Angel
Pagpasok namin sa bar ay agad na bumungad sa akin ang mabangong amoy ng isang klase ng pabango yata. Amoy bulaklak ito na parang hindi pero kung ano man iyon ay medyo nagpagaan sa aking loob. Namangha rin ako sa view ng buong lugar dahil halatang pangmayaman lang talaga ang lugar na ito. ANg buong bar ay napapalibutan ng glass na kung saan ay makikita mo mismo rito ang Eiffel Tower.
“Wow!” iyon lang ang aking nasambit pagkakita ko ng buong lugar at agad naman na isinukbit ni Paris sa akin ang kanyang kamay.
“So? Ano sa tingin mo?” Napatingin naman ako sa kanya at taas-baba ang kanyang kilay sa akin na proud siya na nauto niya akong pumunta rito.
“Magpasalamat ka at maganda ang lugar kung hindi ay ngayon pa lang ay magw-walk out na ako.” Napailing naman siya at hinila na niya ako kung saan ay umupo kami sa mismong harapan ng bartender at umorder ng maiinom.
“Alam mo kasi, Gie, dapat lang naman na maging masaya ka sa buhay noh. Sige ka ikaw rin baka mamaya ay kung kailan naisipan mo nang mag-enjoy sa buhay ay huli na ang lahat.” Agad namang binigay sa amin ng bartender ang aming order at nakipag-cheers siya sa akin at sabay na uminom.
Lumipas ang ilang oras ay medyo lasing na si Paris at mukhang nakaalalay lang si Tristan sa kanya. Napangiti naman ako dahil parang bata kung suwayin ni Tristan ang kanyang nobya at hindi ko maiwasan ang mapailing. Linagok ko ang huling laman ng whisky bottle na aking inorder at hindi ako makaramdam ng pagkahilo.
Bigla akong nakaramdam ng pagkaihi kaya naman tumayo ako upang pumunta sa banyo. Nang matapos ako ay inayos ko na muna ang aking sarili at saka lumabas ng banyo. Napatigil naman ako sa aking paglalakad nang marinig ko na mag-ping ang aking cellphone. Pagtingin ko ay nag-text sa akin si Tristan at sinabi niya na hindi na raw kaya pa ni Paris kaya naman ihahatid niya na lang muna ito at saka babalikan siya.
Agad naman akong napailing at saka muling ibinalik ang aking cellphone sa aking bulsa. Napailing akong muli dahil alam ko naman na hindi na ako mababalikan pa ni Tristan lalo na at ihahatid niya ang kanyang nobya sa kanila. Uuwi na lang siguro ako ng mag-isa at it-text ko na lang si Tristan oras na makasakay na ako ng taxi.
Maglalakad na sana ako palabas ng bar nang may mahagip na kung sino ang aking mga mata sa malapit sa may bintana. Hindi ko ba alam kung bakit bigla na lang akong naestatwa sa aking kinatatayuan na para bang nagayuma ako o kung ano. Sa hindi kalayuan sa akin ay kitang-kita ko ang isang lalaki na abalang-abala na nakatingin sa kanyang cellphone habang umiinom.
Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang kanyang adam’s apple nang linunok niya ang kanyang iniinom na alak. He has kissable plump lips, messy medium length hair, blue eyes, fair skin, and a celestial nose. Handsome is not enough to describe this person because his beauty is outside of this world. Hindi ako madalas na ma-attract sa isang lalaki at halos lahat ng nagtangka na kumuha ng aking pansin ay iniwasan ko.
Hindi ko alam kung pihikan ba ako o kung talagang may hinahanap lang talaga ako sa isang lalaki. Pero ang lalaking nakikita ko ngayon ay lumampas sa expectation na aking hinahangad. Hindi ko nga lang alam kung marunong ba siyang ngumiti dahil sobrang seryoso niya. Tinignan ko ang aking sarili at ngayon lang ako naging conscious sa aking histsura.
Nakagat ko ang aking labi at kinuha ang aking buong lakas upang lapitan siya total ay mukhang wala naman siyang kasama dahil mag-isa lamang niya. Malakas ang t***k ng aking puso na naglakad palapit sa kanya. Nang makalapit ako sa kanya ay inaasahan ko na umangat ang kanyang tingin sa akin pero nanatili lamang siyang nakatungo at nakatingin sa kanyang cellphone. Kaya naman agad akong tumikhim ng ubod ng lakas upang mapansin niya ako. Hindi naman ako nabigo dahil agad nga siyang napatingin sa akin pero napalunok ako sa tindi ng tingin niya sa akin.
Para bang sinasabi ng kanyang mga mata na bakit ang isang tulad ko ay nasa harapan niya ngayon at iniistorbo siya. Napatitig ako sa kanyang mga mata na kasing kulay ng langit at sobrang sarap tumitig sa mga mata niya. Bumalik ako sa katotohanan nang marinig ko ang lalaking-lalaking boses niya.
“H-Hi,” simula ko at hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. “I-I was just wondering if you are with someone right now?”
Tinaasan niya naman ako ng kilay. “Can you see someone in front of me right now?”
Masungit niyang tanong pero hindi ko ito pinansin at agad na umupo sa kanyang harapan. Mas lalong lumalim ang gatla sa kanyang noo nang makita niyang umupo ako sa kanyang harapan.
“I would like to join you if you don’t mind?” tanong ko na may ngiti sa aking mga labi.
“I do mind.” Iyon lang ang huling sinabi niya at muli nanaman siyang tumingin sa kanyang cellphone.
Medyo natahimik naman ako at hindi ko alam kung bakit naiinis ako na mas binibigyan niya ng pansin ang kanyang cellphone kaysa sa akin? It makes me doubt myself if I’m even beautiful in front of his eyes. Sabi naman ng mga magulang at mga kaibigan ko na maganda ako at kahit sino ay maaakit ko. Ang kaso ay bakit parang hindi ito gumagana kay mamang sungit.
Pero kahit na masungit siya ay sobrang gwapo niya talaga. Iyong paraan ng tingin niya sa akin ay para ba akong linalamig tuwing tumatama ang kanyang mga mata sa akin. Jack Frost ikaw ba iyan? Napapangiti na lang ako sa aking mga naiisip at muling umangat ang mga tingin niya sa akin kaya agad na nawala ang aking mga ngiti. Baka sabihin niya pa na nababaliw na ako.
“Uhm…” Magtatanong sana ako sa kanya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone at agad niya naman itong sinagot.
“Ano nanaman ang kailangan mo sa akin?” Nagulat ako nang marinig ko siyang mag-Tagalog.
Habang nakikipag-usap siya sa telepono ay hindi ko maiwasang mamangha sa paraan ng pagsasalita niya ng Tagalog. Wala kasi sa itsura niya ang magsalita ng gano’ng lenggwahe dahil sa mga asul niyang mga mata. Siguro ay may lahi siya at marahil isa sa kanyang mga magulang ang Pinoy kaya alam niya ang mag-Tagalog.
Habang nakikipag-usap siya sa kung sino sa telepono ay muling dumapo ang tingin niya sa akin at nagulat ako nang inirapan niya ako at bigla na lamang siyang tumayo. Hindi ako agad naka-react sa kanyang ginawa at saka ko na lamang namalayan na nakalabas na siya ng bar. May iniwan siyang pera sa mesa at dali-dali akong tumayo upang sundan siya.
Halos makabunggo pa ako ng waiter pero agad naman akong humingi ng despensa at mabilis na sinundan siya sa labas. Mabilis akong lumingon sa aking kanan at kaliwa pero wala na akong makita ni anino niya. Bagsak ang aking mga balikat na napatingin sa aking paligid dahil hindi ko man lang nakuha ang kanyang pangalan. Naisipan ko na lamang ang umuwi total ay wala naman na akong gagawin dito.
Kinabukasan ay tanghaling tapat na nang magising ako at bumukas ang aking isang mata nang marinig ko na nagri-ring ang aking cellphone. Pikit mata kong kinapa ang aking cellphone sa aking kama at nang mahanap ito ng aking mga kamay ay agad ko itong sinagot na hindi man tinitignan kung sino ang tumatawag. Agad ko namang linayo ang telepono sa aking tenga nang marinig ko ang malakas na iyak ni Paris sa kabilang linya.
“Angeline!” sigaw niya sa kabilang linya at napatingin naman ako sa aking cellphone.
“What the hell is your problem, Paris? Ang aga-aga ay ngumangawa kang parang baka.” Sita ko sa kanya at ramdam ko na nakasimangot nanaman siya.
“Ang akala ko kasi ay galit ka na sa akin dahil iniwan ka namin ni Tristan sa bar. Nakailang tawag na kasi ako kanina kaya ang akala ko ay nagtatampo ka na sa akin. Halos pagalitan ko na nga si Tristan at hindi siya pinapansin dahil hindi ka man lang niya binalikan kagabi. BFF sorry na please. Hindi na talaga mauulit. Hindi na ako iinom at magpapakalasing para hindi na kita maiwan.” Natawa naman ako sa mahabang paliwang niya.
“Oo galit ako sa iyo kasi iniwan mo ako kagabi.”
Pang-aasar ko sa kanya at narinig ko ang nag-aalala niyang boses sabay umiyak nanaman siyang parang bata. Natawa na lang ako ng mahina dahil kahit kailan talaga si Paris ay hindi na nasanay sa pang-aasar ko sa kanya.
“Will you stop crying already? I was only joking you, okay?”
“Really?” tanong niya na parang hindi siya naniniwala sa akin.
“Oo. Kaya tumigil ka na kaiiyak dahil panigurado ako inistorbo mo na lahat ng nandiyan sa trabaho mo. Mamaya ay pagalitan ka nanaman ng boss mo,” sabi ko sabay umayos ng upo sa aking kama habang minamasahe ko ang aking noo.
“Babawi talaga ako sa iyo, promise. Sorry na talaga, Gie. I love you, girl.” Napailing naman ako at saka nagpaalam na sa kanya dahil naririnig ko na pinapagalitan na siya ng boss niya.
Nang matapos kong makausap si Paris ay nag-inat ako ng aking mga kamay at saka bumangon sabay inayos na ang aking higaan. Dumiretso ako sa aking kusina upang magluto ng sunny side-up at bacon sabay nag-toast na rin ako ng tinapay. Habang nagpriprito ako ng itlog at bacon ay nagtimpla naman ako ng Mocha drinks ko.
Nang matapos akong makapagluto ay linagay ko na ang lahat sa isang pinggan at kinuha ito sa salas sabay binuksan ang TV. Gustong-gusto kong manuod ng TV habang kumakain dahil mas ginaganahan ako kapag gano’n. Hindi ko nga alam kung bakit gano’n ang aking ugali pero siguro ay nasanay lang ako lalo na kapag kasama ko noon ang aking kambal.
Nang matapos akong kumain ay naligo ako at nagpalit ng aking damit sabay kinuha ang isang basket ko na lagayan ko ng mga maduduming damit sa laundry shop. Maganda rito sa condo na nakuha ko dahil halos lahat ng pwede mong bilhin sa labas ay nandito na kaya super convenient. Kaya naman agad ko itong kinuha dahil bukod sa mura ang presyo ng condo ay hindi ko na kailangang lumayo pa.
Pagpasok ko sa laundry shop ay pina-assist ko na sa naroon iyong mga labahan ko nang tumunog ang aking cellphone. Pagtingin ko ay ang aking ama ang tumatawag kaya naman mabilis ko itong sinagot.
“Hello, Dad?”
“Angel, iha. You forgot to call me yesterday.” Natampal ko ang aking noo at humingi ng paumanhin sa aking ama.
“Oo nga pala. Dad, I’m so sorry. Medyo nagkaayaan kasi kagabi sa bar kaya medyo late na akong nakatulog kagabi. Kagigising ko nga lang kanina at tatawagan na sana kita.” Narinig ko naman natawa ng mahina ang aking ama.
“Glad to know that you are enjoying your vacation. Kailan ka ba babalik dito sa Italy? Aba e ilang beses nang bumabalik-balik dito iyong boss mo at tinatanong kung nasaan ka.” Napakunot naman ang aking noo.
“What? Natanong niyo ho ba kung bakit?” tanong ko.
“Hindi e. Ayaw naman niyang sabihin sa akin dahil mas maganda raw na siya ang magsabi sa iyo. Tuwing tinatawagan ka naman daw niya ay palagi raw dumidiretso ito sa voicemail mo. Anak, maybe you should speak to your boss, soon. Alam ko na hanggang ngayon ay nagluluksa ka pa rin sa pagkamatay ng kambal mo pero sana naman ay hayaan mo kaming mag-alala para sa iyo. I also need someone to tell my problems to, since I also lost a daughter.” Napatungo naman ako at bigla akong nakonsensya sa sinabi ng aking ama.
“I’m sorry, Dad. I promise I will go back in Italy.”
“Okay. Maybe you can do that next week, since it will be your birthday soon. Bisitahin na rin natin ang kambal mo oras na nandito ka na.” Tumango naman ako.
“Okay po. I need to go, Dad. See you soon. I love you.” Binaba ko na ang tawag at huminga ng malalim. Malapit nanaman pala ang birthday namin. Pwede naman siguro akong sumaglit sa susunod na linggo sa Italy.