Alwena "Halika na, anak. Doon ka muna ulit kila Tita, ha? Huwag kang magpapasaway doon." "Opo!" Binuksan ko na ang pinto ng aming apartment. Hindi ko na inabutan doon si Chloe. Bigla tuloy akong napasilip at napatanaw sa loob ng apartment ni Tinay, na nakabukas ang pinto. Wala namang ibang tao doon kundi ang kanyang anak na nanonood ng t.v. Malamang ay nakaalis na ang tukmol na 'yon. Akala ko pa naman ay hihintayin niya ako. Hmp. Asa. "Sino pong sinisilip mo d'yan, Mama?" usisa ng aking anak. "Wala, anak. Halika na." Binuhat ko na siya matapos kong ikandado ang pinto ng aming apartment bago ako naglakad patungo sa labasan. Nasa pangalawang kanto ang bahay nila Ate Alexa. Sarili nila iyon, kaya lang ay maliit lang at ayoko nang makisiksik pa kaming mag-ina doon kahit pa inalok kam