Chapter 11

2109 Words
Angel Pagdating namin sa bahay nila Lucinda ay gano’n na lamang ang pagkamangha at gulat ko sa kanilang bahay. Mala-mansyon naman ang bahay namin sa Italy pero kung ikokompara rito sa bahay nila ay pakiramdam ko para akong naghihirap bigla. Hinila na ako papasok ni Lucinda sa kanilang mala-palasyong bahay at hindi ko alam kung saan na kami pumupunta dahil pumasok na lamang kami sa isang elevator. Yes! There is a freaking elevator inside the house. Geez. Kapansin-pansin din ang makakapal nilang mga pader kanina sa labas na para bang pwede kang magtago rito ng ilang dekada kung sakaling magkaroon ng zombie apocalypse. Isa pa ay super secured ang buong bahay na para bang palaging napapasukan ito dahil may mga electrical barbwires sa labas ng kanilang pader. Mukhang tuloy itong facility para sa mga VIP lang. Habang nasa elevator kami ay napansin ko na ang kanilang mga CCTV ay iyong mga advance na CCTV na ngayon. Hindi ko alam kung ano’ng pwedeng gawin ng mga makinang ito pero alam ko na mas higit pa sa pag-record ang mga ginagawa ng mga ito. I know it because I’ve been shutting off CCTVs on all of my missions before. Masasabi ko na hindi ito iyong mga tipikal na CCTV na pwede mo lang basta-basta mapapatay at maha-hack. Pagdating namin sa parang kwarto yata ni Lucinda ay agad niya akong pinaligo sa kanyang banyo at mamimimila lang daw siya ng kanyang susuotin. May mga naka-ready naman nang mga gamit sa loob ng banyo kaya naman naligo na lamang ang aking ginawa. Pagktapos kong maligo ay lumabas ako sa banyo at nakita ko na may hinanda na si Lucinda na aking damit. Isa itong green dress na above the knee at pinaresan ko ito ng knee-cut na boots na black. Mukhang naliligo na rin si Lucinda dahil rinig ko ang lagaslas ng tubig habang kumakanta siya. Nang maisuot ko na ang piniling damit para sa akin ni Lucinda ay sakto namang labas niya sa banyo at halos mapamaang siya sa aking itsura. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya kaya napatungo ako at ramdam ko na nag-iinit ang aking mga pisngi. Lumapit siya sa akin at pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa sabay pinaikot ako na siyang ikinangiti niya. “Oh my. Geez. Lalaki lang ako matagal na kitang linigawan pero hindi kasi tayo talo. Lalaki rin ang gusto ko.” Nagtawanan kaming dalawa at napailing na lang ako sa kanyang sinabi. Nagsimula na rin siyang nagpalit at isa namang light yellow na dress ang suot niya na pumares sa kulay green ko na suot. Bigla na lamang akong napangiti dahil naisip ko na kami ay mga mangga na hilaw at hinog pa. Inayusan niya ang kanyang sarili at nakatutuwa na kaya niyang pagandahin ang sarili niya. Ako naman ang sinunod niya at kinulot niya ang aking medium-length na buhok sabay inaplyan na rin ako ng light na make-up. Ayoko kasing nagsusuot ng mga kung anu-ano sa aking mukha dahil nga naman sagabal lang ito noon sa aking mga misyon. Nang maayusan ako ay halos hindi ko makilala ang aking sarili. Ayokong maging hambog o magbuhat ng aking sariling bangka pero sino’ng mag-aakala na nagiging maganda rin pala talaga ako kapag naayusan ng maayos. “Whoah.” Iyon lang ang nasabi ko habang nakatitig ako sa salamin. “Yup! Whoah na whoah talaga. Naku kung hindi pa ma-in love sa iyo si kuya ay ako na mismo ang babatok sa kanya. Masyado na siyang manhid para hindi siya mabighani sa ganda mo noh.” Ramdam ko ang inis niya kaya naman napangiti ako. Kunting ayos pa ay nakarinig na kami ng katok sa kanyang pinto at tinatawag na siya para sa dinner. Nagsuot siya ng kanyang heels at saka hinila na ako palabas ng kwarto. Sumakay kaming muli sa elevator kung saan ay lumabas kami sa isang maluwang na hapag kainan na talo pa nito ang hall ng OA tuwing may pagdiriwang. “Before we go further inside, a little bit of advice. Once you see my brother, avoid staring at him for