28

1031 Words
Nagkikislapang mga camera ang sumalubong sa kanilang pagdating sa mismong venue. Wala siyang tiyak na date sa gabing ito habang ang kambal naman niya ay ang bestfriend nito na si Wind ang ka date. Biniro naman siya ng Kuya niya na tawagan ang asawa subalit alam niyang busy na tao ito. Di rin naman nito obligasyon na maging date niya sa mga ganitong pagtitipon. Sana lang i process na ng abogado nito ang annulment papers nila para maging malaya na ulit ito. Kahit ang saya man lang sa mukha ng asawa ang makita niya uli sapat na iyon sa kanya. Kahit pa nga ang habang buhay na pagka durog niya ang magiging kapalit nun. Nagulat pa siya ng may humawak sa beywang niya. Ang kanyang asawa. "Smile Tala, wag mo muna akong sungitan ngayon masisira ang image ko!" sabi ng lalaki na halatang binibiro ako. "Tsee! isa kang malaking Tukmol." irap ko dito nagpa picture na kami sa gilid bago kami pumasok. Maingay at mukhang blast ang party. "Sus, Tala pupunta muna ako sa kabila ah." sabi nito bago pa man siya nakasagot ay dali dali na itong tumawid sa kabilang bahagi. Namataan niya ang ex nito na nandun. Maya maya pa ay masaya na itong nakikipag kwentohan sa mga tao at sa ex nito. Masakit parin palang talaga kahit anong pilit niyang tago akala niya na sanay na siya sa sakit. Pero tila nalagyan ng asido ang sugat na nilikha niya. May pahampas pa ang babae sa asawa niya. Gusto niyang sigawan ito at awayin dahil asawa siya ngunit anong laban niya kung puso ng asawa niya ang hawak nito habang siya ay ang kakapiranggot na papel lang ang hawak niya. Iniiwas niya ang tingin doon, pilit na hinamig ang sarili kumuha siya ng wine at inisang lagok lang iyon. Gusto niyang magpakalasing mamaya pag uwi ngayon na wala na siyang commitment sa agency malaya na siyang magpakapariwara. Pasimple niyang pinahid ang luha na pumuslit sa kanyang mga mata. Gusto niyang humagulhol sa labis na sakit na kanyang naramdaman tila patalim na humihiwa ang ngiti mula sa mga labi ng asawa habang kausap ang babaeng mahal na mahal nito. Tumayo siya upang pumunta ng cr pabalik na siya sa table nila nang makita niya si Johann, naging kaklase niya ito noon di niya lang maalala kung saang school. "Hey Dria!" bati nito na bumeso sa kanya. Hinayaan niya lang sa ngayon wala doon ang isip niya. Kundi nasa kabilang panig nasa asawa niyang kinakalantari ng iba. "Hey Johann, kumusta?" bati ko. "Ito single padin, how about you?" tanong nito. Natameme siya di kasi niya alam ang status niya sa ngayon. Baka pag sinabi niya na kasal na siya e yun pala may desisyon na pala na annulled na ang kasal nila. O kung sabihin niya na hindi pa siya kasal tapos kasal naman talaga siya. "Okay lang ako, anyway see you later. " bago nagmamadaling lumayo. Maya maya ay bumalik na ang asawa ako naman pabalang parin na sumasagot sa mga sinasabi nito. Ayaw niyang mag nag about sa nakita ko kanina. Pinakilala ko ito sa asawa ni Kuya Dustin nang mapag solo kami ay hinayaan ko lang siya na dumaldal ng dumaldal. Iniisip niya kung saan siya maaring mag lungga uli ayaw niya munang makipag usap sa mga tao sa kanyang paligid. Isang pagkakamali lang ang nagawa niya ngunit habang buhay ang naging kapalit. Habang buhay na pagdurusa niya, habang buhay na pait na dadanasin niya nandamay pa siya ng taong mahal niya. Tila nakakulong silang dalawa sa butas na wala silang takas isa lang ang maaring maging masaya at di siya iyon kundi ito. Deserve nitong maging masaya. "Gusto kong maging masaya ka, and that is impossible because of me." mahina kung sabi. "What? anong sabi mo? lakasan mo naman Tala alam mo namang ang lakas ng sounds ng music." reklamo nito. Ngumiti "Sabi ko Tukmol ka!" nakangising sabi ko dito. Kung di lang malaki ang kasalanan niya dito baka na lumpo na niya ito ngayon matapos itong makipag harutan sa ex nito. Ngunit dahil kasalanan niya ang lahat ay wala siyang karapatan na magselos man lang. Pilit niyang pinasigla ang sarili kahit na pag lingon niyang muli ay nakita niyang nag uusap ng masinsinan ang dalawa sa isang panig ng bulwagan. Doon na siya parang nanghina kaya pasimple siyang pumunta sa isang bahagi ng bulwagan na walang gaanong tao. Doon niya ibinuhos ang luha at ang sakit na pilit niyang itinago sa napakahabang panahon. Gaano ba siya kasamang tao para ganitong sakit sa dibdib ang danasin niya? Yun ang tanong na hindi niya kayang bigyan ng kasagutan, hindi niya tiyak kung gaano katagal bago niya napahupa ang sarili. Nag hilamos siya sa rest room at nag retouch bago muling bumalik sa kanilang table. Sakto naman na nagyaya na umuwe na si Kuya Dustin at Kuya Domm nya. Ipinagpasalamat niya iyon lalo at medyo masama ang kanyang pakiramdam. Hindi niya na hinintay pa si Kairo, siguro mas maigi na sanayin niya na naman ang sarili niya na wala ito. Dahil alam niyang para niya lang inuuto ang sarili niya na okay sila gayong alam niyang di naman talaga. Napagkasundoan nila na umuna na ni Lira sa sasakyan dahil ayaw na niyang makita pa si Kairo bago umuwe. Kaya sumabay na sila kay Emerald at Kuya Domminick. Inaantok na din kasi si Lira kaya nagpasya na siyang sumabay nalang kami papuntang parking. Gusto niya din na magpahinga sa sasakyan upang hamigin ang sarili at nang makaiwas na din sa asawa. Mas maigi na may distansya siya sa asawa ayaw niyang maging masokista pa. Hindi man niya ipinapakita na nasasaktan siya alam niyang ramdam ng pamilya niya ang hinagpis niya. Ang pagdurusa niya sa loob ng mahabang panahon ay pilit niyang ikinukubli sa kanyang pamilya ngunit hindi niya iyon maitatago habang panahon. May mga pagkakataon na kinakausap siya ng mga magulang niya at mga kapatid. Lalo na ang kanyang kakambal kung saan malaya niyang nasasabi ang lahat. Kaya nakaka konsensya din na maging ang relasyon nito ay naapektuhan din ng dahil sa kanya. Takot itong makipag relasyon sa lalaki, dahil sa sinapit niya kaya naman wala itong tinatanggap na manliligaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD