Chapter 21

2037 Words
Angel Ilang araw na ang nakalipas simula nang i-tour ako ni Lucifer sa buong isla niya at nagtapat ako ng tunay kong nararamdaman sa kanya. Well, hindi ako totally na nagtapat sa kanya dahil kapansin-pansin din naman kasi ang aking mga ikinikilos kaya nalaman niya. Kung hindi lang ako masyadong naging obvious ay baka hanggang ngayon ay hindi ako nasasaktan ng ganito. Simula ng ihatid niya ako mula sa tour ay wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak sa aking kwarto. Isang araw akong nagkulong at hindi ko sinasagot ang tawag ng aking mga kaibigan pati na rin ang tawag ni Papa. Linock ko ang aking sarili sa aking silid at hindi ako kumain ng buong isang araw. Gano’n pala ang ma-heart broken dahil parang halos mamamatay ka na sa sakit. Kaya ngayon ay naiintindihan ko na iyong mga kaibigan ko na sobrang in love sa kanilang mga asawa. I never thought that loving like this can be this complicated. Ngayon na ang huling araw na mananatili ako rito sa hotel at matatapos na rin ang aking bakasyon grande. Oras na para bumalik ako sa buhay ko sa Paris at susubukan na mag-move on sa ginawang pang-busted sa akin ni Lucifer. Hindi naman ako galit sa kanya dahil hindi ko naman siya pwedeng pilitin na gustuhin ako. Iniisip ko lang na sana ay pagkatapos nito ay hindi maging awkward ang lahat sa pagitan naming dalawa. Habang nag-aayos ako ng aking gamit ay sunud-sunod na katok ang aking narinig sa aking pinto na para bang tutumbahin na niya ito. Mabilis naman akong pumunta rito at pagbukas ko sa aking pinto ay nagulat ako nang sugurin ako ni Lucinda ng isang mahigpit na yakap. “Geez. Are you okay? Ayos ka lang ba? Hindi ka ba naglaslas ng kamay mo o hindi ka ba nagtangkang magpakamatay ha?” Nagtataka akong napatingin sa kanya habang pinapasadahan niya ako mula ulo hanggang paa. “I’m here, and if you want to cry, you can always use my shoulder friend.” Tinawanan ko siya ng ubod ng lakas at nagtataka naman siyang napatingin sa akin. “Oh my. Nababaliw ka na yata friend. Hindi bale at ipapatawag ko ang family psychiatrist namin upang patignan ka.” Doon ko siya pinalo sa kanyang braso at napa-aray naman siya. “Ga*a! I’m not crazy,” sambit ko. “E bakit kung makatawa ka ay para kang tumatawang hyena na kakatayin na?” Napailing naman ako sa kanya. “Lucinda, thanks for the concern, but I’m just fine. Hindi ako nababaliw o kahit ano pa man, okay? Teka, paano mo nalaman na nandito ako?” Sasagutin niya sana pero pinatigil ko siya. “Don’t answer that. I already know.” Pumasok akong muli sa aking kwarto upang ituloy na ayusin ang aking mga gamit. Ramdam ko naman na nakasunod lang sa akin si Lucinda. Umupo siya sa ibabaw ng aking kama sabay naramdaman ko ang kanyang mga titig sa akin. “Lucinda, kung may sasabihin ka sa akin ay sabihin mo na. Hindi iyong makatitig ka sa akin ay para akong may kinuha sa iyo,” sabi ko habang nagtutupi ng aking mga gamit. “Kuya told me what happened after the tour. Noong malaman ko iyon ay inaway ko siya at napagsabihan ko siya ng masasakit na salita kaya hanggang ngayon ay hindi kami nagpapansinan.” Napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi. “Bakit mo naman aawayin ang kuya mo nang dahil lang sa hindi niya binalik ang pagkagusto ko sa kanya? Are you telling me that you’re going to choose me than him? He’s still your brother.” Tumayo siya sabay humalukipkip. “Alam mo naman na bet na bet kita para kay kuya ‘di ba? Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit hindi ka rin niya gusto gayong pansin din naman sa kanya na gusto ka niya. Tsk! Ano na ngayon ang plano mo?” Huminga ako ng malalim. “Well, since this is my last day here, then I need to go back in Paris and move on. Wala na rin namang dahilan pa para manatili pa ako rito ‘di ba? It will just be a reminder that me and Lucifer will never happen,” malungkot kong saad at nakita ko ang awa sa mga mata ni Lucinda. “I’m sorry.” Ngumiti lang ako sabay sinara na ang aking bag. “Sasama ako sa iyo sa Paris.” “What? Why?” “Well, ayaw ko rin namang makita muna si kuya at binabalak ko na rin naman na mamuhay ng mag-isa kaya sasama na lang ako sa iyo. Isa pa marami pa naman akong ipon at kung gusto kong magtrabaho ay pwede naman akong sumideline muna sa kompanya ni Papa na nasa Paris din. At saka syempre naging malapit ka na kaibigan sa akin at para na ring kapatid ang turing ko sa iyo kaya sasama na lang ako sa iyo. Isa pa kung gusto mong maalala si kuya ay pwede mo lang akong titigan o pagnasahan dahil magkamukha naman kami.” Natawa ako ng mahina at napailing sa kanyang sinabi. “Ikaw na dapat ang magpa-check-up sa psychiatrist dahil mukhang ikaw na ang may tama.” Nagtawanan kaming dalawa sa aming mga kalokohan. Bukas ng umaga ang aking flight pabalik ng Paris at tinawagan na rin ako ni Paris kagabi na baka magkita na lamang kami sa Paris dahil ngayong gabi na raw ang kanilang balik lalo na at balik silang dalawa ng nobyo niya sa trabaho. Nag-aayos ako ngayon ng aking sarili dahil sa huling pagkakataon ay pumayag ako na makisalo ng huling dinner sa pamilya Salazar. Hindi ko rin alam kung paano ako napapayag ni Lucinda at namalayan ko na lang ang sarili ko na tumatango sa pagyaya niya. Agad akong bumaba at nakita ko na naghihintay na roon ang sasakyan na pinadala para sa akin ni Lucinda papunta sa kanilang bahay. Habang nasa daan kami papunta sa mansyon ng mga Salazar ay mas lalo lang kumakabog ang aking puso dahil muli ko nanamang makikita si Lucifer sa huling pagkakataon. Pagdating namin sa nasabing bahay ay agad na akong sinalubong ni Lucinda at hinila na ako papasok sa kanilang dining area. Habang papalapit ako ay ramdam ko ang malakas na t***k ng aking puso na para bang anumang oras ay sasabog na ito at lalabas na ito mula sa aking dibdib. Pagtulak ni Lucinda sa pinto ay agad na hinanap ng aking mga mata si Lucifer at pinagpasalamat ko na wala pa pala siya rito. “Glad you came, iha,” bati sa akin ni Tito Luther. “Hello po, Tito.” Humalik ako sa kanyang pisngi at agad na umupo sa tabi ni Lucinda. Habang umiinom kami ng kunting alak ay narinig na namin ang pagbukas ng pinto at pinipigilan ko na huwag tumingin sa direksyon na iyon dahil alam kong makikita ko siya. Ang kaso ay ayaw makisama nitong aking mga mata at awtomatikong tumingala ito at agad na nagtama ang mga mata namin ni Lucifer. Mas lalo siyang gumwapo sa ilang araw na hindi ko siya nakita at pinipigilan ko na huwag kiligin sa presensya niya. “Oh, I didn’t know that you are still here?” Napatingin ako sa kasama ni Lucifer na hindi ko malaman kung bakit ang lala ng galit sa akin. “So are you, Sir Blade. You are still here,” sarkastikong sabi ko at agad na napalitan ng inis ang aking nararamdamang kilig kanina. Nag-umpisa na silang umupo at umupo si Lucifer sa tapat ni Lucinda at si Blade naman ang aking nasa tapat. Nagsimula na kaming kumain at noong una ay maganda pa naman ang usapan nila dahil tungkol ito sa business. Maya-maya ay natanong bigla ni Tito Luther ang tungkol sa nangyari sa pool party noong nakaraang linggo. Natigil ako sa pagnguya at nakita ko sa gilid ng aking mga mata at tingin sa akin ni Blade bago niya sinagot ang tanong ni Tito Luther. “Wala pa naman kaming nahahanap na lead kung sino talaga ang naglagay ng mga pampahilo sa mga inumin ng mga pumarty,” simula niya habang tuloy lang ako sa pagkain. “Pero ayon sa anak ninyo na si Lucinda ay may nakasayaw siyang lalaki na pinakilala lang ng isa pa niyang kaibigan. Naghahanap pa kami ng leads kung sino ang pwedeng nag-imbinta sa lalaking ito lalo na pwedeng kakilala lang ito ng mga pumapasok dito. Lalo na at mukhang kayo lang naman ang tumitira rito.” Natigil ako sa pagnguya at hindi ko napigilan ang aking sarili na magalit at diretsong napatingin kay Blade sabay pabagsak na linapag sa hapag ang mga kubyertos na aking hawak. Nakita kong nagulat sila sa aking ginawa kaya naman napangiti ng nakaloloko sa akin si Blade. “Cut to the chase, Blade. Bakit hindi mo pa sabihin ng diretsahan sa akin na ako nanaman ang pinagbibintangan mo?” galit kong tanong sa kanya. “You are just letting me believe more that you maybe the one who did the drugging.” Napatayo ako at pinigilan naman ako ni Lucinda. “I am warning you. Hindi mo ako kilala kaya wala kang karapatang pagbintangan ako. Bakit ikaw? Paano kung ikaw pala ang may pakana ng lahat ng ito at binabato mo lang sa akin ang lahat? You were supposed to fly in Mexico, but you didn’t, right?” Nakita kong gumalaw ang kanyang panga at dahan-dahan siyang tumayo pero hindi ako nagpatinag. “I pity you, Ms. Angeline. Acting like a seven-year-old just because I am accusing you. If your parents were here, you will be just a disappoint to them. Or maybe they also taught you how to be disrespectful.” Dumilim ang paningin ko sa kanyang mga pinagsasabi. The next thing I knew I am on top of Blade punching him on the face. Naramdaman ko na lang na may humila sa akin at yinakap ako mula sa likuran habang pinipigilan ako na huwag sugurin si Blade. Nakita ko naman na tinulungan ni Lucifer si Blade na makatayo. Masama ang pinupukol na tingin sa akin ni Blade habang duguan ang kanyang mukha dahil sa pambubugbog na aking ginawa. “Huwag na huwag mong idadamay ang mga magulang ko rito!” Iyak at sigaw ko sa kanya. “Friend, tahan na.” Huminga ako ng malalim at saka lamang ako nahimasmasan. Nakita ko na may mga ilang security na pumasok sa dining area at pagtingin ko sa kanila Tito Luther at Lucifer ay takot at gulat ang kanilang ipinupukol sa akin. Pagtingin ko sa aking mga kamay ay halos namamaga na ito at may bahid ng dugo na galing kay Blade. Napalunok ako at doon ko lang napagtanto kung ano ang aking ginawa. “Will you please escort Miss Angeline outside?” rinig kong sabi ni Tito Luther at napatungo na lang ako. Hindi ko na hinintay na makalapit sa akin ang mga security at agad na naglakad ng mabilis palabas sa dining area. Walang lingon akong naglakad-takbo ng mabilis hanggang sa makalabas na ako sa mismong property ng mga Salazar. Habang naglalakad ay naiyak na lamang ako dahil mas lalo ko lamang dinadagdagan ang aking mga kasalanan. Ngayon na nakita nila kung ano’ng klase akong tao ay sigurado akong hindi na nila ako hahayaang makalapit pa sa kanila. Habang naglalakad ay naputol pa ang heels ng aking sapatos kaya muntik na akong mapatid. Inalis ko na lamang ito at nagsimulang maglakad ng paa-paa pabalik sa hotel. Alam ko na malayo ang hotel mula rito kung lalakarin ko ito pero ayos lang dahil wala naman akong karapatang magreklamo. Habang pinapahid ko ang aking mga luha ay narinig ko mula sa malayo ang busina ng isang sasakyan at paglingon ko ay nakita ko si Lucifer na nag-aalalang nakatingin sa akin. “Come. Ihahatid na kita. Masyadong malayo kung lalakarin mo ang hotel mula rito.” Napatingin siya sa aking mga paa at napatungo na lang ako. Lumabas siya ng kanyang sasakyan at nagulat ako nang buhatin niya ako at saka pinasok sa loob ng kanyang sasakyan. Walang salita siyang nagmaneho papunta sa hotel habang ako ay hindi ko alam kung ano pa ang mukhang ihaharap ko sa pamilya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD