na galit siya. Nilingon niya ako at hingal na hingal. Agad na lumambot ang mukha at mahigpit akong niyakap. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na takbo ng puso niya. “I reserved tickets for the both of us, babe. Your passport is on process..just in case they found out about your father. We’ll fly to Europe kung saan malaya tayong mabubuhay.” Ako ang natigilan. Tinulak ko siya at tiningnan nang maigi. “Alam mo?” Hindi niya ako sinagot. Kumawala ang luha ko habang nakatunghay sa kanya. “Alam mo ang tungkol sa Tatay ko? Alam mo ang tungkol sa akin?” Hindi siya kumibo. Tuluyan ko siyang tinulak. Ang luha ko ay naging galit. “Pinakasalan mo ko kahit na alam mong..magkadugo tayo?!” halos sumigaw na ako. Sinubukan niya akong abutin pero humakbang ako paatras. “’Wag. Mo. Kong. Hahawakan.” Madiin kong sabi sa kanya. Nakita kong nasaktan ang siya sa sinabi ko. Pero may mas hihigit pa ba sa ginawa niya sa akin? “Asawa ko..” mahina niyang tawag. Matalim ko siyang tiningnan. Ano ba ang dapat kong maramdaman? Pandidiri sa kanya? “Alam mo na ang lahat pero nagawa mong..” nasa alaala ko ang lahat ng ginawa namin. Lahat. Napapikit ako at napahawak sa aking noo. Anong pagkakamali itong nagawa ko? Hinawakan niya at rumehistro ang bugso ng galit sa dibdib ko kaya agad ko siyang sinampal. Tumabingi ang mukha niya. Pero kulang pa iyon! Inulit ko ang sampal ko sa kanya. Inulit ko ulit. Inulit hanggang sa mapasigaw ako sa sobrang sakit ng dibdib ko. Hindi siya natinag kahit lumatay ang palad ko sa kanyang mga pisngi. “Bakit? Ha, bakit?!” sigaw ko. Hinila ko ang damit niya. “Anong kasalanan ko sa ’yo para gawin mo ’to sa akin, Quinn!!?” Hinintay ko siyang magsalita. Ang hangin sa akin numinipis. Binitawan ko siya at nagtakip ng mukha. Doon ay kinulong ang malakas kong iyak. Binuhos ang sama ng loob, sakit at sobrang kalungkutan. Ang kasal.. walang bisa ang kasal namin. Dahil kung tutuusin ay iisa lang din ang apelyido naming dalawa. Bigla niya akong niyakap kaya napasigaw ulit ako, “Bitawan mo ko!” galit kong sambit. Pero hindi niya ginawa. Pinagtatanggal ko ang mahigpit niyang braso sa dibdib ko. Pilit ko iyong kinalas. Nang hindi siya tuminag ay hinampas ko siya sa kanyang ulo. Tinagilid niya ang mukha. “Bitawan mo ko!” sambit ko ulit. Inulit ko ang paghampas sa kanya hanggang sa manghina ang yakap niya sa akin. Agad kong kinuha ang duffel bag niya at binalibag ko sa kanya. “Dahil sa ’yo--nandidiri na ako sa sarili ko! Napakasama mo! Napakasama mo!!” Manhid na ang mga kamay ko sa pagsampal ko sa kanya. Para siyang pader. Ginamit niya ang lakas at kapangyarihan para gawin sa akin ito. At kung lalapitan pa niya ako..baka sumuko na ako. Ngunit ang sunod niyang ginawa ang nagpaatras sa dila ko. Lumuhod siya sa harapan ko. Nakayuko at ang mga balikat ay unti-unting nanginig. Quinn..is crying.. “I..I’m sorry. I’m so sorry, babe..the first time I saw you—I already fell in love with you! So deep that I couldn’t help myself from drowning. I seduced you—yes I did to get you! Dahil iyon lang ang alam kong gawin! But I had you investigated..” Kinagat ko ang ibabang labi. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Pulang-pula ang kanyang mga mata. “If I could turn back time..I’ll still do the same. But I wouldn’t let anyone to know who are the real you. Just you and me..you love me too, right?” umaasam niyang tanong sa akin. Matagal ko siyang tinitigan. Umiling ako. Namilog ang mga mata niya. “Alam kong mahal mo rin ako! Aminin mo sa akin!” Napalunok ako. “H-hindi ako s-sigurado..” Bumilis ang kanyang paghinga at dumilim ang kanyang titig. “Ramdam kong mahal mo rin ako, Royal. You told me before and you whispered while you were moaning..please tell me you love me..” Mariin kong nilapat ang labi ko habang nakatingin sa kanya. Ano ba ang nararamdaman para sa kanya? Awa? “Nakakaawa ka, Quinn. Naaawa ako sa ’yo.” Sumikdo ang pait sa lalamunan ko. Natigilan siya. “What..” Tinalikuran ko na siya at tangkang lalabas ng kwarto pero ang mabilis ng kilos niya. Agad niya akong niyakap mula sa likuran ko at siniksik ang mukha sa aking leeg. “Don’t leave me, please..babe don’t leave me..” nagmamakaawa niyang bulong sa akin. Winaksi ko ang mga braso para makawala sa yakap niya. “Bumitaw ka..” banta ko. Umiling niya at halos halikan na ang leeg ko. Mas lalo akong nainis kaya nilakasan ko ang pagkalas sa kanya. “’W-wag mo kong i-iwan..’w-wag mo kong iwan..” nanginig ang kanyang boses. “Bitaw..” banta ko. Umiling siya sa leeg ko. Walang balak na bumitaw sa akin. Umikot pa siya sa harapan ko—lumuhod at niyakap ako sa aking baywang! “Quinn!” “’Wag mo kong iwan, Royal..” nanginginig na boses niyang sabi sa akin. Habang ang mukha ay nilubog niya sa tiyan ko. “Quinn ano ba! Hindi pwede ang gusto mo!” kaunti na lang..kaunti na lang..hindi ko na rin kakayanin.. “P-pwede pa! Itatakas kita! Lalayo tayo sa kanila..ilalayo kita. Magsama na tayo..” pursigido niyang aya sa akin. Napapikit ako. “Tumigil ka na..” “I love you. I love you. Please don ’t leave me..” “Tumigil ka na!” kinalas ko ang mga braso niya, nakawala ako. Agad akong tumakbo sa pinto at lumabas. Nagsisigaw siya at tinawag ang pangalan ko. Pagbaba ko ay napaigtad ako nang makarinig ng malakas na kalabog sa loob. Sumigaw siya ulit at isang malakas na bagay ang pumalo sa dingding. Pinigilan ko ang sariling lumingon at tumakbo na palayo sa bahay. Hindi ko na namamalayan ang pag-agos ng luha ko. *** Ridge Yumakap ako sa likuran ng asawa ko at siniksik ang mukha sa kanyang leeg. Oh..how I love her addicting sweet scent. I heard her soft giggles as I gave her featherly kisses on her soft skin. “Ellie ko..” I huskily whispered. Though I really don’t want to leave her and the kids, “Something’s came up. I have to go to Dale’s house..” paalam ko sa kanya. Nilingon niya ako at bumadha ang pag-aalala sa kanyang magandang mukha. Oh no. No, my wife. Ayokong makita ulit ang pag-aalala sa mukha mo. Not again. After our wedding, you faced too much hurt too. It’s not going to happen again, mine. “May nangyari ba?” banayad niyang tanong sa akin. Niyuko ko ang mukha at siniil ko siya ng mariing halik. “It’s about Quinn. William’s said it’s important.” Kumunot ang noo niya, “May problema si Quinn? ’Di ba kakakasal pa lang niya? Okay lang ba si Royal?” Tipid ko siyang nginitian. “Hindi ko pa po alam. Babalik ako kaagad pagkatapos, mine. I have to go..” I kissed her once again. She understandly nodded at me. “Okay. Ingat sa pag-drive.” “I will. Love you.” “Love you!” she smiled at me. I fist bumped with Shane and my toddler Emerson in their playroom. Soon, I will have to put up a doll house for my daughter. Is fist bump will be fine with her too? Mmm..okay it’s just fine. I grinned. I drove my car to Dale’s house. Sa labas ay nakita ko na ang nakaparadang sasakyan nina Lennox, William at Quinn. Wala pa akong ideya kung anong emergency ang tinutukoy ni William. Alam naman nilang nagpakasal na si Quinn, umattend pa ako. He was happy and very aggressive with her wife. Though she’s young. But I knew then, Quinn’s eyes locked in her. He was smitten. No doubt. And my wife wants to meet her. Just like Jam July, Shannon and Paula. Naikwento na rin ni William sa asawa niya. Si Jam July ang nagbukas ng pinto sa akin. I found her worried face. “Where are they?” tanong sa kanya. I am amused. “Sa library, Ridge. Mukhang ’di okay si Quinn.” Malungkot niyang sabi sa akin. Tumango na lang ako at tinungo ang library ni Dale. Nakabukas ng bahagya ang pinto. And from there, natanaw ko ang pagtatalo ng apat. Tumayo ako sa tabi ng pintuan. And Quinn is looking insane in here. “Tutulungan niyo ko hindi ba? ’Di ba?” nanginginig niyang tanong sa tatlong kaibigan. Hindi sumagot ang tatlo. Si Dale ay tahimik na nakaupo sa kanyang swivel chair. Lennox was sitting comfortably on the couch. At si William ay nakapamulsa habang nakatingin kay Quinn. Na nakatayo sa gitna ng kwarto. “Dati ako ang palaging tumutulong sa inyo sa tuwing nangangailangan kayo! Bakit ngayong ako naman ang humihingi ng tulong..tahimik kayo!” he angrily said. “Tumigil ka na, Quinn.” Marahang sagot ni Dale. “Bakit ako titigil ha, Dale? Isang tawag niyo lang dumarating na agad ako sa inyo! Isang utos nyo lang gagawin ko agad. Isang sabi lang, bakit hindi niyo magawa naman sa akin!” Nagtinginan ang tatlo. Nag-angat ng tingin sa akin si Dale. Giving me a cursory nod to Quinn. I heaved out a sigh. “Alam mo kung bakit. Pinsan mo si Royal. Hindi kayo pupwede na dalawa.” Sagot sa kanya ni Lennox. Fuck? Kumunot ang noo ko. Pumasok na ako at sinarado ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD