Chapter 1

2837 Words
Chapter 1 Ellie Oceana Napahinto ako sa bukana palang ng pintuan nang mapansin ko ang kalat-kalat na pares ng mga sapatos sa labas. Tumaas ang aking kilay nang mapagtanto ko ang ibig sabihin nito. Tapos na talaga ang bakasyon kaya bumalik na rin ang mga kaklase kong nagsiuwian sa kani-kanilang probinsya. Kumpleto na ulit sa paborito naming tambayan! Hindi na ako nag-abala pang hubarin ang sapatos ko at ihalo sa kanila. May kaunting excitement ay dere-deretso akong pumasok sa loob ng sala. I barely ignored Wesley making out with Yumi at the kitchen counter. Napuno ng usok mula sa sigarilyo ang sala ng bahay ni Rica at tawanan mula sa umpukan ng barkada. I readied my big smile dahil talagang na-miss ko ang mga kaibigan ko. “Ellie! ’nak ng..gumanda ka ah! Ano’ng ginawa mo?” Dere-deretso akong sumalampak sa malapad nilang sofa habang nakadaong sa akin ang mga pagbati nila. I even saw Wesley interrupted with my presence. I smirked. Nilingon ko si Andrew. “Natulog? Kain at saka tulog! Ang daya n’yo hindi kayo nagpasabing magsisiuwian kayo sa mga probinsya n’yo!” Tudyo ko. Though, alam ko naman kahit na yayain nila ako ay hindi rin naman ako papayagan ni Tita Flor. At malamang, ipapaalam pa iyon kay Mama. Ang dyahe! “Akala mo naman, papayagan siya..” Napahinto ako sa pagdakot ng Piatos at nilingon si Rica na kasalukuyang nakikipaglampungan sa nobyo niya. I made a face at her. Kung para sa kanilang lahat ay mas kilala niya ako at siyang pinakamalapit na kaibigan ko. “Ligawan na kita, Ellie?” Napahinto kami sa tawanan ni Rica nang biglang sumingit sa usapan si Alec. Hindi ko alam kung tatawanan ko ba siya o ipagpapasawalang-bahala na lamang. Two months ago, ay panay ang pahangin niyang liligawan niya ako. That time, may girlfriend pa siya, kaya paanong gusto niya akong ligawan? Tiningnan ko siya at saka inirapan, “Pumila ka.” Sagot ko. Sinundan naman iyon ng tawanan ng lahat. “Wala pa ba kayong balak na pumasok? Magwa-one na ah..” Tumayo si Rica at nilapitan ang pintong nakasara. Kumunot ang noo ko, ano’ng meron doon? Napabaling pa ako kina Wesley nang tumawa ito sabay subo ng sigarilyo. “Hinihintay pa namin matapos si Iñigo, nag-enjoy ang loko.” Tudyo niya. Mas lalong kumunot ang noo ko nang mapaisip kung sinong Iñigo ang tinutukoy niya. Pinasadahan ko ng tingin ang buong barkada. Kumpleto naman sila rito maliban kay Iris na malamang ay nasa classroom na, ayaw kasi no’n na sumamang tumambay dito lalo na’t uubo lamang iyon ng usok ng sigarilyo. Kinatok ni Rica ang kwarto. “Hoy! Kanina pa kayo d’yan! May pasok pa tayo!” Sinundan pa niya iyon ng hagikgik. Napaawang ang labi ko..hindi kaya. Oh, no! Tinotoo nila ang secret deal? Bago pa ako makapagtanong ay bumukas na ang pinto ng kwarto at unang lumabas ang babaeng nagmamadali pang suklayin ang buhok at hatakin ang humilis na maiksing palda niya, Si Karissa ba iyon? She had her lipstick smudged! Damn it! Uminit ang magkabila kong pisngi nang mapagtanto ko ang namuong eksena sa loob. Lalo pa ng ang sumunod sa kanya ay ang nagbibihis na transferee last year na si Iñigo Sandoval. He look..eww! Patagong tinawanan ni Rica ang babaeng dumaan sa harapan niya. I know Karissa. College student na ito na pumapasok sa kolehiyong malapit sa eskwelahan namin. Dati kasi ay hanggang balita lang ang alam ko na pumapatol ito sa mga High School students, but knowing that we’re all Juniors, ha! Confirmed! Napuno ng buyo ang sala pagkatapos makaalis ni Karissa. Binato pa ng