too long because he hates it.” Tumango naman ako at bigla akong nakaramdam ng kaba sa kanyang warning dahil hindi ko alam kung ano’ng klase ba ang kanyang kuya. Pagpasok namin ay hindi matigil sa katitibok ang aking puso na para bang makikisabak ako sa gyera. May isang pinto pa kaming pinasukan at pagpasok namin ay agad na nagtinginan ang mga taong nakaupo sa lamesa kaya naman agad akong nakaramdam ng hiya. Nakasunod lamang ako kay Lucinda nang lumapit kami sa isang may edad na lalaki. “Good evening, Dad,” bati ni Lucinda at humalik siya sa pisngi ng ginoo. “I brought a friend. Is that okay?” Napatingin naman sa akin ang ginoo at agad na nakaagaw sa akin ng pansin ay ang kanyang mga mata na asul. Pakiramdam ko tuloy ay nakita ko na siya kung saan pero hindi ko lang maalala. Agad naman akong lumapit sa kanya at nakipagkamay. Akmang magpapakilala na sana ako ay biglang may naagaw ang aking mga mata at gano’n na lamang ang aking gulat nang makita ang lalaking nakaupo sa pinakadulo ng hapag-kainan. “U-Uhm, hi. Nice to meet you, sir. My name is Angeline.” Pagpapakilala ko sa aking sarili. “Please, just call me Tito since you are the friend of my daughter. I’m Luther and nice to meet you.” Nakipagkamay siya sa akin at agad naman akong giniya ni Lucinda sa aking upuan at talagang pinaupo niya pa ako sa tapat ng kanyang kapatid. Sa hapag-kainan ay may apat na nakaupo at ika-lima ako. Sa kabisera ay syempre ang tatay ni Lucinda. Sa kanan niya ay si Lucinda at sa kaliwa niya ay isang batang lalaki na kamukhang-kamukha ni Lucinda. Sa tabi ng bata ay walang iba kundi iyong lalaking hindi ko akalain na makikita ko rito sa Gehenna Island. Ang tagal kong hindi nakita ang lalaking nakita ko sa bar at buong akala ko ay hindi ko na siya makikita. Pero sino’ng mag-aakala na dito ko pa pala siya makikita sa Gehenna Island. Oras na makita ko talaga si Paris ay sisiguraduhin ko na magpapasalamat ako sa kanya dahil kung hindi niya ako pinilit ay hindi ko sana makikita ang lalaking hinahanap ko ng matagal. “Angeline, have you met my two boys? My youngest, Cole and my eldest, Lucifer.” Napangiti ako sa batang lalaki na malawak na ngumiti sa akin at nang dumako ang tingin ko kay Lucifer ay nadismaya ako na nakatingin lang siya sa kanyang cellphone. “Your name is so cute, Ate Angel,” simula ni Cole. “Your name is perfect for my brother whose name is named after the king of hell.” Napangiti naman ako at natawa naman ng mahina si Tito Luther. Natuwa nga rin ako na sa wakas ay alam ko na ang kanyang pangalan at hindi ko na kailangan pang hulaan ito. “Her name is not Angel, Cole. It’s Angeline. Angel is just her nickname.” Nagulat ako nang magsalita si Lucifer at halos manginig ang aking kalamnan nang marinig kung gaano kalamig ang kanyang boses. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti dahil naalala niya pala ang aking pangalan. “Anyway, I’m hungry,” sabi ni Lucinda at napatingin siya sa akin sabay kinindatan ako. May mga chef na naglabas ng aming mga pagkain at nakagugulat na mga chef talaga ang taga-luto nila sa bahay na ito. Geez. How the hell can they keep up with this life? Kung ako siguro ang namuhay ng ganito ay baka malula ako sa sobrang kabonggahan ng pamumuhay na ganito. Nagsimula na kaming kumain at talagang may nags-serve pa ng aming mga pagkain at naglalagay pa sila ng mga pagkain sa aming pinggan. They handed me some golden spoon and fork. Habang tahimik ang lahat ay bigla akong naging hot seat dahil nga ako ang bagong salta sa pamilyang ito. Actually, hindi nga bagong salta dahil kung tutuusin ay saling pusa lamang ako. “So, paano kayo nagkakilala nitong si Lucinda iha? She can be mean, loud, talkative and stubborn. I hope she’s not giving you a hard time?” Pinalo naman siya ni Lucinda. “Geez. You are embarrassing me in front of my friend, Dad.” Napangiti naman ako. “We actually met inside a plane going to Paris, okay?” Marami pang tinanong sa akin ang tatay nila Lucinda sa akin at aaminin ko na almost lahat ay sa personal life ko. Pero okay lang naman dahil lahat naman ay totoong sinagot ko maliban na lamang sa isang tanong. “Do you mind if I ask you if you have a job right now or what’s your job before?” Napailing naman si Lucinda. “Pagpasensyahan mo na si Papa, girl. Hindi niya kasi maiwasan kung minsan ang magtanong kung ano ang trabaho ng isang tao. My father can be judgmental sometimes, but don’t worry about it. She likes you as my friend.” Napangiti naman ako. “Now can you please stop asking her weird questions?” “Okay, okay. I will stop,” sabi ng kanyang ama. Itinuloy ko ang kumain ng hapunan nang magpalabas ng dessert si Cole kaya naman agad na tumalima ang isa sa mga waiter yata nila. I can hear the footsteps coming from behind me when I heard him trip over from his own foot. Lumipad ang cake at ang isang kutsilyo na pwedeng tumama kay Lucinda kaya agad kong tinulak ang inuupuan ni Lucinda palayo sabay sinalo ang kutsilyo at ang cake at linapag ito sa ibabaw ng mesa. Nakahinga ako ng maluwag nang mailigtas ko si Lucinda at safe naman na nakalapag ang cake sa ibabaw ng mesa. Pero pagtingin ko sa kanilang lahat ay kita kong gulat na gulat silang lahat na nakatingin sa akin at saka ko lang napagtanto ang aking ginawa. Bigla akong napalunok at nagkunwari na masakit ang aking kamay. “Wow!” rinig kong sigaw ni Cole. “That was so cool. Are you like the Kung Fu master or something?” “Thanks for saving my life, Angeline. Pero hindi ko alam na kaya mo pala ang gumawa ng gano’ng skit?” Bumalik si Lucinda sa kanyang pwesto at kabado akong natawa. “Uhm, no. I actually teach martial arts before. Sorry, nakasanayan lang kasi palaging gano’n sa linakhan kong bahay.” Pagpapalusot ko. “Dad! Can I ask her to teach me something like that too?” tanong ni Cole kay Tito Luther na tuwang-tuwa na nakakita ng gano’ng stunt. Napatingin naman ako kay Lucifer at gano’n na lang ang kaba ko na nang makitang nakatingin siya sa aking ng mataman at parang sinusukat kung nagsasabi ba ako ng totoo. Sa takot ko na mahuli niyang nagsisinungaling ako ay iniwas ko agad ang aking tingin at binalin na lamang ito sa nakababata niyang kapatid na kinukulit ang kanyang ama. “Cole is actually learning martial arts because he thinks that he is the reincarnation of Jackie Chan,” saad naman ni Lucinda at natawa ako ng mahina sa sinabi niya. “I can teach him if that’s okay?” Napatingin silang lahat sa akin. “I mean, wala rin naman kasi akong ginagawa simula noong umalis ako sa trabaho kaya marami akong free time.” Napatingin naman si Cole sa kanyang ama balik sa akin. “I want her to be my teacher. Please Dad. I don’t want my teacher now because he’s not good with teaching me the martial arts. Mas gusto ko si Ate Angel at gusto kong matuto ako ng ginawa niya kanina.” Napakunot naman ang noo ni Tito Luther sa kanyang bunsong anak sabay napatingin sa akin. “Don’t worry po Tito. Hindi ko ho ituturo sa kanya iyong gano’n.” “Let me think about it.” Masayang pumalakpak si Cole. “Cole, don’t be excited yet because I didn’t say yes yet.” “Really, Dad?” Tinaasan naman siya ni Lucinda ng kanyang kilay. “Telling him the word yet means that you are already saying yes. Geez. You are so easy to read.” Sa huli ay walang nagawa si Tito Luther at pumayag sa gusto ng kanyang bunsong anak. Napangiti naman ako at muling napatingin kay Lucifer na abala nang kumakain at parang hindi siya sangayon sa desisyon ng kanyang ama. Something tells me that he is the kind of guy who is not easy to impress. Well, maybe I should work hard then if I want him to notice me, and if being the teacher of Cole is the way, then I will grab that opportunity.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD