Chapter 27

2073 Words
Angel Nang magising ako kinabukasan sa sofa ay hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang ginawang paghalik sa akin ni Lucifer. Halos hindi nga ako nagreklamo noong palagi akong inaasar nila Lucinda kahapon at hindi maalis-alis ang aking mga ngiti. Hanggang sa makatulog ako ay ramdam ko pa rin ang mga halik sa akin ni Lucifer at napapapikit ako tuwing naaalala ko ito. “I love you, Lucifer,” rinig kong sabi ni Lucinda. “Halikan mo pa ako ng isa pang beses para mag-day dream ako. Ang sarap ng tulog ko nang dahil sa mga halik mo.” Inirapan ko naman siya sa pang-aasar niya sa akin at may actions pa. Bumangon ako ng aking kama at nauna nang pumunta sa aking kitchen habang nakasunod naman sa akin si Lucinda. “Ayiee! May kinikilig oh. Ano’ng pakiramdam na napapansin ka na ni kuya? Sigurado ako na hindi rin nakatulog iyon at iniisip ka. Bakit kaya hindi kayo magkita ngayon?” Napatingin naman ako sa kanya. “Hindi naman pwede na ako ang unang gumawa ng first move noh. At saka ano na lang ang sasabihin ko sa kanya oras na magkita kami aber? Lucifer nagustuhan ko iyong halik mo at kinikilig ako na halos ikaw na lang ang iniisip ko. Baka isipin niya pa na masyado akong clingy.” Napailing naman si Lucinda. “Okay, let me stop you right there. Hindi naman ibig sabihin na purke lalaki na ay palaging sila na lang ang gagawa ng first move. Meron kasi iyong iba na ayos lang kung sila ang mauna pero iyong mga katulad ni kuya na torpe ay kailangang dinadaan sa santong paspasan. Napag-iwanan na siya ng panahon at hanggang ngayon virgin pa siya noh.” Maang akong napatingin kay Lucinda. “Lucifer is still a virgin?” tanong ko at tumango naman siya. “Oo. Hindi ko lang alam kung hanggang ngayon ay birhen pa si kuya pero palagi siyang babad sa trabaho at iwas sa mga babae. Kung school lang iyong bahay namin ay first place na siya sa the most punctual dahil siya ang palaging on time noon na umuuwi. Kaya naniniwala ako na hanggang ngayon virgin pa si kuya.” Hindi ako makapaniwala sa aking mga naririnig ngayon. “I-Ibig sabihin ba ay…” “Yes. You are kuya’s first kiss.” Hinawakan ako ni Lucinda sa aking mga braso at yinugyog. “Kaya bago pa siya makatikim ng iba ay ibigay mo na sa kanya ang bataan mo. Naku sinasabi ko sa iyo oras na makatikim siya ng masarap na buko pie ay hahanap-hanapin niya iyon.” “Buko pie?” nagtatakang tanong ko. “Ano ka ba? Buko pie ang specialty ng Bataan.” Napahilot naman ako sa aking sintido. “Ewan ko sa iyo Lucinda. Mabuti pa ay maghanap ka na lang ng Parisian boyfriend mo at nang umalis ka na sa condo ko. Dinadamay mo pa ako sa mga kalokohan mo e.” Iniwan ko siya sa kusina at narinig ko lang siyang tumawa. Nang hapon na iyon ay nagyaya si Paris na mamasyal pero hindi na lang ako sumama dahil baka mamaya ay biglang tumawag sa akin si Lucifer. Habang nanunuod ako ng sine ay panaka-naka akong tumitingin sa aking cellphone at nagbabaka-sakali na tawagan niya ako. Ang kaso ay mag-aalas-singko na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumatawag sa akin. Hindi ko naman ine-expect na tawagan niya ako pero simula nang halikan niya ako ay nagkaroon ako ng kunting pag-asa na pwede pa akong ibigin ni Lucifer. Na may puwang pa ako sa puso niya at pwede kong isiksik doon ang aking sarili. Nauuhaw ako kaya naman kukuha na sana ako ng tubig sa aking ref nang biglang tumunog ang aking cellphone at natuwa ako na si Lucifer ito. “H-Hello?” “Hi. Are you busy?” “Hindi naman. Bakit?” tanong ko at nakagat ko ang aking labi dahil sa kilig. “Good. I was thinking if you want to have a dinner at my house right now?” Nagtatatalon ako sa tuwa. “Sure.” Pinipilit kong huwag iparinig sa kanya na excited ako at sobrang kinikilig na parang teenager. “Okay. Get ready then. I’ll be there in thirty minutes.” Binaba ko na ang tawag at mabilis na pumasok sa aking banyo upang mag-ayos at maglinis. Para akong teenager na hindi mapakali at kanina ko pa gustong tumili. Kaya naman tumili ako ng pagkalakas-lakas at wala akong pakialam kung marinig ako ng aking mga kapitbahay. Nang makapag-ayos na ako ay nasa baba na raw si Lucifer kaya dali-dali na akong pumanhik sa baba. Nagmaneho siya papunta sa kanyang bahay at kumakabog ng mabilis ang aking puso dahil inimbita niya ako sa kanyang bahay. s**t. Teka, parehas naman iyong sinuot kong underwear ngayon ‘di ba? Nag-toothbrush naman ako ng mabuti at nag-shave naman siguro ako ng aking kili-kili at pempem ‘di ba? Huminga ako ng malalim at inisip na hindi gano’ng klase ng lalaki si Lucifer. He wouldn’t take advantage of me. Baka nga mamaya ay ako pa ang gumahasa sa kanya at baka ako pa ang idemanda niya ng rape. Nang makarating kami sa kanyang bahay ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto ng kanyang kotse. Habang papunta kami sa pinto ng kanyang bahay ay natigil siya sa paglalakad na akin namang ipinagtaka at bigla siyang humarap sa akin. “Lucifer? May problema ba? Ayos ka lang ba?” inosenteng tanong ko. Hinaplos niya ang aking pisngi at unti-unting lumalapit ang kanyang mukha sa akin kaya naman alam ko na hahalikan niya ako ulit. Pumikit na ako at hinihintay ko na lang ang mga labi niya nang bigla kaming makarinig ng tikhim at gano’n na lang ang gulat ko nang may lalaki pa lang nakatingin sa amin. “Geez. Hindi niyo ba pwedeng gawin sa loob iyan at hindi na kayo makapaghintay na tikman ang isa’t isa?” sabi ng gwapong lalaki na parang medyo kahawig ni Lucifer. Ang pinagkaiba nga lang ay iba ang kulay ng kanilang mga mata. Kung blue kay Lucifer ay blue-violet naman iyong sa lalaki. Nakahalukipkip din siyang nakatayo sa labas ng pinto ni Lucifer at naiiling na lang na nakatingin sa amin. “Dumating na iyong inorder mong pizza, kuya.” Pagdidiin niya sa salitang kuya at gano’n na lang ang gulat ko nang malaman na may isa pang kapatid si Lucifer. Pumasok na kami ni Lucifer at ramdam ko ang inis niya sa kanyang kapatid. Well, nabitin din naman ako pero natutuwa rin ako sa pinapakitang ugali niya dahil sa hindi kami naghalikan. Pagpasok ko ay namangha ako sa linis at laki ng bahay niya. “Hi.” Napatingin ako sa kapatid niya na may blue-violet na mga mata. “You must be Angeline, right?” Tumango naman ako. “Nice to meet you. My name is Earl Ferrer.” Linahad niya ang kanyang kamay sa akin at agad ko naman itong tinanggap pero habang nakikipagkamay ako sa kanya ay nagtaka ako sa apelyidong binanggit niya. Salazar naman si Lucifer pero bakit magkaiba sila ng mga apleyido? Agad naman akong iginiya ni Earl sa hapag kainan kung saan ay lumabas si Lucifer mula sa basement na may hawak nang wine. Binuksan niya ang wine at agad naman niya akong binigyan kaya nagpasalamat ako sa kanya. Napangiti akong napatingin sa kanya at gano’n din siya sabay sinunod niyang bigyan ang kanyang kapatid na nakasimangot na. Nagsimula na kaming kumain at medyo tahimik ang kapaligiran namin nang magsimulang magsalita si Earl. “Kailan ka balak sagutin ni kuya?” tanong niya. “Earl, stop it,” sita niya sa kanyang kapatid at may mapang-asar lang na ngiti si Earl sa akin. Nang matapos kaming kumain ay si Earl ang pinagligpit ni Lucifer na kung saan ay nagdadadabog na parang bata ito. Nakatutuwa lang dahil parang close na close silang dalawa at mukha silang magtatay sa kanilang ginagawa. Sa huli ay walang nagawa si Lucifer kundi tulungan ang kanyang kapatid dahil nagmamaktol itong parang bata. Nag-ikot-ikot na muna ako sa kabuuan ng bahay ni Lucifer at medyo mas maliit ito ng kunti kaysa sa mansion nila sa Gehenna Island. Napadpad ako sa ikalawang palapag ng kanyang bahay nang makakita ako ng family picture nila. Napansin ko na nandito rin pala talaga si Earl at nandito rin sina Tito Luther, Lucinda, at Cole pero may dalawang tao na hindi ko kilala kaya naisip ko na marahil ay ito ang kanyang ina at iyong lalaki ay hindi ko alam. Marahil ay uncle nila ito. “Nandito ka lang pala.” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko na basa ng tubig ang suot ni Lucifer. “Pasensya ka na kung nag-ikot ako ng walang pahintulot mo. May isa ka pa pa lang kapatid at mukhang halos hindi nalalayo ang agwat niyo sa isa’t isa.” Napatingin siya sa family picture na hawak ko. “Earl is my half-brother. We have the same mom, so our family names are different.” Napa-oh naman ako. “Mukhang mas close ka pa sa kanya kaysa kay Lucinda.” Tumango naman siya habang nakatingin sa kanilang family picture. “Simula kasi noong bata ako ay siya ang nakakasama ko palagi. According to my father, my mother was pregnant with Earl when I was still one year old.” Medyo naguluhan ako sa setting ng pamilya niya. “D-Did your mother, uhm… did she…” “Cheated?” Nahihiya akong tumango sa kanya. “It’s a little bit complicated than that. You see, Earl’s father was mom’s first love. Naghiwalay sila dahil long distance noon ang relasyon nila kaya kinailangan nilang tapusin ang pagmamahal nila. That’s when my mother met my dad, but when Earl’s Dad decided to fight for their love, it was already too late.” “Because your mother already married your dad, and she was already pregnant with you.” Tumango naman siya. “Hindi ko na alam kung ano’ng nangyari sa kanila dahil naalala ko na lang noon na pinapakilala nila sa akin ang step-brother ko na si Earl. Wala rin naman akong pakialam dahil ang importante noon ay masaya kami. That is where we took this photo together.” Napangiti naman ako. “Was your father okay with all of this? I mean sigurado ako na minahal niya ang nanay mo ng sobra at sigurado ako na nasasaktan siya na malaman na hindi siya ang first love ng nanay mo.” Natahimik siya saglit bago siya nagsalita. “I never asked my father before how he felt, but all I know is he’s happy. Siguro nasaktan siya noon na magkaroon ng ibang anak si mama sa ibang lalaki pero tulad nga ng sabi ko ay sobrang komplikado ng pagmamahalan nila. I never understood it.” Binalik ko ang picture nila sa ibabaw ng isang cabinet. “No one can really understand it. You will do everything for love. It’s a matter of emotion and right timing, I guess.” Huminga ako ng malalim. “Angeline?” “Hmmm?” “What do you like about me? Hindi ko maintindihan kung bakit may gusto ka sa akin? Hindi ka ba natatakot na kahit kailan ay hindi ko pwedeng ibalik sa iyo iyong nararamdaman mo sa akin? I am not a likeable person, and maybe I am like my name, a demon. What if—” Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sinabi at tumingkayad ako para abutin ang kanyang labi at hinalikan siya. “What do you feel right now?” tanong ko sa kanya pagkatapos ko siyang halikan. “I feel…I really can’t explain what I’m feeling right now.” “Exactly. Hindi ko alam kung ano’ng nagustuhan ko sa iyo Lucifer. Siguro noong una kitang nakita ay nagwapuhan ako sa iyo kaya kinausap kita. Pero simula nang makilala kita at nakasama kita ng dalawang linggo sa Gehenna Island ay hindi ko na rin alam kung ano ang nagustuhan ko sa iyo. The only feeling that I can clearly say is that, I’m happy when I am with you.” Nagkatitigan kaming dalawa sa isa’t isa at siya ang unang umiwas nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nag-excuse siya at naiwan naman akong mag-isa na nakatayo habang pinapanuod siyang nakikipag-usap. One day, I will tell you who I am, and I hope that you could still accept me for all the bad things that I’ve done.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD