Alwena Pagsapit ng saktong isang oras ay kaagad na akong lumabas ng kanyang opisina bitbit ang aking bag. "Ma'am Alwena, aalis na po ba kayo?" tanong ni Shynn sa akin na kararating lamang sa kanyang mesa habang may hawak na isang tasa ng umuusok na kape. "Oo, pakisabi na lang sa boss mong walang k'wenta." "Po?" Halatang nagulat naman siya sa aking sinabi. "At saka, tigil-tigilan mo ang katatawag sa akin ng ma'am. Magre-resign na 'ko dito," pagkasabi ko niyon ay kaagad na akong nagmartsa sa hallway. Kita ko naman sa gilid ng aking mga mata ang paghabol ng tingin sa akin ng lahat ng mga empleyado. Alas kwatro pa lang naman ng hapon at hindi pa oras nang uwian kaya lang ay wala naman na akong gagawin dito at wala na rin akong balak pang bumalik. Paglabas ko ng gusali ay sakto namang