crumpled tissue ni Mark si Iñigo na ngayon ay may malapad na ngisi. Akala ko pa dati matino ’to, kaugali lang pala nina Wesley. I scoffed. “She’s wild.” Komento niya matapos ayusin ang nagusot na manggas sa uniform. Napangiwi ako sa narinig, kahit na nag-ingay sina Wesley, Andrew, Mark at Alec. Tumayo na ako para pumasok na sa eskwela. Maging sina Rica at Yumi ay sumunod na rin sa akin. *** Hanggang sa makapasok sa klase ay pinag-uusapan pa rin ng mga lalaki ang nangyari kanina. Nalulukot talaga ang mukha ko tuwing nagtatanong sina Andrew, akala mo ba’y hindi pa niya nararanasan kung makaarte, e sila nga ay dinaanan din iyon. O baka kalahati ng mga lalaki sa third-year, section five ay dumaan sa ‘secret deal’ initiation nina Wesley. Umupo ako sa tabi ni Iris, ngunit hanggang sa pwesto ko ay dinig na dinig ko pa rin ang malakas na tawanan at buyo no’ng mga damuho. “So, kamusta naman sa unang sulong? I bet, hindi na rin virgin ’yong si Karissa. Dumaan na ’yon kay Wes eh!” “Magaling ba ’yon sa ibabaw? Iyong kasing napunta sa’kin, mas ako ang gumagalaw. Pero magaling mag-blow!” Ani ni Alec sabay lingon pa sa akin. Kadiri! Inirapan ko na lang siya at kinuha na lang ang notes ko para sa first subject namin. Muntik pa akong mapaigtad sa kinauupuan ko nang biglang hinampas ni TJ ang lamensa. Kumunot ang noo ko sa kanya, “Ano’ng problema mo?” May halong inis kong tanong sa kanya. He scoffed sarcastically, “Ako pa ang tinanong mo kung ano’ng problema ko? E, ikaw Ellie, ano’ng trip mo? Isang linggo pa lang ang nakakalipas mula nang maging tayo, tapos nakikipag-split ka na?” Naghahasik ang kanyang mga matang namumula sa galit. Nabasa na niya iyong text message na kaka-send ko pa lang. Ngunit hindi ako nagpatinag. Sumandal ako sa upuan ko at humalukipkip sa kanyang harap. Bumuntong hininga ako. Wala naman akong problema kay TJ. Pangatlo na siya sa naging boyfriend ko, gwapo, mayaman at matalino. Nasa special section pa siya at consistent first honor. Kaya lang, wala naman akong feelings sa kanya. Ang batas ko, pitong araw lang ang itatagal ng magiging boyfriend ko at pagkatapos, ibe-break ko na. Pasalamat pa nga sila at sinagot ko pa! Iyong iba nga’y umuuwing sugatan ang bulsa. “Pwede ba TJ, h’wag ka ngang painosente d’yan. Alam kong alam mo, kung ano’ng nangyayari sa mga nagiging boyfriend ko. Nakapitong-araw ka na kaya break na tayo.” “But today’s our weeksary! I prepared something for you,” Bigla ay umamo ang mga mata niya. Bahagya akong nagulat, pero agad din akong nakabawi. Hindi ko akalaing may weeksary pa siyang nalalaman. Doon sa dalawang nauna’y nagalit lang. “Pasensya na TJ kaya lang, ayoko na. Break na tayo.” Kinuha ko kaagad ang bag ko at tumayo na upang makalabas muna ng classroom. He was about to yank my arm but I immediately swayed it away from him with no regrets. Tinawag niya ang pangalan ko, pero hindi ko na siya nilingon pa. That’s how my life goes since last year. Nagsimula akong mag-entertain ng manliligaw noong second year high school ako, pareho kami ni Rica pero ang pagkakaiba lang, siya tumatagal ng buwan ang nakakarelasyon niya. Sila nga ni Mark ay maglilimang buwan na. Pero ako, madali akong magsawa. Matapos ang isang linggo ay hihiwalayan ko na. Wala naman kasi akong maramdaman pero kapag nireregaluhan nila ako at binibigyan ng atensyon, doon nila nakukuha ang loob ko. Kung sa iba’y kababawan ang ginagawa ko, well, I’m enjoying it. Hindi ko naman sila pinupwersang bilhan ako ng mga bagay na mas mahal pa sa allowance nila. Kusa nila iyong binibigay para maging girlfriend ako. “Oh, ano’ng nangyari kay TJ?” Kumunot ang noo ko habang umuupo sa tabi ni Rica sa isang bench sa ilalim ng puno ng Narra. Napapaypay pa ako ng sariling kamay dahil sa init at butil-butil pa ang pawis ko. Nagkibit-balikat ako, “E’di nagalit. Akala ko nga ay magwawala pa.” “Hindi ka pa nagsasawa sa batas mong iyan? O kaya’y hindi ka pa nakokonsensya?” Binigyan ko siya ng tinging hindi makapaniwala, “Wow ha! Porke’t nagtagal kayo ni Mark, gusto mo gumaya na rin ako sa inyo? No way! Masaya kayang maging single.” “Ellie, hindi ko naman kasi sinabing, gumaya ka sa’min ni Mark. Ang sa’kin lang, bakit hindi mo na subukang magseryoso? Hangga’t tatlo pa lang ang tinatamaan niyang batas mo, subukan mo nang tumanggap ng seryosong relasyon.” Panandalian akong hindi nakahuma sa sinabi ni Rica. Hindi naman ako tinamaan, ayoko lang siyang patulan. Siguro nga’y kailangan ko nang tanggapin na sabay lang kaming tumanggap ng mga manliligaw pero magkaiba pa rin kami ng pananaw pagdating sa pakikipagrelasyon. Nakanguso kong pinaglaruan ang aking sapatos at pinaikot-ikot sa tuyong dahon. Hindi naman ako ganoong ka-lebirated. Iyong tatlong naging boyfriend ko sa loob ng pitong araw at puro holding hands at halik sa aking pisngi ang pinapayagan ko. Hindi ko pa rin naiisip kung ano’ng plano ko pagdating dyan, ang mas priority ko ay nag-eenjoy naman ako. *** Eksaktong 12:45 ay nasa labas na ko classroom namin. Ako pa ang una sa pila kaya nakikita ko pa ang klaseng pang-umaga habang tahimik na sinusulat ang lecture sa pisara. Inikot-ikot ko ang aking paa sa sahig habang hinihintay silang matapos. Tinext pa ako ni Rica na nasa tambayan sina Wesley at may bago raw pumatol sa secret deal with a new college student. Pinapapunta niya ako pero tumanggi ako. Alam ko namang pandidirihan ko lang ang ginagawa nila Wesley. Palibhasa, mula first year ay sila na ang naghahari sa section five kaya hanggang ngayon kapag may bagong lipat na estudyante ay may initiation silang pakulo. But this year, lumevel up ang trip niya. “Ellie..” Nag-angat ako ng tingin sa babaeng tumabi sa akin, ang mahinhing si Iris. Nginisihan ko siya. “Ikaw lang?” Tanong niya sabay lingat ng tingin sa kabilang gawi ng hallway. “Nasa kina Rica pa sila. May bago raw e.” Nalukot ang mukha niya pero nandoon pa rin ang kahinhinan. Kung minsan tuloy napapaisip ako kung paanong sa amin napalapit ito e. Bukod sa masipag sa pag-aaral, napakabait pa. Samantalang kami, umaasa sa pass-the-message kapag exams. “Sabihin mo sa kanila, nakakahalata na si Ma’am Abenalis. Amoy na amoy daw kasi ang usok ng sigarilyo sa kanila.” Napahinto ako sa ginagawa, “Talaga? E’di maganda! Ang lalakas kasi no’ng magyosi e. Hayaan mo, hindi ko sasabihin!” Humagikgik ako at napatakip ng bibig. Curious niya akong pinagmasdan. Hindi naman sa tinatakwil ko silang kaibigan, pero suportado ko talaga kapag napagsabihan sila tungkol sa paninigarilyo. Napatingin ako sa loob ng classroom. Na-freeze ang ngiti ko nang matigil ang mga mata ko sa lalaking walang kurap na nakatitig sa akin. Tila nangingibaw ang pintig ng puso ko at nakaramdam ako ng nerbyos. Nerbyos? Hindi! Sadyang pumintig lang ng mabilis ang puso sa lalaking nakatitig sa akin. Among the other students, siya ang may malaking bulto ng katawan. Ang lapad ng kanyang balikat ay nakakahiya sa upuang kinasadlakan niya. He’s even tall! Kahit nasa likurang bahagi ay siya agad ang makikita. Munting napaawang ang kanyang labi, but I was captured by his deep brown eyes. Tila banyaga ang tingin ng kanyang mga mata. Kayumanggi ang kanyang balat pero halata sa tindig niya ang may halong lahi. Nagtagal ang titigan namin hanggang sa napaigtad ako sa gulat ng tumunog ang alarm. Umingay ang iba’t-ibang classroom kasabay ng paglabas ng mga pang-umagang estudyante. “Hi, Ellie!” Naagaaw ang atensyon ko sa 4th year na bumati sa akin, kaklase nito iyong kakitigan ko kanina. Nginitian ko na lamang siya pabalik. “Wala na raw kayo ni TJ? E’di, pwede ka na ulit ligawan? Bigay mo na number mo sa’kin,” Sabi niya sabay kagat ng kanyang labi. Nakaramdam ako ng inis sa kapreskuhan niya. Papatulan ko na sana nang biglang may umakbay sa kanya at hinila siya palayo sa amin. “Tama na ’yan. Tanghaling tapat nanliligaw ka na!” Kumunot ang noo ko. Iyon ’yung lalaking katitigan ko kanina! “Teka, Ridge! Kukunin ko lang muna ‘yong number niya! Hoy!” Umalma iyong classmate niya pero sa tangkad ng tinawag niyang ’Ridge’ ay nagpatianod na lang ang lalaki. He dragged him away, pinagmasdan ko sila hanggang sa humalo sa iba pang nagsisiuwiang estudyante. “Pasok na tayo sa loob, Ellie.” Nalipat ang tingin ko kay Iris na ngayon ay naunahan pa akong pumasok sa loob. Tumango ako sa kanya, pero bago pumasok ay isang beses ko pa sanang titingnan ang mga 4th year student na iyon. Ngunit tila na nagpyesta ang mga kulisap sa tiyan ko nang maabutan kong huminto sa paglalakad iyong si Ridge at mataman akong tiningnan. Halos magkanbuhol-buhol ang pintig ng puso ko sa deretso niyang tingin sa akin. Kahit yata ihalo ito sa mga estudyante ay mag-i-standout pa rin siya sa ilan. “Excuse me, hindi ka pa ba papasok sa loob? Nakaharang ka po sa pinto,” Napukaw lamang ang atensyon ko nang magsalita sa likuran ang isa ko pang kaklase. Naiirita na ang mukha niya sa akin. Uminit ang mukha ko sa pagkapahiya pero agad ding nakakilos papasok sa loon ng classroom. Hindi ko na siya nilingon kahit pa parang hinahatak akong tumingin sa labas ng bintana. A perfectly one fine figure was staring at me outside the window. *** Inayos ko muna ang manipis na kutsong nakalatag sa papag. Hinilot ko ang aking mga binti dahil sa dami ng ginawa ko kanina sa lugawan. Talagang hindi ako tinantanan ng amo ko at sinulit yata ang pasuweldo sa akin. Pahiga na ako nang tumunong ang luma kong cellphone. Rica calling.. Agad akong napangiti at excited na tinanggap ang tawag ng kaibigan. “Hello, Rica!” “Buti at naabutan pa kitang gising,” Bungad niya sa akin. “Papatulog na ako nang tumawag ka. Ano’ng atin? Nag-away ba kayo ulit ni Mark?” Napakislot ako sandali nang makaramdam ng discomfort sa aking tiyan. Ngunit agad din namang nawala kung kaya’t nasabik akong muli sa kaibigan. “Hindi ’no! Gusto lang kitang kamustahin. At saka, nagpadala ako ng pera sa’yo ah. I-claim mo na lang bukas ng umaga.” Natigilan ako sa kanyang sinabi. Yumuko ako at pinagmasdan ang malaki kong tiyan. Sa sandaling panahon naman ay manganganak na ako, pero sadya yatang ito ang kabayaran ko sa nagawang kalokohan dati. “H-Hindi mo naman kailangan gawin na iyon, Rica.” Ilang beses na ba akong tumanggi sa bigay niya? Pero palagi ko ring tinatanggap dahil sa wala rin akong mapagkukunan. Wala akong ibang matatakbihan kundi ang kaibigan ko lang na matalik. “Tumigil ka nga dyan sa self-pity mo Ellie ah! Kung kailangang ako pa ang maghatid ng pera dyan sa’yo, gagawin ko. Hinahanapan ka na rin ni Mark ng malilipatan, syempre iyong mura muna.” Sabi niya sabay tawa. Ngunit batid ko ang iyak sa pilit niyang tawa. “Rica..” nanginig ang boses ko sa pagsambit sa pangalan niya. “Wag kang susuko, Ellie! Kakayanin mo ’yan, nandito lang kami. Lalong-lalo na ’ko, hindi kita iiwan.” Pinunasan ko kaagad ang lumandas na luha sa aking mga mata. Ganito ako kapag kausap ko siya, nagiging emosyonal. Sabi niya, baka dahil daw sa buntis ako. Ngunit sa loob-loob ko, dahil na rin sa dagok ko sa buhay. “N-nakita ko sila kanina.” Pumiyok pa ang aking boses nang may bumangong sakit. Napasinghap siya, “N-Nakita ka niya?” “Hindi..hindi ko rin kaya.” She heaved out a sigh, “Hayaan mo na. Kakarmahin din iyong dalawang ’yon! Mga bugok sila! Mga hinayupak! Ang kakapal ng mga mukha!” Bahagya akong natawa sa hinaing ni Rica. “Pag nasalubong ko talaga ’yong dalawang ’yon, pag-uuntugin ko sila at sabay kokompralin! Pag-aaralan ko pa kung paano pababagsakin ang kompanya ng gagong ’yon.” Naramdaman ko talaga ang pagmamahal sa akin ng kaibigan ko. Kung sana nga lang ay kaya ko ring ipagtanggol ang sarili--agad akong napahawak sa tyan ko, “R-Rica!” “Oh? Bakit?” Napangiwi ako sa sakit ng tyan ko!--kulang na lang magsisigaw ako sa sakit! “M-Manganganak na yata ako..” mahigpit akong napahawak sa cellphone at sa naabot kong upuan. Humihilab na ang tyan ko at pakiramdam ko ay hihimatayin na ako sa sobrang sakit na nararamdaman. Baby ko, please..wag mong pahirapan si Mama..masakit na masakit na. Sa kabilang linya ay naririnig ko ang iilang tunog na para bang hindi mapakali si Rica. Nang magsalita siya ay doon ko nga nakumpirma. “Te-teka, may kasama ka ba ngayon d’yan?” nagtanong pa na nagtanong pero halos hindi ko na rin naintindihan dahil halo-halo na ang sinasabi niya. May naririnig akong naglalaglagan at maingay na yabag. Tumatakbo siya palabas ng bahay niya. “R-Rica, ako nang bahala dito—” “Hinde! Papunta na ako! Tatawag na rin ako ng ambulansya para masundo ka d’yan, Okay? Hold-on, Ellie!” halos pasigaw na niyang sabi sa akin sa linya. Mariin akong napapikit. Kumilos ako para tumayo at lumabas ng bahay pero namimilipit pa rin ako sa sakit na halos yakapin ang dingding na nadadaanan. Ayaw ipababa ni Rica ang linya kaya nanatili itong nagsasalita para bantayan ako. “s**t,” impit kong mura at napahawak ulit sa ilalim ng tyan ko. pinagpapawisan na ako. Butil-butil na pawis sa aking noo at leeg. Binuksan ko ang pinto, saka ko naramdaman ang umagos sa aking mga binti. Yumuko ako at tiningnan iyon—my water bag broke! Napaawang ang labi ko. ako roon hanggang sa marinig ang pagsigaw ni Rica sa telepono. “Hello, Ellie? Ellie? Are you with me?” sigaw niya. Dahan-dahan kong nilagay sa tainga ang cellphone. Malalim akong humugot ng hininga. Tumango kahit hindi niya nakikita. “Y-yes..my water bag broke.” Napapikit ako ulit nang humilab na naman ang tyan ko. Napakagat ako sa ibabang labi para pigilin ang impit na hiyaw. “Putangina! Taxi!!” sigaw niya ulit. Hindi ko na alam kung anong dapat gawin. Gusto kong kunin ang hinanda kong bag para sa panganganak ko pero ayaw kong kumilos. Gusto kong isigaw ang sakit at hilab pero natatakot ako. Naiyak na lang ako sa pag-iisa. Nanginginig at nanlalamig ako. Hindi ko na halos maalala kung paano ako nakarating ng ospital. Nakita ko na lang si Rica pagkapanganak ko. I felt brand new nang masilayan ko sa wakas ang isinilang kong anak. I named him, Shane James Ybarra. He will forever reminds me of his father.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD