CHAPTER 9: Basket Of Fruits

1967 Words

Alwena "May ilaw na tayo, Mama!" sigaw ng anak ko nang sa labas pa lamang ay nasisilip na namin ang ilaw sa loob ng aming apartment mula sa mga siwang ng pinto at bintana. "Oo nga, anak. Sandali at bubuksan ko muna ang pinto." Ibinaba ko na muna siya sa aking tabi at saka ko dinukot ang susi ng pinto sa aking bulsa. Gabi na ako nakauwi dahil halos ayaw akong palabasin ni Chloe ng opisina niya at hintayin ko raw ang ipinabili niyang mga damit ko. Wala rin naman akong nagawa dahil wala talaga akong maisusuot dahil sa lintik na pagsira niya sa mga damit ko! Tapos ay halos ibato ko pa sa kanya itong mga ipinamili niya dahil isang makapal na jogging pants at isang jacket lang naman itong suot-suot ko ngayon! B'wisit talaga siya! Hindi ako nagsusuot ng mga ganito dahil mainitin ako. Madali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD