Chapter 22

1981 Words
Angel Habang lulan kami ng kanyang sasakyan ay hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin o kung ano ang aking iaakto. All I know is that I am crying so much right now. Wala akong pakialam kung maging pangit ako sa itsura ni Lucifer ngayon pero gusto ko lang iiyak ang lahat. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa Vulgate Hotel at nang mapansin kong tumigil na ito sa entrada ng hotel ay pinatahan ko ang aking sarili. Walang tingin akong nagpasalamat kay Lucifer at akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng kanyang sasakyan nang pigilan niya ako. Natigil naman ako at nakita ko na inalis niya ang kanyang coat sabay pinulupot ito sa aking katawan. “Hindi pwedeng pumasok ka na ganyan ang itsura mo. Mamaya pagkamalan ka pa nilang pumatay ng tao.” Natahimik naman ako at napatingin ako sa kanya nang makita kong bumaba siya ng kanyang kotse sabay pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba naman ako agad at tulad nga ng kanyang sabi ay bigla akong pinagtinginan ng mga tao na naglalakad papasok at palabas ng hotel. Maya-maya ay biglang lumapit sa amin ang manager yata ng hotel dahil iba ang uniporme niya kaysa sa iba. Isa pa nakalagay din pala sa name plate niya ang pangalan at posisyon niya. “Good evening, Sir Lucifer. May I help you with something? Is she alright?” Ang tinutukoy niya ay siguradong ako. “I’m fine, but could you give me your first aid kit at this room number.” Agad namang tumalima ang manager at mabilis na hinila ako ni Lucifer papasok ng elevator habang nakasunod naman sa amin ang manager. Nakatungo lang ako dahil ayokong makita ako ng ibang tao sa ganitong kalagayan. Nang tumigil ang elevator sa nasabing palapag ay agad kaming dumiretso sa kwarto ko at pinauna akong pinapasok ni Lucifer. Naiwan siya sa labas habang kinakausap ang manager kaya naman dumiretso na muna ako sa loob ng aking banyo. Pagbukas ko ng ilaw ay agad akong tumingin sa salamin at maski ako ay nagulat sa aking itsura. Mukha nga akong pumatay ng tao dahil magulo ang aking buhok. Ang aking suot na damit ay may mga mantsa ng dugo na marahil galing kay Blade noong binugbog ko siya kanina. Madumi rin ang aking mga paa dahil naglakad ako ng paa sa pagkakasira ng aking heels. Kung hindi ko suot ang coat ni Lucifer ay baka mamaya ay nagtawag na sila ng pulis at sabihin na may serial killer na nakapasok sa hotel nila. Akmang huhugasan ko ang aking mga kamay ay napatingin ako sa mga buko ng aking kamay at maraming dugo ang nandito. Agad ko naman itong hinugasan ng tubig at sabon pero agad akong napasinghap nang makaramdam ako ng sakit mula rito. Gano’n ba ako kagalit na halos pati sarili kong kamay ay nasugatan ko ng ganito? Nang matapos akong maghugas ay naisipan kong magbabad sa bathtub para makaramdam man lang ako ng ginhawa kahit papaano. Makalipas lamang ang ilang minuto ay nagpalit ako ng aking mga damit. Pinulot ko ang aking damit na may bahid ng dugo ni Blade pati na rin ang coat ni Lucifer at naisipang ipalalaba ko na lamang ito bago ko ito ibalik sa kanya. Paglabas ko ng banyo ay narinig ko ang boses ni Lucifer at inakala ko na umalis na siya. “Is your hand, okay?” tanong niya at napatingin naman ako sa mga malilitt na sugat na aking natamo. “Let me see.” Lumapit siya sa akin at binawi ko ang aking mga kamay nang makita niya ang mga sugat dito. Pinaupo niya ako sa sofa at sinimulang gamutin ang aking mga sugat. Nang maramdaman ko ang hapdi ay napasinghap ako at halos ilayo ko sa kanya ang aking mga kamay. Humingi naman siya ng paumanhin at pinagpatuloy ang panggagamot sa aking mga sugat. Nakabibinging katahimikan ang namagitan sa aming dalawa habang nakatingin ako sa malayo. Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang magsalita. “All done.” Inayos niya ang first aid kit habang nakatingin naman ako sa ginamot niyang kamay ko. “I apologize for what Blade did back there. Hindi ko alam kung ano’ng nakain ng taong iyon para asarin ka niya.” Nanahimik naman ako at hindi ako nagsalita dahil hindi ko naman alam kung ano ang aking sasabihin sa mga oras na ito. Hindi ko nga alam kung ano’ng mararamdaman ko ngayon dahil gulong-gulo ako ngayon. “You don’t need to apologize in behalf of your friend,” sambit ko habang nakatingin sa malayo. “Kahit naman siguro siya ang humingi ng tawad ay hindi ko alam kung mapapatawad ko ba siya. I just want you to know that I don’t regret punching his face. I don’t care if it will leave scars and wounds. I don’t care if he’s going to sue me. I don’t care if he hates me to death. I don’t care—” “If you almost killed him?” Napatingin ako sa kanya at bigla akong natahimik. “Hindi ko alam kung ano’ng pinagdadaanan mo ngayon at ayos lang kung ayaw mong sabihin sa akin. But it will not erase the fact that you almost killed him.” Huminga siya ng malalim at sumandal sa sofa at napatungo naman ako sa sinabi niya. Maya-maya ay nag-ring ang kanyang cellphone at agad niya namang sinagot ito. “Okay. I’ll be there.” Binulsa niya ang kanyang cellphone sabay inayos ang kanyang upo at humarap sa akin. “I know this is not the right time to tell this to you, but even though I didn’t return your feelings, I want you to know that I am here as your friend. I hope that when you go back to Paris, we could still see each other. If that’s okay with you?” Tumango ako ng mabilis at bigla na lamang tumulo ang aking luha. “Yes. I would like that.” Tumayo na siya at sinabing kailangan na niyang bumalik sa kanila dahil kailangan niya pa raw kausapin si Blade. Pag-alis niya ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil pagkatapos ng lahat ng aking ginawa ay gusto niya pa ring magkita kami. Alam kong wala na akong pag-asa sa kanya pero hindi ko pa rin mapigilang umasa na darating ang araw na mahuhulog din ang loob niya sa akin. Lucifer Pagdating ko sa bahay ay mula pa lang dito sa labas ay rinig ko na ang sigaw ni Blade mula rito. Mabilis akong pumanhik sa pinagmumulan ng ingay at pumunta ako sa salas kung saan ay pagdating ko ay napatingin silang lahat sa akin. Agad naman akong sinalubong ni Blade at nagrereklamo sa ginawa sa kanya ni Angeline. Masama naman akong napatingin sa kanya at pinipigilan ko ang dagdagan ang suntok sa kanyang mukha dahil sa sinabi niya kay Angeline. Nakita ko namang napapahilot sa kanyang sintido si Papa at malapit nang umiyak si Lucinda na tahimik lamang na nakaupo sa upuan. Muli akong napatingin kay Blade na ang daming sugat sa kanyang mukha. “We need to sue that woman, Lucifer! Look at what she has done to my face.” Huminga naman ako ng malalim sabay umupo sa sofa sa tabi ni Papa. “Why? You were the one who acted like an idiot without knowing her capability?” tanong ko at kunot noong napatingin siya sa akin. “What?” “Didn’t it cross your mind that she would also sue you for accusing her that she’s the suspect of all that is happening to our family?” Napatingin sa akin sila Papa. “You may sue her Blade, but remember that once she also decided to sue you also, you will be in jail and you will also lose your job. Not only that, she will be free and you will stay in jail for months. You like that?” tanong ko sa kanya at halos magulo niya ang kanyang buhok. “So? Ano’ng gagawin natin? I know that… that she has something to do with this.” Nabubulol na sabi niya habang nagpapaliwanag. “Ano ba ang meron kay Angeline na hindi mo matanggap at pinagpipilitan mo na siya ang may gawa ng lahat ng mga ito? Nang dahil sa pambibintang mo ay tignan mo ang nangyari sa mukha mo,” sabi ni Lucinda sa kanya. Natawa ako at nakita ko na napangiti naman si Papa. “What’s funny? Guys, you think what happened to me is funny?” Pansin na naiinis na siya sa amin. “It’s funny because a woman actually did this to your face. A woman actually beat the hell out a policeman like you,” sabi ni Lucinda. Inikotan niya kami ng kanyang mga mata. “Masyado na yata kayong nabilog ng babaeng iyon na kahit ako na ang muntik mamatay dito ay ayaw niyong gumawa ng paraan para maparusahan siya,” paliwanag niya at napahilot ako sa aking sintido. “Fine. Kung ayaw ninyo ay hindi ko na kayo pipilitin pa. Pero ito lang ang masasabi ko sa inyo, darating ang araw na lalabas din ang baho ng babaeng iyon at paniniwalaan ninyo ako sa aking mga hinala. I will make sure that when the time comes, she will rot in jail.” Naglakad na siya palabas ng aming bahay at nagtinginan kami sa isa’t isa. “How’s Angeline, son? Is she okay?” tanong ni Papa at napatango naman ako. “Yes. She has cuts on her hands, but she’s fine.” “Hindi naman gano’n si Blade noon ‘di ba kuya? Bakit simula nang makilala na niya si Angeline ay parang alam na alam niya na may kasalanan itong sobrang laki? Will Angeline be, okay?” tanong sa akin ni Lucinda at napabuga na lang ako ng hangin. “Ang mabuti pa ay mas maganda na lang kung ibigay mo na lang muna sa iba ang imbestigasyon ng tungkol sa nangyari kay Lucinda at sa mga kaibigan niya anak.” Napatingin ako kay Papa sa sinabi. “I don’t think that Blade will be able to finish the job because of his grudge to Angeline.” “Oo nga kuya.” “Okay.” Tumango ako. “I will let him know it tomorrow.” Kinabukasan ay tulad nga ng bilin ng aking ama ay pinatawag ko si Blade sa aking opisina para kausapin siya tungkol sa binilin ni Papa sa akin. Habang nagpipirma ako ng mga importanteng dokyumento ay pumasok siya sa aking opisina na pagaling na ang kanyang mga sugat. “You called me to talk about something?” Prente siya umupo sa upuan na nasa aking harapan at ibinaba ko naman ang hawak kong papel. “Napag-isip-isip niyo na ba na parusahan na natin ang ginawa niya sa akin?” “No. Actually, Dad wants you out of our family’s case.” Napamaang siya sabay umayos ng upo. “What? But—” “Blade, kung magrereklamo ka sa akin ay magreklamo ka kay Papa. Kung sakaling ako rin ang nasa lugar niya ay gano’n din ang aking gagawin. You are not in your right mind to make a decision for this case. You are being bias because you want to prove that she’s behind all of this without the proper evidence.” Pinaningkitan niya ako ng kanyang mga mata. “You guys are making a big mistake.” Napailing siya ng dahan-dahan sabay tumayo at inayos ang kanyang damit. “Fine. Pero babalik din kayo para hingin ang aking tulong at sa pagkakataong iyon ay ipapakita ko kung ano’ng klaseng babae siya. Oras na mangyari iyon ay sisiguraduhin ko na papayag na kayong parusahan siya. You will thank me soon, Lucifer.” Umalis na siya at napailing naman ako sa inaakto ng lalaking iyon. Bumalik na lamang ako sa aking trabaho at hindi na lang inintindi si Blade.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD