Angel
Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock kaya naman agad kong tinakpan ng unan ang aking tenga dahil naiirita ako sa malakas na tunog nito. Dumaing ako na tumingin sa aking alarm clock at sa inis ko ay ibinato ko ito at tumama ito sa aking pinto. Sakto namang pumasok naman ang aking ama sa aking kwarto at napatingin siya sa kawawang orasan na sira-sira na nasa sahig. Napaupo ako agad at nagkibit-balikat na tumingin sa kanya.
“That is not the way I’m expecting you to wake-up,” sabi niya na medyo mahina pero sakto lang para marinig ko sabay lumapit sa aking kama at umupo sa gilid nito.
“Good morning, Dad.”
“Good morning, child. How was your sleep?” tanong niya sabay hinalikan ako sa aking noo.
“Ayos lang naman pero naistorbo ako ng orasan ko kaya hindi ko maiwasan na ibato ito. I’m sorry,” hinging paumanhin ko at natawa naman ng mahina ang aking ama.
“It’s okay. Marami pa naman tayong alarm clock diyan sa store na pwede mo ulit sirain ng paulit-ulit.” Nagtawanan na kaming dalawa sa sinabi niya. “By the way, happy birthday. Do you have any plans today?”
“Hmmm. I was actually thinking that I could get you out for the whole day today?” Ngumiti naman ang aking ama sabay tumango na aking ikinatango.
Lumabas na siya ng aking kwarto at sinabi niya na maghahanda lang daw siya para raw makalabas na kami agad. Agad na rin akong bumangon sa aking kama at dumiretso sa aking banyo upang maligo. Nang matapos akong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng aking kwarto na naglalagay ng hikaw sa aking tenga.
Sakto namang nakita ko ang aking ama na nakatayo sa harapan ng salaman habang tinatali ang kanyang necktie. Natawa naman ako dahil hindi maayos ang pagkakatali niya sa kanyang tie kaya ako na ang nag-alok na tulungan siya.
“Thank you dear. Naalala ko tuloy ang kapatid mo dahil siya rin ang palaging nagtatali ng aking tie. I could never get it right.” Napangiti naman ako at sakto namang natapos ko nang itali ang kanyang tie.
Nang handa na kami ay sabay na kaming lumabas ng aming bahay at sumakay sa kanyang kotse. Pagkalagay ko ng aking seatbelt ay umandar na ang sasakyan ng aking ama at tinanong niya kung saan kami pwedeng pumunta. Isa lang naman ang hilig naming puntahan kahit noong mga bata pa lang kami ng aking kambal noon.
Iyon ang isang lugar na palagi naming ipinagdiriwang ang aming kaarawan dahil hilig ito ng aking ina noon. Pagdating namin sa nasabing kainan ay agad akong lumabas sa kotse ng aking ama at masayang napatingin dito bago ako pumasok sa nasabing gusali. Sinundan ko ang aking ama na pumila sa loob ng McDonald’s at sinabi niya sa akin na maghanap na raw ako ng mauupuan.
Nang makahanap ako ng magandang pwesto ay ilinibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng lugar at napangiti ako na karamihan ng mga nandito ay puro pamilya. Meron din namang mga solo flight na pumunta rito at marahil ay nagpapalipas sila ng kanilang oras dito. Nang medyo ma-bored ako ay ilinabas ko ang aking cellphone upang maglaro ng games dito. Habang naglalaro ay may biglang umupo sa upuan na nasa aking tapat kaya ang akala ko ay ang aking ina ito.
“Ang bilis mo naman, Dad. Ano’ng inorder mo?” tanong ko na hindi nakatingin sa taong nasa aking harapan.
“I’m surprised that you can’t even recognize your own Dad without looking at him.” Agad na napaangat ang aking tingin at gano’n na lamang ang aking gulat nang makita ko si Dominus sa aking harapan ngayon.
“D-Dominus…”
“Nice to meet you again, Snow Lynx.” Nairita ako sa pagtawag niya sa akin ng ganon kaya naman hindi ko maiwasan ang ikotan siya ng aking mga mata.
“Don’t call me that anymore. I’m not working as Snow Lynx anymore,” iritadong kong sita sa kanya. Napangiti lang siya sa akin at hindi man lang pinansin na medyo naiinis ako sa kanya.
“Why? I like to call you Snow Lynx. It suits you well, you know.” Padabog kong ilinapag ang aking cellphone sa mesa at naiinis na napatingin sa kanya.
“Remember that I am not one of your assassins already, Dominus. Ibig sabihin pwede na rin kitang tawagin sa pangalan mo.” Medyo nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. “Kaya kung ayaw mong mabuking ka ay huwag mo na rin akong tawagin sa assassin name ko dahil hindi na ako nagtratrabaho para sa iyo.”
Natahimik siya at nakipagtitigan ako sa kanya at siya ang naunang umiwas ng kanyang tingin sa akin. Ang kaso ay nasundan ito ng isang ngisi at iling na aking ipinagtaka.
“You need to chill, Angel. I was only joking you, besides we are friends outside of this work. Ano ba ang kinatatakot mo at ayaw mong tawagin kita sa assassin name mo? May tinatago ka ba sa akin? O baka may pinagtataguan ka?” Natahimik ako dahil sa paraan ng pananalita niya ay parang may alam siya tungkol sa aking huling misyon.
“D-Dominus?” Napatingin kaming dalawa sa aking ama na may hawak ng tray ng mga pinamili niyang pagkain.
Agad naman akong tumayo upang tulungan siya at inayos ko na ang mga pagkain sabay binigay na ang pagkain sa aking ama. Napatingin naman ako sa aking ama at kay Dominus na masayang nag-uusap kaya ibinalik ko na lamang ang tray sa counter. Pagkatapos ay pagbalik ko ay nakita kong may binigay na isang maliit na papel si Dominus sa aking ama.
Tumayo siya at akmang maglalakad na siya paalis ay nagkunwari ako na hindi ko nakita ang kanyang binigay sa aking ama. Nang makalapit siya sa akin ay nginitian niya ako at saka huminga ng malalim.
“Angel ayaw kong magalit ka sa akin dahil lang sa pang-aasar ko sa iyo tungkol sa assassin name. I’m also your friend, so I want you to tell me anything that is bothering you.” Napatungo naman ako dahil medyo pangit nga naman ang pakikitungo ko sa kanya dahil lang sa pagbanggit niya sa akin ng aking alias.
“I’m sorry as well. Hindi ko sinasadya na taasan ka ng boses kanina. I just don’t want you or anyone from OA calling my alias anymore.” Tumango naman siya sabay ilinahad ang kanyang dalawang braso na para bang sinasabing yakapin ko siya.
Ganoon nga aking ginawa at yinakap siya ng mahigpit pero nagulat na lang ako nang bigla siyang may ibulong sa akin. Nang maghiwalay kami ay matamis siyang ngumiti at saka nagsimula nang maglakad palayo sa akin. Ako naman ay nanatili lamang nakatayo sa aking lugar at napaangat na lamang ang aking tingin nang tawagin ng aking ama ang aking pangalan.
Mabilis naman akong lumapit sa kanya at nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay masayang nagkwekwento sa akin ang aking ama pero ang aking diwa at isip ay nakatuon sa sinabing iyon ni Dominus. Napailing na lang ako dahil kahit masasabi kong malapit kong kaibigan si Dominus ay hindi ko pa rin makuha ang kanyang ugali.
Nang matapos kaming kumain ng aking ama ay sunod naman kaming pumunta sa sinehan upang manuod ng sine na gusto niya. Isang action movie ang kanyang napili at nakipila na muna kami dahil hindi pa tapos iyong mga nanunuod. Sinabi ko naman sa aking ama na bibili lamang ako ng popcorn at maiinum.
Iniwan ko na ang aking ama at dumiretso sa bilihan ng popcorn. Habang namimili ako ng masarap na flavor ng popcorn ay biglang may nakabunggo sa akin sa likod kaya naman muntikan na akong mapaupo sa sahig. Agad naman akong tinulungan ng nasabing lalaki at tinanong kung ayos lamang ako. Sasagot na sana ako nang mapatingin ako sa gwapo niyang mukha. He has an acquiline nose, a high fade texted quaff hair, full lips, white skin, and grey eyes. All in all, he speaks the work handsome.
“Are you alright?” tanong niya at napatango naman ako.
“Y-Yes.”
“I’m sorry. Hindi ko sinasadya na banggain ka.” Umiling naman ako at sinabing ayos lamang ako.
Maya-maya ay may tumawag sa kanyang pansin kaya naman hindi ko na tuloy natanong ang kanyang pangalan. Nagkakasala tuloy ako dahil dapat ay mabighani lamang ako sa lalaking nakita ko noon sa bar sa Paris. Ang kaso ay nandito ako at humahanga ulit sa kagwapuhan ng isang lalaki na nakabunggo sa akin.
Mukha rin siyang mabait dahil tinanong nga niya kung ayos lamang ako. Siguro kung iyong lalaking nakilala ko sa Paris ang nakabunggo sa akin ay sitahin niya pa ako na bakit ako paharang-harang sa daan. Napangit na lamang ako at bumili na lang ako ng popcorn at inumin.
Nang matapos kaming manuod ng aking ama ng sine ay masaya na kaming nag-uusap na dalawa habang naglalakad palayo rito. Medyo nakalimutan ko na rin iyong sinabi sa akin ni Dominus kaya hindi ko na muna binigyang pansin ito. Naisipan namin ng aking ama na maglakad-lakad na muna total ay alas-tres pa lang naman ng hapon at maaga pa para umuwi.
“May nakita ako rito noon na gusto ko sanang iregalo sa iyo ngayong kaarawan mo. Hindi ko na siya mabili-bili dahil sa aking trabaho at oras. Total ay nandito ka naman na ay gusto kong ibigay na lang ito para sa iyo.” Hinila ako ng aking ama papunta sa loob ng isang store ng mga alahas at saka kinausap niya iyong isang cashier doon.
Habang kinakausap ng aking ama ang babae ay napatingin naman ako sa isang lila na kwintas na sobrang kinang at ganda. Sa sobrang ganda nito ay parang mga sobrang importanteng mga tao lamang ang pwedeng magsuot nito. Habang namamangha ako sa ganda ng nasabing kwintas ay napaangat ang aking tingin sa isang saleslady.
“Gusto niyo ho ba iyan, Ma’am?” tanong nito sa akin.
“Uhm, s-sana. Ang kaso ay pakiramdam ko na parang hindi ito para sa akin.” Napangiti naman ang saleslady at agad na inilabas nito ang kwintas at mas lalong gumanda ito sa aking mga mata.
“Unisex po ito, Ma’am. Kung gusto niyo ho ay pwede niyo ho itong pangregalo lalo na kung may boyfriend ho kayo. Sayang namang kung hindi niyo pa kukunin lalo na at last piece na po ito. Isa pa po oras na binigay niyo ito sa taong mahal niyo ay lalakas ang pagmamahalan niyo.” Natutukso ako sa sinasabi ng babae kaya naman sa huli ay binili ko na lamang ito kahit na hindi ko naman alam kung kanino ko ito ibibigay.