29

1144 Words
"Alam mo D ang laki ng bahay na binili ni Kairo sa Hawaii." sabi ni Kuya Domm. Which is di niya alam, limited lang naman kasi ang alam niya tungkol sa asawa niya. "Di niya nababanggit sa akin Kuya." sagot ko nalang. "Ah baka surprise niya sayo, sinama niya ang barkada doon e. Nung bago kami nagpa Cebu unang balik mo." dugtong pa nito. Di niya alam ang ganung bagay. Tungkol sa asawa niya dahil di naman ito nag oopen ng mga plano nito sa buhay. Di naman kasi siya ang gusto nitong kasama sa habang buhay nito. Di na siya magtataka pa kung bukas makalawa ay iiwanan na siya nito ng tuloyan. "Di ko alam Kuya." sagot ko nalang. Nauna ng bahagya si Lira at si Emerald sa kanila. "D alam kung di kayo okay, kung di ka masaya sa kanya humiwalay ka kahit kaibigan ko yun kung alam kung ginagago ka niya e pasensyahan kami. Ayokong makita kang masaktan." sabi ni Kuya na inakbayan ako. Maya maya pa ay masaya na naman kaming nag uusap hanggang sapitin namin ang parking area kung saan doon na namin hihintayin si Kuya Dustin at si Dianne. _______4625_______ Ilang minuto na ang nakalipas mula ng makaalis si Kuya Domminic at Ate Emerald ng mula sa kung saan ay ilang kalalakihan ang lumapit sa kanila. Pawang nakabonnet ang mga ito. "Sino kayo? anong kailangan nyo sa amin?" nag pupumiglas kung tanong sa mga ito. Ngunit pawang mga bingi ang mga ito. Bang! Kita niya ang pagbaril ng mga ito kay Mang Ben. "Mang Ben!" halos magkapanabay na hiyaw namin ni Lira. Di niya inaalala ang sarili ang iniisip niya ay ang hipag lalo at maliliit pa ang mga pamangkin niya. Bukod pa doon ay alam niyang lubos na masasaktan ang kapatid niya. Napasiksik sila ni Lira sa isa't isa. "Ate Lira wag kana mang laban please para di ka saktan!" mariing sabi ko sa babae. Bakas ang takot sa amin ngunit pilit siyang magiging matatag upang makatakas sila. Wala silang kalaban laban ng kaladkarin sila ng mga ito papuntang sasakyan ng mga ito sa di kalayoan. Nakapagtatakang wala man lang nag monitor ng cctv camera sa lugar. She is an agent at alam niyang sa mga ganito kalalaking event lalo at malalaking personalidad ang mga panauhin ay tight ang seguridad ngunit ngayon ay iba. Nang sapitin nila ang sasakyan ay pilit niyang inaaninag ang plate number ng sasakyan. Ngunit sa dilim ng lugar ay bigo siyang makita man lang kung may plate number nga ang sasakyan. "Piringan at busalan ang dalawang iyan!" sabi ng isang lalaki mukhang ito ang pinaka lider ng grupo. Ramdam nila ang pag lundo ng sasakyan na tila may iba pang isinakay bukod sa kanilang maghipag. Naramdaman niya ang mabilis na pag harurot ng sasakyan lalo at may mga lubak lubak sa daan. Dinig niya ang iyak ng babae ng magising siya nilinga niya ang hipag na gaya niya ay tolog din. Wala na silang piring ngunit nanatiling nakatali sila. Paglinga niya sa kabilang panig ay nandun ang dugoan na fiancee ni Kuya Dos na si Wennie at nobya ni Kuya Yael na si Jam. Umiiyak si Jam habang kalong ang halos wala ng buhay na si Wennie. Nagising si Ate Lira at umiiyak na kaming pareho. Para siyang sinasakal ng makita ang kalagayan ni Wennie alam niya kasing buntis ito. Pinilit nilang magmakaawa sa mga dumukot sa kanila na dalhin sa hospital ang babae. Ngunit huli na ang lahat wala na itong pulso. Pinilit niyang palapitin si Jam sa kanilang mag hipag. Alam niyang kailangan nilang magpakatatag na tatlo lalo na ng malamang buntis din si Jam. "Magpakatatag ka para sa baby mo! Pipilitin naming patakasin ka." bulong ko dito. Umiiyak man ay tumango ang babae. Tama na ang isa lang na patay sa amin kung may pwede mang mamatay sa kanilang tatlo ay siya iyon. Di pwede ang sinuman sa dalawa lalo at may mga asawa at nobyo na naghihintay sa mga ito. Siya alam niyang wala maliban sa pamilya niya. Alam niyang masasaktan ang pamilya niya pag namatay siya ngunit alam niyang kakayanin ng mga ito na wala siya. Alam niyang wala siyang halaga sa asawa niya marahil ay di ito tutulong upang hanapin siya. Pero ang Kuya niya at si Yael alam niyang lubos ang pag aalala sa mga nobya ng mga ito. Nang maisip si Dos ay napahagulhol siya alam niya kung gaano nito kamahal si Wennie. Paano nito tatanggapin ang pagkawala ng nobya? gayong buntis pa ang babae sa kanilang anak. Paano nito haharapin ang katotohanang sa isang iglap ay nawala dito ang dalawang mahalagang tao sa buhay nito. "Dria, baka patayin din nila tayo!" si Jam na tahimik na umiiyak sa tabi niya. Tolog si Lira sa tabi niya. "Hssh wag kang mag isip ng negative muna. Sa ngayon magpalakas ka para makatakas ka kailangan mong tatagan ang isip mo dahil makakasama sa baby nyo ang matinding emosyon. Magdasal ka lang makakatakas ka! ipinapangako ko sayo." sabi ko dito. Tila naman nahimasmasan ang babae. Maya maya pa ay tolog na din ito. Bakas ang luha sa mga mata nito naihulog na ang bangkay ni Wennie kanina doon sa isang bakanteng lote na dinaanan nila. Bagamat may street light ay di niya matukoy ang lugar dahil malalim na ang gabi. Bukod doon ay pawang mga bulubundokin ang kanilang binabagtas. Pinilit niyang matulog upang makapag ipon ng lakas kailangan niya iyon upang may panlaban siya. Di niya alam kung gaano na sila katagal na nakahinto bukang liwayway na nang mga oras na iyon. Tulog ang driber pero pawang gising naman ang iba. Di sila pwedeng tumakas na gising ang karamihan sa mga bantay. Bukod sa puro sila babae at buntis pa ang isa ay pawang matataas na kalibre ng baril ang mga nakasukbit sa balikat ng mga ito. Di niya mabilang ang dami ng mga lalaki mula sa side mirror ay kita niyang may apat pang sasakyan ang nasa likod nila. May mga naninigarilyo sa labas ng mga sasakyan at kagaya ng mga bantay nila may baril din ang mga ito. Hinuha niya ay isang malaking sindikato ang may hawak ngayon sa kanila. Alam niyang isang pagkakamali nila ay isa sa kanila ang mamamatay at ayaw niyang mamatay na di siya sigurado na ligtas ang dalawang babae. Kung mamamatay man siya sisiguradohin niya muna na ligtas na ang dalawa. Kung ito man ang huling sandali ng buhay niya sana maging masaya na ang asawa niya at mapalaya na nito ang sarili. Nalulungkot siya na mukhang mapapaiksi ang buhay niya ngunit ng maisip na baka ito na ang paraan ng panginoon upang tapusin na ang paghihirap ng kalooban niya then malugod niya iyong tatanggapin. Maya maya pa ay muling nag sisakay ang mga ito at muling nag biyahe na naman. Pinikit niya ang mga mata at pinilit na matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD