Chapter 26

2144 Words
Angel Abala akong nagluluto ngayon ng aming almusal pero masasabi ko na hindi ito almusal kundi pananghalian na. Kagabi kasi ay pumunta si Paris dito at may dala siyang mga alak at mga junk foods. Naisipan niya bigla na maki-sleep over dito kaya naman pinahiga ko na lamang silang dalawa ni Lucinda sa aking kwarto. Naiwan akong mag-isa rito sa salas at sa sofa na lamang ako natulog. Nang makatulog na sila kagabi ay gising pa ang aking diwa dahil simula noong hinalikan ko si Lucifer noong gabi na nagkaroon kami ng friendly date ay hindi na niya ako muling tinawagan pa. Ayaw niya ba talaga sa akin kaya kahit hinalikan ko na siya ay wala pa rin talagang kwenta iyong ginawa ko. Nagiging malandi na ako sa ginagawa ko at lahat na yata ng pagpapapansin ay ginawa ko na sa kanya pero hindi pa rin siya tinatablan. Mukha nga talagang wala na akong pag-asa sa kanya at kailangan ko na yatang mag-move on. “Angeline!” Nagulat ako sa pagsigaw ni Paris sa akin at nakita ko na sunog na iyong linuluto kong bacon. Agad ko namang pinatay iyong kalan at mabilis na linipat sa plato ang mga nasunog kong bacon habang pinapaalis ang usok sa buong condo ko. Nang wala na ay napatinin ako kay Paris at tipid na napangiti sabay napailing na lang siya. “Geez. What the hell are you doing? Kanina pa kita sinasabihan na sunog na iyong linuluto mo pero iyong mga mata mo ay tagos na tagos sa kabilang kwarto. Ang lalim naman sobra ng iniisip mo na ngayon ka lang nakasunog ng bacon. May problema ka ba?” Napailing naman ako sa kanya at sakto namang lumabas ng aking silid si Lucinda. “What the hell is that smell?” tanong niya habang kinukusot ang kanyang mga mata. “Well, Angeline here almost burned her own condo,” sagot naman ni Paris. “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero mukhang may problema siya na hindi niya masabi-sabi sa atin. I think she doesn’t trust us anymore, Lucinda.” “What?” sabi ko at tinaasan naman ako ng kilay ni Paris. “Oo nga friend. Dapat hindi ka nagtatago sa amin ng problema mo. Paano na lang kung biglang may mangyari sa iyo at hindi namin alam kasi nagtatago ka sa amin ng problema mo.” Inikotan ko silang dalawa ng aking mga mata dahil mukhang nagkatotoo na yata ang hula ko sa kanila na pagtutulungan nila ako pagdating ng panahon. “Come on. It’s just a burnt bacon.” Pag-iiwas ko sa kanila pero mukhang wala silang balak na tumigil kakukulit sa akin. “Burnt bacon which might lead to burning your house. Now, spill.” Tinaasan ako ng kilay ni Paris at tumabi naman si Lucinda sa kanya. Wala na akong nagawa kaya naman kinuwento ko sa kanila ang nangyari kagabi. At dahil hindi alam ni Paris ang tungkol kay Lucifer ay kinuwento ko ulit kung paano kaming nagkakilala. Tinulungan din ako ni Lucinda na magsabi at mataman namang nakikinig si Paris. Nang matapos kong sabihin sa kanila ay nagkatinginan silang dalawa sabay linapitan ako at yinakap. “Angeline, my brother is an asshole if he wasn’t affected with that kiss if yours.” Napatingin ako kay Lucinda. “Oo nga. You are perfect. Well, wala namang perfect sa mundo pero you are almost perfect. Tignan mo ang sarili mo sa salamin kasi maganda ka naman, mabait, medyo masungit nga lang at may pagka-moody…” Kunot noo akong napatingin sa kanya. “…pero hindi ibig sabihin nun na hindi ka na likeable noh. Kung hindi nga lang ako babae ay liligawan kita pero kasi hindi tayo talo at kay Tristan lang ako.” “Isa pa kung talagang ayaw ka ni kuya ay hindi mo na problema iyon friend. Sinayang lang niya ang isang katulad mo at hindi ka papayag na sasaktan ka lang niya. You should show him what he missed.” Nagtaka naman ako sa sinabi ni Lucinda. “Ano’ng ibig mong sabihin?” Nagtinginan silang dalawa ni Paris na may ngisi sa kanilang mga mata. “Ipapakita mo kay kuya na hindi lang siya ang lalaki sa mundo at ipapakita mo na hindi ka affected sa kiss na binigay mo sa kanya kagabi. Kaya ang mabuti pa ay magbihis ka na at may pupuntahan tayo.” Hila nilang dalawa sa akin. Nang matapos kaming lahat ng makapagpalit ay sumakay kami sa kotse ni Paris at hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Maya-maya ay tumigil kami sa isang gusali na puro kainan ang laman at nagpahila lamang ako sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang kanilang binabalak pero may pakiramdam ako na parang hindi maganda ang kalalabasan. “Were here. Lunch time na ngayon at usually si kuya ay hindi kumakain sa kanyang opisina. Palagi siyang nagl-lunch out at noong nandito kami sa Paris ay isa lang ang pinupuntahan niyang lugar.” Tumigil kami sa isang kainan na parang street foods ng Paris at gano’n na lang ang gulat ko nang makita ko si Lucifer. “Geez. Kung ganyan ba naman ang mang-busted sa akin ay talaga ring maghihiganti ako noh.” Napatingin naman ako kay Paris. “Ano’ng ginagawa natin dito? At sigurado ka bang si Lucifer iyang kumakain ng parang street foods?” Tingin ko kay Lucinda. “Magkaiba kami ng gusto ni kuya ‘di ba? Kaya nga hindi kami masyadong close pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko na kilala ang sarili kung kuya. Ngayon kaya tayo nandito ay gusto kong makipag-flirt ka sa isang lalaki na pipiliin namin. Tignan natin kung hindi maapektuhan si kuya sa gagawin natin.” Maang akong napatingin sa kanya. “What? Flirt with a guy? Are you guys out of your mind? Ni hindi ko nga alam ang lumandi e.” Tinignan nila ako na parang hindi naniniwala. “Iba iyong panglalandi ko kay Lucifer, okay? I like him. Mahirap ang lumandi sa taong hindi ko naman gusto.” “Yes, you can. Just flip your hair, make your eyes seductive, bite your lip, and you can flirt already. Isa pa wala kang masyadong gagawin na effort dahil maganda ka na at sigurado ako na kahit sinong lalaki ay handang makipaglandian sa iyo.” Napalunok naman ako sa plano ng dalawang ito. “Hmmm. Sino ba ang gwapo sa kanila? Oh! Right there!” Turo ni Paris sa isang lalaki na nakaupo sa di kalayuan sa inuupuan ni Lucifer. “Mukha siyang disente at hindi ka niya babastusin. I think.” Masama naman akong napatingin sa kanya at umiwas lang siya ng tingin. “Go.” Tulak sa akin ni Lucinda kaya naman napatakbo ako ng kunti. Napatingin ako roon sa lalaki pagkatapos ay balik kay Lucifer. Napalingon ako sa dalawang kaibigan ko na pasimuno ng lahat ng ito at pinagtatabuyan talaga nila ako. Napabuga na lamang ako ng hangin at nagsimula nang maglakad palapit sa lalaki. Hindi ko alam kung nakita na ako ni Lucifer pero ayokong tumingin sa direksyon niya dahil baka malaman niya iyong baliw na plano ng kanyang kapatid at kapangalan ng bansang ito. A conspiracy between my two friends. Nang makalapit ako sa nasabing lalaki ay nakita ko na gwapo rin naman talaga siya at kung hindi ko lang gusto si Lucifer ay sigurado akong mabibighani rin ako sa kagwapuhan niya. “H-Hi. Is this seat taken?” tanong ko sa Ingles at medyo napatitig naman siya sa akin. “No. Do you want to seat here?” Tumango naman ako. Sumilip ako sa kanila Lucinda at Paris at sinesenyasan nila ako ng thumbs up. “I just need to ask if you are alone or if you are single?” Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil hindi ko alam kung ano ang aking pinagsasabi. Nakita ko na nawiwirduhan siyang napatingin sa akin kaya napailing na lang ako. “Sorry, I didn’t mean to ask you that. It’s just that…” Narinig ko siyang natawa at napatingin naman ako sa kanya. “No, it’s okay. You’re a Filipino, right?” Tumango naman ako. “Sabi ko na e. Pinoy din ako pero mas malakas nga lang ang dugo ng aking ama. I’m Clark, by the way.” Linahad na niya ang kanyang kamay sa akin at agad ko naman itong tinanggap upang makipagkamay. Akmang ipapakilala ko na sana ang aking sarili ay nakita ko na may tattoo siya ng itim na gagamba sa likod ng kanyang palad. Agad naman ako napatitig dito at napatingin sa kanya sabay tipid na napangiti. “My name is… S-Snow Lynx.” Pagsisinungaling ko at ginamit ko pa talaga ang assassin name ko para lang hindi ko sabihin sa kanya ang tunay kung pangalan. “Wow, nice name. I like it.” Napangiti ako at hindi ko mapigilan na mapatingin sa tattoo sa kanyang kamay. Nang maghiwalay ang aming mga kamay ay tinanong ko siya tungkol sa kanyang tattoo. “Uhm, ang ganda naman ng tattoo mo. Saan ka nagpa-tattoo?” Napatingin siya sa kanyang kamay at nakita ko na nawala ang ngiti niya pero kalaunan ay ngumiti pa rin siya sa akin. “Ito ba? Nakuha ko lang diyan sa tabi-tabi. Gusto mo ba ng mga gagamba na tattoo?” tanong niya. “Oo e. Ang kaso ay hindi ko kasi alam kung ano’ng design ng tattoo ang ipagagawa ko kaya noong nakita ko iyong sa iyo ay bigla akong nagkainteres.” Ramdam ko na parang iwas na siya sa aking mga tingin at parang nakita ko na kasi kung saan ang tattoo na iyan. Nagkwentuhan pa kami kunti at nakalimutan ko na ng husto ang aking pakay dahil gusto kong malaman pa ang lahat tungkol sa kanya. May masama akong kutob sa kanya at hindi ko alam kung bakit bigla akong nakararamdam ng kaba sa tattoo na iyon. Maya-maya ay napatingin siya sa kanyang cellphone at bigla na lamang siyang nagmamadali na umalis. Akmang susundan ko sana siya ay bigla na lamang may humarang sa akin na bulto at gano’n na lang ang gulat ko nang makita ko si Lucifer sa aking harapan. Maang akong napatingin sa kanya dahil nakalimutan ko na pagseselosin ko nga pala dapat siya. Alam ko na hindi siya galit pero iba iyong pinupukol niyang tingin niya sa akin ngayon kaya bigla akong kinabahan. “L-Lucifer…Hindi ko alam na nandito ka pala ngayon.” Sinundan ko ng tingin si Clark at nakita kong wala na siya na agad namang liningon din ni Lucifer at pagharap niya sa akin ay kunot ang kanyang noo na nakatingin sa akin. “Who the hell is that? Siya ba iyong sinasabi mong suitor mo?” tanong niya at umiling naman ako. “Now, why the hell would you talk to a stranger, Angeline?” “Uhm… W-Wala lang. Gusto ko lang namang makipagkaibigan sa kanya. Hindi naman siguro masama ‘di ba lalo na at single naman ako? Hindi naman siguro masama na magdagdag ako ng group of friends ko?” Nawala ang pagkakakunot niya sa kanyang noo at napatango na lamang siya. “You’re right.” Tumango naman ako. “Uhm, mauna na ako total ay mukhang abala ka pa sa trabaho mo.” Akmang aalis na ako ay pinigilan niya ako. “I need to talk to you. It’s about the kiss you gave me the other night.” Bigla namang kumabog ng mabilis ang aking puso at natigil ako sa paglalakad. “Uhm, pasensya ka na kung gano’n iyong inakto ko noong nakaraang gabi.” “I would like to accept your proposal. Payag ako na maging magkaibigan tayo at payag din ako sa…” Hindi niya masabi-sabi iyong tungkol sa halik kaya nakagat ko ang aking ibabang labi at nakita kong napatingin siya sa aking labi. Ang sunod na ginawa niya ay nagpalaki sa aking mga mata at halos maestatwa ako sa aking kinatatayuan. Napalunok ako nang maghiwalay ang aming mga labi at narinig ko na lang na tumikhim siya at ako naman ay hindi pa rin alam kung ano ang nangyari. “We are in Paris, Angeline. Normal lang sa mga tao rito na halikan nila sa mga labi ang kanilang mga kaibigan. It’s their greeting, so I am also greeting you like what they are doing.” Tumango lamang ako ng mabilis sa paliwanag niya. “Yeah, of course.” Natawa ako ng mahina. “Mauna na ako dahil malapit nang matapos ang aking break. I’ll see you soon, okay?” Tumango naman ako at nauna na siyang maglakad paalis. Napahawak na lang ako sa aking mga labi at narinig ko na lang ang mga tili nila Lucinda habang palapit sa akin. Hindi ko mapigilan ang ngumiti at pakiramdam ko ay para akong nasa langiti ngayon at lumulutang. Lucifer kissed me. He really kissed me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD