Chapter 18

2056 Words
Angel Nakasuot ako ngayon ng simpleng shorts at manipis na blouse habang hinihintay ko si Lucinda sa entrada ng Vulgate hotel. Naisipan kasi namin na since hindi naman pala tuloy ang mangayaring sparring ngayong gabi ay magsasaya kami sa kanyang bahay. Mini-party lang naman siya at kasama ko ang buong pamilya niya. Pakiramdam ko tuloy ay parte na rin ako ng kanilang pamilya dahil kahit ano’ng okasyon o mangyari sa kanilang pamilya ay palagi nilang sinasabi sa akin. Siguro ay simula nang iligtas ko ang isa sa mga invvestors nila ay para sa kanila ay ako ang hero nila. Masaya naman akong makatulong sa kanila at isa pa ay napapalapit ako kay Lucifer. Hindi gano’n kabilis tulad ng aking inaakala ay kahit papaano ay nakakausap ko na siya at nakikita ko pa siya. Parang kailan lang ay nasa Paris ako at hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko sa aking buhay. Ngunit sino ang mag-aakala na magiging ganito ang kahihitnan ng lahat? Nasa gano’ng pag-iisip ako nang marinig ko ang aking pangalan at pag-angat ko ng aking tingin ay nakita ko si Lucinda na kinakawayan ako mula sa loob ng kotse. Agad naman akong tumakbo palapit sa kanya at agad na pumasok sa kanyang kotse. “Excited na ako sa party. Nandoon na silang lahat at tayo na lang ang hinihintay nila,” sambit niya at napatango naman ako. Pagdating namin sa kanilang mala-palasyong bahay ay hinila na ako agad ni Lucinda papunta sa may pinakatuktok na parte ng kanilang bahay kung saan naroon ang swimming pool. Excited na rin akong makita si Lucifer kaya naman hindi na maalis-alis ang aking ngiti. Pero pagbukas ni Lucinda ng pinto papasok sa nasabing swimming pool ay napawi ang aking ngiti nang makita ko na ang daming tao roon at hindi lang pala ito family party. Ang buong akala ko naman ay mini-party lang ito pero hindi ako nasabihan na party pala talaga ito at ang daming tao. May DJ pa na nagpapatugtog habang ang iba ay nasa pool na at may hawak na baso ng mga alak habang nagkwekwentuhan. Hindi ko tuloy mahanap si Lucifer sa dami ng tao rito. Pagtingin ko kay Lucinda upang tanungin sana siya tungkol sa sinabi niya sa akin na pool party ay bigla na lamang siyang nawalang parang bula. Nakita ko na lamang siya na abalang nakikipag-usap sa ilang kalalakihan at nakikipagtawanan pa talaga. I feel so left out here especially it looks like they are all Lucinda’s friend or maybe family friends. Hindi man lang ako ininform ni Lucinda kanina sa loob ng kotse para naman sana nakapag-back out pa ako. Hindi ko tuloy maiwasan na mainis sa kanya dahil ayaw na ayaw ko sa lahat ay may hindi ako nalalaman. Huminga ako ng malalim at saka akmang aalis na lang sana sa party ay biglang may nakabungo sa akin at natapon niya sa akin ang kanyang alak. “Great…” mahinang sambit ko habang naiiritang pinupunasan ito at hindi man lang tinignan kung sino ang nakatapon sa akin. “Why the long face, Angeline?” Napaangat ang aking tingin at nakita ko na si Lucifer pala ang nasa aking harapan. “Here.” Alok niya sa akin ng kanyang panyo at agad ko naman itong tinanggap. “Thanks. Ibabalik ko na lang sa iyo ito oras na malabhan ko ito. Pasensya ka na.” Napangiti ako at nakita kong napakunot siya. “You’re weird. You do realize that I was the one who actually messed up your shirt.” “Oh, talaga ba? Maybe I wasn’t just paying that much attention to it. I just want to get out of here.” Natahimik naman siya at nakita kong napatango siya kunti. “Okay. Come with me. I know a better place where there’s no one there.” Nauna na siyang lumabas ng pool party at agad naman akong sumunod sa kanya. Paglabas namin ay hindi ko alam kung saan kami pupunta pero alam ko naman na hindi ako ipapahamak ni Lucifer kaya nakasunod lamang ako sa kanya. Maya-maya ay napatingin na lamang ako sa isang malaking pavillion na nasa aking harapan na napapalibutan ng mga palamuti at lights. Mukha itong maliit na bahay-bahayan at nasa bandang likuran ito ng bahay nila kaya walang katao-tao ni isa rito. Nakita kong umupo si Lucifer sa isa sa mga upuan kaya sumunod na rin ako at bigla akong nakaramdam ng katahimikan. Linibot ko ang aking tingin sa kabuuan nito at naisip ko na kahit dito na lamang ako maglagi ay ayos lang dahil sobrang tahimik. “It’s so quiet here,” puna ko. “Is that a bad thing?” tanong niya at napangiti naman ako sabay umiiling. “No. I actually like the peacefulness here. It’s so serene and so calm.” Inalokan niya ako ng maiinom at nagtaka ako na isa itong juice na aking ikinataas ng aking kilay. “I will not let you get drunk again after what happened on that beach party.” Napangiti naman ako sabay kinuha ang inaalok niyang mango juice sa akin. Kung alam lang niya na hindi naman talaga ako malalasing pero natutuwa ako na concern siya sa akin. Namuo ang saglit na katahimikan sa pagitan naming dalawa at inenjoy lang namin ang katahimikan ng paligid. Napatingin ako sa kanilang bahay kung saan ay naririnig ko na ang malakas na patugtog ng DJ at ang ilang ilaw na nakikita ko roon. “You see the reason why me and Lucinda will never get along?” Napatingin naman ako sa kanya. “We are exact opposites, and we can never be on good terms. Gusto niyang pumarty habang gusto ko ng katahimikan. Gusto niyang mamasyal pero gusto kong nasa bahay lang ako. But I think that after thirty years we get along with something,” paliwanag niya at gusto kong malaman kung ano ito. “Which is?” tanong ko. “It’s actually who not which.” Napailing ako dahil hindi ko maintindihan pa rin ang ibig niyang sabihin. “We like you.” Napataas naman ang aking kilay. “Y-You like me?” paglilinaw ko sa kanyang sinabi. “Don’t get me wrong. I mean I like you as a person. Your personality, your attitude, the way you talk to us.” “Oh, thanks,” iyon na lamang ang aking sinabi. “Pwede ba akong magtanong sa iyo?” “Like I said Angeline, you are already asking.” Napatango naman ako dahil tama nga naman siya. “Okay. When the first time we met in Paris, why is it that you didn’t even talk to me? And then here, you acted like you don’t want to do anything with me. Pagkatapos ngayon ay kinakausap mo na ako.” Seryoso siyang napatingin sa akin at medyo nakagat ko ang aking ibabang labi dahil masyado yata akong matanong sa bagay na iyon. Huminga siya ng malalim at saka linapag niya ang basong hawak niya sa lamesa sabay pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay. Tumingin siya ng malayo at nakita kong napangiti siya ng tipid at halos mapatitig ako sa gwapo niyang mukha. Sino’ng mag-aakala na marunong pa lang ngumiti ang isang Lucifer Salazar? “When I was a kid, I was always bullied because of my name. They call me names such as demon, Satan, sinner, and many more that is associated with this name. I asked my mother before why would she name me after a very sinful demon. Then her answer was, when I was born, I brought such brightness that it made them smile. “Lucifer basically means morning star. Noong narinig ko iyon ay hindi ako naniwala sa nanay ko dahil hindi iyon ang pagkakaintindi ng mga bata sa school noon. I grew up thinking that I am a bad guy, that I do bad things. Naisip ko noon na dahil gano’n ang pangalan ko ay bakit hindi ako umakto base sa pangalan ko nang sa gano’n ay katatakutan ako ng mga taong nasa paligid ko. “My friends, my employees, my co-workers, and even my family were afraid of me. Wala naman akong pake kaya naisip ko na ituloy ang pekeng katauhan na ito na nagtatago sa pangalan ni Lucifer. Noong una nakaramdam ako ng kaligayahan na maganda pala na may ganito akong pangalan. Pero mas lalong lumala noong nagbibinata na ako dahil iyong mga natitipuhan kong mga babae noon ay nagawa ring pagkatuwaan ang pangalan ko. “Naisip ko na mas lalo kong gawing masama ang ugali ko kaya halos lahat ng lumapit sa akin ay pinapikita ko agad na masama akong tao. Gusto kong gawin iyon para hindi nila pagtawanan ang pangalan ko, ang katauhan ko na naging parte na ng aking buhay,” mahabang paliwanag niya sa akin. Natahimik siya at gano’n din ako dahil naalala ko bigla ang mga sinabi sa akin noon nina Ate Evelyn at Lucinda. Lucifer is a very kind guy, but because of the people around him, he builds such a wall that would hide the real him. Iyon ang rason kung bakit hindi niya ako kinausap noon dahil akala niya ay gagawin ko ring katuwaan ang kanyang pangalan. Ngayon ko lang napagtanto na magkabaligtad na magkalabaligtad ang aming mga pangalan. Pinangalanan akong Angeline dahil ang amo ng aking mukha pero ang aking katauhan ay nabahiran ng maraming kasalanan. Habang siya ay walang ginawa ni isa na kasalanan pero purong-puro ang kanyang puso at gusto niya lamang na intindihin siya. Hindi ko tuloy alam kung makararamdam ako ng awa sa kanya dahil sarili ko mismo ay kinaaawaan ko. Ngayon na iniisip ko ay karapat-dapat ba ako sa kanya lalo na at wala siya ni isang kamuwang-muwang na ang babaeng nasa harapan niya ay ang totoong Lucifer. Napatingin ako sa malayo at naisip bigla kung ipagpapatuloy ko pa ba ang paghahabol sa kanya. “You suddenly became so quiet.” Uminom siya sa kanyang baso at huminga ako ng malalim. “It’s just I realize something. I think that we are complete opposites.” “I can see that. Your name is Angeline and my name is Lucifer. You are kind and I am unkind. You are good and I am bad. Yup. Complete opposites.” Tipid akong napangiti sa kanya. “Hindi. Pakiramdam ko ay mas kabaliktaran ang ibig mong sabihin.” “What do you mean?” Ngumiti na lamang ako ng pagkatamis-tamis sa kanya at hindi na lang sinagot ito dahil oras na ginawa ko iyon ay baka mas lalo ko lamang ibaba ang aking sarili. Napatingin na lamang ako sa aking orasan at nakita kong gabi na at kailangan ko nang magpahinga. Inubos ko na lamang ang aking mango juice at saka sinukbit ko ang aking bag sa aking balikat. “I need to go. This is my last week on the island, and I want to explore everything that is here.” Napatayo naman siya at saka inubos ang kanyang alak. “I guess I need to satisfy the need of my visitors then. Meet me tomorrow at eight o’clock sharp, and I will tour you around.” Nauna na siyang maglakad palayo pero tumigil siya at saka muling napalingon sa akin. “Good night, Ms. Angeline.” “I said just Angeline. Good night, Mr. Lucifer.” Sinundan ko ang kanyang likod na papalayo habang papasok sa kanilang bahay at naiwan naman akong mag-isa rito sa pavillion. Maglalakad na sana ako nang nakita kong tumatawag sa akin si Lucinda. Pagkatapos ng ilang oras ay ngayon niya lang siguro napansin na wala na ako. Agad ko itong sinagot at narinig ko na mukhang lasing na siya dahil hindi ko na maintindihan ang kanyang sinasabi. “Lucinda, hello?” tanong ko pero wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. “Hello?” Maya-maya ay nakarinig ako ng ungol sa kabilang linya at halos kunot noo akong napatingin sa aking cellphone. Papatayin ko na sana ito dahil ayaw ko namang makarinig ng live audio mula kay Lucinda pero natigil ang aking gagawin nang may marinig akong sinabi niya. “I feel so high, Angeline. I feel like I’m flying after drinking a bottle of beer.” Napakunot lalo ang aking noo at agad na pumunta sa pool party nila. Drinking a bottle of beer will not make a person feel like she’s flying. Something is wrong with her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD