Chapter 7

2317 Words
Angel Nang mabili ko ang nasabing kwintas ay tinawag naman ng aking ama ang aking pansin at saka may ibinigay sa akin na isang paper bag na naglalaman din ng isa pang kwintas. Napatingin naman ako sa loob at nakita ko na birthstone ko pa pala ang napili ng aking ama. Nang inilabas ko ito ay nagtaka ako kung bakit dalawa ang kwintas na nasa loob ng paper bag. “There are two necklaces, Dad. Ano naman ho ang gagawin ko sa ganito karaming kwintas?” Natawa naman ang aking ama at saka isinuot ang isang kwintas sa akin. “Yours is the birthstone of Turquoise because you were born at the month of December. The other necklace is Garnet which is the birthstone of January.” Napahawak ako sa aking kwintas at saka napatingin sa aking ama. “It’s for my sister. She was born on the month of January.” Tumango naman ang aking ama at agad na yinakap siya at pinasalamatan. Masaya kaming lumabas ng aking ama sa loob ng accessory store. Malawak ang aking ngiti na nakatingin sa kwintas na binili ng aking ama lalo na sa kwintas ng aking kambal. Kambal nga kami ang kaso ay magkaibang taon naman kami naipanganak. Ayon kasi sa aking mga magulang noon ay December 31 ako naipanganak sa eksaktong 12:59 ng gabi habang January 1 naman ang aking kambal sa eksaktong 1:03 ng madaling araw. Kaya naman kahit kambal kami ay nauna ako ng isang taon at ilang minuto kaysa sa aking kapatid. Nang makarating kami ng aking ama sa bahay ay medyo gabi na dahil pagkatapos naming mag-ikot-ikot ng kunti sa mall ay kumain kami ulit ng dinner bago kami umuwi. Buti na lamang at naisipan kong magsuot ng rubber shoes dahil kung hindi ay baka sumakit na ang aking paa kalalakad sa mall. Nang maiparada ng aking ama ang kanyang sasakyan ay pumasok ako agad sa loob ng aming bahay at dumiretso sa aking kwarto. Padapa akong humiga sa ibabaw ng aking kama dahil sobrang napagod ako ngayong araw na ito. Habang nakahiga ay binuksan ko ang aking cellphone at nakita ko na ang daming birthday messages ang aking natanggap ngayon. Hindi ko sila maisa-isa na i-text kaya naman binuksan ko na lamang ang aking f*******: account at doon na lang nagpasalamat sa lahat ng mga bumati sa akin. Kailangan nga pa rin pala naming manatiling gising hanggang mamayang hatinggabi dahil New Year nga naman ako naipanganak. Hays. Sana naman sa susunod na taon ay hindi na lamang kaming dalawa ng aking ama ang magdiwang ng aking kaarawan at New Year. Nang makapagpahinga ako ay pumanhik ako sa salas upang buksan ang TV at manuod ng sine para mawala ang aking antok. Habang nanunuod ay tumabi ang aking ama na may hawak na dalawang wine glass at isang champagne. Binigay niya sa akin iyong isa at binuksan niya iyong champagne sabay linagyan ang aking baso. Nag-cheers kaming dalawa at saka sabay na rin kaming uminom habang nanunuod ng sine. Sa kalagitnaan ng aming panunuod ay bigla kong naalala iyong naganap sa pagitan naming dalawa ni Dominus kanina. Naalala ko rin bigla iyong binigay niyang maliit na papel sa aking ama. Kanina ko pa gustong tanungin ang tungkol dito ang kaso ay nawala sa aking isipan dahil medyo nawili kami sa pag-iikot sa mall kanina. Napatingin ako sa aking ama na tumatawa sa isang nakatatawang scene na kanyang pinapanuod. “Dad?” Pukaw ko sa kanya. “Yes?” tanong niya habang nanatiling tumatawa sa pinapanuod naming sine. Huminga ako ng malalim sabay kinuha ang remote at pinause ko na muna ang pinapanuod namin. Bigla namang napatingin sa akin ang aking ama na nagtataka. “Hey, I was already at the good part. Why did you pause it Angel?” nakasimangot na tanong niya. “Dad, I need to ask you something, and it’s important. I guess.” Napatango naman ang aking ama ng dahan-dahan. “Kanina sa Mcdo noong kumakain tayo na kasama natin si Dominus, nakita ko kasi na may binigay siya sa iyo na maliit na papel. Ayaw ko sanang makialam pero hindi lang kasi ako mapakali at gusto ko sanang malaman kung ano iyon?” Natahimik ang aking ama at saka napainom siya sa iniinom niyang champagne. Napatingin siya sa malayo at ilang beses siyang napabuntong hininga na mas lalo kung ipinagtaka. Nang lumaon ay umayos siya ng upo at saka muling napatingin sa akin pero may kakaiba sa ekspresyon na nakikita ko sa kanyang mukha. “Anak, kung ano man iyong napag-usapan namin ni Dominus ay huwag mo na lang munang tanungin dahil hindi naman gano’n ka-importante ito.” Napataas ang aking kilay sa sobrang pagtataka sa kanyang sinabi. “Kung hindi importante ito ay bakit parang natatakot ka at alanganin ka kung sasabihin mo ba ito sa akin o hindi? May nangyayari ba na hindi ko alam Dad?” Umiling ang aking ama. “Wala naman, anak. This doesn’t concern you anyway, Angel.” “But Dad—” “Angel!” sigaw ng aking ama. Bigla akong natahimik dahil matagal na panahon na hindi ko siya narinig na sumigaw. Ginagawa niya lamang ito kapag galit na talaga siya at wala na talaga siyang pasensya. Nagbuga siya ng hangin at napahilot sa kanyang sintido kaya nanahimik na lamang ako. Ayaw ko naman siyang pilitin na sabihin sa akin ang lahat kaya hindi ko na lamang siya pinansin at bumalik na lamang sa panunuod ng sine. Pagsapit ng hatinggabi ay rinig na namin sa labas ang putukan ng mga paputok at mga iba’t ibang klase ng ingay. Napansin ko na kanina pa tahimik ang aking ama kaya naman para mawala ang namumuong katahimikan sa aming dalawa ay hinila ko siya palabas hanggang sa may veranda ng aming bahay at doon kami nanuod ng fireworks display. “Wow! Ang ganda!” manghang sabi ko habang tumatalon na parang bata. May tinuro pa ako sa aking ama at narinig ko na lang na natawa siya ng mahina. Marahil ay natawa siya sa aking kakulitan at pagiging isip-bata kaya naman napangiti ako sa kanya at inenjoy na lang namin ang magandang tanawin sa langit. “Happy Birthday again, Angel. What’s your wish, child?” tanong sa akin ng aking ama. “Hmmm. Secret na lang iyon Dad. Malalaman mo na lang oras na matupad na iyong hiling ko dahil ikaw ang una kong sasabihan.” Hinalikan naman ako ng aking ama sa aking noo at pinagpatuloy namin ang manuod ng naggagandahang mga paputok sa langit. Kinabukasan ay late na akong nagising dahil ano’ng oras na rin naman kaming nakatulog kagabi. Pinatapos lang namin ang panunuod ng fireworks bago kami pumanhik sa aming mga kwarto at natulog. Paglabas ko ng aking kwarto ay mukhang wala na ang aking ama at nauna na siyang pumasok sa kanyang trabaho. May nakita pa akong nakadikit na sticky note sa refrigerator na nagsasabing tawagan ko siya kapag uuwi na ako para raw maihatid niya na ako. Napangiti naman ako at agad na akong kumuha ng malamig na tubig sa refrigerator. Mamayang hapon pa naman iyong binook kong flight kaya nanatili na lamang ako sa bahay. Pagdating ng hapon ay agad na akong naghanda at inayos ko na ang aking mga gamit. Alas-kwatro ang oras ng aking flight at pagtingin ko sa aking orasan ay ala-una ng hapon at tinawagan ko na rin ang aking ama para ihatid na ako sa airport. Sinaklay ko na ang aking bag at saka pumunta na sa labas ng bahay upang hintayin ang sasakyan ng aking ama. Sakto naman na pagka-lock ko ng gate namin ay nakikita ko na sa malayo ang taxi na ginagamit ng aking ama sa kanyang byahe. Agad akong sumakay sa sasakyan pagkatigil nito sa aking harapan at saka nagmaneho na siya papunta sa airport. Habang nasa kahabaan ng byahe ay nagkwentuhan lang kami ng aking ama lalo na noong medyo na-traffic kami. “Saan na ang susunod na destinasyon mo, anak?” tanong niya. Napangiti naman ako at saka tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Gusto ko man sabihin sa kanya kung saan ako pupunta ay hindi ko na lamang sinabi dahil ayaw ko siyang sumunod. Kilala ko na ang aking ama at oras na sinabi ko kung saang bansa ako pupunta ay magugulat na lamang ako na nasa harapan na siya ng aking pinto. Narinig kong napabuntong hininga ang aking ama at napatingin naman ako sa kanya. “Hays. Sana ay sabihin mo sa akin kung saan ka pupunta nang hindi ako nag-aalala sa iyo.” “Hindi na ako bata Dad. Hindi niyo na ho kailangang mag-alala para sa akin lalo na at kaya ko naman ho ang aking sarili,” paliwanag ko. “Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan mo pang lumayo. Kung nagluluksa ka pa rin ay naiintindihan ko naman iyon dahil kambal mo ang nawala pero kahit sabihin mo man lang sana sa akin kung saan ka pumupunta. Alam ko naman na kaya mo na ang sarili mo Angel pero ama ako at hindi ko maiwasan ang mag-alala para sa aking anak. Hindi kaya…” Hindi niya tinuloy ang kanyang sasabihin. “Hindi kaya, ano?” “Hindi kaya may kinatatagpo ka na at ayaw mo lang sabihin sa akin?” Nawiwirduhan akong napatingin sa kanya sabay pinalo siya sa kanyang braso. “What? Where did that come from?” Natatawa kong tanong sa kanya. “Naiintindihan ko naman kung magkaroon ka na ng love life anak. Basta ba ang importante ay irerespeto ka niya at hindi ka niya babastusin. Basta dapat ay kasingbait at kasing gwapo ko dapat siya para naman maipasa iyong lahi natin sa susunod na henerasyon.” Inikotan ko siya ng aking mga mata at natawa lamang siya ng mahina. “Ano’ng susunod na henerasyon iyang pinagsasabi mo? Getting to know stage pa nga lang eh anak na agad iyang inaalala mo.” “Aha! E di lumabas din sa bibig mo na meron nga, anak?” Bigla akong namula at natatawa ang aking ama na naiiling sa aking sinabi. “Ish! I hate you.” Humalukipkip ako at tinawanan lang ako ng magaling kong ama. Pagdating namin sa airport ay nagpaalam na ako sa kanya at binigyan siya ng halik sa kanyang pisngi. Lumabas na ako ng kanyang sasakyan at akmang papasok na ako sa gusali ay may pinahabol pa siya. Binaba niya iyong bintana ng kanyang sasakyan sabay sabi, “I need to meet him first before anything else, Angel.” “Whatever, Dad.” At nagsimula na akong maglakad palayo. “I’m serious!” Napailing na lamang ako sabay kinawayan siya ng patalikod habang naglalakad papasok sa gusali ng airport. Pagdating ko ay nagpasalamat ako na kunti lamang ang tao kaya naman mabilis lamang akong nagpa-check ng aking mga gamit. Sumakay na ako ng eroplano at hinintay na lamang na mag-take off ang aking sinasakyan. Huminga ako ng malalim at naisipan na makinig na lamang ng music nang may tumabi sa akin na isang babae kung tinatanong kung may nakaupo ba sa aking tabi na upuan. “Uhm, wala naman.” “Hays. Thank God.” Linagay niya ang ibang gamit niya sa taas at linakasan ko ang pakikinig ko sa music sa aking cellphone. Maya-maya ay naramdaman ko na umuga ang aking tabi pero nanatili lamang akong nakatuon sa aking cellphone. Masaya akong nakikinig nang parang marinig ko na kinakausap ako ng babae sa aking tabi. Pagtingin ko sa kanya ay nakita ko ngang nakatingin siya sa akin at nakangiti kaya naman inalis ko ang aking earphones. “Sorry, where you saying something?” tanong ko. “Uhm, kanina kaso mukhang naistorbo yata kita sa ginagawa mo. Pasensya ka na.” Umiling naman ako at inalis ang aking earphones na nakasalpak sa aking tenga. “No, no. It’s okay. Pasensya ka na rin kung hindi kita nasagot kanina. Ano nga ulit iyong tinatanong mo?” Napangiti naman siya at para siyang nabuhayan. “Hi! My name is Lucinda. Ikaw ano’ng pangalan mo?” Pakilala niya sa kanyang sarili sabay lahad ng kanyang kanang kamay sa akin. Tinanggap ko naman ito at nagpakilala rin sa kanya. “My name is Angeline. Angel for short na lang.” “Ang cute naman ng pangalan mo. Anghel na Anghel ang dating parang ikaw.” Bigla naman akong pinamulaan ng pisngi. “May boyfriend ka na ba?” Nagulat ako sa kanyang tanong. “Ah, eh…” “Sorry,” nahihiyang hingi niya ng paumanhin. “Feeling close ba ako? Pasensya ka na ha? Hindi lang kasi talaga ako sanay na walang kausap sa byahe. Meron nga iyong one time may nakatabi akong gwapong lalaki tapos nakipag-close ako sa kanya. Syempre sa kadaldalan ko ay naikwento ko na yata sa kanya ang gagawin ko sa Paris. Noong una akala ko ay naiintindihan niya ako pero nalaman-laman ko na isa pala siyang Koreano.” Bigla naman akong natawa sa kanya dahil kung sumimangot siya ay para siyang bata. Literal na bata. Sa buong byahe namin ay hindi ako na-boring na si Lucinda ang nakatabi ko kasi kahit sobrang daldal niya ay imbes na mairita ako ay nawiwili ako sa kanya. Hindi ko namalayan na malapit na pala kaming dumating sa airport sa Paris. “May susundo sa akin na family driver namin. Saan ba ang punta mo at ihahatid na lang kita.” Alok niya sa akin at bigla naman akong nahiya. “Naku! Nakakahiya naman sa iyo. Huwag na lang baka kasi mapalayo ka pa sa pupuntahan mo.” Tanggi ko naman. “Asus! Wala iyon. Halika na para magkakwentuhan pa tayo.” Hinila na niya ako at wala naman akong nagawa. Naisip ko sa hinaba-haba ng pananalita niya ay hindi pa siya napagod? Napailing na lang ako at sumama na lang sa kanya. Isa pa nae-enjoy ko rin naman iyong company niya dahil sa kadaldalan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD