Chapter 14

1962 Words
Angel Tatlong araw pa lang ang nakalilipas simula nang dumating ako rito sa Isla ng Gehenna Island. Sa tatlong araw na pananatili ko rito ay sobrang dami agad ng mga nangyari. Nakita ko ulit si Lucinda at nalaman na isa pala siya sa mga kapatid ng lalaking hinahanap ko isang buwan na ang nakalilipas. Si Lucifer ay siyang may-ari ng Gehenna Island at kasing sama ng pangalan niya ang kanyang ugali pero para sa akin ay gwapo pa rin siya. Ilang beses ko nang muntik maibuking ang tunay kong katauhan bilang isang assassin at nagpapasalamat ako na sa lahat ng mga pagkakataong iyon ay nalulusutan ko ang mga ito. Pero kailangan ko pa rin ang mag-ingat dahil hindi sa lahat ng oras ay pwede akong magbigay ng palusot sa kanila. Sabi nga nila na walang baho ang hindi lumalabas, pero ang kaso lang sa akin ay hindi lang basta isang sikreto ang kailangan kong itago kundi marami pa. At kung hindi ako mag-iingat ay sigurado ako na bago matapos ang bakasyon na ito ay baka malaman nila kung sino ba talaga si Angeline Nebrez. Bumangon na ako sa aking kama at naghanda na mamasyal ngayon dahil simula nang makilala ko sila Lucinda at ang kanyang pamilya ay wala na akong na-enjoy dito sa isla. Bigla ko tuloy naisip sila Paris at kung kumusta na kaya sila. Ngayon na wala siya sa aking tabi ng ilang araw lang ay hinahanap ko naman ang pagiging makulit at maingay niya. Naisipan ko na mag-swimming na muna ngayon sa beach o kaya ay magsaya lang sa beach ngayon para naman mawala ang mga stress na dumadagdag sa aking buhay ngayon. Kaya naman nagdala ako ng aking pamalit at iniwan ko na lang muna ang aking pera at cellphone sa aking kwarto at baka mawala ko pa ito. Pagdating ko sa beach ay marami na pa lang tao ang naliligo sa dagat at may iilan na nagbababad sa ilalim ng araw. Naghanap ako ng isang restroom para magpalit ng aking swimsuit at sinigurado ko na iyong bagong bili ko na swimsuit ang isusuot ko. Ito na yata iyong pinaka-sexy na swimsuit na aking nabili pero wala akong paki kung pagtinginan nila ako. Like I said, I want to enjoy my freedom. Nang maisuot ko ang aking swimsuit ay halos mamangha ako sa aking katawan dahil saktong-sakto lang pala siya. Kita lahat ng mga curves ko at ang mas lalong nagpangiti sa akin ay kalahati lang ng aking boobs ang natatakpan ng tela at kitang-kita ang malulusog kong mga dibdib at may bonus pang cleavage. I don’t want to be bitchy right now, but I have a feeling that I could use this swimsuit into some good one. Para naman hindi masayadong showy ay kumuha ako ng silk na tela sabay pinulupot ito sa aking baywang. Huminga ako ng malalim na may ngiti sa aking mga labi sabay confident na lumabas ng banyo at halos lahat ng makasalubong ko ay napapatingin sa akin kahit babae. Nagsuot ako ng shades sabay dumiretso sa may bar ng beach at agad na nag-order ng mojito tequila. Habang hinihintay ko ang aking order ay may tumabi sa aking lalaki pero hindi ko na lang muna binigyan ito ng pansin dahil nakatingin ako sa mga taong nags-swimming sa dagat at nagsasaya. Agad namang dumating sa akin ang aking order at nagpasalamat ako sa bartender at agad na ininom ang aking order. Halos mapaungol ako sa sarap ng aking iniinom na alak. Sobrang tagal na simula nang umorder ako ng ganito kasarap na mojito. Palibhasa kasi ay sa bar lang ni Daphne ako nakatitikim ng masarap na mojito. Pagtingin ko ay halos makalahati ko na ito dahil sobrang sarap ng lasa kaya naman nang maubos ko ito ay agad ako ulit nag-order ng ikalawa pang baso. “I didn’t know that you are a drinker, Ms. Angeline.” Napatingin ako sa aking kaliwa at gano’n na lamang ang aking gulat nang makita ko si Lucifer sa aking tabi at nakasuot siya ng shorts at simpleng t-shirt na puti sabay naka-shades. “Lucifer…H-Hindi ko alam na nandito ka pala.” Bigla tuloy akong na-conscious sa aking katawan at ngayon ay parang nagsisisi tuloy ako na ganitong swimsuit ang suot ko. “Well, kanina pa ako rito simula noong nag-order ka ng isang mojito hanggang sa maubos mo ito at umorder ka ulit. I thought you have a very sensitive feeling or super powers just like what my sister said.” Nanahimik naman ako at napangiti dahil naalala niya pa pala iyon. “Nandito ba ngayon si Lucinda?” tanong ko. “Wala. Why? Ayaw mo bang ako ang nandito, Ms. Angeline?” Napatingin siya sa akin at umiling naman ako. Agad akong umiwas ng tingin dahil kahit na naka-shades siya ay ramdam ko ang titig niya sa akin na ramdam ko sa pinakadulo ng aking mga daliri. “H-Hindi naman sa gano’n. I just thought that you guys are close since you are always together.” “Nope. We are not close. We treat each other as rivals more than being siblings.” Tinanong ko naman kung bakit na agad niya namang sinagot. “Sabi kasi nila na usually kung sino pa ang una at pangalawang magkasunod na anak ay kadalasan sila ang nag-aaway. Maybe it’s true. I love my sister, but I also hate her.” Natawa naman ako ng mahina. “Hindi niya magugustuhan na marinig iyan mula sa iyo oras na marinig niya iyang sinabi mo.” “Hindi naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin, ‘di ba?” Napatingin ako sa kanya at napangiti na lang ako dahil hindi ako makapaniwala na nakikipag-usap sa akin ngayon si Lucifer. Saglit na katahimikan ang namayani sa amin nang ako na ang nagsimula ng conversation namin. “Can I ask a question?” Baling ko sa kanya at uminom na muna siya ng iniinom niyang beer bago siya sumagot. “You are already asking a question, Ms. Angeline.” Napatango naman ako dahil totoo nga naman pero hindi ko akalain na kaya niya rin pala ang mambara s***h mang-joke. “Okay, pero bago ako magtanong ay pwede bang huwag mo na lang akong tawaging Ms. Angeline? Angeline would be fine. You don’t like me calling you, Mr. Lucifer, right?” Napatango naman siya. “Fair enough.” Napangiti naman ako at humarap na sa kanya sabay uminom na muna ng aking mojito. “Why did you build this place? Sa nalaman ko sa kapatid mo ay isa itong private island na binili mo pero imbes na mamuhay ka ng mag-isa ay mas pinili mo na gawin itong business mo. Why is that?” tanong ko at medyo nanahimik siya bigla. Shit. Am I being too fast in getting close with him? Ni wala pa man din akong alam ni isa tungkol sa kanya at mas lalong hindi ko alam kung ano ang ugali niya. Mamaya pala ay moody siya katulad ni Sir Zachary na asawa ni Daphne. “It’s funny.” Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Funny daw pero hindi ko naman siya nakitang tumatawa. May sa topak talaga yata ang isang ito ah. Pero kahit gano’n ay hindi maaalis na gwapo siya at inlababo ako sa kanya. Ang kaso ay hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na may gusto ako sa kanya kahit na nakikipag-usap ako sa kanya. Baby steps lang Angeline. Malay ko baka mamaya ay biglang siya ang maunang magtapat sa akin ‘di ba? “Sa lahat ng mga pinakilala sa akin ni Lucinda ay ikaw lang kaisa-isang taong nagtanong sa akin ng ganyan. It’s very interesting. Now, I see what my father is talking about.” Napakunot naman ang aking noo dahil ibig sabihin ba nun ay pinag-uusapan nila ako palagi? Kung gano’n ay ano ang sinasabi nila tungkol sa akin? “It’s true that this is a private island, and that it should stay as it is. Naisip ko na masyadong boring kung mag-isa ko lang namang mag-i-stay dito. I want to be far from the real world, but at the same time, I don’t want to be lonely.” Simpleng-simple ang rason niya pero dahil sa rason na iyon ay naging successful siyang businessman. Ang kaso ay may isa pa akong pinagtataka. Ang kaso ay ayaw ko namang maging pakialamera kaya saka ko na lang siguro tatanungin sa kanya ang bagay na iyon. Ang importante sa ngayon ay nakikipag-usap na siya sa akin at magandang sign iyon na napapalapit na ako sa kanyang ng paunti-unti. Napasarap pa ang aming kwentuhan at karamihan lang sa pinag-usapan namin ay tungkol sa kanyang pamilya at trabaho pero hindi ko minsan natanong ang tungkol sa kanya. I want to know more about him, but I don’t want to be a clingy woman as well. Hindi ko namamalayan na malapit na pa lang sumapit ang gabi at kita ko na naghahanda na sila para sa isang beach party. “Gabi-gabi na may beach party dito para naman may libangan iyong mga DJ dito lalo na at mahirap ang magkaroon ng trabaho kapag DJ ka,” paliwanag niya at natuwa naman ako na iniisip niya rin pala ang kapakanan ng mga empleyado niya. Mukhang may nagalaw lang talaga na switch ang babaeng sinisante niya kaya napalayas niya ito ng wala sa oras. Maya-maya ay tumayo na kami pareho at saka pinanuod ang paunti-unting pagdami ng mga tao na pumupunta rito upang magsaya. Marami na rin ang nandito sa bar ng beach nang biglang may bumunggo sa akin dahilan para matumba ako at mabuhos sa akin ang hawak kong inumin. Mabuti na lamang at mabilis akong nasalo ni Lucifer at agad na tinulungan na mabalanse ko ang aking mga paa. Agad akong nagpasalamat sa kanya pero hindi nakatakas sa aking paningin nang mapatingin siya sa aking hinaharap na kalahati lang pala ang nakikita. Napangiti naman ako ng tahimik sa loob-loob ko dahil may pag-asa pala na naaakit din siya sa katawan ng isang babae. Totoo nga ang sabi ni Lucinda na may mga walls na linagay si Lucifer sa paligid niya pero deep down alam ko na isa pa rin siyang lalaki at may mga pangangailangan din siya. Hindi ko na lang pinapansin sa kanya na nakita ko siyang nakatingin sa dibdib ko. Kumuha ako ng tissue at nagkukunwaring naiinis sa nakabunggo sa akin sabay sinadya ko talagang pahiran ang dibdib ko na nabuhusan ng mojito. “Are you okay?” tanong niya at napatango naman ako sabay pinahid ko ang aking dibdib. Ramdam ko ang mga tingin niya sa akin at gusto ko nang tumalon sa kilig at saya dahil may pag-asa pa pala na mapaibig ko siya. Nagsimula na ang beach party at marami na ang mga tao na sumasayaw sa tunog ng musika. Umorder ako ulit ng isa pang mojito at nagtaka nang napatingin sa akin si Lucifer dahil ito na ang pangatlo kong order ng tequila. “You are not yet getting dizzy with all of the alcohol that you are drinking?” manghang tanong niya at tumango naman ako. “I can get drunk too, but it’s just that I can hold my alcohol well.” Pero imposibleng mangyari nga na malasing ako dahil isa sa mga training noon ng OA ay huwag malasing sa alak. Isa kasi ito sa mga kahinaan ng babae at maaaring i-take advantage kami ng mga kalalakihan lalo na sa aming mga misyon. Kaya naman ito yata ang pinaka-ayaw namin noon na training dahil halos masunog na ang aming atay kaiinum noon ng alak. Maya-maya ay napangiti ako nang may ideyang pumasok sa aking utak at maaaring maka-score ako kahit kunti lang kay Lucifer. Geez. Imbes na lalaki ang nagbabalak sa akin ng masama ay ako na babae ang may masamang balak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD