Chapter 10

2071 Words
Angel Maaga pa lang ay gising na ako at excited akong maglakwatsa sa kabuuan ng Isla na ito. Kaya naman bumangon na ako at saka binuksan ko ang malaking kurtina ko at masayang nag-inat habang nakatingin sa malayo. Mula pala rito sa aking hotel ay kita ko na ang mga naggagandahang mga tanawin at pasyalan sa buong Isla. Hindi ko alam kung ano ang balak nila Paris ngayon na gawin pero ako ay gusto kong maglakwatsa kung saan man mapunta ang aking mga paa. Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit panlabas para makarami na ako ng mga papasyalan. Dala ko pa rin hanggang ngayon ang aking Special VIP ticket daw at titignan ko kung hanggang saan ang pwedeng magawa nito. Luminga-linga ako dahil hindi ko alam ang una kong gagawin nang may staff ng hotel na nagtanong sa akin kung nawawala raw ba ako. Agad ko namang ipinakita sa kanya ang hawak kong ticket at sinabi sa kanya na hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin dito sa Isla. “Let me explain it to you Ma’am if that’s possible?” Tumango naman ako at saka binigay sa kanya ang ticket na aking hawak. “First of all, I would like to congratulate you because you’ve got the Special VIP ticket here on the island. Only five people have this kind of ticket and you are so lucky that you have this.” “I see. Well, this ticket was given to me by my friend, so I think she’s the lucky one.” Napangiti naman siya sa akin at tinuloy niya ang pagpapaliwanag tungkol sa ticket. Doon ko nalaman na oras pala na may gano’n kang ticket ay kahit saan ako pumunta ay wala akong babayaran ni piso. Lahat ng lugar ay pwede kong puntahan at hindi ko na kailangang makipila pa lalo na sa mga amusement parks. Kapag may ticket pala akong ganito ay magmumukha raw akong pampered na guest dito sa Island at lahat ng gusto ko ay pwede kong makuha ng gano’n gano’n lang. Ang kaso ay may isa siyang bagay na sinabi na nagkaroon ako ng interes. Ayon sa kanya ay pwede ko pa raw makilala at maka-dinner ang nagmamay-ari ng buong island na ito. Pwede ko raw gawin ito hanggang sa matapos ko ang aking bakasyon. Aaminin ko na medyo nate-tempt ako dahil gusto kong makilala mismo kung sino ba ang may pakana ng lahat ito at gusto ko siyang ma-interview kung sakali. Pagkatapos niyang ipaliwanag sa akin ang lahat ay agad akong nagpasalamat sa kanya at nagpaalam upang i-enjoy ang aking pagiging pampered guests. Nag-isip ako ng pwede kong gawin at naisip ko na gusto kong mag-swimming pero siguro ay gagawin ko na lang iyon sa huling linggo ng aking bakasyon. Mas maganda siguro kung mamasyal na muna ako sa pwede kong pasyalan at baka sakaling may makita ako na magustuhan ko. Habang naglalakad-lakad ako ay nakita ko ang amusement park na sinasabi ng lalaki kanina at agad ko itong pinuntahan. Pagpunta ko sa nasabing park ay natuwa ako sa mga batang nagtatakbuhan habang may hawak silang mga balloon at cotton candy. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya naman bumili ako ng mga kakaibang pagkain na ngayon ko lang natikman. Nang matapos akong kumain ay bumili ako ng ice cream at naupo muna sa isang bench habang pinapanuod na umikot-ikot iyong roller coaster at iyong Vikings na parang aabot na sa langit sa sobrang taas nito. Nang matapos akong kumain ng ice cream ay lalapit sana ako sa Vikings para makita ko ng malapitan iyong ride nang bigla akong may nabunggo at nakita kong nabitawan niya iyong hawak niyang pagkain. “Oh my god! I am so sorry,” hinging paumanhin ko at saka pinulot ng mabilisan ang mga nahulog niyang pagkain. “Angeline?” Napaangat ang aking tingin nang marinig ko ang aking pangalan. Pagkakita ko sa kanya ay nagtaka ako kung sino na siya dahil mukhang pamilyar ang kanyang itsura. Hindi ko nga lang malaman kung saan ko na siya nakita. Red ang kanyang buhok na bumagay sa kutis niya pero pamilyar talaga siya at pilit kong inaalala kung saan ko na siya nakita. “Geez, please don’t tell me you don’t remember me already?” Alanganin akong napailing. “Ano ka ba? It’s me Lucinda! Iyong nakasama mo sa airport?” Lumaki ang aking mga mata at agad na sumigaw at yinakap siya. “Sorry. I didn’t recognize you.” “Well, hindi naman kita masisisi dahil nagpalit ako ng hair color. Medyo nagsawa ako sa black na kulay ng aking buhok kaya ito bagong kulay.” Napangiti siya. “Enough about my hair color, what the hell are you doing here? Hindi sa kwinekwestyon ko kung paano ka napunta rito pero nakagugulat lang na rito pa ulit tayo magkikita.” Napangisi naman ako sabay inabot ko sa kanya iyong pagkain na nahulog niya at nagsimula na kaming naglakad-lakad habang nag-uusap. “Iyong kaibigan ko kasi ay nanalo sa isang raffle at pinilit niya akong pumunta rito. Noong una ay ayoko sana pero buti na lang ay pumayag ako dahil ang ganda pala ng lugar na ito. Eh ikaw? Ano’ng ginagawa mo rito?” Umupo kami sa isang public bench na may upuan at sinimulan niyang ilabas iyong mga pagkain na pinamili niya. “I was invited by my family to come here. Katulad mo ay ayoko rin sana na pumunta rito pero pinilit nila ako kaya nandito ako. So, nasaan iyong mga kaibigan mo at bakit parang mag-isa mo lang? Nawawala ka ba?” Natawa namn ako ng mahina. “Nope. I, uhm, I actually have the Special VIP ticket. Nahiwalay ako sa kanila dahil VIP ticket lang daw ang meron sila kaya ito solo flight ako ngayon. Pero ayos lang kasi gusto ko rin ang mapag-isa lalo na at medyo may pagka-clingy iyong kaibigan ko.” Natawa naman siya sabay subo ng kanyang pagkain at inalok ko na magalang ko namang tinanggihan. “Parehas pala tayo. I don’t like clingy people but all of my friends are clingy to me. Hindi ko nga alam kung paano nangyari iyon dahil super close naman ako sa kanila.” Napangiti naman ako sa sinabi niya dahil parehas na parehas kami ng ugali. “Ano’ng ginagawa mo pala rito? May balak ka bang sumakay sa mga rides?” “Kanina. Pero nagbago bigla iyong isip ko at gusto ko na lang panuorin sila.” Tumango-tango naman siya sa habang ngumunguya. “This place is so beautiful. Hindi ko akalain na may ganitong lugar pala na nag-e-exist?” Tumango siya sabay linunok ang kanyang kinakain. “Sinabi mo pa. Noong ginagawa nga nila ito ay hindi rin ako makapaniwala. Pero dahil business nga naman kasi ito kaya naging malago siya at naging tourist destination siya.” Napatingin ako sa kanya dahil parang alam niya kung paano nagsimula ang isla na ito. “You sounded like you were here when this island was opened to the public.” Napa-oh siya at napangiti sa akin. “Hindi ko ba nasabi sa iyo? My brother owns this island.” Napanganga ako sa sinabi niya at natawa naman siya sa reaksyon ko. “Really?” Tumango siya. “Your ticket is a Special VIP ticket which means you have the chance to meet him.” “Yup! I was actually planning to, but I don’t know how.” Biglang lumapad ang kanyang ngiti at saka pumalakpak na aking ipinagtaka. “Really?! I can help you! Oh my god! You don’t know how long I’ve been waiting for someone to meet my brother. You would surely like him. Hindi nga lang siya palangiti at palasalita pero oras na maging ka-close mo siya ay magugustuhan mo siya.” Tumayo siya at tinapon ang kanyang pinagkainan. “Let’s go!” “Let’s go? You mean now?” tanong ko at tinawanan niya lang ako. “Not yet, silly. Syempre mamasyal muna tayo dahil sigurado ako na busy iyon. Mamayang gabi kung gusto mo dahil free time niya.” Tumayo na ako at saka isinukbit niya ang kamay niya sa aking braso. Masaya ako na nakita ko rito si Lucinda dahil katulad ng sabi ko ay para siyang iyong namayapa kong kambal. Kahit na hindi kami magkamukha ay medyo may pagkakahawig sila sa ugali kaya naman ayos na sa akin na kasama ko siya. Hinila ako ni Lucinda sa mga iba’t ibang rides at lahat na yata ng may rides na mabibilis at matataas ay sinakyan na namin lahat. Doon ko nalaman na hindi pala siya takot sa heights at gustong-gusto niya ang mga matataas na lugar. Magkaparehas na magkaparehas ang aming mga gusto kaya ang bilis ko siyang makasundo. Hindi rin siya plastic na tulad ng iba at sobrang prangka niya rin na aking nagustuhan. Kunti na lang ay iisipin kong reincarnation na siya ng aking kambal. Nang matapos naming sakyan lahat ng mga rides ay gabi na pala. Sa sobrang kasiyahan namin sa lahat ng rides ay muntik ko nang nakalimutan na ngayon pala namin imi-meet ang kanyang kuya. Bigla tuloy akong napaisip kung sino ang tinutukoy niyang kuya na nagmamay-ari ng isla na ito. Sobra akong curious kung sino ang may pakana ng lahat ng ito at gusto ko siyang i-interview. “It’s almost eight na pala. Sakto ay free time na ngayon ni kuya kaya sumama ka na sa akin para naman makapag-ayos ka na. Sa amin ka na rin sumabay ng dinner.” Hila niya sa akin nang pigilan ko siya. “Dinner? W-Wait. Please don’t tell me na isasama mo ako sa family dinner ninyo?” Tumango siya at bigla akong natigilan. “Uhm, pwede bang saka na lang ako pumunta kapag tapos na ang dinner ninyo?” Inikotan niya ako ng kanyang mga mata. “Geez. Don’t be scared. Kasama mo naman ako sa dinner at hindi kita iiwan noh. Isa pa wala namang masama kung magsama ako ng friend ko sa dinner. Kakain lang naman tayo at saka ipakikilala kita kay kuya. Kapag after dinner ka pa pupunta ay baka hindi mo na maabutan si kuya dahil usually ay nagkukulong na iyon sa kanyang kwarto.” “Pero nakakahiya naman dahil hindi niyo naman ako kamag-anak para sumali ako sa family dinner niyo.” Pinagdiinan ko talagang sabihin iyong family dinner dahil hindi naman talaga ako kasama sa family niya. “Please?” pakiusap niya pero hindi pa rin ako pumayag. “Hays. O sige bibigyan kita ng deal. Pagbigyan mo lang ako na sumama ka sa family dinner namin ngayon pagkatapos ay hindi na kita pipilitin sa kahit na ano’ng dinner namin. Pagkatapos ay para naman makabawi ako sa iyo ay ako na mismo ang magt-tour sa iyo dito sa island. Pagbigyan mo lang ako, please.” “I have a feeling that there’s something more that you wanted to do than just asking me to your family dinner.” Tinignan ko siya at agad siyang umiwas ng tingin sa akin. “Fine. I am looking for a woman to match my brother. Okay?” “Why?” “Eh kasi ni minsan ay wala man lang tumatagal na babae sa kanya dahil sa ugali niya. I was hoping that maybe you are compatible with him, you know?” paliwanag niya. “And what makes you think that I am the right woman for him?” tanong ko. “I don’t know. I just feel that you can change my brother. I mean you are a very kind girl, and you are like the sister that I never had. So, please? Just this one chance, and if it doesn’t work then I will stop matchmaking my brother.” Kita ko ang sobrang pag-aalala niya sa kanyang kuya. Ramdam ko na kung sakaling buhay pa ang aking kapatid ay gusto kong maramdaman din ng aking kambal ang magmahal. Huminga ako ng malalim at walang nagawa kundi ang pumayag. Since gusto ko rin lang naman na makilala ang kanyang kuya at naging mabait din naman siya sa akin kaya pagbibigyan ko na lang siya. “Okay,” sagot ko. Nagtatatalon siya sa sobrang tuwa at bigla akong yinakap kaya nakitalon na rin ako sa kanya. “Thank you, thank you, thank you so much.” Pagkatapos nun ay dumating na ang kanilang family driver para sunduin siya at pumunta na kami sa kanilang bahay. Hays. Sana hindi ko pagsisihan ang desisyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD