Chapter 16

2010 Words
Angel Nakasuot siya ng shorts at polo na nakabukas ang dalawang butones nito. Ngayon ko lang napansin na may manipis na buhok pala sa kanyang dibdib at iniisip kung ano ang pakiramdam na hawakan iyon. Napalunok ako at pagtingin ko sa kanyang mga mata ay dumako rin ang kanyang tingin sa kanyang dibdib kaya naman napaiwas ako bigla ng aking tingin dahil sa hiya. “Can you please cook breakfast for us, Evelyn? Thank you.” Agad namang tumalima iyong ginang at naisip ko na siya ang kasambahay dito sa bahay ni Lucifer. Nang makaalis na si Evelyn ay naramdaman ko ang presensya ni Lucifer sa aking likuran kaya hindi ko mapigilan ang mapalingon sa kanya. Nginitian ko siya pero hindi man lang siya ngumiti pabalik sa akin at nagpatiuna nang naglakad pababa. Bakit gano’n? Kagabi lang ay ang bait-bait niya sa akin pagkatapos ngayon ay balik nanaman kami sa hindi pagpapansinan? Ibig sabihin ba nun ay iyong akala kong progress ay nasayang lang dahil sa natulog ako? Naiinis akong bumaba ng hagdan at sumunod na rin sa kanya. Ang luwang ng bahay ni Lucifer at hindi ko alam kung ilang palapag ito dahil naaalala ko na sumakay pa kami ng elevator kagabi. Maya-maya ay napunta ako sa kusina at nakita ko na abalang nagluluto si Ate Evelyn yata iyong pangalan niya. “May maitutulong po ba ako?” tanong ko. “Ikaw po pala Ma’am. Naku hindi na po kailangan dahil bisita ka po rito ni senyorito. Nagugutom ka na ho ba? Malapit na hong matapos ito.” Umiling ako. “N-Naku, ayos lang po ako at hindi niyo po kailangan na bilisan ang pagluluto.” Napangiti naman siya at bumalik siya sa pagluluto. “Ate Evelyn, pwede ba akong magtanong sa iyo?” “Oo naman ho.” “Uhm, g-gaano na ho kayo katagal na nagtratrabaho kay Lucifer?” Natigil siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi. Pinakatitigan niya ako at mas lalong lumawak ang kanyang ngiti na akin namang ipinagtaka at muli siyang bumalik sa pagluluto. “You are in love with him, aren’t you?” Napamaang naman ako at hindi agad nakaimik. “No need to lie to me Ma’am because I can see it in your eyes, you know. Hindi naman ho kita masisisi kung magkagusto ka nga ho kay senyorito. Sino ba naman po ang hindi ‘di ba? “Sa tanong mo ay sabihin na natin na simula eighteen years old ako ay dito na ako nakatira sa mga Salazar. Naabutan ko pa yata ang lolo noon ni senyorito bago ito sumakabilang buhay. Ano ba ang gusto mong malaman kay senyorita iha?” tanong niya. “Ho? A-Ako ho? H-hindi ko naman ho tinatanong iyong tungkol sa kanya.” Natawa naman ng mahina si Ate Evelyn at bigla naman akong napasimangot. “O sige.” Bigla siyang tumahimik at bigla naman akong nagsisi dahil hindi ko pa tinanong iyong tungkol kay Lucifer. “M-Mabait po ba siya?” Muling napangiti ng matamis si Ate Evelyn sa akin at gumanti na rin ako ng ngiti. “Marami ang nagsasabi na masungit si senyorito dahil hindi siya palangiti at hindi siya gano’n palasalita. Marami ang nagsasabi na bagay ang binigay na pangalan sa kanya dahil para raw siyang…alam mo na…” Alanganin niya itong sinabi pero ako na ang nagtuloy. “Demonyo?” Tumango naman siya. “Bakit naman ho demonyo ang tingin sa kanya ng iba? Oo hindi siya namamansin at may pagka-mean nga po siya pero masyado naman po yatang harsh iyong demonyo.” “Tama ka riyan iha. Mabait si senyorito oras na makilala mo na siya pero ang problema lang talaga kasi kay senyorito ay hinahayaan niya na sabihin ng mga tao na isa nga siyang demonyo. Hindi kasi marunong maglabas ng kanyang emosyon si senyorito pero sa lahat na yata ng mga nakilala ko ay siya na yata ang pinakamabait. Kailangan mo lang habaan ang pasensya mo sa kanya dahil hindi siya marunong mag-adjust sa ugali ng iba.” Tumango-tango naman ako. “May dahilan ho ba kung bakit gano’n ang ugali niya?” Akmang sasagutin na sana ito ni Ate Evelyn ay narinig namin si Lucifer. “Ate Evelyn, is the food done? I need to be at the office for an urgent meeting,” sabi niya habang inaayos niya ang kanyang necktie pero ang pangit naman ng pagkakaayos nito. “Uhm, medyo magulo iyong necktie mo.” Turo ko sa necktie niya at napahinga naman siya ng malalim. “Do you mind if I fix it for you?” Hindi siya umimik kaya dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya at saka kinalas ang pagkakatali niya sa kanyang necktie at muling inayos ito. Nang makitang maganda na ang ayos ng kanyang necktie ay nakita kong nakatingin siya sa akin ng mataman at imbes na iiwas ko ang aking mga tingin sa kanya ay sinalubong ko ito ng walang takot. Kitang-kita ko ang aking sarili sa kanyang mga mata pero nabibighani ako sa asul na kulay nito. Nauna siyang umiwas at linapitan ang luto ni Ate Evelyn habang ako ay naiwang nakatayo habang nakatingin sa kawalan. Tinawag na rin akong muli ni Ate Evelyn pero napansin ko na kumuha na lamang ng baon si Lucifer at dire-diretsong lumabas ng kanyang bahay. Pakiramdam ko tuloy ay ayaw niya akong kasalo sa hapag-kainan kaya napasimangot naman akong kumain. Nang matapos akong kumain ay naalala ko na hindi ko pala alam ang daan pabalik sa aking hotel at nang habulin ko si Lucifer sa labas ay hindi ko na siya naabutan. Maya-maya ay isang lalaki ang lumapit sa akin at nakauniporme siya ng itim. “Miss Angeline?” tanong niya at tumango naman ako. “Sir Lucifer asked me to escort you back at your hotel.” “Oh, I see.” Nagpaalam at nagpasalamat na ako kay Ate Evelyn at sumunod naman sa lalaki. Nadidismaya ako dahil hindi man lang niya sinabi sa akin na may maghahatid sa akin. Nang maihatid ako ng lalaki sa linalagian kong hotel ay agad akong nagpasalamat sa kanya at bagsak ang aking mga balikat na pumasok dito. Pagdating ko sa aking kwarto ay naalala ko na iniwan ko nga pala ang aking cellphone rito kagabi at nakita ko na ang dami nanamang missed call sa akin ng aking ama. May ilang texts at tawag din galing kay Paris at Lucinda kaya naman naisipan kong tawagan at tanungin sila. Ang una kong tinawagan ay si Paris na agad naman niyang sinagot sa unang ring pa lang. Nangamusta lamang siya sa kung kumusta naman ang aking bakasyon at sinabi ko naman na masaya ako dahil tinanggap ko ang regalo niya. Kalaunan ay wala naman na kaming masyadong pinag-usapan dahil naririnig ko sa kanyang background na tinatawag na siya ni Tristan. Nang matapos ko siyang kausapin ay sinunod ko naman si Lucinda pero sa kanya ay nakailang tawag pa ako bago niya ito sinagot sa ikatlong ring. “Hays. Sa wakas at natawagan din kita. Naalala mo pa ba iyong tungkol sa linigtas mo na isang investor noon ng kompanya ni kuya?” tanong niya. “Oo. Ayos na ba siya?” “Okay naman na siya pero hindi kasi iyon ang gusto kong itawag sa iyo. We just got some reports from the incident that happened. Pinaimbestigahan kasi ni Papa iyong tungkol doon at may nalaman kami. Gusto ko sanang makita mo ito pero ayaw kang istorbohin ni Papa dahil nakakahiya na raw sa iyo. Pero kasi gusto ko sanang malaman kung ano’ng masasabi mo tungkol doon?” mahabang paliwanang niya. “Okay. I’ll just prepare, so could you send me someone that can take me there?” pakiusap ko at pumayag naman siya. Nang ibaba niya ang tawag ay agad naman na akong naligo at saka nagpalit ng damit. Paglabas ko ng hotel ay nakita ko na may naghihintay na sa akin na sasakyan katulad ng sinabi ni Lucinda. Pagdating ko roon ay agad akong sinalubong ni Lucinda at hinila ako kung saan. Habang naglalakad kami ay sinasabi naman niya sa akin ang kanilang mga nalaman. “Why do you want me to see it?” tanong ko sa kanya habang pasakay kami ng elevator. “Alam ko na hindi ka pulis pero kasi hindi ba sabi mo na pulis ang papa mo at may mga naituro siya sa iyo. Sa lahat ng tao ay ikaw lang ang nakaalam na may Cy**ide sa mango juice na iyon. Naisip ko lang na oras na makita mo kasi iyong nakita ng mga pulis ay may mas kaalaman ka na pwede mo pang masabi. Maybe you can see something that the police can’t,” paliwanag niya. Dumiretso kami sa isang banda ng kompanya nila sa may bandang likuran kung saan ay malapit ito sa may mga trash bins at mga gamit na mukhang patapon na. Nakita ko na may barricade tape rito at may mga pulis ngayon na nakabantay kaya naman bigla akong nakaramdam ng takot tuwing makakikita ako ng mga pulis. Hinila ako ni Lucinda at sakto namang may lalaking lumapit sa amin at pagkakita ko sa kanya ay parang pamilyar siya sa akin pero hindi ko lang alam kung saan ko na siya nakita. He has an aquiline nose, a high fade textured quaff hair, full lips, white skin, and grey eyes. Nakasuot din siya ng uniporme niya at to be honest ay bagay na bagay niya ang pagiging pulis dahil kayang-kaya niyang dalhin ang kanyang trabaho. “So far, we don’t know what we have found Ms. Lucinda,” simula ng lalaki. “I see.” Napatingin sa akin ang lalaki at agad akong pinakilala ni Lucinda sa kanya. “Oh, she’s my closest friend, and she’s the one I’m talking about. Siya iyong nakakita ng Cyanide at nagligtas sa isa sa mga investors ni kuya,” proud niyang sabi. “It’s a pleasure to meet you, Ms. Angeline. My name is Blade Daniels, and I am the one who is heading this investigation.” Nakipagkamay siya sa akin. “Lucinda told me about how you saw the Cyanide in that mango juice. Very heroic if I must say.” Napangiti lang ako at agad na binawi ko ang aking kamay sa kanya. “Blade? Pwede niya bang makita iyong na-discover ninyo?” tanong ni Lucinda. “That is a police investigation, and Ms. Angeline here is a civilian, so I can’t.” Sumimangot naman si Lucinda. “But since she was the one who saved one of the investors, then why not? I will do it because you asked nicely.” Napangiti naman si Lucinda sabay pumalakpak at napailing naman ako. Agad naman akong sinama ni Blade at ngayon lang nila pinakita sa akin na may katawan pala ng tao rito. “If you can’t stand the sickness of seeing a dead body—” “It’s okay. I’ve seen enough dead bodies in my life, so this is not new to me anymore,” sagot ko at linapitan ang bangkay. Nang mapagtanto ko nanaman ang aking sinabi ay napatingin ako sa kanya at may ngiti sa kanyang mga labi kaya iniwas ko na lang ang aking tingin at binalik ito sa patay na lalaki. Habang nakatingin ako sa nakahandusay na katawan ay napansin ko na may tattoo sa kanyang kanang kamay. Nang titigan ko ito ay may spider na tattoo ito sa likod ng kanyang palad. “Base sa reports na aming nakalap ay siya ang naglagay ng Cyanide sa mga inumin niyong mango juice,” simula ni Blade. “He has his fingerprints all over the glasses, so we immediately traced him. He’s about to escape when we found him, and luckily, we caught him, but he decided to kill himself instead. Oh, and we also found a letter that he was holding before he died.” Binigay niya ito sa akin na nakalagay sa isang plastic at habang binabasa ko ito ay parang nabuhusan ako ng malamig na tubig pagkakita sa nakasulat na papel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD