Chapter 15

2091 Words
Angel Habang nagkakasiyahan ang lahat ay abala kaming nagkwekwentuhan na dalawa ni Lucifer. Sa aming pagkwekwentuhan ay napansin ko na medyo iwas pa siya sa mga ibang tanong ko lalo na kapag ang pinag-uusapan ay ang tungkol sa sarili niya. Hindi ko na lamang ito pinilit at baka mamaya ay biglang lumayo ang loob niya sa akin. Mula sa bar ay pinapanuod namin ang mga taong nagkakasiyahan at nag-iinuman. Marami sa kanila ay sumasayaw na at mukhang tipsy na kaya naman kung minsan ay bigla na lamang silang matutumba. Maya-maya ay napansin ko na natahimik si Lucifer at pagtingin ko ay parang nahuli ko siyang nakatingin sa akin pero nakabaling na ang kanyang paningin sa kabilang direksyon. Hindi ko na lamang ito pinansin at napangiti ako bago ako muling napainom sa aking tequila. “How did you learn to do martial arts?” Napatingin ako sa kanya. “What? Oh, uhm, ever since I was a kid I went to a martial arts school. Mahirap siya noong una pero kapag nasanay ka naman na ay okay na.” Tumango-tango naman siya. “Why did you choose martial arts though? I mean as such a young age, I’m sure you would rather play with barbie dolls and girly stuff, you know?” Napangiti naman ako sa tanong niya at saka muling sumimsim ng inumin sa aking baso. “Hmmm…Siguro kasi noong bata ako ay palagi akong napapaaway sa mga kaklase ko noon dahil palagi nilang binu-bully ang ka— I mean palagi nila akong binu-bully noon. Kaya naisip ng tatay ko na pakuhanin ako ng martial arts para hindi nila ako apihin,” paliwanag ko at naniwala naman siya. Sinungaling pa more Angeline. Kung sakaling malaman lang ni Lucifer kung ano ang aking trabaho noon ay baka hindi na niya ako payagan pa na makipag-usap sa kanya o kahit sino sa myembro ng pamilya niya. Kaya naman hanggat maaari ay iingatan ko na huwag ipakita sa kanya na dati akong assassin. Bigla siyang natahimik dahil may tumawag sa kanya at agad niya naman itong kinausap. Habang abala akong nanunuod sa mga nagpa-party na mga tao sa labas ay napatingin ako sa kanya. “Angeline, sorry I need to go. I’m needed at the house right now.” Paalam niya at bigla naman akong nadismaya dahil ayoko sanang iwan niya ako. “Oh, sure. Sige lang punta ka lang. Ayos lang akong mag-isa rito.” Ngumiti ako at tumango naman siya. Bumalik akong umupo sa bar at nakagat ko ang aking labi nang inisang lagok ko lahat iyong tequila ko. Alam ko naman na hindi talaga ako malalasing pero gusto ko pang makasama si Lucifer ng matagal at hindi ko alam kung bakit umaatake ngayon iyong pagiging aktres ko. Binalik ko sa waiter iyong baso at nakita ko na may lalaking tumabi sa akin pero mukhang hindi niya ako napansin agad. Pasimple akong sumilip kay Lucifer at mukhang nandoon pa siya at abalang nakatingin sa kanyang cellphone habang may tinitipa na kung ano. Okay. Huminga ako ng malalim at tumayo sabay maglalakad na sana pero sinadya ko na matalisod at sakto namang nasalo ako ng lalaking malapit sa akin. “Whoah! Easy there, miss. Are you okay?” tanong niya at nagkunwari akong nahihilo dahil sa alak kahit alam ko na wala naman akong tama. Napansin ko naman na may itsura iyong lalaki, matangkad, at matipuno siya pero hindi ko alam kung gentleman ba siya katulad ng kay Lucifer. Isa pa hindi ko ipagpapalit si Lucifer sa kanya noh. Inalalayan ako ng lalaki at napansin ko na nakatitig din siya sa aking dibdib pero bigla ko siyang gustong suntukin sa pagmumukha dahil si Lucifer lang ang may karapatan na tumingin diyan. “I’m fine. I’m a little dizzy.” Muli akong umakto na natumba at sa pagkakataong ito ay halos napayakap na sa akin iyong lalaki. “Maybe I should escort you home? Does that sound good to you?” Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa aking tenga at napapaikot na lang ang aking mga mata dahil sa pagkairita. Kung hindi lang kita kailangan para sa plano ko ay hindi ako papayag na hawakan mo ako. Akmang bubuhatin na sana niya ako ay narinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa aking likuran at napangiti na lang ako. Mas lalo kung sinadya ang umakto ng nahihilo para mas ka-bilib-bilib ang aking acting. Pwede na akong manalo ng Oscars sa ginagawa ko. “Who are you?” sarkastikong tanong ng lalaking tumutulong ngayon sa akin. “That woman you are putting your hands with around right now is with me. So, I suggest you let go of her already.” Binabantaan niya ba iyong lalaki? Sige ipaglaban mo ako Lucifer. “Tss…Like I would believe that. She’s with me now, and I will send her home.” Akmang aalis na sana kami nang magulat ako nang bigla niyang sinuntok iyong lalaki na nagpatumba rito. Napamaang ako at sinigurado ko na continue pa rin ang aking acting kahit na gulat na gulat ako sa ginawa ni Lucifer. “You asshole! Why do you have to do that? She’s just a girl,” sabi ng lalaki habang may dugo na sa kanyang labi at nasa sahig na. Ano’ng just a girl? Ano ako bata sa paningin mo? Gusto mo yatang ipakain kita sa mga pating na nandito sa isla e. Hindi sinagot ni Lucifer ang tanong ng lalaki at agad akong dinaluhan sabay inakay na ako palayo sa pinangyarihan. Doon ko lang napansin na ang dami na pa lang nakatingin sa amin na mga tao. Did we just make a scene? No. I made a scene. Nang makarating kami sa sasakyan ni Lucifer ay tinulungan niya akong makasakay dito at sinigurado na hindi ako mauuntog sa hood ng kotse. Naramdaman kong umuga ang kotse tanda na pumasok na rin siya ng kanyang kotse habang ako ay tuloy pa rin ang aking acting. Sinandal ko naman ang aking ulo sa bintana at nasapo ang aking ulo para kunyari raw ay sumasakit at nahihilo ako dahil sa kalasingan. “I thought you can manage your alcohol?” rinig kong sabi niya sa akin. Iyon lang ang sinabi niya at pinaandar na niya ang kanyang kotse. Iyon lang? Wala man lang himas sa aking katawan o kaya wala man lang pagnakaw ng halik sa akin? Para naman kunyari ay hindi ko maaalala ang nangyari kinabukasan? Pagkatapos ng lahat ng acting ko at pinayagan ko pa na titigan ng lalaking iyon iyong dibdib ko ay wala man lang akong napala? Sigurado ako na kapag sa ibang lalaki ay siguradong baka nagahasa na rin ako. Pero muhang hindi yata effective ang ganitong taktika kay Lucifer. Ish! Wala ka man lang pakisama Lucifer. Maya-maya ay kunyari ay nahihimasmasan na raw ako sa pagiging lasing ko at minulat ko na ang aking mga mata dahil wala na yata akong mapapala kay Lucifer. Umayos ako ng upo sa loob ng kotse ni Lucifer sabay sinapo muli ang aking ulo. “Where am I?” tanong ko. “We’re almost at my house, so I want you to just rest a little.” Napatingin ako kay Lucifer na sobrang seryoso ng kanyang ekspresyon na nakatingin sa daan. “I-Ihatid mo na lang ako sa hotel ko please. Nandoon iyong mga gamit ko,” sabi ko pero naka-cross fingers naman ang aking mga daliri. “No. You are coming with me. You are drunk, Angeline. Oras na dinala kita sa hotel mo ay baka may magtangka nanaman sa iyo roon.” Napangiti ako. “I can protect myself well, Lucifer. I’m good with martial arts, remember?” “Yeah, right,” sarkastikong sabi niya. “Kung kaya mo ang sarili mo e di sana wala ka ngayon sa loob ng kotse ko at hindi sana kita isasama sa bahay ko. You were almost kidnapped and raped by a guy, and I won’t let that happen.” “Geez. You are so protective. Para kang tatay ko.” Huminga ako ng malalim at napasulyap naman siya sa akin sabay tinuloy ang pagmamaneho. Nang makarating kami sa bahay niya ay nauna na akong lumabas at nagpagewang-gewang ako ng aking lakad at naramdaman ko ang mga kamay niya na pumulupot sa aking baywang. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kuryente sa aking katawan kaya hindi ko mapigilan na alisin iyong kamay niya sa akin. Pero imbes na alisin niya ay binalik lang niya ang hawak niya sa aking baywang at mas lalo akong linapit sa kanyang katawan. Habang naglalakad kami papunta sa elevator ay maka-ilang beses akong nagkunwari na natatalisod o natutumba para mas lalong humigpit ang hawak sa akin ni Lucifer. Geez. Nang makapasok kami sa elevator ay kinuha ko ang pagkakataon na isandal ang aking ulo sa dibdib niya at para akong literal na nalalasing sa mabangong amoy niya. “You smell so good,” sambit ko at linapit ko pa ang aking ilong sa kanyang dibdib. Naramdaman ko naman na parang nanigas siya sa kanyang kinatatayuan at alam ko na may epekto ako sa kanya. Hmmm. Tignan natin kung magawa kong akitin siya at baka maka-score ako sa kanya. Ang ginawa ko ay yinakap ko ang aking mga braso sa kanyang leeg at mas linapit ang aking ilong sa kanyang leeg. Nakagat ko ang aking labi nang maramdaman ko na mapalunok siya ng paulit-ulit dahil ramdam ko ang pagtaas-baba ng kanyang adam’s apple. Nang tumigil ang elevator ay inakay niya ako papasok sa kwarto niya sabay pinaupo ako sa sofa niya pero hindi ko inalis ang pagkakayakap ng aking mga braso sa kanya. “Stay here, please.” Hila ko sa kanya. “Angeline, you are drunk. Isa pa hindi ako iyong klase ng tao na magt-take ng advantage sa taong lasing.” Inalis niya ang aking braso at bigla naman akong napalabi sa kanyang sinabi. Naglakad siya palayo at nakita ko na pumasok siya sa kanyang kusina at sinilip ko naman siya. Tumayo ako at nakakita ako ng salamin na nakadikit sa kanyang pader sabay tinignan ang aking sarili sa harapan ng salamin. Ngayon ko lang nakita na super revealing pala ang swimsuit na aking nabili kaya naman pala kung makatingin sa akin ang iba ay may pagnanasa. Pero bakit kay Lucifer ay hindi effective ang ganitong itsura ko? Hindi man lang ba siya tinitigasan sa nakikita niyang katawan ko ngayon? Hays. Ano ba itong ginagawa ko at parang ang desperada ko naman yata masyado? Huminga ako ng malalim at bumalik na umupo sa sofa at sakto namang lumabas si Lucifer na may hawak na baso ng tubig. Binigay niya ito sa akin at sinabing inumin ko raw ito kaya mabilis ko namang tinanggap ito at linagok ng isang beses. Nang matapos ay binalik ko sa kanya ang baso at saka humiga sa kanyang sofa dahil pakiramdam ko ay wala nang pag-asa pa na maakit ko si Lucifer sa alindog ko. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hindi ko namamalayan na bigla akong nakaramdam bigla ng antok. Nang magising ako kinabukasan ay linibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng kwarto at bigla akong napaupo at nakaramdam ng kaba dahil wala ako sa kwarto ko na nasa hotel. Puring puti ang kamang hinihigaan ko at naalala ko na baka nagahasa na ako o kung ano man. Pagtingin ko naman sa aking katawan ay nakahinga ako ng maluwag nang makitang nakasuot pa naman ang aking swimsuit at wala akong maramdaman na parang nabiyak ang aking perlas. Bumangon ako at saka binuksan ang pinto sabay sumilip dito at tumingin sa aking kanan at kaliwa. Doon ko lang naalala na nandito pala ako sa bahay ni Lucifer dahil sa pagkukunwari kong pagiging lasing kagabi. Nakaramdam ako agad ng lamig sa aking katawan dahil mukhang nakabukas ang aircon ni Lucifer sa buong bahay. Bumalik ako sa loob ng kwarto at naghanap ng pwedeng maisuot nang may makita akong polo na mahaba kaya agad ko naman itong sinuot. Lumabas akong muli sa aking kwarto at tumitingin-tingin sa kabuuan ng bahay ni Lucifer nang may magsalita mula sa aking likuran na aking ikinagulat. “Aah!” sigaw ko at nakita ko naman ang isang may edad na babae. “Oh, I’m so sorry dear. I didn’t mean to scare you. Ikaw ba iyong bisita ni senyorito?” Dahan-dahan akong sumagot na medyo may gulat pa rin. “Glad you’re awake.” Napatingin kaming dalawa kay Lucifer na mukhang kalalabas lang ng kanyang kwarto. Halos lumaki ang aking mga mata nang makita ko ang kanyang suot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD