Chapter 17

2132 Words
Angel Nandito ako ngayon sa bahay nila Lucinda dahil pinilit niya akong makipag-dinner sa kanila pero ang aking ipinagtataka ay kasama namin si Blade. Mukhang close rin siya sa pamilya ni Lucifer dahil hindi siya nandito sa isang family dinner kung hindi siya close sa kanila. Isa pa ay kanina ko pa napapansin na kanina pa siya tingin ng tingin sa akin pero alam ko na hindi siya interesadong ligawan ako. Iba iyong tingin niya at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito. “Buti naman at nakadalo ka ulit sa dinner namin iho,” sabi ni Tito Luther sa kanya. “Oo nga po Tito. Matagal-tagal na rin simula noong hindi ako nakasama sa mga family dinner ninyo.” Well close nga talaga siya sa kanila. “Oh, Angeline, iha. Have you meet Blade already?” tanong sa akin ni Tito at tumango naman ako. “We’ve met already, Tito.” Napatingin naman ako kay Blade dahil siya ang sumagot sa tanong ni Tito Luther. “Pinakilala siya sa akin ni Lucinda at sinabi niya na siya raw ang nagligtas sa inyo sa drink poisoning.” “Oh, yes. Utang na loob namin ang lahat sa kanya dahil kung hindi niya linigtas iyong biggest investor namin ay hindi sana na-approve ang business deal namin sa kanya.” Sabay tawa na sambit ni Tito. “It’s all thanks to her that we are still alive.” Tumango-tango naman si Blade at tipid naman akong napangiti sa kanya. “Buti nga at nakita niya agad na may Cyanide sa inumin niyo Tito kundi ay baka hindi na sana ako makakasama sa mga family dinner ninyo.” Nagtawanan naman silang lahat. Agad na napunta ang aming atensyon sa pinto nang pumasok doon si Lucifer na hindi pa nakapapalit ng kanyang damit. Mukhang galing lamang siya sa trabaho at agad na siyang dumiretso rito agad. Agad naman siyang binati nina Tito at Lucinda at nang makita niya ako ay natuon na ang tingin niya sa akin kaya agad naman akong ngumiti sa kanya. “You are still a workaholic, bro,” umpisa ni Blade. “As always.” Nag-fist bump silang dalawa at doon ko lang napagtanto na close rin siya kay Lucifer. Nagsimula ang aming dinner na nagkwekwentuhan lang tungkol sa trabaho sina Tito Luther, Lucifer at Blade at minsan pati si Lucinda ay nakikisali na rin. Tahimik lamang ako dahil ako lang yata ang walang mai-share sa kanila tungkol sa trabaho dahil oras na gawin ko iyon ay baka mabuko ako at bigla kong masabi na dati akong assassin. Habang lumalalim ang gabi ay nanatili lamang akong tahimik habang nakiking sa kanilang tatlo at parang kaming dalawa lang ni Cole ang hindi makaintindi sa mga business talks na ito. Habang ngumunguya ako ay napaangat ang aking tingin nang kunin ni Blade ang aking atensyon. “Ikaw Angeline? Mind telling us what your work before is? Sabi kasi ni Lucinda na police ang tatay mo at tinuruan ka niya?” Tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya. “Saan naka-base ang tatay mo?” “He’s retired already, and he’s living in Italy right now.” Tumango-tango naman siya. “Wow! I know a friend who works as a policeman there. Sigurado ako na isang beterano ang ama mo. I mean, naituro nga niya sa iyo kung paano malaman na may drugs pala sa mango juice.” Napatingin ako sa kanya at napangiti lamang siya sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin. “Oh, and they said that you are also good in martial arts?” “Oo,” tipid kong sagot. “Nice. I am good with martial arts, so maybe we can have a sparring someday?” Natigil ako sa pagnguya at bigla kong naibaba ang aking mga hawak na kubyertos. “Uhm… I-I don’t think that—” “O bakit? Are you scared that I might defeat you?” Masama akong napatingin sa kanya habang dahan-dahan kong nginunguya ang aking pagkain. Nakita ko na binigyan siya ni Lucifer ng isang batok at si Lucinda naman ay naiinis na pinagsabihan si Blade habang si Cole ay parang excited na makakita ng close hand to hand combat. Si Tito Luther naman ay poker face lang na kumakain. “Okay. I accept your challenge.” Napangisi siya at bigla akong nawalan ng ganang kumain. “Okay. Is it okay if we start tomorrow at around eight in the evening? May trabaho pa kasi ako at kailangan kong mag-stretching ng kunti.” Tumango na lang ako. Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na ako sa kanilang lahat at akmang lalabas na sana ako ng dining room nang may ipahabol na salita si Blade sa akin. “Oh, I won’t go easy on you tomorrow even if you’re a woman.” Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy nang lumabas ng dining area nila. Paglabas namin ng bahay ni Lucinda ay bad mood akong nakatayo sa entrada habang kasama ko si Lucinda na kanina pa tahimik. “Angeline, I’m so sorry.” Napatingin naman ako kay Lucinda na nagtataka. “Pasensya ka na kung masyado akong naging tsismosa at sinabi ko kay Blade iyong tungkol sa iyo. Hindi ko alam kung gusto mo na sinasabi sa iba iyong tungkol sa buhay mo. Proud lang naman kasi ako na nagkaroon ako ng friend na super cool. Isa pa family friend din naman kasi namin si Blade kaya nandito siya. Tignan mo tuloy at napasabak ka ng sparring ng wala sa oras sa Blade na iyon. Ang yabang talaga ng kutsilyo na iyon.” Natawa naman ako sa palayaw na binigay niya kay Blade. “Ayos lang. It’s not your fault. It’s just that he’s ego is so big. He feels over confident. Sayang may itsura pa naman sana siya.” Napahinga ako at nakararamdam nanaman ng pagkainis tuwing maaalala ko ang lalaking iyon. “Pero Angeline mag-iingat ka sa taong iyon bukas ha?” “Bakit naman?” “Well, he’s really good in martial arts. Hindi siya naging pulis ng basta-basta lang at kahit na gano’n ang ugali niya ay magaling siya sa trabaho niya. Kaya nga siya ang kinuha ni kuya na mag-handle ng case na ito dahil may tiwala si kuya sa kakayahan niya. Tsk! Nag-guilty tuloy ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Sana hindi ko na lang sinabi na magaling ka rin sa martial arts. Napapasubo ka tuloy nang dahil sa akin.” Sumimangot siyang parang bata. “Don’t worry. Magiging ayos lang ako bukas at saka isa pa sparring lang naman ang gagawin namin.” Umiling siya. “Sparring to Blade means a real fight. At saka nakita na namin kung paano lumaban ang kutsilyong iyon. Ni minsan ay wala siyang natalong sparring at lahat napupunta sa hospital. Ilang beses na naming pinipigilan siya nila kuya pero oras na sinabi na niya ay hindi na namin mababago ang isip niya. Kuya knows it, and I’m sure he’s so worried about you.” Sumimangot naman ako sa sinabi niya. “Paano siya mag-aalala e palagi naman siyang iwas sa akin at para akong may sakit na palagi niyang linalayuan noh.” Wala akong narinig na salita mula kay Lucinda at paglingon ko sa kanya ay may gulat siyang ekspresyon sa kanyang mukha. “Wait a minute. Are you and kuya going out without me knowing it?” Inikotan ko siya ng aking mga mata at narinig ko siyang nagtatatalon dahil sa tuwa. “Kailan? Teka may nangyari na ba sa inyo?” Kinurot ko siya sa tagiliran niya at tinakbuhan naman niya ako. “Ikaw kung anu-anong lumalabas diyan sa bunganga mo ha. Isusumbong kita kay Tito Luther na may pagnanasa ka roon sa kutsilyong sinasabi mo.” Lumaki ang kanyang mga mata. “W-W-What? W-Wala noh?” “Asus! Deny pa more. Hindi man tayo matagal na magkakilala ay kitang-kita ko kung paano ka tumingin sa kanya na kulang na lang ay para mo na siyang gagahasain.” Humaba naman ang nguso niya. “Sige na. Aamin na ako. E paano naman kasi iyong gano’ng kakisig na katawan ay dapat talagang pinagnanasahan noh. Naku kung makita mo lang ang alaga nun ay para akong mabibiyak ng ilang ulit.” Linakihan ko siya ng aking mga mata at maang na nakatingin sa kanya. “Oh my god…” Sinenyasan niya naman ako na tumahimik. “Sikreto lang natin ito ha? Please? Kapag nalaman ni Papa ito ay magagalit siya sa akin.” “Oo na.” Yinakap niya ako at napailing naman ako sa kanyang inaakto. Nang makarating na ang aking sundo ay nagpaalam na ako kay Lucinda at kumaway naman siya pabalik sa akin bago umandar palayo ang aking sinasakyang kotse. Habang nasa daan ay bigla akong napapikit sa aking desisyon kanina na labanan ang kutsilyo na iyon. Napangiti na lang ako dahil pati ako ay naisasama nang tawagin siyang kutsilyo. Ipinagdarasal ko na sana ay hindi matuloy ang laban namin bukas dahil ayokong makita ako ng pamilya ni Lucifer na lumaban sa akto. Sabi ko kailangan kong maging maingat pero heto ako at mas lalo ko lamang binubuking ang aking sarili. Sigurado ako na may pakiramdam si Blade na may kakaiba sa akin at hindi ko alam kung ano ang binabalak niya bukas. Pagdating ko sa aking hotel ay nagpasalamat ako sa lalaking nagsundo sa akin nang makatanggap ako ng tawag mula kay Dominus. Habang nakatingin ako sa aking cellphone ay bigla kong naalala iyong tungkol sa lalaki na may spider na tattoo at iyong sulat na ipinakita sa akin ni Blade. Agad akong naghanap ng matataguan at saka ko sinagot ang tawag sa akin ni Dominus. “Hello, Dominus.” “Buti na lang at sumagot ka naman ngayon. Akala ko kasi ay hindi mo ulit papansinin ang aking tawag.” Napaikot naman ang aking mga mata sa kanyang sinabi. “Anyway, tumawag lang naman ako para sabihin sa iyo na effective today ay wala ka na sa listahan ng mga assassin. You are really free from OA. Iyon lang naman ang sasabihin ko.” Akmang ibababa na niya ang tawag nang pigilan ko siya. “Dominus? I need to tell you something, and it’s really important.” “Okay.” Agad ko namang sinabi sa kanya ang lahat ng aking mga nalaman pati na rin ang tungkol sa lalaking may tattoo at tungkol sa sulat na aking natanggap. Nang malaman niya ito ay nagkaroon ng kunting katahimikan sa kabilang linya kaya alam ko na prinoproseso niya pa ang aking mga sinabi. “Dominus? Are you still there?” “Yes, I’m still here, Angel. Okay. I’ll look into it as soon as possible. Thanks for the information, Angel. I suggest that you shouldn’t be involve in this any longer. Alalahanin mo na hindi ka na empleyado ng OA at oras na malaman ng mga taong nakapaligid sa iyo ang tungkol sa pagkatao mo ay alam mo ang magiging kaparusahan. You swore an oath, Angel. I hope that you can still remember that.” “Yes, I know that.” “Okay. I need to go as I need to attend to some matters as well. Thanks again.” Pagkatapos nun ay nawala na siya sa kabilang linya at nakagat ko naman ang aking ibabang labi. Pumanhik na ako sa aking kwarto sa hotel at nahiga sa aking kama habang nakatingin ako sa aking kisame. Ngayon na natamasa ko ang kalayaan na gusto ko ay bakita pakiramdam ko na parang nakakulong pa rin ako sa rehas. I run away from my problems. I run away from being an assassin, but no matter where I go, it looks like being an assassin is always hunting me. Napapikit naman ako ng mariin sabay yinakap ang aking unan ng mahigpit at unti-unting hinila ng antok. Kinabukasan ay naalimpungatan ako sa malakas na tunog ng aking ringtone kaya naman halos takpan ko ng unan ang aking tenga. Iniisip ko na magsasawa rin ang tumatawag dito pero nakailang ring na ito kaya naman hindi na ako nakabalik sa pagtulog. Naiinis kong kinuha ang aking cellphone na nakakalat sa kama at pagtingin ko ay tumatawag sa akin si Lucinda. “Lucinda, why the hell are you— What?” Napaupo ako sa aking kama at bigla akong nabuhayan ng loob. “The sparring tonight is cancelled! May sunod kasi na trabaho na kailangang gawin si Blade at inutusan siya ng kanyang boss na pumunta ng Mexico. Ngayong gabi rin lang ang flight niya kaya ang saya naming malaman na hindi tuloy ang sparring,” masayang paliwanang ni Lucinda. “Are you serious?” Umuo naman siya at nagtatatalon naman ako sa tuwa sa ibabaw ng aking kama dahil sa aking nalaman. Mukhang narinig ng Diyos ang aking dasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD