Chapter 5

2066 Words
Angel Katulad ng sinabi ng aking ama ay pinagbigyan ko siya na pumasyal na muna sa Italy kahit ilang araw lang. Maliit lang na bag ang aking gamit dahil may mga gamit pa naman akong naiwan sa bahay ni Papa. Isang bag pack lang ang aking dala total ay hindi naman ako masyadong magtatagal doon. “Nakakainggit ka naman friend. Sana ay ako rin pwedeng sumama sa iyo. Iyon nga lang ay wala pa akong ipon para bumili ng ticket pabalik ng Italy at isa pa ay may trabaho ako,” reklamo ni Paris na abalang kumakain ng aking Mocha cake nanaman. Nang malaman niya kasi na pupunta ako ng Italy ay gusto na niyang sumama sa akin pero noong malaman niya na ilang araw lang naman ako ay bigla siyang nagbilin sa akin ng sobrang dami. “Why are you eating my cake again? Nakailang slice ka na ah?” Inirapan naman niya ako at saka itinulak ang gamit niyang pinggan palayo sa kanya. “Ang damot mo naman sa cake. Iisa pa nga lang iyong nakakain ko e.” Tinaasan ko siya ng kilay at napailing. “Pasalubong na lang ang ibigay mo sa akin. Siguro naman ay hindi mo na ako tatanggihan.” Nag-beautiful eyes pa siya sa akin at tumango na lang ako dahil ayokong kulitin niya ako ulit. Sabay na kaming lumabas ng condo ko at nagpahatid ako sa kanya papunta sa airport. Pagdating namin sa airport ay agad akong bumaba ng kanyang kotse pero bago ko ito sinara ay may binilin ako sa kanya. “It’s my birthday next week. Mag-isip ka na ng ireregalo mo sa akin total ay gusto mong bumawi sa akin sa pag-iwan mo sa akin sa bar.” Sinara ko na ang pinto ng kanyang kotse at hindi na hinintay pa na sumagot siya. Dumiretso na akong pumasok sa airport at agad na pumila sa oras ng aking flight papuntang Italy. Nang makapasok ako sa loob ng eroplano ay nakatanggap ako ng text mula kay Paris na sinasabing ibibigay niya raw sa akin iyong pinaka the best na birthday present. Napangiti naman ako at in-on sa airplane mode ang aking cellphone. Napatingin ako sa labas ng bintana nang makita kong unti-unti nang gumagalaw ang eroplano. Naalala ko tuloy ang aking kambal kapag sumasakay kami noon ng eroplano. Sa aming dalawa ay siya ang pinakatakot kapag nagt-take off na ang eroplano. Mas mahina ang tyan niya kaysa sa akin kaya palagi lang akong nakaalalay sa kanya. Sa pagbalik ko ng Italy ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Ito kasi ang isang lugar na hanggat maaari ay ayaw ko na munang balikan dahil masakit pa sa akin ang pagkamatay ng aking kambal. Kung hindi lang sa aking ama ay hindi ako babalik ng Italy muna. Ayokong mag-isip masyado kaya naman ipinikit ko na lang muna ang aking mga mata at natulog. Paglipas ng dalawang oras ay nagising ako dahil mukhang nakarating na kami sa aming destinasyon dahil isa-isa nang bumaba ang mga pasahero. Pagtapak ng aking mga paa sa nasabing airport ay hindi ako masyadong komportable na nandito ako. Hindi lang naman basta ang pagkamatay ng aking kambal kung bakit ayaw ko munang pumunta rito. Ang isang dahilan din ay dito nagsimula lahat ang pagiging assassin ko. Tuwing nandito ako ay naaalala ko lamang ang aking nakaraan. Paglabas ko ng airport ay nakita ko ang aking ama na kumakaway sa akin kaya naman mabilis akong lumapit sa kanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap. “Halika na. Total bukas naman na ang birthday mo kaya medyo naghanda ako ng kunting salu-salo.” Nagmaneho na siya pauwi. Pagdating namin sa aming bahay ay napansin ko na medyo madilim ang loob nito. Nagtaka naman ako dahil hindi pinapatay ni Papa ang mga ilaw sa kanyang bahay lalo na sa gabi. Nang tatanungin ko sana ang aking ama ay nagtaka ako na hindi siya nakasunod sa akin. Hinanap ko siya pero wala na rin siya sa loob ng kanyang sasakyan. Mabilis akong lumapit sa aming bahay dahil marahil ay dumaan lamang siya sa bandang likuran at maaaring nasa loob na siya. Pinihit ko ang busol ng pinto namin at gano’n na lamang ang gulat ko nang biglang nag-on ang ilaw at sabay-sabay na sumigaw ng surprise ang mga tao sa loob ng aming bahay. Halos makapa ko ang aking dibdib sa takot at mabilis naman akong napangiti sa mga tao na nandito ngayon. Isa-isang lumapit sa aking ang aking mga kaibigan at nakita ko rin na kasama na nila ngayon ang aking ama. “Angel! Advance Happy Birthday girl!” bati sa akin ni Alessia na may hawak na cake. Kasama rin si Sir Allan at sila Daphne kasama ang kanyang asawa na si Sir Zach. Agad silang kumanta ng Happy Birthday sa akin at nang matapos ay mabilis kong hinipan ang candila na nasa aking birthday cake. Binigyan ko naman ng yakap isa-isa ang aking mga kaibigan na mukhang kanina pa naghihintay sa akin. Pinaupo nila ako at nagsimula na kaming kumain. Habang ngumunguya ako ay bigla akong ininterview ni Zhea. “So? Kumusta naman ang pagiging malaya na sa OA? Masaya ba na wala ka nang mga misyon na gagawin?” tanong niya at natawa naman ako ng mahina. “Hmmm…Sa ngayon ay medyo nag-a-adjust ako dahil ilang taon din naman akong nagtrabaho sa OA. Siguro kapag may isa o dalawang taon na ay baka tuluyan na akong masanay na walang ginagawang mga misyon.” Tumango-tango naman sila sa aking sagot. “Saan ka pala pumunta pagkatapos mong mag-resign sa OA?” tanong naman ni Krysta. “Uhmm…” “Ano ka ba? Kung ako si Angel ay sigurado ako na magt-tour ako around the world.” Napatingin ako kay Sascha na abalang kumakain ng pasta. “Kung sabagay nga naman. Maiksi pa nga ang isang buwan para sa isang bakasyon e,” sagot naman ni Daphne. “Isa pa walang dapat na ipag-alala si Angel sa pera dahil marami na iyang ipon. Baka nga sa susunod na limang taon ay hindi pa ubos ang pera niya noh.” “Naiinggit tuloy ako sa iyo kasi gusto ko na rin mag-resign kaso nga lang ay hindi ko ba alam kung bakit hindi ko maiwan-iwan ang OA.” Sabay subo ng pasta na sabi ni Krysta. Napatingin naman ako kay Zhea na siyang sumunod na nagsalita. “Gusto na nga rin akong paalisin ni Kysler sa OA dahil medyo delikado nga raw ito lalo na at may mga anak na kami. Lalo na at ang bibilis na nilang lumaki na parang kailan lang ay hindi pa sila makapaglakad.” “Basta naman ang importante ay masaya na si Angel sa desisyon niya.” Napangiti naman ako kay Alessia. “Tignan niyo nga si Harper na mukhang nag-eenjoy sa pagiging Mafia boss niya.” Natawa naman kaming lahat nang inirapan lang ni Harper si Alessia sa kanyang sinabi. Nagtuloy-tuloy lang ang advance na birthday party nila para sa akin at medyo nag-inuman na rin kami. Nagkantahan pa nga kami at kung anu-ano na pwede naming maisip para naman ma-enjoy naming lahat ang aking birthday party. Nang lumalim na ang gabi ay isa-isa na silang nagpaalam sa akin at hinatid ko naman sila sa kani-kanilang mga kotse. Nang makaalis sila ay namayani ang sobrang katahimikan sa bahay at medyo nalungkot ako dahil wala na sila. Sa totoo lang ay medyo nakalimutan ko ang lungkot ko noong nandito sila at hindi ko minsan naisip na may tinatakbuhan akong problema. Nakita kong inaayos na ng aming mga kasambahay ang aming mga kalat nang maisipan kong kumuha pa ng isang bote ng red wine sa basement at saka dumiretso sa labas upang doon ito inumin. Umupo lang ako sa hagdan sa may entrada ng aming bahay at doon sinimulang ubusin ang isang bote ng red wine. Maya-maya ay narinig ko na lang ang aking ama na tumabi sa akin at nakita ko na may hawak din siyang isang bote ng Vodka. “Sigurado ka ba na kaya mong ubusin iyan na hindi ka nalalasing?” tanong ko sa kanya at napailing naman siya. “Of course. Sino ba sa tingin mo ang kinakausap mo?” Natawa naman ako ng mahina at gano’n din siya sabay unti-unting namayani ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Napatingin ako sa langit na kung saan ay sobrang dami ng mga bituin. Kumikislap ang mga ito na medyo nagpapagaan ng kunti sa aking kalooban. Napatingin ako sa aking ama nang marinig ko siyang magsalita. “It’s glad to see you smiling again, Angel.” Napatingin siya sa akin sabay tumingin muli siya sa malayo. “Ever since your sister was hospitalized, I never saw you smile like that. I think the last time I saw you smiling whole heartedly was when your mother and your sister were alive.” Medyo natahimik ako dahil hindi ko alam na gano’n na pala ang aking ginagawa sa ilang taon. “I don’t know if I’m still happy, Dad,” simula ko sabay napatungo. “Simula nang mawala noon si Mama dahil sa sakit niya ay para bang nawalan ng isang parte ang aking pagkatao. Pagkatapos ay noong sumunod naman ang aking kambal ay para bang wala nang dahilan para maging masaya ako.” “I’m still here, child.” Napatingin ako sa aking ama at uminom siya ng alak mula sa kanyang bote. “Noong nawala ang Mama mo ay ipinangako ko noon sa kanya na babantayan ko kayo ng mabuti at palalakihin ng tama. Sinabi niya sa akin na kahit wala na ako ay gusto niyang maging masaya pa rin ako at kung gusto kong magkaroon ng kapareha hanggang sa tumanda ako ay pwede ko ring gawin at hindi siya magagalit.” Pinagmasdan ko lamang ang aking ama na nagsasalita nang unti-unting tumulo ang luha sa kanyang mga mata. “Pero alam mo kahit na binigyan ako ng basbas ng iyong ina ay hindi ko ginawa dahil siya lang ang tanging minahal ko ng sobra kaysa sa aking sarili. Noong nawala siya ay akala ko wala na akong patutunguhan pa. Pero tuwing tumitingin ako sa inyong dalawa ng kapatid mo ay palaging naipapaalala sa akin na kailangan kong maging malakas para sa aking mga anak.” Napangiti ako. “You did. You became a great father to us, Dad.” “I did. I became happy even though your mother left me. Sinubukan kong tuparin ang pangako ko sa iyong ina na magiging masaya ako kahit wala na siya. You and your sister became my happiness. Makita ko lang kayong maging masaya ay ayos na rin ako. Life goes on, Angel.” Napatingin siya sa akin sabay hinawakan ang aking kamay. “You need to do the same. Sometimes you need to be strong so that the people around you will not feel that they are alone in their fight.” “Thanks, Dad.” Yinakap ko siya ng mahigpit. Nang maghiwalay kami ay napansin ko na may pilyong ngiti na nakapaskil sa labi ng aking ama. “Isa pa ay kailangan mo na ring maghanap ng katuwang mo sa buhay at gusto kong siguraduhin mo na kasing gwapo ko siya.” Masaya akong umirap sa kanya at tumawa naman ang aking ama. “Geez. Panira ka naman ng moment eh. Isusumbong kita kay Mama sige ka. Mamaya multuhin ka pa niya.” Pananakot ko sa kanya. “That would be fine with me. Malay mo magkaroon ka ng multong kapatid.” Nawiwirduhan akong napatingin sa aking ama at tumawa lang siya. “Eww. Lumayas ka nga rito, Dad.” Pagpapalayas ko sa kanya at saka inubos niya na muna iyong vodka na kinuha niya. Pagkatapos ay nauna na siyang pumasok sa loob dahil gusto niya na raw muna ang magpahinga. Naiwan naman ako rito sa labas habang iniisip ang mga sinabi ng aking ama. Napatingin ako sa langit at saka nagdasal na sana ay dumating ang araw na maging katulad ako ng aking ama na maging malakas at kayang harapin ang lahat. Nang maubos ko ang red wine ay pumasok na ako sa loob at nagpahinga na rin dahil bukas ay kaarawan ko na talaga. Kailangan kong ilabas sa isang date si Papa para naman makabawi ako sa kanya. Kasabay nito ay nag-good night na rin ako sa aking kapatid at kay Mama sabay natulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD