Chapter 12

1957 Words
Angel Nang matapos ang dinner sa mala-palasyong bahay nila Lucinda ay sinama ako ni Lucinda na mag-ikot sa buong bahay nila. Noong una ay gusto ko pa sanang mag-stay sa hapag-kainan para makilala ko pa si Lucifer. Pero ayaw ko rin naman na maging pasaway lalo na at bisita lamang ako rito ni Lucinda. Nang mahila niya ako palabas ng kanilang dining area ay hindi ko alam kung nasaan kami ngayon. Nakita ko na nasa mahabang hallway kami ngayon ng isa sa mga parte ng bahay nila at hindi ko alam kung saan kami papunta. Maya-maya ay lumabas kami sa isang maluwang na silid na parang dance studio yata. Nang buksan ni Lucinda ang ilaw ay nakita ko na ito ay isa pa lang room kung saan pwedeng mag-ensayo ng martial arts. Siguro ay dito nag-eensayo si Cole at ng private teacher pero nagtataka ako kung bakit dinala ako ni Lucinda dito. Akmang tatanungin ko na sana siya ay mukhang nabasa niya ang tumatakbo sa aking utak ngayon. “Okay. First of all, thank you for coming here for dinner, Angeline.” Nagpasalamat naman ako at biglang napangiti sa akin si Lucinda ng may kahulugan. “What?” tanong ko. “So? How was it?” Napakunot naman ang aking noo dahil hindi ko makuha kung ano’ng ibig sabihin niya sa tanong niya sa akin. “How was what?” Natawa siya ng mahina sabay linapitan ako at hinawakan ang magkabilang braso ko. “I’m asking about my kuya.” Bigla naman akong nanahimik at nakaramdam akong muli ng hiya tuwing maaalala ko kung paano siya tumingin sa akin kanina. I mean kung tumingin siya ay para niya akong pinaghihinalaan pero mas maganda na iyon kaysa naman sa hindi niya ako pinapansin ‘di ba? “Tss. You have a thing with him. Kitang-kita ko riyan sa mukha mo o.” Pang-aasar niya sa akin at inikotan ko naman siya ng aking mga mata. “He’s okay,” sagot ko sabay nagkibit balikat ako. “Ayiee! Sabi ko na e magugustuhan mo si Kuya. Well, sino ba naman ang hindi? Lahat na yata ng mga pinakilala kong babae ay nagkaroon ng gusto sa kanya. Lahat sila ay sa tingin ko potential na maging girlfriend ni kuya pero iba ang pakiramdam ko sa iyo.” Nagtataka naman akong napatingin sa kanya. “Paanong iba naman aber?” Naglakad ako palayo sa kanya sabay pinakatitigan ang kabuuan ng kwarto at pansin ko na may naka-display na mga katana sa pader. Sumunod naman siya sa akin. “Sabihin na lang natin na mukhang interesado rin si Kuya sa iyo pero ayaw lang niyang ipakita?” Hindi ako umimik at nagkibit balikat ulit dahil hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya sa kanyang sinasabi. “I know that kuya has a lot of pride in himself as a guy. Alam ko na ayaw na ayaw niyang pinapakita ang kanyang emosyon dahil ayaw niyang mag-crumble down siya sa harapan ng ibang tao. Pero kapatid ko siya Angeline kaya alam ko at ramdam ko na may gusto rin siya sa iyo. Ayaw lang niyang aminin dahil naglagay ng maraming wall si kuya sa paligid niya. Pero kung aaminin mo sa akin na may gusto ka sa kanya ay pwedeng-pwede kitang tulungan na paibigan si Kuya sa iyo.” Napalingon naman ako sa kanya at tinignan ko kung seryoso siya at may nakapaskil ng malawak na ngiti sa kanyang mga labi. “Are you serious?” Tumango siya sabay tinaas baba ang kanyang kilay at natawa naman ako sa kanya. “So? Do you like my brother or not?” Tumango ako at nagtatatalon naman siya sa tuwa sabay yinakap ako na aking ikinatuwa. Nakagat ko naman ang aking ibabang labi dahil pakiramdam ko tuloy ay gumagawa ako ng masamang bagay at kasabwat ko pa talaga ang kapatid ni Lucifer sa masama kong balak. Nang matapos akong iikot ni Lucinda sa buong bahay ay lumabas kami sa mini swimming pool nila sa loob ng kanilang bahay habang nagtatawanan. Napatingin kaming dalawa sa lalaking palapit ngayon sa amin at halos ma-estatwa ako sa kanya. Naramdaman ko naman ang pagsiko sa akin ni Lucinda pero hindi ko na ito masyadong binigyan ng pansin dahil nakatuon lang ang aking mga mata sa kanya. He’s wearing some sweat pants and a white t-shirt while walking towards us. He speaks perfection by himself, and I can’t help to notice how perfect he’s body is. Pakiramdam ko tuloy ay para akong nananaginip lang dahil hindi ko akalain na nandito na talaga siya sa aking harapan. Nang makalapit siya sa amin ay tumuon ang kanyang tingin sa kanyang kapatid na si Lucinda. “You are needed tomorrow at a meeting at exactly 10 in the morning. Be there or else father is not going to take it easy on you.” Napasimangot naman si Lucinda at dinabog niya ang kanyang paa na parang bata. “Bakit ako? Hindi ba pwedeng ikaw na lang?” iritadong sagot niya. “Sasamahan mo lang naman si Papa sa meeting bukas dahil wala iyong sekretarya niya at sa akin niya isinama.” Iiling-iling na sabi niya at akmang tatalikod na nang biglang magsalita si Lucinda. “Bakit hindi na lang si Angeline ang sumama bukas?” Masama siyang tumingin sa kanyang kapatid sabay natuon ang tingin niya sa akin at balik ulit sa kanyang kapatid. “Why? She’s not even part of the family.” Ouch. Grabe siya makasabi ng hindi part of the family ah. “Well, she will be soon.” Napamata naman akong napatingin kay Lucinda sabay siniko siya sa kanyang balakang. “I mean, she’s my most trusted friend. Imbes na sa iyo na lang sumama ang sekretarya ni Papa ay si Angeline na lang ang magiging sekretarya mo just for tomorrow. I think she will be fine.” Sinesenyasan ko siya na huwag ako dahil wala naman akong ideya sa pagiging secretary e. “Right, Angeline?” Linakihan ko siya ng aking mga mata sabay ngumiti siyang tumingin kay Lucifer. “She said yes.” “W-Wha… I, uhm…” Napatingin ako kay Lucifer at tinaasan niya ako ng kilay kaya wala akong nagawa kundi ang sumangayon sa suhestiyon ni Lucinda. “Good.” Iyon lang ang sinabi niya sabay tumalikod na siya at umalis. Pagkaalis niya ay agad kong pinagpapalo si Lucinda sa braso niya at imbes na maramdaman niya ang inis ko sa kanya ay tinawanan ba naman niya ako. “Nahihibang ka na ba ha? Ano’ng ideya ko sa pagiging secretary e hindi naman ako nag-aral ng kahit ano na konektado sa gano’ng trabaho?” Natawa lang siya. “Relax, Angeline. ‘Di ba sabi ko sa iyo tutulungan kita na ilakad kay kuya? Well, this is your chance,” sabi niya. “What? Kung gagawan mo rin lang naman ako ng paraan ay hindi ganito noh. Dapat iyong kunyari ay pupunta kaming dalawa sa date o sa beach o kaya mamasyal kami rito sa buong isla na kaming dalawa lang.” Napahilot ako sa aking sintido. “Angeline, breathe.” Pagpapakalma niya sa akin at huminga naman ako ng mariin. “Masayado ka lang kinakabahan kaya ganyan ang reaksyon mo. Isa pa ay hindi mahilig si kuya sa mga ganyan noh. Mas gusto niyang magbabad sa kanyang trabaho at magkulong sa kanyang opisina ng maghapon. Saka na natin asikasuhin iyong date oras na malapit na kayo sa isa’t isa pero ngayon ang pagtuunan mo ng pansin ay kung paano mo makukuha ang atensyon niya.” Huminga ako ng malalim at tumango naman siya sa akin kaya pumayag na lamang ako sa ‘tulong’ na sinasabi niya. Kinabukasan ay nakahanda na akong sumama bilang sekretarya ni Lucifer ngayon. Pinahiraman na muna ako ni Lucinda ng business attires niya na mga damit at saka tinulungan niya na ako na mag-ayos ng aking itsura para maging presentable raw ako. Nasa labas na ako ngayon ng Vulgate Hotel at hinihintay ang sundo na pinasuyo sa akin ni Lucinda papunta sa opisina ni Lucifer dito sa Isla. Maya-maya ay may isang makintab na itim na kotse ang tumigil sa mismong entrada ng hotel at lumabas doon ang isang lalaki na kasapi yata ng matrix at pinagbuksan ako ng pinto. Ni hindi man lang niya tinanong kung ako ba si Angeline at walang salita na binuksan niya ang pinto ng kotse. Walang salita rin tuloy akong sumakay sa kotse pero tinanong ko kung siya ba ang isa sa mga pinadala ni Lucinda at tango lang ang sinagot niya. Pwede naman magsalita siya ng kunting ‘Yes Ma’am’ o kaya kahit ‘Yes’ na lang kung ayaw niyang gumamit ng ma’am. Pipi ba siya at ayaw niyang sayanging ang laway niya sa akin? Habang nasa byahe kami papunta sa opisina ni Lucifer ay nakatanggap ako ng text kay Lucinda at sinabi niya na ililibre niya raw ako oras daw na matapos ang trabaho ko. Napailing na lang ako at hindi na sinagot ang kanyang text dahil nandito na kami sa harapan ng gusali ng opisina ni Lucifer. Pinagbuksan na ako ng driver kong matrix at pipi sabay umalis na at hindi man lang sinabi kung saan ako papasok. Napatingin ako sa kabuuan ng gusali at halos mapamaang ako sa tayog nito. Mas tinalo niya pa yata iyong Burj Khalifa sa tangkad nito dahil hindi ko alam kung ilang palapag ito. Inayos ko ang aking damit at tinignan ko ang aking sarili sa salamin bago ako pumasok sa entrada ng gusali. Pagpasok ko ay napanganga ako sa suot ng mga taong nandito dahil ang mga suot nila ay parang iyong suot lang talaga ng mga nasa Men In Black. Grabe. May ir-raid ba silang mga alien sa paraan ng kanilang suot? Bigla tuloy akong na-conscious sa aking suot dahil ako lang yata ang nakasuot ng makulay na damit dito. Huminga ako ng malalim at saka dumiretso sa front desk ng gusali. “Good morning, Ma’am,” bati sa akin ng isa ring babaeng nakasuot ng MIB na uniform. “H-Hi. Uhm, I was sent here by Lucinda to be the temporary secretary of Lucifer.” “Hold on one moment, Ma’am. Let me just check.” May tinipa lang siya sa kanyang computer at saka binigyan niya ako ng isang badge na ID na may nakalagay na temporary staff. “T-Thanks.” Tinuro niya sa akin kung saang elevator ako sasakay at kung ano’ng floor. Agad naman akong nagpasalamat sa kanya at sumakay na sa elevator na sinasabi niya. Pinindot ko ang floor kung saan daw ang opisina ni Lucifer at may mga nakasabayan din akong mga MIB at LIB-Ladies in Black. Nang tumigil ang elevator sa nasabing palapag ay lumabas na silang lahat at hindi man lang ako pinauna na lumabas. Napasimangot naman ako dahil mga walang modo naman pala ang mga empleyado ni Lucifer. Isang maluwang na palapag ang linabasan ko at nakita ko sa pinakadulo ng palapag ay may nag-iisang maluwang at malaking silid. Sa labas nito ay may babae na mukhang siya ang taga-assisst sa mga papasok sa silid ni Lucifer. Hmmm. Mukhang hindi lang pala isa ang sekretarya ni Lucifer kundi dalawa. Lumapit ako sa nasabing babae at akmang ipaalam sa kanya na nandito na ako ay biglang tumunog ang kanyang telepono at sinagot ito sabay sinensyasan ako na saglit lang. Tumayo naman siya sa kanyang upuan nang matapos siyang may kausapin sa telepono at pumasok sa kwarto ni Lucifer. Nagtataka naman ako kaya umupo na lamang ako sa mga sofa na nasa labas ng opisina ni Lucifer. Ang kaso ay bigla ko na lamang narinig ang isang nakabibinging boses ni Lucifer sa loob kung saan ay nakaramdam ako bigla ng takot. What did I just let myself into?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD