Chapter 24

2159 Words
Angel Pagdating ko sa aking condo ay agad akong pumasok at naabutan ko sina Paris at Lucinda na masayang nagkwekwentuhan. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil pakiramdam ko ay napaparanoid lang ako sa aking naiisip. Meron kasi akong pakiramdam na baka hindi sila magkasundong dalawa dahil magkaibang-iba ang kanilang pag-uugali. “Sorry, naubusan kasi ako ng stock kaya kailangan kong bumili agad sa pinakamalapit na store riyan sa baba,” sabi ko sabay inayos ko ang aking mga pinamili. Maya-maya ay lumapit na silang dalawa sa akin at sinimulan naman akong tulungan ni Paris na iayos ang aking mga pinamili. “Ano’ng pwede kong maitulong friend?” tanong ni Lucinda. “Uhm, wala naman na since kunti lang naman ito. Did you fix your things?” Parang nahihiya siyang humindi pero imbes na magsabi siya sa akin ng totoo ay nagawa niyang magsinungaling sa akin. “Yeah, I did.” “She’s going to sleep here?” tanong naman ni Paris at tumango naman ako. “Ahhh… Oo. Alam mo kasi itong si Gie ay ayaw na ayaw niya sa mga makakalat at mga burara. Kaya nga pangisahan lang iyong kinuha niyang condo kasi gusto niyang mapag-isa.” “Gano’n ba?” sagot naman ni Lucinda. “Okay lang kasi at least nandito naman na ako at isa pa pumayag naman siya na dumito ako. Malungkot din naman kasi kung palagi siyang mag-isa rito at wala siyang kausap.” “Hmmm. Oo nakakalungkot nga kaya nga palagi akong pumupunta rito noon para may makausap siya. Umaalis din ako agad kasi alam ko na ayaw na ayaw ni Gie na naiistorbo siya.” Napangiti naman si Lucinda at inikot ko na lang ang aking mga mata. “Guys, please stop chit chatting and just help me with cooking. Ano’ng oras na at malapit na ang tanghalian oh.” Turo ko sa orasan at napatingin naman silang dalawa roon. Agad naman silang tumalima at napailing na lang ako sa pasaringan nilang dalawa. I knew that they would not get along together. Makulit at super clingy si Paris sa akin which ayaw na ayaw kong ginagawa niya pero nevertheless kaibigan ko pa rin siya. Si Lucinda naman ay madaldal at palakaibigan at gustong-gusto ko na rinerespeto niya ang privacy ko. Ang kaso oras na pagsamahin mo ang dalawang ito sa iisang kwarto ay alam kong magkakaroon agad ng World War III dahil sa parehas din silang magaling at ma-pride. Meron silang practice na ‘akin lang ito, akin lang iyan.’ Meron silang, ‘Ako lang ang pinakamaganda at pinakamagaling.’ Sila iyong klase ng tao na pakiramdam nila ay nasa kanila na ang lahat at wala dapat silang kakompetensya. Palibhasa ay parehas na nanggaling sa mayaman na pamilya at parehas pang spoiled kaya ayan. Kulang na lang ay magsabong na silang dalawa. Nang matapos akong tulungan ni Paris sa pagluluto ay nanatili lamang na nakaupo si Lucinda habang nanunuod ng tv. Ang kagandahan lang kay Paris ay marunong siya sa gawaing bahay habang kagaligtaran naman siya ni Lucinda na burara at makalat. Pakiramdam ko tuloy ay imbes na magkakaroon ako ng alone time ko ay sigurado akong bubulabugin nila akong dalawa. “Lucinda, let’s eat,” tawag ko sa kanya at agad naman siyang pumunta sa kusina. Nang makita niya ang aming kakainin ay bigla kong naalala na hindi pala siya sanay sa mga ganitong pagkain. “Ang bango naman niyan. Ano’ng pangalan ng ulam na ito?” tanong niya na parang batang ngayon lang nakakita ng sinigang na bangus. May mga ganito sa Paris dahil may mga ingredients naman sila na tulad ng sa ‘Pinas. Although hindi parehas ang lasa ay at least kahit papaano ay masarap at pwede pa rin naman itong kainin. “This is just fish with some spices. Hindi ka pa ba nakakatikim ng ganito?” tanong ni Paris at nakita ko namang nag-iba ang ekspresyon ni Lucinda. “Nakatikim na syempre pero sinasabi ko lang naman na mukhang masarap iyong ulam dahil si friend ang nagluto,” mataray niya namang sagot at umupo na sa hapag kainan. Alam naman naming pareho na hindi iyon totoo dahil hindi pa talaga siya nakatitikim ng sinigang na bangus. Habang kumakain ay maraming kwento si Paris sa akin tungkol sa bakasyon na pinuntahan namin. Masaya niyang kinukwento sa amin ang mga ginawa nilang dalawa ni Tristan at pansin ko na hindi naman nakikinig si Lucinda. “Ikaw Lucinda? Nakapunta ka na ba sa Gehenna Island?” tanong ni Paris pero mukhang maling tanong ang bato niya dahil hindi niya alam na kapatid niya mismo ang may-ari nito. “Oo naman noh. I actually live there. As you know, my family runs the island particularly my big brother.” Natahimik si Paris at parang napahiya na hindi ko alam habang may matamis na ngiti naman sa labi si Lucinda. “I hope your stay there was great.” “A little bit.” Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. “Really? I thought you were having fun, base from your stories with your boyfriend?” Kailangan ko nang itigil ito bago pa may mangyaring p*****n at ayokong ako mismo ang maglibing sa kanilang dalawa. “Guys, pwede ba itigil niyo na iyang pasaringan ninyo sa isa’t isa? Oras na hindi kayo tumigil ako mismo ang magbabalik sa inyong dalawa sa Gehenna Island at ipapakain ko kayong dalawa sa mga pating doon.” Pananakot ko at nanahimik naman silang dalawa. “Akala niyo ba hindi ko napapansin na kanina pa kayo parang nakikipagpaligsahan sa isa’t isa? Both of you are my friends, and if you are not going to get along then I’m going to unfriend the both of you.” “f*******: lang?” sabay pa nilang sabi at nagkatinginan silang dalawa at natawa na lang ako kaya pati sila ay natawa na rin. “I’m sorry. I think I was just acting like a child, and it’s not good. Friends?” Lahad ni Lucinda ng kanyang kamay kay Paris at tinanggap naman niya ito. “Friends. I apologize as well on how I acted.” Napangiti naman ako at sinabi na silang dalawa ang maghugas ng pinggan total ay inistress nila ako buong araw. Pumasok na lamang ako ng aking kwarto sabay naghanap na lamang ng aking masusuot para sa date ko kay Lucifer mamaya. Wait, date? Ano ba naman itong sinasabi ko na date e hindi nga kayang ibalik ni Lucifer iyong pagkagusto ko sa kanya ‘di ba? Isa pa sabi naman niya sa akin na willing siyang maging friend ko kaya ibig sabihin ay friendly date lang iyong magaganap mamaya. Hindi na dapat pa ako mag-assume ng kung anu-ano pa. Nang makapili na ako ng damit ay naabutan ko naman sina Lucinda at Paris na masayang nagtatawanan habang naghuhugas silang dalawa ng pinggan. Mukhang nagpapaturo si Lucinda kay Paris kung paano ang maghugas ng mga pinggan kaya naman nauwi siguro sa tawanan ang kanilang learning session. Mukhang madali naman pala silang kausapin na dalawa kaya hinayaan ko na muna silang dalawa sa namumuo nilang friendship. Malay mo ay baka mamaya pala ay mas maging close pa sila kaysa sa akin at mamalayan ko na lang na ako na pagkakaisahan nila pagdating ng araw sa asaran. Lumipas ang ilang oras ay naisipan nilang dalawa na lumabas daw dahil gusto raw ipasyal ni Paris si Lucinda sa buong town ng Paris. Mukhang masaya naman si Lucinda dahil sa ganitong paraan ay matututo raw siya na mag-commute at tuturuan daw siya ni Paris. Natuwa naman ako kaya hinayaan ko na lamang silang dalawa sa gusto nila at sabay na silang lumabas ng aking condo. Ako rin ay maghahanda na sa ‘friendly date’ namin ni Lucifer dahil malapit na rin ang mag-alas-otso. Pagtingin ko sa orasan ay alas-siete na kaya naman mabilis na akong nagbihis at nag-ayos ng kunti. Habang inaayos ko ang aking buhok ay hindi ko namamalayan na sobrang bilis ng oras at nakatanggap na lang ako ng tawag mula kay Lucifer na nasa baba na raw siya. Mabilis akong pumanhik sa baba at dali-dali naman akong pumasok sa kotse niya. “Kumusta naman si Lucinda?” tanong niya habang binabagtas namin ang kahabaan ng daan. “She’s okay. She made friends with one of my friends, Paris. Lumabas sila kani-kanina lang at hindi ko alam kung saan sila pupunta. Pero huwag kang mag-alala dahil alam ko na mabait na kaibigan si Paris at hindi niya hahayaan na ipahamak si Lucinda.” Tumango naman siya. Ipinarada niya sa isang restaurant ang kanyang sasakyan at sabay kaming pumasok kung saan ay ipinulupot ko ang aking braso sa kanyang kamay. Pakiramdam ko tuloy ay magsyota kami sa ginagawa namin dahil nagawa ko pang mahawakan ang matipunong mga braso ni Lucifer. Pagpasok ay agad kaming iginiya ng host sa rineserba na table ni Lucifer. Agad kaming nag-order ng aming pagkain at naiwan kaming dalawa ni Lucifer kasama ng wine na inorder niya. Napangiti na lang ako nang kalahati lamang ng baso ang linagay niyang wine sa akin samanatalang siya ay punong-puno. Napangisi ako at napailing na lang sa kanyang inakto. “Care to share to me why you are smiling like that?” tanong niya sa akin sabay uminom ng wine. “I think you are being unfair right now.” Nagtataka naman siyang napatingin sa akin sabay pinakita ko sa kanya ang aking baso. “Ayaw ko lang na malasing ka ulit at baka mamaya ay kung sinu-sino nanaman ang mag-uwi sa iyo.” Napangisi ako sa pag-aakto niyang pagiging tatay. “You act like a father, you know that?” “A lot, actually.” Maya-maya ay dumating na ang aming pagkain at masaya kaming nagkwentuhan ni Lucifer. May mga pagkakataon na nakikipag-flirt ako sa kanya pero palagi niya lang sinesegway ito at parang hindi niya ito napansin. Hindi naman ibig sabihin na hindi niya tinanggap ang aking confession ay hindi na ako pwedeng makipaglandian sa kanya. Nang malapit na kaming matapos kumain ay nakatanggap ako ng text mula kay Paris na pauwi na raw sila ni Lucinda. Nag-enjoy daw silang dalawa at mukhang nagkasundo nga agad ang dalawa. Ngumingiti naman akong binalik ang aking cellphone sa aking purse at pag-angat ko ng aking mukha ay nakita kong mataman na nakamasid sa akin si Lucifer. “Sino iyon?” tanong niya na nagpangiti sa akin. “It was one of my suitors, and he’s asking me if I could have a date with him tomorrow.” Pagsisinungaling ko dahil gusto ko lang makita kung ano ang magiging reaksyon niya. “Okay. Kung gusto mo ay ihahatid kita bukas sa meeting place niyo para naman makilala ko kung sino ang suitor mo.” Sabay subo niya ng huling piraso ng kanyang cake. “Mamaya baka pagkamalan ka pa niya na tatay ko dahil ang strikto mo masyado. Baka mamaya kapag nakita ka niya ay bigla siyang mag-back out dahil sa aura mo.” Pinahid niya ang dumi sa kanyang labi. “Dapat lang dahil ayaw ko naman na saktan niya ang kaibigan ko. You deserve a guy who will respect and love you.” Napasimangot ako dahil mukhang hindi effective ang pagseselos ko sa kanya. “You are the one hurting me,” bubulong-bulong na sabi ko pero tama lang para marinig niya ng malinaw. “Angeline, that’s not fair. I told you the reason why I—” “You can’t accept my feelings, and I understand that. Ang hindi ko maintindihan ay bakit pagkatapos mo akong i-busted ay bakit gusto mo pa ng closure? Hindi naman sa nagrereklamo ako at gusto ko rin naman na nakakasama kita pero alam mo kung ano ang nararamdaman ko para sa iyo. I just can’t act friendly towards you, when we both know that is not the case,” paliwanag ko at napatungo na lang ako. “Angeline…” “I’m sorry. Sorry for acting like a child.” Huminga ako ng malalim. “Can we just go home, please?” Pakiusap ko at agad naman niyang binayaran ang aming pagkain. Habang lulan kaming dalawa ng sasakyan ay walang nagsasalita sa amin ni isa. Pagdating namin sa tapat ng aming condo ay akmang bababa na ako ng sasakyan nang pigilan niya ako. “I hope that we can still see each other after this. Hindi ko muna masasagot iyong tanong mo pero sana hayaan mo ako na maging kaibigan kita. I really like you, as a friend.” Hindi ko siya sinagot bagkus ay dumukwang ako sabay binigyan siya ng halik sa kanyang mga labi na alam kong ikinagulat niya. “Well, if we are going to continue this friendship that you talk about, I just want you to know that I am going to do this as well. Kung ayaw mo na hinahalikan kita ay huwag na tayong magkita pagkatapos nito.” Pagkasabi ko nun ay agad na akong lumabas ng kanyang sasakyan sabay napangiti na pumasok sa aking condo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD