Chapter 29

2190 Words
Angel Nang magbukas ang pinto nito ay napalingon sa aming dalawa ang mga tao na nasa loob kung saan ay nasa lima yata ang nandito kasama na roon si Lucifer. May tatlong lalaki na medyo mas matanda siguro kay Lucifer ng limang taon at may nag-iisang babae na parang ka-edaran lang namin. Mga bagong mukha ang aking nakita at nakita ko naman na gulat na napatingin sa amin si Lucifer. “Lucinda. What the hell are you doing here?” sabi ni Lucifer na may diin sa bawat salita sabay tayo at inayos niya ang kanyang coat. Naririnig ko na nagtatalo silang dalawa dahil sa hindi pagkatok ni Lucinda. Agad naman akong nahiya sa kanya kaya napatungo ako nang mapatingin ako sa isang sapatos ng babae. Sa dulo ng kanyang heels ay nakita ko na parang may umuusling kutsilyo rito na maliit na hindi ko alam kung para saan. Nang mapatingin ako sa kanya ay nahuli ko na nakatingin din siya sa akin at agad niyang iniwas ang kanyang tingin sa akin. Alam ko na alam niyang may nakita ako sa kanyang sapatos at nang tignan ko ang mga kalalakihan ay doon ko napansin na may tattoo sa kanilang kanang kamay sa bandang likuran ng kanilang palad. Parehas na parehas ito sa tattoo ni Clark kung saan ay isa itong black widow na gagamba. Nakatingin silang lahat sa amin nang mapatingin ako sa pader ng opisina ni Lucifer nang mapansin ko na na may parang may kumikinang. Napatingin ako sa malaking glass ni Lucifer at agad na hinanap ng aking mga mata ang kung sino man na nakatutok ang kanyang rifle sa banda namin. Pagtingin ko sa mga kalalakihan ay alam nilang may alam ako kaya agad akong tumakbo palapit kay Lucifer at iniwas siya sa nagtatangkang pumatay sa kanya. Doon namin narinig ang malakas na tunog ng pagkasira ng malaking glass ni Lucifer kasabay ng pagpasok ng bala sa kanyang opisina. Narinig ko na nagsimulang sumigaw si Lucinda at nakita ko na dali-daling tumayo ang mga kalalakihan pati na ang kasama nilang babae at mabilis silang lumabas ng opisina ni Lucifer. Akmang susundan ko sila ay nagpatuloy ang sunud-sunod na pagputok ng baril sa amin kaya mabilis ko namang hinarang ang aking katawan kay Lucifer habang nagtatago naman si Lucinda sa ilalim ng mesa ng kanyang kapatid. Nang matapos ang pagbabaril ay tumayo ako upang sundan sila pero agad kong tinignan kung ayos lang ba ang lagay ni Lucifer. Agad akong nagpatawag ng pulis sa sekretarya niya at doon ko napansin na wala na itong buhay. Ako ang tumawag ng pulis at tinignan kung ayos lang ba ang kalagayan ni Lucinda. Mukhang ayos naman siya pero umiiyak siya dahil sa takot na baka may bumaril sa amin. Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang mga pulis at ambulansya upang tignan kung may mga buhay pa sa mga empleyado ni Lucifer. Nasa stasyon kami ngayon ng pulis upang kuhanan kami ng statement sa nangyaring pamamaril kanina. Tahimik lang ang magkapatid at nakatunganga lang si Lucinda sa kawalan habang si Lucifer naman ay nag-iisip ng sobrang lalim. Maya-maya ay lumabas na ang isa sa mga pulis at sinabi niya na pwede na raw kaming umuwi at itutuloy daw nila ang imbestigasyon tungkol sa nangyari kanina. Paglabas namin ng stasyon ay doon na yata nahimasmasan ang dalawang magkapatid at agad naman akong yinakap ni Lucinda. “I came here as fast as I could.” Napalingon kami kay Earl at agad na lumapit kay Lucifer. Nang makita ni Earl si Lucinda ay agad niyang yinakap ito at umiyak naman si Lucinda sa kanyang kuya. Iniwan ko muna silang dalawa at lumapit ako kay Lucifer nang mapatingin siya sa akin. “Thanks for saving my life again,” sabi niya. “Wala iyon.” Napahilot siya sa kanyang sintido at napatingin kaming dalawa sa kanila Earl nang lumapit sila sa amin. “Hindi mo man lang alam na masasamang tao pala iyong mga iyon tapos inertentain mo sila?” tanong ni Earl. Habang nag-uusap ang dalawa ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking tagiliran at nag-uumpisa na akong mahilo. Nang ilapat ko ang aking kamay sa aking kanang baywang ay doon ko nakita ang dugo. Marahil ay dahil sa adrenaline kanina kaya hindi ko naramdaman ang hapdi nito at ngayon na bumalik na sa normal ang lahat ay ngayon ko lang ito nararamdaman. Napahawak ako bigla kay Lucinda at nagsisimula na akong mawalan ng ulirat. Lucifer “Angeline?” narinig kong tanong ng aking kapatid. “Angeline!” Napalingon kaming dalawa ni Earl sa kanila at nakita kong bigla na lamang natumba si Angeline sa sahig. “Shit.” Rinig kong sabi ni Earl at agad naming linapitan si Angeline. “Kuya! She’s been shot,” umiiyak na sabi ni Lucinda at gano’n na lamang ang aking takot nang makita ang masaganang dugo sa kanyang kamay. “Ready the car. Now!” sigaw ko kay Earl at mabilis na binuhat si Angeline papasok sa loob ng kotse. Habang lulan kami ng sasakyan ay halo-halong emosyon ang aking nararamdaman at gusto kong sumigaw pero pinipigilan ko. “Kuya, she’s getting cold.” Umiyak si Lucinda at hindi ko namalayan na sinisigawan ko na si Earl na bilisan niya pa ang magpatakbo. Pagdating namin sa hospital ay mabilis na itinakbo ko siya sa emergency room at agad naman siyang linapatan ng paunang lunas ng mga doctor. Nang papasok na sila sa operating room ay pinigilan nila kami at gano’n na lamang ang inis ko sa aking sarili. Huminga ako ng malalim at pinilit na ipakalma ang aking sarili. “Lucy…” Tumabi sa akin si Earl. “She’s going to be fine.” “What if she’s not? s**t. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na ready na akong tanggapin ang nararamdaman niya sa akin,” nanginginig na sabi ko sa kanya habang pinipigilan ko ang maiyak. “Sana sinabi mo na lang iyan sa kanya bago ka umalis kuya.” Napatingin kami kay Lucinda na nakaupo sa tapat namin na umiiyak. “She loves you so much that you are the only thing she’s been thinking about for the past month. Pagkatapos ngayon ay saka mo lang mare-realize ang lahat ng iyan ngayong nag-aagaw buhay na siya? “I just can’t believe how dense you can be. How can you even think of being friends with her when you know that you are hurting her? You are such an idiot. You are such a douchebag, you know that? Ang torpe-torpe mo kasi na pakiramdam mo ikaw lang ang masasaktan kapag nag-risk ka.” “Lucinda, that’s enough.” Pigil sa kanya ni Earl. “No! Nakita ko kung paanong nagtiis si Angeline noong binusted mo siya kuya. Nakita ko siyang iniiyakan ka tuwing gabi at naririnig ko siya kahit ang alam niya tulog ako. She’s not getting a life because you are becoming an asshole.” Napapikit na lang ako habang pinipigilan siya ni Earl. “She saved your ass for the third time before you realize all of this? How can you even say you love her when you don’t give a damn to her!” “Lucinda tama na. Nakakasagabal ka na sa mga tao rito,” pigil muli sa kanya ni Earl. “I hate you, kuya. I hate you, but I am hating you more for hurting her. Sana hindi ko na lang siya pinakilala sa iyo para hindi siya nagpapaka-tanga sa katulad mo. You don’t deserve her. So, man up and be a better person for her. Kung hindi mo kayang panindigan ay ako mismo ang maglalayo sa kanya sa iyo.” Naglakad siya paalis at naiwan naman akong nakatunganga rito. Tumabi sa akin si Earl at narinig ko siyang huminga ng malalim. “Ayokong ayunan si Lucinda, Lucy, pero masakit man ay tama lahat ng sinabi niya. Alam ko na magiging ayos lang si Angeline at oras na magising siya ay sabihin mo na sa kanya ang nararamdaman mo. Ayaw ko mang aminin pero kailangan pala ay mailagay muna sa bingit ng kamatayan ang babaeng mahal mo bago ka magtino.” Masama akong napatingin sa kanya at agad naman siyang tumahimik. Makalipas ang ilang oras ay nakita naming lumabas ng OR ang doctor. “Sino po ang kamag-anak ng pasyente?” tanong niya at tumayo ako sabay pinakilala ang aking sarili bilang nobyo niya. Nagtataka namang napatingin sa akin sina Earl at Lucinda pero hindi ko na lamang ito pinansin. Wala akong paki kung ano ang iisipin nilang dalawa sa kasinungalinang sinabi ko pero hindi na ako papayag na mawala sa akin si Angeline. “She’s fine. Nawalan nga lang siya ng maraming dugo pero ligtas na siya sa kapahamakan.” Nakahinga naman kami ng maluwag. “We will be transferring her into another room. After that, you can already visit her. She might be awake at that time.” Agad naman kaming nagpasalamat sa doctor at huminga ako ng malalim sabay naglakad paalis sa kanilang dalawa upang mauna nang bumisita sa kwarto niya. Pagpasok ko sa kanyang kwarto ay nakita ko na para siyang natutulog na parang anghel. Napangiti na lang ako sabay hinaplos ko ang kanyang pisngi at dumukwang ako para halikan ang kanyang mga labi. Umupo ako sa stool na nasa gilid ng kanyang kama at hinawakan ang isa niyang kamay. “I am such an idiot, Angeline. I understand everything, and I am willing to accept your feelings for me. I’m sorry for being such an asshole. I guess my sister was right because it took for you to almost die before I realize everything. Kaya sana magising ka na dahil gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon mo oras na sabihin ko sa iyo na may gusto rin ako sa iyo.” Hinalikan ko ang kanyang kamay at doon ko nakita na pumasok na sila Earl. Nakita kong napatungo si Lucinda at humila rin ng stool saka tumabi sa akin. “She is like my sister that I never had. That is why I am so protective of her, but I want her to be happy. He loves you very much kuya. Kaya sana ay huwag mo na siya ulit sasaktan.” Tumango ako. “I’m sorry as well for yelling, and for saying bad things about you. I was just so angry.” “It’s okay. Angeline is surrounded with good people, and you are one of them.” Napangiti siya at sabay na lang kaming napatingin kay Angeline na natutulog ng mahimbing. Nang gabi rin lang na iyon ay dumating din si Papa sa hospital dahil mukhang tinawagan siya ni Earl. Pagdating niya ay agad siyang nag-alala sa aming lahat at tinanong sa amin kung ano ba talaga ang nangyari. Mukhang muntik nang lumabas sa media ang nangyari sa akin kanina pero agad na gumawa ng paraan si Papa kaya hindi ito natuloy na mailathala o maibalita. “I went to the police station a while ago. Sinabi nila sa akin na ginagawa na raw nila ang lahat para malaman kung sino ang mga pumasok sa kompanya mo. Sino ba kasi ang mga iyon anak at bakit hindi mo man lang nalaman na may balak silang masama sa iyo?” tanong ni Papa. “They are supposed to be the representative of my new investor. Ang buong akala ko naman ay sila nga iyon dahil may mga ipinakita naman silang mga papeles sa akin,” paliwanag ko. “E ano iyong nakita namin ni Angeline kanina na ikakasal na raw?” Nagtataka naman akong napatingin kay Lucinda. “That is a lie,” sagot ko. “Alam mo naman kung ano ang nagagawa ng medya ngayon. Nakita ko rin iyon at pinaalis ko na dahil ayokong magkaroon ng issue.” “Hays. Si Angeline ulit ang nagligtas sa iyo anak. Nakaka-quota ka na sa kanya kaya dapat ay bigyan mo siya ng pasasalamat oras na magising siya.” Tumango naman ako. “Don’t worry, Tito. Lucy is about to confess his love to her once she wakes up.” Masama naman akong napatingin kay Earl at natawa ng mahina si Lucinda. “Really? Is that true?” Tumango ako at masaya namang ngumiti ang aking ama. “Well, kung gano’n pala ay kailangan nating magpa-party ‘di ba? Angeline would be very happy once you confess to her. Anyway, I need to go. Kailangan ko pang bumalik ulit sa police station para tignan kung ginagawa nga nila ang kanilang trabaho.” “Sasama na ako sa iyo palabas, Dad. Kailangan ko rin pong umuwi para kuhanan ng mga damit si Angeline oras na magising siya,” sabi ni Lucinda. Napatingin naman ako kay Eark na nakaupo sa sofa at tinaasan siya ng kilay at sinasabing ‘ikaw hindi ka ba uuwi?’ na tingin. “What? Pero, Lucy naman. Gusto kong makita kung paano ka mag-confess. I need to take a video.” Naka-ready pa ang kanyang camera kaya nailing naman ako. “Go.” Taboy ko sa kanya at bagsak ang balikat niyang lumabas ng kwarto. Sa huli ay kaming dalawa lang ni Angeline ang naiwan sa kwartong iyon.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD