Chapter 2
Ellie
Tinaas ko ang aking paa sa upuan at kinamot ang tuhod. Katatapos ko pa lamang gawin ang mga assignment kong na-miss yatang ipagawa sa amin ng mga teacher. Nakabukas ang desktop, napapanguso ako sa mga bagong posts sa newsfeed ko. Mayroong mga bagong biling bag, cellphone, pati mga gamit nila sa eskwela. I checked my friend request lists, nadagdagan pa iyon no’ng huling kita ko. Hindi ko naman magawang i-accept lahat dahil puro hindi ko kilala. Karamihan ay mukhang mga estudyante rin.
No’ng una naeenjoy ko pa ang pag-aaccept nito, kaya lang no’ng dumami na sila, nagkagulo na newsfeed ko at panay pa ang posts sa timeline ko. Rica said I should check first my friends list and kick-out those who doesn’t matter. Whew!
Ilang sandali lamang ay biglang sinakop ng screen ang video call ni mama! “Ma!” I said cheerfully. Na-excite ako dahil matagal-tagal din iyong pag-uusap namin ng Mama ko.
She mildly smiled at me. Humaba ang nguso ko at nagkunwaring nagtatampo, “Ellie, kamusta na kayo d’yan?”
“Bakit ngayon lang po kayo tumawag ulit?”
Bahagyang lumapad ang ngiti niya kahit na nababanaag ng pagod ang kanyang mukha. “Maraming trabaho ang mama dito. Bumisita pa at nag-stay dito ang ilang kamag-anak ng amo ko, kaya kung minsan banyo lang ang pahinga namin..” Sabi niya, lumingon pa siya sa kanyang likuran na tila may pumasok sa silid na kinaroroonan niya.
“Ganu’n? E, Ma..luma na ’tong desktop..may nakita akong laptop na binebenta sa mall!” Hirit ko. Ilang beses ko na kaya iyong inihirit sa kanya, kaya lang palaging bokya! Baka daw kasi mag-gadget na lang ako palagi. Iyong cellphone ko, lumang model lang.
Bumuntong hiningi siya sa’kin. “Sabi ng Tita mo, nagbabarkada ka daw?”
Nalukot ang mukha ko, “Sina Rica? Matagal ko nang mga kaibigan ’yon ma! Saka, kilala mo na sila.”
“May mga lalaki?”
“O-Opo..”
“May boyfriend ka daw?”
Nagkunwari akong ngumiwi, “Wala po ah! Kahit tanungin n’yo pa sina Rica..” Tanggi ko. At kahit nagkaroon man ako, hindi ko rin ramdam. “Sige na ma, bilhan mo na ako ng laptop. Promise, iiwas ako sa mga lalaki!” Tinaas ko pa ang kanang kamay ko na tila nanunumpa, sa ngalan ng laptop.
“Kapag ikaw ang highest sa exams nyo, ibibili kita.”
Namilog ang mga mata ko ngunit tila nanlumo ako sa gusto niyang gawin kong kapalit. “Highest talaga? Ma naman, halos animnapu kami sa klase!” Baka madagdagan pa iyon paglipas ng ilang araw. Ang init na nga sa classroom, may mga late enrollees pa.
“Basta. Mag-aral kang mabuti kung gusto mo ng laptop, ipapaalam ko rin ’yan sa Tita mo para alam ko kung nagsasabi ka ng totoo.”
Halos damdamin ko ang gustong ipagawa sa’kin ng mama para lang sa laptop. Manguna sa exams? Lahat ng subject? Tokwa oh! Iyong sa madaling subject pwede pa, tulad ng araling panlipunan at home economics..pero iyong iba lalo na ’yung geometry at chemistry? Ano ’yon, parusa?
Parang hindi ako mahal ng mama ko ah!
***
Nakanguso akong naglalakad papasok sa eskwela. Dalawang araw ko nang pinag-iisipan ang kondisyon ni mama, pinag-isipan ko talaga iyon dahil ang hirap kaya. Pakiramdam ko buwis-buhay iyong gusto ni Mama.
Ilang hakbang papasok sa gate ay naagaw ng pansin ko ang lalaking nagtitinda ng mga bracelet at hikaw. Parang nang-aakit at hinatak ako ng mga paa ko at tinawid ang bangketa, kulang na lang yata ay magningning ang mga mata ko habang nakatitig doon.
Sumingit ako sa ilang estudyanteng tumitingin sa maliit na mesang iyon. But my eyes flew at the red-beads bracelet na nasa isang kahoy na kahon. Hinawakan ko iyon at pinagmasdan, napangiti ako nang makita ang ibat’-ibang palamuting nakasabit sa kada gitna ng pulang beads. Sa bawat gitna ay may nakasabit na puso. Kaya lang, parang may kulang?
“Kuya, magkano po itong bracelet?” Baling ko sa tinderong masayang binibenta ang dangling earings.
“Bente-singko..”
Tumango ako at kinuha kaagad ang wallet ko sa bulsa. Binayaran ko ang tindero at hindi na pinalastik pa ang binili. Sinuot ko na agad iyon para malaman ko kung ano’ng kulang.
Pagkaharap ko sa gate ay napako ang tingin ko nang makita ko ang lalaking agaw-pansin ang katangkaran. Nakatayo sa labas ng gate, sukbit ang bag sa balikat at matamang nakatingin sa akin.
Kumunot ang noo ko ngunit kinalampag ang dibdib ko sa mapanuring mga matang iyon. Sinulyapan niya ang kamay kong suot ang kabibili ko pa lamang na bracelet at saka binalik sa aking mukha ang mga matang tila hawla.
Ano’ng problema ng 4th year na ’to? Ang ingay ng kalsada at mga estudyante ay tila naglaho at nanahimik habang inaarok ko ang tinging iyon. He got my attention solely. Gusto kong bumitaw ngunit may parte sa aking natatakot tumawid dahil makakasalubong ko siya. Lalo pa at tila dagundong ang hatid niya sa dibdib ko. Iyong ibang kilala ko, panakaw na tingin ang ginagawa, pero itong 4th year na ’to..lantaran!
Tumikhim ako. Kung hindi ako kikilos ay male-late naman ako sa klase at saka nakalabas na siya.
Papahakbang na ako nang pumihit naman ito ng lakad paalis. Saglit akong natigilan at sinundan ng tingin ang estudyanteng iyon. Ngunit ang paghupa ang kalabog sa dibdib ko’y tila matatagalan pa.
***
“Magaling pa sa business transaction ang Mama mo e!”
Nakabusangot kong tiningnan ni Rica, tapos ay binalingan ulit ang bago kong bracelet. Naikwento ko sa kanya ang gusto ni Mama, pinagtawanan niya ako kaya mas lalo akong nanghina. But I kept on staring at my bracelet and thought of rearranging its design blew my mind. Kahit pa malakas ang kapit ko sa laptop na iyon.
“Iyong MAPEH pwede ko pang i-adjust..” Wala sa loob na sabi ko. Pumihit naman ito ng tawa kung kaya nakaagaw ng atensyon sa ilang katabi naming kaklase.
“Sus! Sa TLE ka lang yata interisado e! Iyong crochet natin, ang pinakagusto mo so far.”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Medyo maingay ang klase dahil kaaalis lamang ng Filipino teacher namin. Pero tuwing naaalala at nakikita ko ang Geometry at Chemistry teacher namin, bigla akong nahihilo! Lalo pa kung masungit ang nagtuturo! Napalingon ako kay Iris na tahimik na binibasa ang kanyang notebook. Mabuti pa siya, relax lang kapag nagkakabisa ng Table of Elements. Samantalang ako, masipag lang sa pananahi.
I admit, there were times na naiinggit ako kay Iris. Lalo pa kapag aktibo sa recitation, kaya niyang tumagal sa library at stay alive sa review. Kung sana talaga’y kaya ko rin ang ganoon. Iyong hindi nakakatulog sa silid-aklatan!
Ilang linggo pa ang lumipas, sinubukan kong mag-aral na mabuti. Wala akong absent, at matiim na nakikinig sa mga discussion lalo na iyong pinag-iinitan kong dalawang subject. Tumutungo ako ng library, maaga akong pumapasok para doon. Pinipilit kong magbasa kahit pa madalas ay napagmamasdan ko ang mga babaeng estudyante na may suot na bracelet at hikaw. I really admired accessories, tapos ay pinapalitan ko sa isip ang disenyo niyon.
Nakikisabay ako kay Iris kapag recitation, pero madalas naman puro mali ang sagot ko. Kung minsan napagtatawanan pa ako. Saklap!
Dahil sa mga pagbabago ko ay nawalan na ako ng oras na mag-entertain ng manliligaw. Iniignora ko na at iniiwasan. Iyong laptop na lamang ang umiikot sa utak ko.
“Miss Ybarra,”
Napatuwid ako ng upo at matamis na nginitian ang Chemistry teacher namin. Ngayon kasi niya ibabalik sa amin ang resulta ng long quiz kahapon. Syempre, medyo confident ako dahil pakiramdam ko halos tama lahat ng sagot ko. May puntong nahirapan ako pero mas nanaig naman ang kumpyansa ko sa sarili. “Ma’am!”
Poker face niyang inabot sa akin ang lengthwise intermediate paper ko. Tumayo pa ako at tinanggap iyon.
“Push harder, Miss Ybarra.” Masungit na sabi ng teacher namin.
Nag-init ang mukha ko nang magtawanan ang mga kaklase ko, lalo pa sa bandang likuran. Iyong grupo nina Wesley.
Tiningnan ko ang papel, at nanlamig ako nang mapagtantong pito lang ang grado ko, seven over thirty items!
Nanlumo ako at bumagsak ako sa ng upo sa aking pwesto. Dinungaw ni Rica ang papel ko. And when she found out, tipid niya akong nginitian. Ngunit hindi nakaligtas ang pambubuyo sa akin nina Wesley.
“Push harder daw, Ellie! You need help?” Tudyo ni Andrew na sinundan pa ng ilang tawanan ng mga kaklase ko. s**t kayo! May araw din kayo sa’kin.
Si Iris ang nakakuha ng pinakamataas na score. Siya din ang nanguna sa ilang quizzes ng ibang subject namin. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit at inis sa kanya. Kung minsan ay ningingitian ko siya ngunit nakakaramdam ako ng kumpitensya sa kanya. She’s my friend. Pero pakiramdam ko, tinatabunan niya ang pagsisikap ko.
Pagkatapos ng klase ay tumambay muna kami ni Rica sa basketball court bago umuwi. Pinagpipilas ko ang xerox copy ng topic namin kanina at pinaghahagis sa drum ng basura. Ano bang mali sa akin? Nag-aral naman ako. Bakit ang ilap ng mataas na grades.
Napahinto lamang ako nang bungguin ni Rica ang balikat ko, “Uy! H’wag mo nang damdamin ang quiz kanina.” Untag niya sa akin.
Hindi ako sumagot at bumusangot ang mukha.
“Alam mo pwede naman tayong sabay na mag-aral. Overnight ako sa bahay niyo o sa’min?”
Walang-buhay ko siyang tiningnan. “Kapag magkasama tayo, bukam-bibig mo palagi si Mark at kahit hindi ka magsunog ng kilay..mas mataas pa rin ang nakukuha mo sa’kin.”
Dumikwatro siya at tila napaisip, “Bakit hindi ka na lang magpa-tutor? Kay iris?”
“Ayoko. Siya nga ang gusto kong maungusan, tapos papaturo pa ako sa kanya.”
Tumawa siya at tiningnan ang boyfriend niyang naglalaro sa court. “E’di sa iba na lang. Hmm, sino bang pwede..”
Ilang segundo kong hinintay ang sagot niya sa akin. Pero nang napako ang mga mata niya kay Mark at naka-shoot ay nagtitili ito. Nakalimutan na ang pinag-uusapan namin.
Napabuntong hininga na lang ako. Kung hindi niya nararamdam ang burden ko, wala ring silbi kung magtatanong ako sa kanya.
Kinuha ko na ang bag ko at tumayo.
She looked up at me, “Uuwi ka na?”
Tumango ako. “May pinapadaan sa’kin si Tita sa San Roque. Sasakay ako sa Tres.”
“Papadilim na magbabangka ka pa? Mag-jeep ka na lang.”
“Mas mabilis at malapit kung tatawid na lang ako. Sige na, mauna na ako.” Matamlay kong sabi. Wala na rin siyang nagawa at pinabayaan na ako.
Sumakay ako ng tricycle at bumaba sa sakayan ng de-sagwan na bangka. Mas mabilis kasi akong makakatawid papuntang kabilang bayan kapag dito ako sa sumasakay. Mura pa.
Nagbayad ako at pumila para makasakay na. Ang lumot sa batong baitang ay nakakadulas na. Medyo mahangin kaya gumegewang ang maliit na bangka. Hindi naman na ako takot sumakay pero hindi rin naman ako marunong lumangoy. Lalo pa at ang dumi, kulay itim pa ang tubig. Ang mga nakadaong na kinakalawang mga barko’y tila mga tanda sa pinabayaang ilog na napapagitnaan ng dalawang maliit na bayan.
“Aalis na! Aalis na!” Sigaw ng namamahala sa bayad ng mga pasahero. Sa kabilang panig na pagdadaungan namin ay tanaw ko na ang ilang pasaherong naghihintay din.
Umupo ako sa makitid na kahoy sa gitna at hinintay na makaalis ang bangka. Ang katabing bangka ay pinupuno na rin ng mga pasahero.
“Ridge! Aalis na, iyong tali!”
Nag-angat ako ng tingin sa lalaking tumulak sa bangka. I almost hitch my breath when I found that brooding eyes again, na tila kanina pa nakatunghay sa akin!
Si 4th year! Si Ridge!
Hinagis niya ang matabang tali sa bangka at saka sumampa. Bumilis ang t***k ng puso ko na dati pa niya ginagawa. Umupo siya sa dulo at hinawakan na ang sagwan, wala siyang ka-effort-effort habang tahimik na minamaniobra ang tubig at ang bangka.
He stared at me bravely.
Nakasuot lamang siya ng gray na T-shirt, tinanggalan ng manggas at itim na pantalon. Nakagomang tsinelas lamang siya medyo pawisan na din.
Nagtatrabaho siyang bangkero?
Hindi ko akalaing pagkatapos ng klase ay dito pala ang punta niya. Hindi rin naman kasi halatang mahirap lang siya.
Bahagya akong ngumiwi at napatingin sa ibang dereksyon. I can’t believe I fantasized this man. Sabagay, gwapo. Kaya nga may ilang napapatingin sa kanyang mga babae. Lihim ko iyong inirapan. But his strong biceps screaming for a glimpse of touch! Damn!
Umiwas na ako ng tingin kahit pa ramdam ko ang kanyang titig. Huminto siya sa pagsagwan, tanda na malapit na babaan namin. Tumayo ako at tumalikod sa kanya.
“Miss..” May ilang naglakad palapit sa dulo ng bangka.
Hinawakan ko ang bag ko at hinintay na sumadsad ang bangka. Ngunit gano’n na lamang ang gulat nang mawalan ako ng balanse. Akala ko pa ay mahuhulog ako sa maruming tubig at malulunod! Impit akong napasigaw ngunit malalaking kamay ang humawak sa baywang ko! Binigay ko ang bigat ko sa aking likuran para mailigtas ang sarili. But my heart beats faster as I felt this man’s tight grip on my waist. He stood at my back strongly.
Ang ilang pasehero’y napatingin din sa amin. Tila sa talampas ang pinanggalingan ng puso ko sa malakas nitong impact.
“Sa susunod ’wag ka munang tatayo hangga’t hindi pa sumasayad ang bangka.” Natamo ko ang matabang nyang sermon matapos niya akong halos yakapin!
Tumikhim ako at umayos ng tayo. Talagang pinagsabihan pa ako ng 4th year na ’to? I almost close my eyes when I smelled his manly scent. Pinaghalong sabon panligo at natural niyang amoy ang rumehistro sa aking isipan. Iba sa pangkaraniwang amoy ng mga bangkerong bilad sa araw.
“S-Salamat.” Sabi ko na lang. Humakbang na ako para makababa. Sa gilid ko’y, lakas loob siyang sumampa sa baitang na semento at inabot ang kamay niya. Bahagya akong natigilan.
Paano naman kasi, bukod tanging ako lang ang tinulungan niyang makababa. Ang ibang pasahero’y humahawak lamang sa lubid bilang suporta.
“Abutin mo na ang kamay ko, miss.” Sabi niya na tila naiinip pa.
At upang tantanan na ng mga mapanuring mga mata ay kinuha ko ang kamay at sumampa sa semento. Muntik pa akong madulas nang maibaba ko ang paa sa nilulumot na baitang. Naging maagap ang lalaki at hinawakan na naman ako sa baywang. Ang dagundong sa dibdib ko’y hindi ko na maintindihan. Agad akong bumitaw at naglakad na paalis.
“Be careful, Ellie.” Narinig ko pang tugon ni Ridge.