Alwena Naalimpungatan ako at mas yumakap pa ng mahigpit kay Chloe. Binuhat ko ang aking hita at itinanday sa kanya ngunit bigla akong natigilan nang may maramdaman akong matigas na bagay sa ibabang bahagi niya. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at sinilip ang kinaroroonan ng hita ko. Napakagat-labi ako nang makita ko itong nakatanday sa bahagi kung saan naroroon ang p*********i niya. Bakit gano'n? Bakit ang tigas?! Nag-init ang aking pisngi at hindi ko alam ang gagawin ko. Naramdaman niya rin kaya? Pinilit kong hindi gumawa ng kahit anong kilos at nagkunyaring hindi pansin ang pagkakaipit ng aking hita sa kanyang buhay na buhay na kumpare. 'Yon nga lang, paano pa ako makakatulog nito? Sa tingin ko ay gabi pa sa mga oras na ito dahil nababanaag ko sa jalousie naming bintan