Chapter 28

2056 Words
Angel Pagkatapos nang gabi na iyon ay isang buwan na siyang hindi nagparamdam sa akin. Hindi ko naman kailangang manghingi ng atensyon sa kanya dahil kung tutuusin ay hindi naman kami. Magkaibigan lang kami at minsan ang mga kaibigan ay hindi nagkakaroon ng communication sa isa’t isa kahit ilang araw pa pero nananatili pa rin silang magkaibigan kahit ano’ng mangyari. Nakahiga ako ngayon sa aking sofa at nakatitig sa aking kisame nang madatnan ako ni Lucinda sa ganoong posisyon. “Angeline, please tell me you are not thinking about my brother again.” tanong niya at dumiretso siya sa kusina para i-ayos ang kanyang mga gamit. Napaupo ako at natutuwa ako kay Lucinda dahil isang buwan lang siyang tinuruan ni Paris ng mga kailangan niyang gawin bilang isang normal na tao ay nagawa na niya agad. Marunong na siya sa mga gawaing bahay, marunong na siyang mag-commute at mag-grocery ng mag-isa. Madalas na rin silang lumabas ni Paris at hindi ko alam kung gumawa na sila ng agenda para hanapan ako ng ibang lalaki maliban kay Lucifer. “Angeline!” sigaw niya dahil mukhang kanina niya pa yata ako tinatawag. Narinig ko siyang nagbuga ng hangin sabay umupo sa aking tabi. “You need to get a life friend. Simula noong gabi na nagkita kayo ni kuya ay wala ka nang ginawa kundi ang magmukmok dito.” “Hindi naman sa wala akong buhay pero hindi lang ako iyong tao na palalabas.” Nagbuga siya ng hangin. “Okay. Kung gusto mo talagang malaman kung ano na ang nangyayari ngayon kay kuya ay nasa London siya. He’s been staying there for almost a month now because of the expansion of his business. Isa pa walang girlfriend si kuya dahil hindi siya mahilig sa babae kaya minsan naiisip ko ay bakla siya.” Natawa naman ako sa sinabi niya. “Although, may naididikit na pangalan sa kanya na girl lately, and she’s a business partner. Kaya wala kang dapat na ipag-alala, okay?” Agad akong napatingin sa kanya ng seryoso. “Alam ko ang iniisip mo at ang sagot ko ay hindi.” “Lucinda…” Tumayo siya at sinundan ko naman siyang pumasok sa aming kwarto para magpalit. “Angeline, no., Okay?” sabi niya habang nagtatanggal ng kanyang pants. “Masyado mo nang pinapabayaan ang sarili mo sa kaiisip kay kuya at hindi healthy iyan. Ayaw kong maging harsh sa iyo friend pero sinabi ni kuya sa iyo na wala siyang nararamdaman para sa iyo. It’s been almost three months. You need to move on and find a better guy than my brother. As much as I want you to be my sister-in-law, that is far from happening already. My brother is an asshole, and he’s a douchebag.” Napatungo naman ako at para akong maluluha kaya lumabas ako ng kwarto namin at narinig ko na napahinga ng malalim si Lucinda. Pag-upo ko sa sofa namin ay pinahid ko ang aking luha at naramdaman ko naman na umupo sa aking tabi si Lucinda sabay hinaplos niya na ang aking likod para tumahan ako sa kaiiyak. “Friend, I’m sorry if I said those words.” Umiling naman ako. “No, you’re right. Sinubukan ko naman na kalimutan ang kuya mo e. Lumalabas ako sa gabi kapag tulog ka na para kahit papaano ay makalimot. Pero palagi ko lang siyang naiisip at sa mga nagdaang mga araw ay mas lalo ko lang siyang nami-miss. Call me obsess, but I am totally in love with him. Ano’ng gagawin ko, Lucinda? I just want to see him for the last time, please.” Napapikit ng mariin si Lucinda at tumango siya na aking ikinangiti kahit papaano. “Fine. Willing akong samahan ka sa London pero kailangan mong ipangako sa akin na iyon na ang huling beses na magpapaka-tanga ka kay kuya. Ayaw kong umabot sa point na mamimili ako sa inyong dalawa dahil kahit galit na galit ako sa kanya ay kapatid ko pa rin siya at kaibigan kita. You have to ask him one more time if you have a chance with him, and if he said no, then move on already. Okay?” Tumango ako ng mabilis at yinakap siya ng sobrang higpit. Kinabukasan ay nasa airport na kami papunta sa London kung nasaan siya ngayon. Ayon pala kay Lucinda ay doon sila naipanganak kaya hometown niya ang London. Mabilis lang naman ang aming byahe dahil isang oras mahigit lang ang aming byahe ay nakarating na kami sa airport ng London. Nagtawag ng cab si Lucinda at natutuwa ako na hindi na siya nagpasundo sa kanilang family driver na nandito sa London. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero ayon sa kanya ay may sarili siyang bahay dito na nakahiwalay sa bahay ni Lucifer. Bilib na rin ako sa pamilya nila dahil halos lahat yata ng parte ng mundo ay may mga properties sila. Akala ko mayaman na ako dahil malaki ang nasasahod ko sa OA pero pagdating sa mga ari-arian ay mukhang mas mayaman pa sila kaysa sa akin. “Hays. Sa wakas ay nakarating din tayo. Grabe ang tagal ko nang hindi pumunta rito dahil simula noong nasa Gehenna Island na kami ay doon na ako halos nanirahan.” Inayos niya ang kanyang mga gamit at ako naman ay nag-ikot-ikot. The place is very cozy, and it has a fireplace. Iyong bahay na kinuha niya ay perfect na perfect sa isang pamilya na titira rito oras na may dalawa o tatlong anak ka. Napailing na lang ako habang napapangiti dahil sa iniisip ko na kaming dalawa ni Lucifer ang nandito. “What are you smiling about?” Napalingon naman ako kay Lucinda. “I just have this crazy imagination where me and Lucifer have a family of our own, and we are living in this kind of place. I can see children running around…” “Okay, let me stop you right there.” Napatingin naman ako kay Lucinda at nakita kong napapailing siya. “Hindi tayo pumunta rito para magpakasal ka kay Lucifer at gumawa kayo ng pamilya. Nandito tayo para i-confirm mo muna kung talaga bang may pag-asa ka sa kanya. Ang swerte nga ng torpe kong kuya kasi kung tutuusin ay dapat siya ang naghahabol sa tulad mo at hindi ikaw. “Grasya na nga ang lumalapit sa kanya ay inaayawan niya pa. Minsan hindi ako makapaniwala na kapatid ko siya sa pagiging slow niya. Ang bilis niyang mag-isip kapag ang pinag-uusapan ay business pero kapag love na ang pinag-uusapan ay ang bobo niya.” “Grabe ka naman sa kuya mo makapag-bash.” Umirap siya sa hanging habang pinagtutulungan namin na buhatin ang aking gamit paakyat sa ikalawang palapag. “It’s true. Maganda ka, mabait, matalino at kaya mong magpatumba ng lalaki pero hindi ko alam kung bakit wala siyang nararamdaman para sa iyo.” Natawa naman ako ng mahina sa kanya. “Hays. You know what? Let’s just stop talking about my idiot brother because he gets in my nerves.” Nang araw na iyon ay lumabas lang kami ni Lucinda at tinour niya ako sa bawat lugar na kanyang pinupuntahan noon. Tinuro niya na rin sa akin kung paano ang pumunta sa opisina at bahay ni Lucifer na alam kong kinaiinisan niya. Pagkatapos naming mag-dinner ay bumalik na kami sa bahay niya na naglalakad habang nagtatawanan sa mga kwento niya noong bata pa lamang siya. “Alam mo sa tingin ko ay kailangan kong magpasalamat sa iyo na pinilit mo akong pumunta tayo rito sa London,” simula ni Lucinda. “Ngayon ko lang na-realize na ang dami ko rin pa lang alaala sa lugar na ito dahil nga rito kami lumaki ni kuya. I’ve never been close to him because we always like different things. Pero alam mo kahit hindi kami close ay naramdaman ko na kahit papaano ay may kuya ako. Siya palagi ang nagtatanggol sa akin kapag may kaaway ako noon at kapag may kailangan ako ay palagi niya itong naibibigay sa akin. “He’s really a good and kind brother. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko siya inintindi ni minsan kaya hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari sa kanya noon. I just want him to be happy as well. Kaya nga noong nakita kita ay katulad din ng sinabi mo ay na-imagine ko na ikaw ang mapapangasawa ni kuya. Magkakaroon kayo ng mga cute na bulilit na kamukhang-kamukha ninyong dalawa.” Natawa naman ako ng mahina nang bigla siyang tumigil sa paglalakad at hinarap ako. “Angeline, I know that you love my brother, and I want you to be with him. Pero kung anuman ang magiging kalalabasan ng gagawin mo bukas ay nandito lang ako para sa iyo. Sana pagkatapos nito ay maging okay ka na at maging masaya ka sa taong alam mong mamahalin ka.” Napangiti ako at nagyakapan kaming dalawa at umuwi na sa kanyang bahay. Madaling araw pa lang ay gising na ang aking diwa at kahit pilitin ko ay hindi na ako makabalik pa sa pagtulog. Iniisip ko kung ano ang aking sasabihin kay Lucifer at kung handa na ba ako sa isasagot niya sa akin. Ang tanong ko ngayon ay oras na sinabi niya na wala na talaga akong pag-asa ay handa ba ako na kalimutan siya? Pagsapit ng umaga ay wala akong naituloy at pagtingin ko sa aking orasan ay alas-siete na. Naririnig ko si Lucinda sa baba at marahil ay nagluluto na siya ng aming almusal kaya naisipan kong maligo na lang muna. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay narinig ko na si Lucinda na tinatawag ako upang kumain ng almusal. “Wow! Talagang pinaghandaan mo ang pagpunta mo kay kuya ngayon,” puri niya sa akin habang umiikot naman ako sa suot kong dress. “Ang mabuti pa ay mauna ka nang kumain at maliligo lang ako. Pagkatapos ay kapag nakakain ako ay saka na tayo pumunta dahil sigurado ako na busy nanaman siya ng maghapon.” Tumango naman ako at kumuha na ako ng pinggan at kubyertos at nagsimula nang kumain. Habang ngumunguya ako ng aking pagkain ay naisipan kong mag-browse ng Google nang may nakita ako sa aking news feed. Habang binabasa ko ito ay bigla akong nawalan ng gana at parang nabuhusan ng malamig na tubig ang aking katawan. Narinig ko na nagsasalita si Lucinda pababa pero nakatulala lang ako at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. “That was so refreshing. Kapag nakita ka ni kuya ay sigurado akong magugulat iyon na nandito ka kasama ako. Ano sa tingin mo? Angeline? Uy! Ayos ka lang?” tanong niya at agad ko namang ipinakita sa kanya ang nakita ko sa Google. “What? A business tycoon who is single now is about to get married? No way! Hindi pwede! Hindi ako naniniwala sa news na iyan dahil peke iyan. Let’s go!” Hila niya sa akin at agad kaming kumuha ng cab sabay pumunta kami sa opisina ni Lucifer. Habang lulan kami ng isang cab ngayon ay kita ko ang galit sa mukha ni Lucinda at nag-aalangan ako kung kailangan ko pa bang magpakita sa kanya. Pagdating namin ay pinigilan ko si Lucinda na pumasok sa mismong entrada ng opisina ni Lucifer. “Lucinda, I’m scared. Huwag na lang kaya tayong tumuloy?” Pigil ko sa kanya. “No. I am not going to stay quiet unless I know the truth. Gusto mo rin namang malaman ang totoo ‘di ba? Ngayon na nandito na iyong pagkakataon ay tanungin na natin siya para hindi ka nag-iisip ng kung anu-ano. Angeline, do it for yourself.” Huminga ako ng malalim sabay tumango at sabay na kaming pumasok sa gusali. “Good morning, Ms. Lucinda,” bati sa amin ng front desk. “Hi. I am here to see my brother. Is he there?” tanong niya at tumango naman siya. “Good.” “B-But Ms. Lucinda…” Hindi na niya pinakinggan ang sasabihin nito at dali-dali akong hinila papasok ng elevator. Paglabas namin ng isang palapag ay agad kaming hinarang ng sekretarya ni Lucifer. “I am here to see my brother, so let me through or I will ask my father to fire you.” Pananakot ni Lucinda at agad naman na gumilid ang babae at dali-daling binuksan ang pinto ng opisina ni Lucifer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD