Chapter 23

2059 Words
Angel Natapos na ang aking bakasyon sa Gehenna Island at ngayon na ang balik ko sa Paris. Tulad ng sabi ni Lucinda ay sumama nga talaga siya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit pa siya sasama sa akin pagkatapos ng mga nasaksihan niya kagabi. Pagtingin ko sa aking mga kamay ay namamaga na ang mga sugat nito. Medyo magaling naman na ang sugat sa aking mga kamay at hindi na rin mahapdi ang mga ito kaya inalis ko na ang mga benda. Nandito kami ngayon ni Lucinda habang hinihintay namin na dumating ang eroplano namin pabalik ng Paris. Habang naghihintay kami ay kanina ko pa napapansin na may namumuong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Alam ko na kahit hindi kami magsalita sa isa’t isa ay medyo awkward na ang pakikitungo namin sa isa’t isa. Ano naman ang sasabihin ko sa kanya pagkatapos ng aking ginawa sa gusto niyang lalaki ‘di ba? Hindi rin naman ako gano’n kagaling mag-open ng conversation sa iba dahil hindi naman ako madaldal tulad ng iba. “Argh!” rinig kong sigaw niya at napatingin naman ako sa kanya. “This silence and awkwardness are killing me! Will you please talk to me, Angeline?” “O-kay? Pero ano naman ang sasabihin ko sa iyo?” “Anything! Like how are you? Masakit ba iyong kamay mo? Galit ka ba sa ginawa sa iyo ni Blade? Ano’ng balak mo paglapag mo ng Paris? I don’t care what kind of topic you want, just please talk.” Pagmamakaawa niya. “Alam ko na nag-guilty ka sa ginawa mo kagabi dahil marahil ay iniisip mo na baka kamuhian ka namin. Pero hindi gano’n ang iniisip namin dahil si Papa ay sobrang nag-aalala sa iyo kagabi pa. Tama ‘di ba?” Huminga ako at saka tumango bilang tugon sa sagot niya. “I just… Hindi ko lang kasi alam kung paano pa ako makikitungo sa iyo, sa inyo ng pamilya mo pagkatapos ng nasaksihan ninyo kagabi. You were so kind and hospitable to me. Pagkatapos ay iyon pa ang igaganti ko sa inyo.” “Angeline…” Lumapit siya sa akin sabay hinawakan ang dalawa kong kamay. “Kung anuman ang nangyari kagabi ay alam ko na may tama at mali ka. Karapatan mo ang magalit dahil naging isang asshole naman talaga si Blade sa iyo. Kung nagawa mo man sa kanya iyon ay marahil parusa na niya iyon pero huwag mong iisipin na galit kami sa iyo. We totally understand you. Isa pa aalis na tayo papuntang Paris kaya ang mabuti pa ay kalimutan na lang natin ang lahat at magsaya na lang tayo roon.” “Okay.” “Malay mo bigla akong makahanap ng Parisian doon na mapapangasawa ko ‘di ba?” Natawa naman ako ng mahina sa kanya. “Right.” Napangiti naman siya sa akin at ipinagpapasalamat ko na dahil sa kadaldalan niya ay nawala ang awkwardness namin sa isa’t isa. Pagdating ng aming eroplano ay sumakay na kami ni Lucinda at iiwan ko na ang mga alala ko sa Gehenna Island. Tulad ng aking ginawa sa una ay tatakbuhan ko at kakalimutan kong muli ang aking mga naging kasalanan at pupunta sa isang bansa upang magbagong buhay. Ganito na lang ba ang aking gagawin at palagi na lang ba akong tatakbo tuwing may problema ako? Habang lulan kami ng eroplano ay bigla kong naalala si Lucifer dahil hindi ko pa pala naibabalik sa kanya iyong coat na pinahiram niya sa akin. Tungkol sa sinabi niya ay hindi ko alam kung magkikita pa ba kaming dalawa tulad ng kanyang sinabi kagabi. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya bago kami umalis para man lang sana magpasalamat sa kanya. Mabuti na siguro ang ganito dahil sigurado ako na mas makabubuti itong dalawa para sa amin. Makalipas ang ilang oras na byahe ay nakarating na kami sa airport ng Paris. Hindi ko alam pero naging takbuhan ko ang lugar na ito tuwing may problema ako at pakiramdam ko ay ginagawa ko ito ulit dahil sa mga nangyari sa isla. Habang naghihintay kami ni Lucinda ng aming masasakyan ay kanina pa siya wow ng wow sa lahat na lang ng makikita niya. Mukha siyang batang paslit na parang ngayon lang nakawala sa kanyang hawla kaya nakatutuwa siyang pagmasdan. Buti na lamang at sumama siya sa akin dahil kahit papaano ay nakakalimutan ko ang aking mga problema. “First time kong sasakay ng taxi,” sambit niya. “You mean here in Paris?” tanong ko. “No. I mean in my whole life; this will be the first time.” Maang akong napatingin sa kanya na parang hindi ako naniniwala sa kanyang sinasabi. “Are you for real?” “Yes. Nakita mo naman na palagi akong may family driver na sumusundo sa akin at lahat ng pupuntahan ko ay palagi akong may hatid sundo. I never tried commuting, but I always wanted to try it since I was a child.” Napakurap-kurap na lang ako sa bagong impormasyon na nalaman ko mula sa kanya. Well, hindi naman na nakapagtataka iyon dahil iyong bahay nga nila ay parang palasyo. Nang makakuha ako ng taxi para sa amin ay iniwan niya ang mga gamit niya at hindi man lang ito binantayan. Malay mo kung may kumuha bigla rito at itakas ang kanyang mga gamit. Geez. Pakiramdam ko ay mukhang pagsisisihan ko na pumayag na ako na sumama siya sa akin dito sa Paris. Nang makasakay ako sa taxi ay napailing na lang ako sa kanya dahil mukhang makikita ko na kung bakit hindi sila magkasundo ni Lucifer noon. Sinabi ko sa mamang driver ang aking address at agad niya naman kaming pinunta roon. Pagdating namin sa gusali kung saan ako tumitira ay nagpasalamat ako na hindi naman niya kinutya ang aking tirahan. Hindi ko lang kasi alam kung sanay siya sa na mamuhay na walang katulong at lahat. Pagpasok namin sa aking condo ay agad kong diniretso ang aking mga gamit sa aking kwarto at sumunod naman siya sa akin. “I’m so tired,” reklamo niya at humilata na sa aking kama. Hindi ko na lang ito pinansin dahil maski ako rin naman ay pagod na kaya naisipan ko na ayusin na lang muna ang aking mga gamit. Nang matapos ay napansin ko na natutulog pa lang siya kaya naman naisipan kong magpahinga saglit bago ako maligo. Akmang lalabas na sana ako ng sarili kong kwarto ay narinig kong magsalita si Lucinda. “Can you please remove my shoes, please? My feet hurt already. Oh, and kindly put my things inside the closet after you’re done?” Hindi ko alam kung nanaginip ba siya o gising siya at talagang inuutusan niya lang talaga ako. Hindi ko na lang siya pinansin at lumabas na lang ng sarili kong kwarto upang kumuha ng tubig sa ref. Habang umiinom ay biglang nag-ring ang aking cellphone at number lang ang naka-register dito. Sa isipin na marahil si Papa ito ay sinagot ko ito agad at halos magsitayuan ang aking mga balahibo nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. “Hi. I just want to check up on you guys. Kumusta naman ang byahe papuntang Paris? Nakarating na ba kayo?” Napainom ako sa baso ng tubig na aking hawak nang marinig ko ang boses ni Lucifer. “Uhm, h-hi. A-Ayos lang naman kami at kararating lang namin. Your sister is sleeping right now in my bedroom.” Napabuga siya ng hangin at halos manginig ang aking tenga dahil parang hinihipan niya ang aking tenga. “My sister is not used living independently, and I’m a little bit worried.” Natawa naman ako ng mahina at naglakad papunta ng salas ko. “Nag-aalala ka para sa kapatid mo? Akala ko ba ay hindi kayo close at magkagalit kayo sa isa’t isa?” He chuckled. Halos pumikit ako sa sarap na dinggin ang tawa niya. “I’m not actually worried about her, but I’m worried that she will give you a hard time. My sister is really handful, and she might tire you without you knowing it.” Napangiti naman ako dahil nag-aalala pala siya sa akin. “No worries. I think I’ll be fine.” “Okay, if you say so.” Napangiti ako. “I need to go. May tatapusin lang ako saglit. See you tonight.” Sa sobrang kilig na aking nararamdaman ngayon ay saka ko lang napagtanto ang kanyang sinabi nang maibaba ko na ang tawag. “Wait, tonight?” Napatingin ako sa aking cellphone nang mag-ping ang aking cellphone at may text mula kay Lucifer. “I’ll meet you tonight at exactly 8. Wear some formal dress.” Iyon lang ang text niya at bigla akong napatakip sa aking mga labi. Inulit-ulit ko pang basahin ang kanyang text para sabihin sa aking sarili na totoo itong nababasa ko ngayon. Nakagat ko ang aking ibabang labi at inilapit ang aking cellphone sa aking bibig na kinikilig. Bigla naman akong napatayo at nagtatatalon na parang teenager dahil sa sobrang excitement at kilig na aking nararamdaman ngayon. I need to find a nice dress for tonight. Agad naman akong pumasok sa aking kwarto pero agad na napawi ang aking ngiti nang bigla na lamang akong madulas sa kung ano. Napa-aray ako ng mahina at sapo ko ang aking pwet habang dahan-dahang tumatayo. Nang makatayo ay nagtaka ako kung bakit ang daming mga gamit na nakakalat dito sa sahig ng aking kwarto ngayon. Bigla namang lumabas si Lucinda mula sa aking banyo at nakita ko na mukhang bagong ligo lamang siya. “Friend, ano’ng ginagawa mo at hawak mo iyang bra ko?” Maang akong napatingin sa kanya at hindi makapaniwala na hindi man lang niya alam kung bakit ko hawak ang bra niya. Lahat ng mga damit niya ay nakakalat sa ibabaw ng aking kama at ang iba ay nasa sahig. Ang kanyang trolly bag naman ay parang basura niya na lang na itinapon sa isang tabi. Ang kanyang sapatos ay nakakalat kung saan-saan kaya naman biglang sumakit ang aking ulo. “Lucinda? We need to talk, now.” Agad ko naman siyang sinermonan sa ginawa niyang gulo sa aking kwarto. Mukhang ito na nga iyong sinasabi sa akin ni Lucifer na hindi niya alam mamuhay ng mag-isa dahil palagi kasi siyang may alalay sa bahay nila kaya hindi niya alam ang mag-ayos. Alam ko harsh akong magsalita pero kailangan niya ito lalo na at mamumuhay na talaga siya ng mag-isa. “Friend, sorry na. Hindi kasi ako sanay sa gawaing bahay dahil nga lumaki kami ni kuya na may sariling yaya. They did everything for me. Huwag ka nang magalit please? Aayusin ko na lang ito ng mabuti,” pakiusap niya at napabuga naman ako ng hangin. “Fine. Magluluto lang ako ng pananghalian natin kaya gusto ko kapag tapos na akong magluto ay dapat tapos ka na ring magligpit dito. Alalahanin mo na pumayag akong sumama ka sa akin pero oras na hindi ka matuto ay ipapa-deport kita pabalik sa kuya mo.” Sermon ko sa kanya at tumango naman siya ng ilang beses. Lumabas akong muli ng aking kwarto at naghanap ng pwedeng makain sa ref. Ang kaso pagbukas ko ay naalala ko nga pala na hindi pa nga pala ako nag-grocery ng aking mga kailangan dahil agad akong pumunta sa Gehenna Island ng dalawang linggo. Kaya naman agad akong nagpaalam kay Lucinda na lalabas lamang ako at sinabing huwag siyang gagalaw ng kung anu-ano rito. Pumunta ako sa grocery store na malapit lang sa aking condo at doon bumili ng aking mga kakailanganin. Malapit ko nang mabili lahat ng aking mga kakailanganin at magbabayad na lamang ang aking gagawin nang makatanggap ako ng tawag kay Lucinda. “Hello?” “Friend, may naghahanap sa iyo rito at sabi niya ay kaibigan mo raw siya. Kapangalan niya iyong bansang Paris din at hindi ko alam kung papapasukin ko ba siya.” “It’s okay. Papasukin mo siya at pakisabi na hintayin lang ako saglit dahil nagbabayad na ako ng grocery.” “Okay.” Nang matapos akong makabayad ay dali-dali kong binitbit lahat ang aking mga grinocery at bumalik sa aking condo kung saan ay naghihintay si Paris. Hindi ko alam kung bakit biglang nakaramdam ako ng hindi maganda kaya naman mabilis ang aking mga lakad na bumalik sa aking condo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD